You are on page 1of 22

10

Araling Panlipunan
Unang Markahan
Modyul 3: Mga Hamong
Pangkapaligiran

Tagakontekstuwalisa:
RAMWEN LORENZO N. SANCHEZ
TEACHER III, INAYAWAN NATIONAL HIGH SCHOOL

1
Modyul Mga Hamong Pangkapaligiran
3 (Mga Tugon)
Modyul 3, Pangatlong Linggo

Pamantayang Pangnilalaman:
Ang mag-aaral ay may pag- unawa sa mga sanhi at implikasyon ng mga hamong
pangkapaligiran upang maging bahagi ng pagtugon na makapagpapabuti sa
pamumuhay ng tao.

Pamantayan sa Pagganap:
Ang mag-aaral ay nakabubuo ng angkop na plano sa pagtugon sa hamong
pangkapaligiran tungo sa pagpapabuti ng pamumuhay ng tao.

Pamantayan sa Pagkatuto:
Natatalakay ang kalagayan, suliranin at pagtugon sa isyung pangkapaligiran ng
Pilipinas. (Ikalawang Bahagi)

Paksa: Mga Hamong Pangkapaligiran (Tugon ng Pamahalaan)

Bago tayo magsisimula, subukin ang iyong kaalaman tungkol sa aralin. Bigyang
pansin ang mga konsepto na hindi masasagutan ng wasto at alamin ang sagot nito
sa iba’t ibang aralin sa modyul na ito.

PAALALA: Sa pagsagot ng mga katanungan sa ibaba maging tapat at huwag


munang basahin ang talakayan. Pag-aralang mabuti ang bawat gawain at huwag
kalimutan ang pagpapahalaga sa aralin.

Subukin

Basahing mabuti ang mga katanungan at pagkatapos ay isulat ang titik ng tamang
sagot sa inyong sagutang papel. <-change

1. Aling organisasyon ang nangunguna sa pamamahala ng Solid Waste


Management sa bansa na siya ring nagpapatupad ng RA 9003?
A. Department of Interior and Local Government
B. Department of Education
C. National Solid Waste Management Council
D. Office of the Mayor

2
2. Ang Batas Republika 9003 ay mas kilala bilang?
A. Ecological Planning Council Act of 2003
B. Batas Pambansang Pamamahala sa Kagubatan
C. Ecological Solid Waste Management Act of 2000
D. Batas para sa Makakalikasang Pamahala ng Kalikasan

3. Ilang milyong ektarya ang nilalayong matamnan ng Enhanced National


Greening Program upang mapanumbalik ang laki at lawak ng forest cover ng
Pilipinas noong 1900?
A. 1.5 Milyong Ektarya C. 77 Milyong Ektarya
B. 7.1 Milyong Ektarya D. 100 Milyong Ektarya

4. Ang Batas Republika 11038 ay mas kilala sa pangalang _____________.


A. Extended Natural and Protected Areas Act of 2016
B. Especial Protected Natural Reserve Areas Act of 2021
C. Extended Nature Reserves of the Philippine Act of 2020
D. Expanded National Integrated Protected Areas System Act of 2018

5. Aling ahensya ng gobyerno ang naglalayong pamahalaan ang mga plano nito
sa eksplorasyon at konserbasyon sa paggamit ng enerhiya?
A. Kagawaran ng Edukasyon C. Kagawaran ng Enerhiya
B. Kagawaran ng Eksplorasyon D. Kagawaran ng Konserbasyon

6. Ito ay kadalasang makikita na nakapaskil o nakapinta sa gilid ng mga trak


ng basura. Kumpletuhin ang katagang ito “No Segregation, No
_____________________”.
A. Collection B. Disinfection C. Election D. Repetition

7. Alin ang nilalayong mapamahalaan at mapangalagaan ng Atas ng Pangulo


blg 1067 s. ng 1976 o kilala bilang Water Code ng Pilipinas?
A. Langis sa West Philippine Sea C. Mga anyong tubig sa Pilipinas
B. Lupain sa Philippine Rise D. Perlas ng Bajo de Masinloc

8. Alin sa mga sumusunod na batas ang naglalayong makontrol ang


“pollutants” o dumi sa hangin?
A. Air Reduction Act of 1997 C. Clean Winds Act of 1982
B. Clean Air Act of 1999 D. Clean and Fresh Act of 1987

