You are on page 1of 6

Sangay ng mga Paaralang Panlungsod ng Parañaque

ARALING PANLIPUNAN 10
Ikalawang Markahan

Unang Linggo
GLOBALISASYON: PAANO KA NAGSIMULA?

Mga Kasanayang Pampagkatuto


Nasusuri ang dahilan, demensyon at epekto ng globalisasyon.

Balikan Natin
Panuto: Tukuyin kung anong yugto ng CBDRRM PLAN ang ipinahahayag ng
bawat bilang. Piliin ang sagot sa ibaba. Isulat ang sagot sa patlang bago ang
bilang.
A. Disaster Response C. Disaster Preparedness
B. Disaster Prevention and Mitigation D. Disaster Rehabilitation and Recovery
___1. Pagsasaayos ng komunidad upang maipanumbalik ang normal na daloy ng
pamumuhay.
___2. Tinataya ang kakayahan at kapasidad ng isang komunidad sa pamamagitan ng
Capacity Assessment.
___3. Ang Hazard Assessment ay ang pagsusuri sa lawak, sakop, at pinsala na maaaring
danasin ng isang lugar kung ito ay mahaharap sa isang sakuna o kalamidad sa isang
partikular na panahon.

Unawain Natin

Globalisasyon: Konsepto at Perspektibo

Ang globalisasyon ay katagang ginamit ng ilan upang ilarawan ang lumalawak na


pandaigdigang pagkaasa ng mga tao at mga bansa sa isa’t-isa. Ang globalisasyon ayon kay
Ritzer ay proseso ng mabilisang pagdaloy o paggalaw ng mga tao, bagay, impormasyon at
produkto sa iba’t ibang direksyon na nararanasan sa iba’t ibang panig ng daigdig. Sinasalamin
nito ang malaya at malawakang pakikipag-ugnayan ng mga bansa sa daigdig sa mga gawaing
pampulitika, pang-ekonomiya, panlipunan, panteknolohiya at pangkultural.

Ilan sa mga salik na nagbigay daan sa pag-usbong ng globalisasyon:

• Pagkakaroon ng pandaigdigang pamilihan (world market)


• Paglago ng pandaigdigang transaksyon sa pananalapi (foreign currency)
• Ang pagpapalaganap ng makabagong ideya at teknolohiya
• Pagdami ng mga dayuhang mangangalakal sa iba’t ibang mga bansa (foreign direct
investments)
• Paglawak ng kalakalan ng transnational corporations (TNCs) at multinational companies
(MNCs)
• Pag-unlad ng mga makabagong pandaigdigang transportasyon at komunikasyon

Limang (5) Perspektibo at mga Pananaw sa Globalisasyon


Hindi tiyak kung saan nagsimula ang globalisasyon ngunit may mga iba't ibang perspektibo o
pananaw ukol sa kasaysayan at simula ng globalisasyon. Narito ang mga ito.

1
1. Ang globalisasyon ay taal o nakaugat na sa bawat isa. Ayon kay Nayan Chanda
(2007), dahil sa paghahangad ng tao na matugunan ang kanyang mga
pangangailangan at magkaroon ng mas maayos at maginhawang buhay, gumawa ito
ng paraan upang makipagkalakalan, manakop, at iba pa.
2. Ang globalisasyon ay isang mahabang proseso o siklo ng pagbabago. Sinabi ni
Scholte (2005), na maraming globalisasyon na ang dumaan sa nakalipas na panahon
at ang globalisasyon ngayon ay mas mataas na ang lebel kumpara noon.
3. Ang globalisasyon ay may anim na panahon o na tinatawag na wave o epoch na
pinagdaanan. (Therborn 2005)
Panahon Katangian
Ika- apat hanggang ika- 5 siglo Globalisasyon ng relihiyong - Islam at Kristiyanismo kasabay ng
(century) paglawak ng ekonomiya
Huling bahagi ng ika-15 siglo Pananakop ng mga Europeo
(century)
Huling bahagi ng ika-18 siglo Digmaan sa pagitan ng mga bansa sa Europa sa larangan ng
hanggang unang bahagi ng ika-19 ekonomiya na nagging daan sa globalisasyon
na siglo (century)
Gitnang bahagi ng ika-19 na siglo Rurok ng imperyalismo na mula sa kanluran
hanggang 1918
Post-World War II Pagkakahati ng daigdig sa dalawang puwersang ideolohikal -
komunismo at kapitalismo
Post-Cold War Pananaig ng kapitalismo bilang sistemang pang-ekonomiya;
nagbigay-daan sa mabilis na pagdaloy ng pangangalakal,
teknolohiya at mga ideya, sa pangunguna ng Estados Unidos
4. Ang ikaapat na pananaw o perspektibo ay hawig sa ikatlong pananaw. Naniniwala ito na ang
simula ng globalisasyon ay galing sa partikular na pangyayari mula sa kasaysayan at
maaaring marami ang pinag-ugatan o ang naging sanhi ng globalisasyon. Halimbawa ng mga
pangyayaring ito ay ang mga sumusunod:
- Kalakalan sa Mediterranean noong gitnang panahon,
- Ang pagsisimula ng pagbabangko sa mga siyudad-estado sa Italya noong ika-12 na siglo,
- at ang paglalakbay ng mga Vikings mula Europa patungong Iceland, Greenland at Hilagang
Amerika.
5. Ang globalisasyon ay nagsimula sa gitna nang ika-20 na siglo kung saan ang tatlong
pangyayaring ito ay may direktang kinalaman sa pag-usbong ng globalisasyon:
- Pag-usbong ng kapangyarihan ng Estados Unidos pagkatapos ng World War II
- Paglipana ng mga multinational corporations (MNCs) at transnational corporations (TNCs)
- Pagbagsak ng Soviet Union at ang pagtatapos ng Cold War

