You are on page 1of 52

ARALIN 1

ANYO NG GLOBALISASYON
ANYO NG GLOBALISASYON
A. GLOBALISASYONG EKONOMIKO
B. GLOBALISASYONG TEKNOLOHIKAL AT
SOSYO-KULTURAL
C. GLOBALISASYONG POLITIKAL
ANYO NG GLOBALISASYON
A. GLOBALISASYONG EKONOMIKO

- Sentro sa isyung globalisasyon ang ekonomiya


na umiinog sa kalakalan ng mga produkto at
serbisyo. Mabilis na nagbago ang paraan ng
palitan ng mga produkto at serbisyo sa pagitan
ng mga bansa sa daigdig sa nagdaang siglo.
ANYO NG GLOBALISASYON
A. GLOBALISASYONG EKONOMIKO

- Kinakitaan ito ng pag-usbong ng malalaking


korporasyon na ang operasyon ay nakatuon
hindi lamang sa bansang pinagmulan kundi
maging sa ibang bansa.
GLOBALISASYONG EKONOMIKO
1. Multinational at Transnational Companies
2. Outsourcing
3. OFW Bilang Manipestasyon ng
Globalisasyon
GLOBALISASYONG EKONOMIKO
1. Multinational at Transnational Companies

Transnational Companies (TNC) - ay tumutukoy


sa mga kompanya o negosyong nagtatatag ng
pasilidad sa ibang bansa.

Ang kanilang serbisyong ipinagbibili ay batay sa


pangangailangang lokal.
GLOBALISASYONG EKONOMIKO
1. Multinational at Transnational Companies

Transnational Companies (TNC) –


Binibigyang kalayaan na magdesisyon,
magsaliksik, at magbenta ang mga yunit na ito
ayon na rin sa hinihingi ng kanilang pamilihang
lokal.
GLOBALISASYONG EKONOMIKO
1. Multinational at Transnational Companies

Transnational Companies (TNC) –


Marami sa kanila ay kompanyang petrolyo, I.T.
consulting, pharmaceutical, at mga kauri nito.
Halimbawa nito ang kompanyang Shell,
Accenture, TELUS International Phils., at Glaxo-
Smith Klein
GLOBALISASYONG EKONOMIKO
1. Multinational at Transnational Companies

Multinational Companies (MNC) – ay ang


pangkalahatang katawagan na tumutukoy sa
mga namumuhunang kompanya sa ibang bansa
ngunit ang mga produkto o serbisyong
ipinagbibili ay hindi nakabatay sa
pangangailangang lokal ng pamilihan.
GLOBALISASYONG EKONOMIKO
1. Multinational at Transnational Companies

Multinational Companies (MNC) –


Ilang halimbawa nito ay ang Unilever, Proctor &
Gamble, Mc Donald’s, Coca-Cola, Google, UBER,
Starbucks, Seven-Eleven, Toyota Motor, Dutch
Shell, at iba pa.
GLOBALISASYONG EKONOMIKO
• Matatagpuan ang mga nasabing kompanya o
korporasyon sa iba’t ibang panig ng daigdig.
Marami sa mga ito ay pag-aari ng mga lokal at
dayuhang namumuhunan na nagtataglay ng
malaking kapital.
• Sa katunayan, batay sa datos ng International
Monetary Fund, ang ilan sa mga MNCs at TNCs
ay higit pa ang kinikita sa Gross Domestic
Product (GDP) ng ilang mga bansa.
Ang talahanayan sa ibaba na nagpapakita ng
mga kompanya at bansa kasama ang kanilang
kaukulang kita sa taong 2011.