9. Ano ang layuning “average temperature” ang nais panatilihin ng “Paris


Agreement on Climate Change”? Nais nitong panatilihin na hindi lalagpas sa
_________ ang itataas ng “global average temperature”.
A. 1.5˚ B. 2.5˚ C. 3.5˚ D. 5˚

3
10. Sa prosesong ito pinapatawan ng pamahalaan ang bawat produkto ayon sa
dami ng “fossil fuels” ang nagamit sa paggawa ng produkto. Ano ang tawag
sa “tax” na ito?
A. Anti-Epal Tax B. Carbon Tax C. Dumping Tax D. Epal Tax

11. Paano naman naiiba ang Econest Landfill sa ibang mga landfill sa
ating bansa?
A. Hindi sila tumatanggap ng pinaghalohalong basura.
B. Binigyang kahalagahan ang pagbubukodbukod ng mga basura.
C. Nireresiklo nila ang mga basura para makagawa ng mga bagong
produkto.
D. Lahat ng nabanggit ay nagpapakita kung paano naiiba ang Econest
Landfill sa ibang landfill sa bansa.

12. Ito ay isa sa mga sikat na pasyalan ng mga turista sa Ilocos Norte, dinadayo
ito ng mga tao dahil sa mga naglalakihang “wind turbines” na makikita rito.
Ano ang pangalan ng destinasyong ito?
A. Baguio Solar Farms C. Burgos BioPower
B. Bangui Wind Farms D. Cebu Power Plant

13. Kailan natin masasabing naging epektibo ang mga hakbangin ng mga tao sa
mundo upang mapigilan ang climate change o mabawasan ang mga
panganib na dulot nito?
A. Kung wala mga epektong dala ang climate change.
B. Kung maibabalik natin ang mga ice caps at glaciers.
C. Kung mababago natin ang maaksayang pamumuhay.
D. Kung maabot natin ang average global temperature na 2.5 degrees
Celsius.

14. Sa kabuuan sino ang may pinakamalaking responsibilidad para


pangalagaan ang daigdig na ating kinagagalawan?
A. ANG DIYOS – Siya ang may kapangyarihang ibalik ang mga ice caps ng
daigdig.
B. NEGOSYANTE – sila ang gumagawa ng mga produktong
maksasama sa kapaligiran
C. PAMAHALAAN – Kayang gawan ng batas o patawan ng parusa ang
sinumang gumamit ng anumang makakasira sa kalikasan
D. TAYONG LAHAT – kontrolado natin ang ating pamumuhay at ano
ang mga gagawin sa buhay.

15. Alin sa sumusunod na mga proyekto ang magkakaroon ng pangmatagalang


epekto sa mga kabataan laban sa climate change?
A. Magbibigay ng ayuda sa mga mahihirap.
B. I-decorate ang buong barangay hall sa tulong ng mga kabataan.
C. Turuan ang mga kabataan sa tamang pagbubukodbukod ng basura.
D. Magtatanim ng mga puno sa gitna ng daan, sapa, at mga kabahayan.

4
Alamin

Paunang Salita sa Modyul

Alam nating malaking hamong pangkapaligiran ang hinaharap ng


sanlibutan sa ating panahon ngayon. May mga bansang katulad ng Pilipinas na
unti-unti na ring nauubos ang mga yamang gubat at apektado di lang ang mga
hayop kung hindi pati rin tayo. Malaki ang epekto ng pagkasira ng mga kagubatan
sa ating mga tao, isa na rito ang pagkaubos ng malinis at dekalidad na inuming
tubig mula sa mga watershed o natural na imbakan ng tubig sa mga kagubatan.
Karamihan sa tubig na ating iniinom ay dumadaan na sa mahabang proseso ng
paglilinis dahil kontaminado na ito ng coliform o bacteria mula sa dumi ng tao. Sa
usapin ng basura, marami na rin ang napupurwisyo, umaabot na ito sa ating mga
karagatan at nagiging salot sa mga hayop na naninirahan dito. Apektado rin tayo,
dahil ang mga isdang kinakain natin ay naglalaman o nakakain rin ng plastik at ito
ay masama para sa ating kalusugan. Ang ibang kababayan nating mahihirap ay
nabubuhay sa mga landfills o tambakan ng basura, dito na nakasalalay ang
kanilang paghahanapbuhay, ngunit hindi pwedeng ipagkaila ang panganib na
kahit anong oras ay pwedeng gumuho ang mga gabundok na basura na puwedeng
ikamamatay nila.