Mga Anyo ng Globalisasyon

1. Globalisasyong Ekonomiko

Sentro sa isyung globalisasyon ang ekonomiya na tumutuon sa kalakalan ng mga


produkto at serbisyo. Mabilis na nagbago ang paraan ng palitan ng mga produkto at serbisyo
sa pagitan ng mga bansa sa daigdig sa nagdaang siglo. Kinakitaan ito ng pag-usbong ng
malalaking korporasyon na ang operasyon ay nakatuon hindi lamang sa bansang pinagmulan
kundi maging sa ibang mga bansa.

2
Ang mga MULTINATIONAL COMPANIES (MNcs) at TRANSNATIONAL
COMPANIES (TNcs)

Pangkalahatang katawagan na Tumutukoy sa mga kompanya o


tumutukoy sa mga namumuhunang negosyong nagtatatag ng pasilidad
kompanya sa ibang bansa ngunit ang sa ibang bansa kung saan ang
mga produkto o serbisyong ipinagbibili kanilang produkto na ipinagbibili ay
ay hindi nakabatay sa nakabatay sa lokal na
pangangailangang lokal ng pamilihan. pangangailangan. Halimbawa nito
Ilang halimbawa nito ay ang Unilever,
ay ang Shell, Accenture, TELUS
Proctor & Gamble, Mc Donald’s, International Phils., at Glaxo-
Coca-Cola, Google, UBER, Smith Klein.
Starbucks, Seven-Eleven, Toyota
Motor, Dutch Shell, at iba pa.

Malaki ang implikasyon ng pag-usbong ng mga multinational at transnational corporations sa


isang bansa. Ilan sa mga ito ay ang pagdami ng mga produkto at serbisyong mapagpipilian ng mga
mamimili na nagtutulak naman sa pagkakaroon ng kompetisyon sa pamilihan na sa kalaunan ay
nagpapababa ng halaga ng mga nabanggit na produkto. Maituturing itong pakinabang sa mga
mamimili. Bukod dito, nakalilikha rin ito ng mga trabaho para sa mga manggagawang Pilipino.
Ngunit kaakibat ng magandang epekto nito ay ang mga suliraning nakakaapekto sa maraming
bilang ng mga Pilipino. Isa na rito ang pagkalugi ng mga lokal na namumuhunan dahil sa di-patas na
kompetisyong dala ng mga multinational at transnational corporations na may napakalaking puhunan.
Sa kalaunan, maraming namumuhunang lokal ang tuluyang nagsasara.

Mga Manipestasyon ng Globalisasyon

OUTSOURCING Tumutukoy ang outsourcing sa pagkuha ng isang kompanya ng serbisyo


mula sa isang kompanya (employment agency) na may kaukulang bayad.
Mga Uri
1. Offshoring - Pagkuha ng serbisyo ng isang kompanya mula sa ibang bansa na
naniningil ng mas mababang bayad.
2. Nearshoring - Tumutukoy sa pagkuha ng serbisyo mula sa kompanya sa kalapit
na bansa. Layunin nitong iwasan ang mga suliraning kaakibat ng offshoring
sapagkat inaasahan na ang kalapit bansang pagmumulan ng serbisyo ay may
pagkakahawig kung di man pagkakatulad sa wika at kultura ng bansang
nakikinabang sa paglilingkod nito.
3. Onshoring - Tinatawag din na domestic outsourcing na nangangahulugan ng
pagkuha ng serbisyo sa isang kompanyang mula din sa loob ng bansa na
nagbubunga ng higit na mababang gastusin sa operasyon.