Kompanya Kita Bansa GDP

1. Yahoo $6.32 billion Mongolia $6.13 billion


Kompanya Kita Bansa GDP

2. Visa $8.07 billion Zimbabwe $7.47 billion

3. eBay's $9.16 billion Madagascar $8.35 billion

4. Nike $19.16 billion Paraguay $18.48 billion


Kompanya Kita Bansa GDP

5. McDonald $24.07 billion Latvia $24.05 billion

6. Amazon $32.16 billion Kenya $32.16 billion

7. Pepsi $57.83 billion Oman $55.62 billion


Kompanya Kita Bansa GDP

8. Apple $65.23 billion Ecuador $58.91 billion

9. Procter and Gamble $79.69 Libya $74.23


billion

10. Ford $128.95 billion Morocco $103.48


billion
Kompanya Kita Bansa GDP

11. GE $151.63 billion New Zealand $140.43


billion

12. Walmart $482 billion Norway $414.46


billion
GLOBALISASYONG EKONOMIKO
• Ano kaya ang implikasyon nito sa mga bansa
kung saan sila matatagpuan?

1. Kompetisyon - Pagdami ng mga produkto at


serbisyong mapagpipilian ng mga mamimili na
nagtutulak naman sa pagkakaroon ng
kompetisyon sa pamilihan na sa kalaunan ay
nagpapababa ng halaga ng mga nabanggit na
produkto.
GLOBALISASYONG EKONOMIKO
2. Pakinabang - Maituturing itong pakinabang sa
mga mamimili.

3. Trabaho - Nakalilikha rin ito ng mga trabaho


para sa mga manggagawang Pilipino.
GLOBALISASYONG EKONOMIKO
Kaakibat ng magandang epekto nito ay ang mga
suliraning nakaaapekto sa maraming bilang ng
mga Pilipino:
1. Pagkalugi ng mga lokal na namumuhunan
dahil sa di-patas na kompetisyong dala ng mga
multinational at transnational corporations na
may napakalaking puhunan.
GLOBALISASYONG EKONOMIKO
2. Maraming namumuhunang lokal ang tuluyang
nagsasara.
3. Malaki rin ang kakayahan ng mga ito na
impluwensyahan ang polisiya na ipinatutupad ng
pamahalaan ng iba’t ibang bansa tulad ng
pagpapababa ng buwis, pagbibigay ng tulong-
pinansyal, at maging ang pagpapagaan ng mga
batas patungkol sa paggawa at isyung
pangkapaligiran.
GLOBALISASYONG EKONOMIKO
4. Higit na pagyaman at paglakas ng mga
nasabing MNCs and TNCs dahil sa nakukuhang
pabor.
5. Paglaki ng agwat sa pagitan ng mayaman at
mahirap.
GLOBALISASYONG EKONOMIKO
Paano kaya matutugunan ang mga suliraning kaakibat
ng paglakas ng MNCs at TNCs?

Outsourcing - Tumutukoy ang outsourcing sa pagkuha


ng isang kompanya ng serbisyo mula sa isang
kompanya na may kaukulang bayad.

Pangunahing layunin nito na mapagaan ang gawain ng


isang kompanya upang mapagtuunan nila ng pansin
ang sa palagay nila ay higit na mahalaga.
GLOBALISASYONG EKONOMIKO
Uri ng Outsourcing batay sa uri ng ibinibigay na
serbisyo:
1. Business Process Outsourcing - tumutugon sa
prosesong pangnegosyo ng isang kompanya.
2. Knowledge Process Outsourcing - nakatuon
sa mga gawaing nangangailangan ng mataas
na antas ng kaalamang teknikal tulad ng
pananaliksik, pagsusuri ng impormasyon at
serbisyong legal.
GLOBALISASYONG EKONOMIKO
Uri ng Outsourcing batay sa layo o distansya na
pagmumulan ng kompanyang siyang magbibigay
ng serbisyo o produkto :
1. Offshoring- Pagkuha ng serbisyo ng isang
kompanya mula sa ibang bansa na naniningil ng
mas mababang bayad. Saksi ang Pilipinas sa
ganitong uri ng outsourcing.
GLOBALISASYONG EKONOMIKO
2. Nearshoring- Tumutukoy sa pagkuha ng
serbisyo mula sa kompanya sa kalapit na bansa.
Layunin nitong iwasan ang mga suliraning
kaakibat ng offshoring sapagkat inaasahan na
ang kalapit bansang pagmumulan ng serbisyo ay
may pagkakahawig kung di man pagkakatulad sa
wika at kultura ng bansang nakikinabang sa
paglilingkod nito.
GLOBALISASYONG EKONOMIKO
3. Onshoring- Tinatawag ding domestic
outsourcing na nangangahulugan ng pagkuha ng
serbisyo sa isang kompanyang mula din sa loob
ng bansa na nagbubunga ng higit na mababang
gastusin sa operasyon.
May katanungan ba?