Sa modyul na ito matututunan ninyo ang mga naging tugon ng pamahalaan


sa mga hamong pangkapaligiran sa Pilipinas. Basahin natin ang susunod na mga
pahina at unawain kung ito ba ay naging sapat sa pagtugon sa mga hamong ito.

5
A. Aralin 1: Tugon sa Suliranin sa Solid Waste

Alamin

Ngayon samahan ninyo ako sa Modyul 3 Aralin 1. Ito ay sumasaklaw sa Tugon sa


Suliranin sa Solid Waste. Sa loob ng isang linggo ay innaasahan na nasusuri ng
mag-aaral ang mga ito sa pamamagitan ng mga sumusunod:

A. naibibigay ang nilalaman ang ng Batas Republika 9003;


B. nakikilala ang kahalagahan ng pagbubukodbukod ng basura; at
C. nabibigyang halaga ang pagreresiklo ng mga gamit sa bahay.

Panimulang Gawain

Larawan-Suri: Suriin ang larawan sa ibaba at ibigay ang iyong opinyon sa mga
sumusunod na katanungan:

1. Tingnan ang larawan, ano nga ba


ang ginagawa ng babae?
2. Tingnan ang ginamit nilang paso,
anong uri ng materyal ang ginamit
dito?
3. Sa tingin mo, kaya ba itong gawin sa
ibang lugar? Source: (DSWDFO10, 2020)

Tuklasin at Suriin

Alam niyo ba ang Batas Republika 9003 o mas kilala bilang Ecological Solid
Waste Management Act of 2000 ay ang pangunahing tugon ng pamahalaan sa
isyu ng basura. Ayon sa praymer ng National Solid Waste Management Council
(NSWMC), ang organisasyong nangunguna sa pamamahala ng solid waste ng bansa
at pagpapatupad ng RA 9003, ito ang makakalikasang pamamaraan sa
pamamahala sa basura. Inilatag nila sa praymer ang mga hakbang kung paano
maipatutupad ang RA 9003 at may tatlong hakbang ito (NSWMC, EMB, 2016):

• UNA – ang pagbubukodbukod o segregation ng basura mula sa mga bahay o


kung saan man nagmula ang basura.
• IKALAWA – ang koleksyon ng basurang nabubulok at di nabubulok ay dapat
hiwahiwalay. Ayon sa batas “No Segregation, No Collection Policy” dapat.
• IKATLO – Pagbalik-gamit ibig sabihin dadalhin ng barangay ang mga
basurang ito sa Materials Recovery Facilities, dito ihihiwalay ang mga

6
basura para gawing compost o dalhin sa mga junk shops. Oo, kasali sa
pagbalik-gamit ang paggawa ng compost gamit ang mga nabubulok na
basura.

Inilatag sa RA 9003, ang mga hakbangin kung paano pamahalaan ang ating
mga basura. Madali lang gawin pero sa tingin mo naisasagawa ba ito ng maayos?
May mga mahahalagang punto ang batas na dapat tandaan:

1. Pagpapatayo ng Materials Recovery Facilities o MRF sa mga barangay


• Ayon sa Sek. 32 ng batas, “There shall be established a Materials Recovery
Facility (MRF) in every barangay or cluster of barangays.”
• Ayon sa Sek. 33 ng batas, ang Materials recovery facilities shall be designed
to receive, sort, process, and store compostable and recyclable material
efficiently and in an environmentally sound manner.
2. Ang pagpapasara ng Open Dumps
• Matapos ang limang taon mula sa pagpasa ng batas na ito ay mahigpit nang
ipinagbabawal ang pagbubukas at paggamit ng open dumps.
• Ibig sabihin ba nito na ipinagbabawal ang landfills, ayon sa Sek. 39
hanggang 43 ay hindi ipinagbabawal ang landfills. Ang mga seksyon na ito
ang naglalatag sa kung saan puwedeng magbukas ng landfill, paano ito
pamamahalaan, at ano naman ang gagawin kung puno na.
3. Ang pagbabawal sa pagsunog ng mga basura at mga dahon
4. Kailangang paalalahanan ng mga gumagawa ng plastik na mga produkto ang
publiko kung anong uri ng plastik at paano ito mareresiklo o ang tamang
pagtapon nito.
5. Paggawa ng compost o fertilizer mula sa basura.