OFW Bilang Manipestasyon ng Globalisasyon

Malaking bahagdan ng manggagawang Pilipino ay matatagpuan sa iba’t ibang panig ng daigdig


partikular sa Timog- Kanlurang Asya tulad ng Qatar, Saudi Arabia, United Arab Emirates at Silangang
Asya tulad ng South Korea, Japan, at Taiwan.
Ang pangingibang-bayan ng manggagawang Pilipino ay nagsimula sa panahon ni dating
Pangulong Ferdinand Marcos bilang panandaliang tugon sa kakulangan ng pambansang budget
(budget deficit) ng kaniyang administrasyon. Naging matagumpay ang stop gap measure na ito. Nang
makita ng pamahalaan ang malaking kapakinabangang makukuha dito’y pinaigting pa ang

3
pagpapadala ng mga manggagawa sa ibang bansa kaya naman nagpapatuloy ito hanggang sa
kasalukuyan.
2. Globalisasyon Teknolohikal at Sosyo-Kultural
Hindi lamang sa ekonomiya makikita ang manipestasyon ng globalisasyon, matatagpuan din ito sa
aspetong teknolohikal at sosyo- kultural ng mga bansa sa daigdig. Sa Pilipinas, madalas ang paggamit
ng mobile phones. Sa katunayan, ang pagtext ay naging bahagi na ng pang-araw-araw na pamumuhay
ng marami. Ayon sa pag-aaral, marami sa mga cellphone users ay hindi lamang itinuturing ang
cellphone bilang isang communication gadget, ito ay nagsisilbi ring ekstensiyon ng kanilang sarili kaya
naman hindi madaling maihiwalay ito sa kanila. Nakatutulong ang teknolohiyang ito sa pagpapabuti ng
kanilang pamumuhay. Sa paggamit nito, mabilis na nakahihingi ng tulong sa panahon ng
pangangailangan tulad ng kalamidad. Isa rin dito ang mabilis na transaksiyon sa pagitan ng mga tao.
Higit na pagbabago ang dinala ng computer at internet sa nakararami. Ito ay nakaagapay sa
pagbibigay ng iba’t ibang uri ng serbisyo tulad ng e-mail. Napabibilis din nito ang pag-aaplay sa mga
kompanya, pag- alam sa resulta ng pagsusulit sa kolehiyo at pamantasan, pagkuha ng impormasyon
at balita, pagbili ng produkto at serbisyo na mas kilala sa tawag na e-commerce o “online business”.
Kaugnay sa pagdami ng mobile phones at computer ay ang mabilis na pagdaloy ng mga ideya at
konsepto patungo sa iba’t ibang panig ng mundo dahil ang mga ito ay nasa digitized form. Ang mga
ideyang ito ay nakapaloob sa iba’t ibang anyo tulad ng musika, pelikula, videos, larawan, e-books at
iba pa na makikita sa iba’t ibang social networking sites at service provider.
Kaalinsabay ng pag-usbong ng mga social networking sites tulad ng facebook, twitter,
instagram at myspace ay ang pagbibigay kakanyahan sa mga ordinaryong mamamayan na ipahayag
ang kanilang saloobin sa iba’t ibang paksa o usapin. Aktibo nang nakikibahagi ang mga netizen sa mga
usaping lubos na nakakaapekto sa kanila.
Sa kasalukuyan, mapapansin sa Pilipinas ang impluwensiyang kultural ng mga Koreano sa
anyo ng pop culture dahil sa mga sikat na pelikula, Koreanovela, K-pop culture, at mga kauri nito. Dahil
sa globalisasyon, ang mga estilo ng pananamit ay nagkakahalo-halo na rin. Ang mga pambansa o
rehiyonal na kasuotan ay dumadalang na. Ang mga kabataan sa iba’t ibang bansa maging sa Pilipinas
ay kadalasan na nagsusuot ng maong na pantalon, jeans, t-shirt, sapatos na goma, sandals at iba pa
samantalang ang mga nagtatrabaho naman sa mga opisina na ay nagsusuot ng amerikana.