Takdang Aralin
Gawain 5.Tuklas-Kaalaman
Pagyamanin ang kaalaman tungkol sa paksang
globalisasyong ekonomiko. Gawin ang sumusunod.
1. Magsaliksik ng iba pang halimbawa ng multinational
at transnational companies sa Pilipinas gamit ang aklat
at internet.
2. Tukuyin alin sa mga ito ang may operasyon sa ating
bansa at kung ito ay may kakompetensyang lokal na
namumuhunan.
3. Isa-isahin at ipaliwanag ang mabuti at di-mabuting
epekto ng MNC’s at TNC’s sa ekonomiya ng bansa.
Gawain 5.Tuklas-Kaalaman
MNCs at Operasy Kakomp Mabutin Di-
TNCs on etensya g Epekto Mabutin
sa g Epekto
Ekonom sa
iya Ekonom
iya
Pamprosesong Tanong
1. Nakatutulong ba ang mga multinational,
transnational corporations at outsourcing sa
pag-unlad ng bansa? Patunayan ang sagot.
2. Ano-anong pagbabago ang naidudulot ng
outsourcing at multinational at transnational
corporation sa ating bansa?
3. Sa pangkabuuan, nakabubuti o nakasasama
ba ang mga pagbabagong nabanggit?
Pangatuwiranan.
GLOBALISASYONG EKONOMIKO
OFW Bilang Manipestasyon ng Globalisasyon
- Kung mayroon mang isang buhay na
manipestasyon ng globalisasyon sa ating bansa,
ito ay ang mga manggagawang Pilipino na
nangingibang-bayan upang magtrabaho o
maghanapbuhay.
GLOBALISASYONG EKONOMIKO
OFW Bilang Manipestasyon ng Globalisasyon
- Malaking bahagdan ng manggagawang Pilipino
ay matatagpuan sa iba’t ibang panig ng daigdig
partikular sa Timog-kanlurang Asya tulad ng
Qatar, Saudi Arabia, United Arab Emirates at
Silangang Asya tulad ng South Korea,Japan,
Taiwan, Hongkong at China.
GLOBALISASYONG EKONOMIKO
OFW Bilang Manipestasyon ng Globalisasyon
- Maging sa kontinente ng Europe at America tulad
ng Canada at United States ay kakikitaan ng mga
manggagawang Pilipino.
- Ang pangingibang-bayan ng manggagawang
Pilipino ay nagsimula sa panahon ni dating
Pangulong Ferdinand Marcos bilang panandaliang
tugon sa budget deficit ng kaniyang
administrasyon. Naging matagumpay ang stop gap
measure na ito.
GLOBALISASYONG EKONOMIKO
OFW Bilang Manipestasyon ng Globalisasyon
- Nang makita ng pamahalaan ang malaking
kapakinabangang makukuha dito’y pinaigting pa
ang pagpapadala ng mga manggagawa sa ibang
bansa. Kaya naman nagpapatuloy ito hanggang
sa kasalukuyan.
GLOBALISASYONG TEKNOLOHIKAL AT
SOSYO-KULTURAL
A. MOBILE PHONE

- Mabilis na tinangkilik ng mga mamamayan sa


developing countries ang paggamit ng cellular
phones o mobile phone na nagsimula sa
mauunlad na bansa. Partikular dito ang mga
bansang tulad ng Pilipinas, Bangladesh at
India.
GLOBALISASYONG TEKNOLOHIKAL AT
SOSYO-KULTURAL
A. MOBILE PHONE