Tinatawag ang RA 9003 bilang makakalikasang pamamahala ng solid waste,


pero nananatili ang katanungan kung ito ay nasusunod ng mga LGU o hindi.
Dalawang dekada matapos ipinasa ang batas na ito, ang pamamahala ng basura
sa Cebu City ay isa pa ring hamon sa ating lokal na pamahalaan. Malaking isyu pa
rin kung papaano maipasasara ang Inayawan Sanitary Landfill at kung saan
puwedeng itapon ang mga residual wastes ng lungsod.

Ayon sa NSWMC may apat na uri ng basura. Una, ang nabubulok na


basurang puwedeng gamitin pangkompost, ikalawa ang mga nareresiklong basura
na puwedeng ipagbili sa junkshops o i-upcycle, ikatlo ang nakalalason na basura
na hindi na puwedeng mapakinabangan at nangangailangan ng special disposal at
panghuli ang di nakalalason pero di rin nareresiklong basura o residual wastes na
mapupunta sa sanitary landfills (NSWMC, EMB, 2018) Tingnan natin sa ibaba ang
poster mula sa pamahalaang bayan ng Montalban, Rizal kung paano nila
pagbubukodbukurin ang mga basura.

7
Ano nga ba ang magandang gawing batayan para sa solid waste management sa
Pilipinas? Ito ay 2 halimbawa ng solid waste management sa ibang bansa.

• Sa isang sipi mula sa New York Times, sa bansang Sweden, 99% ng kanilang
basura ay nagagamit sa iba’t – ibang paraan, 49% ang nireresiklo at 50% ang
sinusunog at ang mahigit kumulang na 1% natitira ay pumapasok sa landfill.
Isa sa pinakamalaking bahagi rito ay ang kanilang waste to energy (WTE) plants.
Ayon sa New York Times may 34 na WTE plants ang Sweden na ginagamitan ng
basura upang makagawa ng kuryente na ginagamit ng bansa para sa mga
komunidad at iba’t ibang uri ng transportasyon. (Yee, 2018)

• Sa isang sipi naman mula sa Nippon.com, sa Kamikatsu, Tokushima Prefecture


ng bansang Japan, 100% ng kanilang basura ay binubukodbukod sa 45 na
kategorya at walang nasasayang dito. Sa bayan na ito hindi sila gumagamit ng
trak sa pangongolekta ng basura, ang mga residente ang magdadala ng basura
sa Waste Station. Lampin din ang ginagamit ng mga bata hanggang isang taon,
dahil magagamit ito ng paulit-ulit at hindi katulad ng diaper na kailangan pang
sunugin, at dagdag lang sa basura mula sa kabahayan. (The Kamikatsu Zero
Waste Campaign: How a Little Town Achieved a Top Recycling Rate, 2018)

Isagawa o Pagyamanin

Gawain 1 - May Magagawa Ako!: Magbigay ng 3 mga bagay sa inyong bahay na


puwedeng iresiklo at isulat kung paano mo ito gagamiting muli.

Mga bagay na nareresiklo Paano ko ito gagamiting muli


1
2
3

8
Isaisip

May Magagawa Ako: Basahin ang Best Practices sa Muling Paggamit ng Basura
mula sa iba’t – ibang dako ng Pilipinas at sagutin ang mga sumsusunod na
katanungan.