3. Globalisasyong Politikal
Globalisasyon nang maituturing ang mabilisang ugnayan sa pagitan ng mga bansa, samahang
rehiyunal (Regional Organizations) at pandaigdigang organisasyon na kinakatawan ng kani-kanilang
pamahalaan.
Kung tutuusin, hindi mapaghihiwalay ang manipestasyong ekonomikal, politikal at kultural sa
usaping globalisasyon. Ang mga ito ay sabay-sabay na nagpapabago ng buhay ng maraming tao hindi
lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo.
Ang anyong ito ay tumutukoy sa mas madaling pakikipag-ugnayan ng mga bansa sa isa't isa.
Kadalasan, ang mga lider at mga organisadong grupo ang nag-iimpluwensiya. Ang mga pinuno ng mga
bansa ay nagpupulong bago bumuo ng isang kasunduan. Sila ay nakikipag-ugnayan at
nakikipagtulungan sa isa’t-isa para sa kanilang mga kapakanan at pangangailangan. Ang mga pinuno
ng mga bansa ay nagtutulungan upang mapuksa ang mga krimen, terorismo, pagpupuslit ng
ipinagbabawal na gamot, kumakalat na sakit, imigrasyon, at climate change at mga bunga nito. Ang
mga halimbawa ng pandaigdigang organisasyon ay ang ASEAN community, Japan International
Cooperation Agency, World Health Organization, International Criminal Court, World Trade
Organization, APEC, at iba pa.

Ilapat Natin
Alamin natin ang Kasaysayan ng Pag-usbong ng Globalisasyon.
I-KATEGORYA MO! 4
Panuto: Gumawa ng talahanayan ayon sa inilalarawan sa pahina. Gamit ang mga
perspektibo sa gawaing I -kategorya mo, buuin ang gagawing talahanayan. Isulat ang
sagot sa loob ng talahanayan.
UNANG IKALAWANG IKATLONG IKAAPAT NA IKALIMANG
PERSPEKTIBO PERSPEKTIBO PERSPEKTIBO PERSPEKTIBO PERSPEKTIBO
1. 1. 1. 1. 1.
2. 2. 2. 2. 2.

● Paglitaw ng mga MNCs at TNCs

● May tiyak na simula ang globalisasyon

● Mahabang proseso o siklo (cycle) ng pagbabago

● Taal o nakaugat na sa bawat isa “Nayan Chanda”

● May anim na wave o epoch o panahon “Therborn”

● Maraming globalisasyon na ang dumaan “Scholte”

● Penomenong nagsimula sa kalagitnaan ng ika-20 siglo

● Paghahangad ng tao nang maayos na pamumuhay

● Pananakop ng mga Romano bago man maipanganak si Kristo

● Paglalakbay ng mga Vikings mula Europe patungong Iceland, Greenland

Suriin Natin
I-CHECK MO PAST AND FUTURE MO!
Panuto: Ilarawan mo ang bilis at antas ng globalisasyon sa Pilipinas sa loob
ng tsart sa ibaba.Isulat ang sagot sa loob ng tsart.
Halimbawa:
Ekonomiya: barter system – gamit ang salapi sa pagbili ng produkto- online
trading and online payment.
ASPETO NG LIPUNAN BILIS AT ANTAS NG GLOBALISASYON
EKONOMIYA
KULTURA
IMPORMASYON
POLITIKAL

Tayain Natin
Panuto: Unawaing mabuti ang mga sumusunod na katanungan. Isulat ang sagot
sa patlang bago ang bilang..