- Nakatutulong ang teknolohiyang ito sa


pagpapabuti ng kanilang pamumuhay. Sa
paggamit nito, mabilis na nakahihingi ng tulong
sa panahon ng pangangailangan tulad ng
kalamidad. Isa rin dito ang mabilis na
transaksiyon sa pagitan ng mga tao.
GLOBALISASYONG TEKNOLOHIKAL AT
SOSYO-KULTURAL
A. MOBILE PHONE

- Halimbawa nito’y ang pakinabang na nakukuha


ng mga mangingisda ng Kerala sa India. Bago pa
man pumalaot ang mga mangingisda ay
tinatawagan na nila ang mga ‘prospektibong’
mamimili kaya naman nabibigyang kasiguruhan na
sila ay kikita. Sa katunayan, higit walong porsyento
ang itinaas ng kanilang kita dahil sa sistemang ito.
GLOBALISASYONG TEKNOLOHIKAL AT
SOSYO-KULTURAL
A. MOBILE PHONE

- Sa Pilipinas, talamak ang paggamit ng mobile


phones. Sa katunayan, ang pagte-text ay naging
bahagi na ng pang-araw-araw na pamumuhay ng
marami. Ayon sa pag-aaral ni Dr. Pertierra, marami sa
mga cellphone users ay hindi lamang itinuturing ang
cellphone bilang isang communication gadget, ito ay
nagsisilbi ring ekstensiyon ng kanilang sarili kaya
naman hindi madaling maihiwalay ito sa kanila.
GLOBALISASYONG TEKNOLOHIKAL AT
SOSYO-KULTURAL
B. COMPUTER AT INTERNET

1. Ito ay nakaagapay sa pagbibigay ng iba’t ibang uri


ng serbisyo tulad ng e-mail.

2. Napabibilis din nito ang pag-aaplay sa mga


kompanya, pag-alam sa resulta ng pagsusulit sa
kolehiyo at pamantasan, pagkuha ng impormasyon at
balita, pagbili ng produkto at serbisyo na mas kilala sa
tawag na e-commerce.
GLOBALISASYONG TEKNOLOHIKAL AT
SOSYO-KULTURAL
B. COMPUTER AT INTERNET

3. Kaugnay sa pagdami ng mobile phones at computer


ay ang mabilis na pagdaloy ng mga ideya at konsepto
patungo sa iba’t ibang panig ng mundo dahil ang mga
ito ay nasa digitized form. Ang mga ideyang ito ay
nakapaloob sa iba’t ibang anyo tulad ng musika,
pelikula, videos, larawan, e-books at iba pa na
makikita sa iba’t ibang social networking sites at
service provider.
GLOBALISASYONG TEKNOLOHIKAL AT
SOSYO-KULTURAL
B. COMPUTER AT INTERNET

4. Ang mga sikat na awitin, pelikulang, palabas


sa telebisyon, viral videos at pictures, hashtags,
memes at mga tulad nito ay ilan lamang sa mga
mabilis na kinokonsumo gamit ang electronic
device na may internet access
GLOBALISASYONG TEKNOLOHIKAL AT
SOSYO-KULTURAL
B. COMPUTER AT INTERNET

5. Kalakip nito ang pagtangkilik sa mga ideyang


nagmumula sa ibang bansa partikular ang mga
nagmumula sa United States.