Sa Basista, Pangasinan Sa Econest Landfill sa Urban Gardening sa


isang pangkat ng Hermosa, Bataan may Talisay City, Cebu, gamit
kababaihan ang gumagawa Upcycling ng basura at ang ang mga bote ng plastik at
ng mga bags at iba pang pinaka-unang odorless iba pa. Sa isang pakontest
produktong yari sa mga landfill sa bansa. Mahigpit ng Talisay City LGU at
basurang tulad ng na ipinagbabawal ng Presidential Commission for
newspaper, balat ng kendi, Econest ang mga trak ng the Urban Poor na nilahukan
packaging ng junk foods at basurang may dalang ng 24 na Urban Poor
iba pa. Binibili nila ang mga naghahalohalong basura, Organizations ng Talisay
materyales mula sa mga dito binibigyan ng City. Naging basehan ang
residente ng kanilang bayan. kahalagahan ang laki ng kinita ng mga
Maraming turista ang segregasyon o ang residente mula sa kanilang
tumatangkilik sa kanilang pagbubukod-bukod ng mga ani at kinita nila sa mga
produkto dahil “unique” daw basura. Maraming mga waste materials mula sa
ito. (Austria, 2019) “trash sorters” dahil mas komunidad. (Tudtud, 2016)
madali nilang mahanap ang
mga materyales na
puwedeng i-upcycle. Mula sa
lumang karsones, bag at iba
pa, ito ay binibigyang bagong
buhay sa upcycling plants na
nagbibigay ng trabaho sa
mga taga Hermosa. (Garcia,
2019)
Ang mga ito ay iilan lang sa mga ginagawa sa buong bansa para maibsan ang dami ng
basura sa paligid. Ito rin ay nagpapahalaga sa pagkamalikhain ng mga Pilipino sa paggawa
ng mga hakbangin para maharap ang hamong pangkapaligiran. Ito rin ay nagpapakita na
bata, matanda, propesyunal man o hindi ay puwedeng makibahagi sa solusyon sa mga
hamong pangkapaligiran. (add idea recycling & upcycling)
Pamrosesong Tanong:
1. Sa tingin mo kaya ba makopya ang mga ideya ng recycling at upcycling sa
iba pang mga bayan sa Pilipinas?
2. Paano pa kaya mababawasan ang basura mula sa ating mga pamamahay?
Magbigay ng isang mungkahi at ipaliwanag ito.

9
Aralin 2: Tugon sa Pagkaubos ng Likas na Yaman

Alamin

Magaling mga mag-aaral! Ngayon samahan ninyo ako sa Aralin 2. Ito ay


sumasaklaw sa pagkaubos ng mga likas na yaman sa Pilipinas.

Sa loob ng isang linggo ay inaasahan na nasusuri ng mga mag-aaral ang mga ito sa
pamamagitan ng mga sumusunod:
A. natatalakay ang mga batas na naglalayong protektahan ang kalikasan ng
Pilipinas;
B. naibibigay ang layunin ng Enhanced National Greening Program; at
C. nabibigyang diin ang iba’t – ibang batas na ipinasa ng pamahalaan para
mapangalagaan ang kapaligiran.

Panimulang Gawain
Komiks-Suri: Suriin ang komiks sa ibaba at ibigay ang iyong opinyon sa mga
sumusunod na katanungan:

1. Ano ang makikita sa larawan?


2. Ano ang nangyari sa ibang mga planeta ng sabihin ni Earth ang kanyang
kuwento?
3. Ano kaya ang naging katakottakot na kuwento ni Earth? At Bakit kaya
napasigaw si Mars ng “Huwag Po!!!”?

10
Tuklasin at Suriin

Ang Siloy Festival ng Alcoy – Ang Siloy o Black Shama ay hindi kilala ng
karamihan maliban nalang sa mga “Bird enthusiasts” at “hobbyists”. Ang Siloy
festival ay nagsimula noong 2005, naging layunin ang makilala ang Alcoy bilang
isa sa may pinakamalaking populasyon ng Siloy o Black Shama at maging kilalang
destinasyon para sa mga turista. Sumikat ang taunang pagdiriwang at nagbigay
daan ito upang makilala at maprotektahan ang ibong Black Shama ng hindi lang
taga-Alcoy ngunit ng mga Cebuano. (Piccio, 2014)

Kagaya ng nabanggit sa unang bahagi ng modyul na ito, na ang kagubatan


sa daigdig, ay paliit ng paliit. Maraming salik ang nagbigay daan upang ito’y
mangyari, ngunit pwede natin itong sabihin na TAO ang siyang pangunahing
dahilan nito. Mula sa kanyang iligal na pagmimina, iligal na pangangahoy,
pagkakaingin, kasama na rin dito ang paglaki ng mga siyudad, pagputol ng puno
para gawing bahay or tayuan ng bahay. Ito ay iilan lang sa mga dahilan kung
paano nakalbo ang ating kagubatan, ngunit may mga batas na ginawa at
naglalayong maprotektahan at mapangalagaan ang ating kalikasan. Iilan dito ay
babanggitin at bahagyang tatalakayin sa ibaba.