___1. Ito ay ang pangyayaring lubusang nakapagpabago sa buhay ng tao sa kasalukuyan.


A. Ekonomiya B. Globalisasyon C. Migrasyon D. Paggawa
___2. Ano ang kahulugan ng globalisasyon?
A. Malawakang pagbabago sa sistema ng pamamahala sa buong mundo
B. Mabilis na paggalaw ng mga tao tungo sa pagbabagong politikal at
ekonomikal ng mga bansa sa mundo
C. Pagbabago sa ekonomiya at politika na may malaking epekto sa sistema
ng pamumuhay ng mga mamamayan sa buong mundo
D. Proseso ng pagdaloy o paggalaw ng mga tao, bagay, impormasyon at
produkto sa iba’t ibang direksyon na nararanasan sa iba’t ibang bahagi ng daigdig 5
___3. Anong anyo ng globalisasyon ang maituturing ang mabilisang ugnayan sa pagitan ng
mga bansa, samahang rehiyunal at maging ng pandaigdigang organisasyon na
kinakatawan ng kani-kanilang pamahalaan?
A. Ekonomiko B. Teknolohikal C. Kultural D. Pulitikal
___4. Anong anyo ng globalisasyon ang mabilis na tinatangkilik ng mga mamamayan sa
developing countries ang paggamit ng cellular phones o mobile phone na nagsimula sa
mauunlad na bansa? Partikular dito ang mga bansang tulad ng Pilipinas, Bangladesh at India.
A. Ekonomiko B. Teknolohikal C. Kultural D. Politikal
___5. Ang pangkalahatang katawagan na tumutukoy sa mga namumuhunang kompanya sa
ibang bansa ngunit ang mga produkto o serbisyong ipinagbibili ay hindi nakabatay sa
pangangailangang lokal ng pamilihan.
A. Multinational Corporations C. San Miguel Corporation
B. Transnational Corporations D. Universal Robina Corporation
___6. Ang mga sumusunod ay limang perspektibo o pananaw tungkol sa globalisasyon. Alin
dito ang hindi kabilang?
A. Paniniwalang ang globalisasyon ay taal o nakaugat sa bawat isa
B. Ang globalisasyon ay isang mahabang siklo (cycle) ng pagbabago.
C. Ang simula ng globalisasyon ay mauugat sa ispesipikong pangyayaring naganap sa
kasaysayan.
D. Ang globalisasyon ay paniniwalang may sampung (10) wave o epoch o panahon na siyang
binigyang diin ni Therborn (2005)
___7. Bakit maituturing na panlipunang isyu ang globalisasyon?
A. Patuloy na pagbabago sa kalakarang pamumuhay ng mga mamamayan.
B. Nagdudulot ng masamang epekto sa panlipunan, ekonomikal at pulitikal na aspeto.
C. Naaapektuhan nito ang mga maliit na industriya at mas higit na pinauunlad ang mga
malalaking industriya.
D. Tuwiran nitong binago, binabago at hinahamon ang pamumuhay at mga perennial na
institusyon na matagal ng naitatag.
___8. Isa sa mga pananaw o perspektibo ng globalisasyon ay ang penomenong nagsimula
sa kalagitnaan ng ika-20 siglo. Alin sa mga sumusunod ang may kinalaman sa mga
pagbabagong naganap sa panahong ito na sinasabing may tuwirang kinalaman sa pag-
usbong ng globalisasyon?
I. Pagbagsak ng Soviet Union at ang pagtatapos ng Cold War
II. Paglitaw ng mga multinational at transnational corporations (MNCs and TNCs)
III. Pag-usbong ng Estados Unidos bilang global power matapos ang Ikalawang
Digmaang Pandaigdig.
IV. Mabilis na tumugon ang mga bansa sa banta ng terorismo sa pamamagitan ng
palitan ng mga impormasyon at kolaborasyon
A. I, II, at III B. II, III at IV C. I, II at IV D. I, III at IV
___9. Alin sa mga sumusunod ang TAMA sa pahayag ng ibat-ibat perspektibo o pananaw
patungkol sa kasaysayan at simula ng globalisasyon?
I. Una ay ang paniniwalang ang ‘globalisasyon’ ay taal o nakaugat sa bawat isa.
II. Ang pangatlong pananaw ng globalisasyon ay naniniwalang may sampung ‘wave’ o
epoch o panahon
III. Ayon dito, ang simula ng globalisasyon ay mauugat sa ispesipikong pangyayaring
naganap sa kasaysayan.
IV. Ang pangalawang pananaw o perkspektibo ay nagsasabi na ang globalisasyon ay
isang maikling siklo (cycle) ng pagbabago.
A. I, II, III at IV B. I, II at III C. I, III at IV D. I, II at IV
___10. Sa ikaapat na pananaw ng globalisasyon; alin sa mga sumusunod ang posibleng
pinag-ugatan ng globalisasyon?
I. Paglaganap ng Islam noong ikapitong siglo
II. Kalakalan sa Mediterranean noong Gitnang Panahon
III. Pagsisimula ng pagbabangko sa mga siyudad-estado sa Italya noong ika-12 siglo
IV. Paglalakbay ng mga Vikings mula Europe patungong Iceland, Greenland at
Hilagang America
A. I, II at III B. I, II at IV C. II, III at IV D. I, III at IV

You might also like