6. Sa kasalukuyan, dama rin sa Pilipinas ang


impluwensiyang kultural ng Koreans sa anyo ng pop
culture dahil sa mga sikat na pelikula, Korean novela,
K-pop culture, at mga kauri nito.
GLOBALISASYONG TEKNOLOHIKAL AT
SOSYO-KULTURAL
B. COMPUTER AT INTERNET

7. Kaalinsabay ng pag-usbong ng mga social networking


sites tulad ng facebook, twitter, instagram at Myspace ay
ang pagbibigay kakanyahan sa mga ordinaryong
mamamayan na ipahayag ang kanilang saloobin sa iba’t
ibang paksa o usapin. Aktibo nang nakikibahagi ang mga
netizen sa mga usaping lubos na nakakaapekto sa kanila.
Netizen ang terminong ginagamit sa mga taong gumagamit
ng social networking site bilang midyum o entablado ng
pagpapahayag.
GLOBALISASYONG TEKNOLOHIKAL AT
SOSYO-KULTURAL
SULIRANING DULOT NG COMPUTER AT INTERNET:
1. Pagkalat ng iba’t ibang uri ng computer viruses
at spam na sumisira ng electronic files at
minsan ay nagiging sanhi ng pagkalugi ng mga
namumuhunan.
2. Pagkakaroon ng mga pagkakataon na
makagawa ng intellectual dishonesty dahil sa
madaling pag-copy and paste ng mga
impormasyon mula sa internet.
GLOBALISASYONG TEKNOLOHIKAL AT
SOSYO-KULTURAL
SULIRANING DULOT NG COMPUTER AT INTERNET:

3. Ginagamit ng ilang mga terorista at


masasamang loob ang internet bilang
kasangkapan sa pagpapalaganap ng takot at
karahasan sa mga target nito.
• Sang-ayon ka ba sa cyber crime law upang
mabigyang-tugon ang suliranin ukol dito?
Ipaliwanag ang iyong sagot.
GLOBALISASYONG POLITIKAL
• Globalisasyong politikal na maituturing ang mabilisang
ugnayan sa pagitan ng mga bansa, samahang rehiyunal
at maging ng pandaigdigang organisasyon na
kinakatawan ng kani-kanilang pamahalaan.
• ang mga kasunduang bilateral at multilateral sa pagitan
ng mga bansa ay nagbigay daan sa epektibo at
episyenteng ugnayan ng mga bansa na nagdulot naman
ng mabilis na palitan ng mga produkto, ideya,
kahusayang teknikal at maging ng migrasyon ng kani-
kanilang mamamayan.
GLOBALISASYONG POLITIKAL
• Ang ugnayang diplomatiko ng Pilipinas sa Australia,
China, Japan, South Korea, Thailand, US at iba pang
mga bansa ay nagdala ng mga oportunidad pang-
ekonomiko at pangkultural sa magkabilang panig.

• Halimbawa nito ang economic and technical aid na


ibinibigay ng ilang bansa sa Pilipinas. Nariyan ang
JICA Project ng Japan, BEST Project ng Australia,
military assistance ng US.
GLOBALISASYONG POLITIKAL
• Sa Timog-Silangang Asya naman halimbawa,
kinakitaan ang mga bansang miyembro ng Association
of Southeast Asian Nations (ASEAN) ng mas maigting
na ugnayan sa nagdaang mga taon na isa sa nagbigay
daan sa mabilis na pag-angat ng ekonomiya ng
rehiyon. Kasalukuyang pinaghahandaan ng mga
bansang kaanib nito ang ASEAN Integration sa taong
2030 na naglalayong mapaigting ang koordinasyon ng
bawat isa upang higit na maging maayos ang
pamumuhunan, kalakalan, at pagtutulungang politikal.
GLOBALISASYONG POLITIKAL
• Kaugnay sa globalisasyong politikal ay ang
gampanin ng mga pandaigdigang institusyon
sa pamamahala ng mga bansa.
GLOBALISASYONG POLITIKAL
• May magandang dulot ang globalisasyong
politikal kung ang layunin nito ay tulungan ang
mga bansa upang higit na maisakatuparan ang
mga programa at proyektong mag-aangat sa
pamumuhay ng mga mamamayan nito ngunit
maaari rin itong maging sagabal sa pag-unlad
ng isang bansa kung ang kanilang interes ang
bibigyang pansin.
SALAMAT SA
PAKIKINIG AT SA
MGA NAKINIG

You might also like