Mga Batas na Nangangalaga sa Kapaligiran

• RA 11038 o E-NIPAS Act of 2018


Kung may National Parks ang America, sa Pilipinas meron din tayong EXPANDED
NATIONAL INTEGRATED PROTECTED AREAS SYSTEM. Ang batas na ito ay
naglalayon na gumawa ng iba’t-ibang protected areas, para maprotektahan ang
yamang likas na napapaloob dito, tulad ng buhay ilang (wildlife), mga puno at
halaman na sa Pilipinas lang makikita (Philippine Congress, 2018). Iilan sa mga
protected areas ay mga magagandang tanawin, tulad ng:
- Taal Protected Landscape
- Chocolate Hills Natural Monument
- Camotes Island Protected Landscape & Seascape
- Olango Island Wildlife Sanctuary
- Mt. Mayon National Park
Ipinasa: ika-22 ng Hunyo, 2018 Pumirma: Pang. R. R. Duterte

• RA 7942 o Philippine Mining Act of 1995


Ayon sa batas na ito lahat ng yamang mineral na mahahanap sa loob ng
pambansang teritoryo ng Pilipinas ay pag-aari ng bansang Pilipinas. Inilatag sa
batas na ito ang mga prosesong dadaanan ng mga gustong gumalugad (explore)
sa iba’t-ibang bahagi ng Pilipinas para sa mga yamang mineral, kasali na rin sa
batas na ito ang pangangalaga sa ating kapaligiran (Philippine Congress, 1995).
Ipinasa: ika-10 ng Pebrero 1995 Pumirma: Pang. F. V. Ramos

• RA 9147 o Wildlife Resources Conservation and Protection Act


Ang batas na ito ay naglalayon na magkaroon ng tamang konserbasyon para sa
mga buhay ilang (wildlife), pamahalaan ang pangongolekta o pag-aalaga ng mga

11
buhay ilang ng mga organisasyong may kaalamang teknikal at pinansyal sa
pag.aalaga ng mga ito. Mahigpit na ipinagbabawal ang pagpatay at pagbebenta
ng mga buhay ilang at endangered species sa ilalim ng batas na ito.
Pinamamahalaan din ng batas na ito ang pag-aangkat ng mga buhay ilang at
hayop mula sa ibang bansa (Philippine Congress, 2001).
Ipinasa: ika-30 ng Hunyo 2001 Pumirma: Pang. G. Arroyo

• RA 7638 o Department of Energy Act of 1992


Ito ang batas na naglalayong pamahalaan ang mga plano ng gobyerno sa
explorasyon at konserbasyon sa paggamit ng enerhiya. Sila rin ang pangunahing
ahensya na magsasaliksik o pumupondo sa mga nagsasaliksik sa mga bagong
tuklas na pinagkukunan ng enerhiya. Ito ang batas na pinagbabatayan ng mga
kapangyarihan, tungkulin at responsibilidad ng Kagawaran ng Enerhiya o
Department of Energy at ng mga sangay na napapaloob dito (Philippine
Congress, 1992).
Ipinasa: ika- 9 ng Disyembre 1992 Pumirma: Pang. F. V. Ramos

• Atas ng Pangulo Blg. 1067 s. 1976 Ang Water Code ng Pilipinas


Marahil isa ang tubig sa mga pangunahing likas na yaman na ginagamit ng tao
para mabuhay, ito rin ay mahigpit na pinamamahalaan ng ating gobyerno. Ayon
sa batas na ito, lahat ng tubig at mga anyong tubig sa Pilipinas ay pag-aari ng
estado at ang pamahalaan ang may tungkulin na maproteksyunan at maibahagi
ito sa mga nangangailangan. Trabaho rin ng pamahalaan ang maghanap ng
paraan kung paano makontrol ang tubig para mapigilan ang pagbaha, kasali na
rin dito ang pagpayag ng pamahalaan na gamitin bilang daanan ng mga barko
ang parte o kabuuan ng isang anyong tubig (Republic of the Philippines, 1976).
Ipinasa: ika- 31 ng Disyembre 1976 Pumirma: Pang. F. E. Marcos

• Ang Clean Air Act ng 1999


Ito ang batas na nangangalaga sa ating hangin. Layunin nito na ibalanse ang
pag-unlad ng sambayanan at proteksyon sa kalikasan. Layunin nitong
makontrol ang polusyon o dumi sa hangin at siguruhing malinis ito at ligtas
itong langhapin. Ginawa rin nitong tungkulin ng pamahalaan ang pagsubaybay
sa dami ng “pollutants” at kasama na dito ang pagkontrol sa mga pollutants
mula sa naninigarilyo, usok mula sa kotse at mga pagawaan (Philippine
Congress, 2015).
Ipinasa: ika- 23 ng Hunyo 1999 Pumirma: Pang. J. E. Estrada

Ang National Greening Program


Ang pangunahing programa sa Pilipinas
para matutukan ang pagkasira ng kagubatan ay
ang Enhanced National Greening Program na
naglalayong maibsan ang kahirapan, gutom at
kakulangan ng pagkain sa bansa. Ang Atas ng
Tagapagpaganap blg. 193 o Executive Order (EO)
bilang 193 serye ng 2015 ay nagpapalawig (Bureau of Public Information, 2020)

lamang sa Atas ng Tagapagpaganap bilang 26 serye ng 2011 na panukala ng

12
administrasyon ng yumaong Pangulong Benigno S. Aquino III. Sa ilalim ng EO 26
s. of 2011 naging layunin ng Kagawaran ng Kapaligiran at Likas na Yaman o
Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang pagpanumbalik sa
mga nakalbong kagubatan sa Pilipinas. Pangunahing target nito ang
makapagtanim ng 1.5 Bilyong puno sa iba’t – ibang mga lupang pagmamay-ari ng
pamahalaan. Ang programang NGP ay naging matagumpay, naging panglima ang
Pilipinas sa mga bansa sa daigdig na lumaki ang lawak ng kagubatan mula 2010
hanggang 2015. Ang programang ito ay ipinatupad mula 2011 at sana’y
magtatapos noong 2016 (EO26, 2011). Noong 2015 mas pinalawig pa ni Pangulong
Aquino ang NGP hanggang 2028 at naging bagong layunin nito ay ang matamnan
ang natitirang 7.1 milyong ektarya ng lupain upang maibalik ang laki at lawak ng
ating kagubatan noong 1900 (EO193, 2015). Marami na mang nagsasagawa ng
pagtatanim ng mga puno para sa kagubatan, kasali na dito ang iba’t ibang
pribadong sector at mga ahensya ng pamahalaan, mga pribadong tao, mag-aaral,
mga guro at iba pa. Naging mahalagang instrumento ang NGP o ang bagong
bersyon nitong ENGP dahil nagawa nitong pagtugmain at ikoordineyt ang mga
magkakatulad na mga proyekto ng mga tao at ahensyang nabanggit. Ito ang naging
tagumpay ng NGP na nilalayong maulit sa ENGP hanggang sa 2028.

Isagawa o Pagyamanin

Gawain 2: Itala ang layunin ng mga batas na ibinigay sa ibaba. Punan ng tamang
impormasyon ang tsart sa ibaba.
Mga Batas Ano ang layunin ng batas Paano tayo
na ito? makakabenepisyo nito?
1 E-NIPAS Act of
2018

2 Wildlife Resources
Conservation and
Protection Act
3 Department of
Energy Act

4 Enhanced
National
Greening Program

Pamprosesong Tanong:
1. Sa tingin mo napapapanahon ba ang mga batas na ito?
2. Nakakatulong ba ang mga batas na ito upang mapangalagaan ang
ating kapaligiran?

13
Isaisip

Binibigyang diin ng pamahalaan ang pagbibigay proteksyon sa mga tao at


kalikasan sa ating bansa sa pamamagitan ng pagpasa ng mga mapanahong mga
batas. Tulad nalang ng mga batas na nabanggit sa itaas, bawat isa sa kanila ay
may kanya-kanyang layunin at naglalayong matugunan ang isa sa mga hamong
pangkapaligiran.

Pamprosesong Tanong:

1. Ano pa kaya ang dapat baguhin upang mas mapangalagaan pa ang ating
kalikasan?
2. Ano kaya ang kahahantungan kung hindi natin mapangalagaan ang ating
kalikasan?

Aralin 3: Tugon sa Pagbabago sa Klima

Alamin

Magaling mga mag-aaral! Ngayon samahan ninyo ako sa Aralin 3. Ito ay


sumasaklaw sa tugon ng pamahalaan para labanan ang pagbabago sa klima o
climate change.

Sa loob ng isang linggo ay inaasahan na nasusuri ng mag-aaral ang mga ito


sa pamamagitan ng mga sumusunod:
A. natatalakay ang katuturan ng Batas Republika 9729;
B. naiuugnay ang climate change sa kagustuhan ng tao na mamuhay ng
maaliwalas; at
C. nakapagbibigay ng halimbawa ng mga proyekto ng pamahalaan para
labanan ang climate change.

Panimulang Gawain

Diet ba kamo?: Tingnang mabuti ang mga larawan sa ibaba at basahin ang
maikling paglalarawan dito.

Diet ba kamo?

Diet ba kamo ang sabi nyo? Noong unang panahon ang polar bear ang imahe ng
isang cute at matabang puting oso mula sa Arktik. Makikita mo ang mga imaheng

14
ito sa mga palabas tulad ni Norm ng Norm of the North at Ice bear ng We Bare
Bears, ngunit parang nabago na rin sa pagbabago ng panahon ang imaheng ito.

Larawan A Larawan B

Source: Larawan A (Ferguson, 2014), Larawan B (Nicklen, 2017)

PAMPROSESONG TANONG:
1. Ano ang masasabi mo sa larawan?
2. Sa iyong paningin okay lang ba ang mangyari ito?
3. Eto nga ba ang nababagay na diet sa kanila? Ang walang kinakain
para pumayat?
4. Hindi naman siguro masama ang diet pero sa tingin mo aling katawan
kaya ang mas nababagay sa mga Polar bears?

Ang Batas Republika 9729 o Climate Change Act ng 2009

Alam niyo ba na kaisa ang Pilipinas sa buong mundo sa laban kontra climate
change? Isa ang RA 9729 sa mga batas na ipinasa noong 2009 para ilatag ang mga
kaukulang layunin ng pamahalaan laban sa climate change. Layunin nito ang
makatulong na mabawasan ang mga peligrong dulot ng climate change at ng mga
kalamidad sa ating bansa at maging kaisa sa ibang mga bansa sa daigdig para
makamit ang layunin ng Paris Agreement on Climate Change. Isa na dito ang
paghahanap ng mga bagong pinagkukunan ng enerhiya tulad ng:

a. Wind Farms
1. Burgos Wind Farm Burgos, Ilocos Norte
2. Bangui Wind Farm Bangui, Ilocos Norte
3. Caparispisan Wind Farm Pagudpud, Ilocos Norte
4. San Lorenzo Wind Farm San Lorenzo, Guimaras
5. Nabas Wind Farm Nabas, Aklan

b. Biomass Energy – maraming planta ang gumagamit ng ng enerhiya mula sa


biomass ngunit karamihan dito ay para sa pagpapatakbo ng kanikanilang
planta
1. San Carlos BioPower San Carlos, Neg. Occ.
2. Isabela Biomass Energy Corp. Alicia, Isabela
3. Montalban Methane Power Corp. Rodriguez, Rizal

c. Solar Energy
1. Cadiz Solar Power Plant Cadiz, Negros Occ.
2. Calatagan Solar Farm Calatagan, Batangas

15
3. San Carlos Solar Energy Inc. San Carlos, Negros Occ.
4. IslaSol I B La Carlota City, Negros Occ.
5. IslaSol II Manapla, Negros Occ.

Ang Paris Agreement on Climate Change

Ayon sa pagsusuri ng United States Agency for International Development


(USAID), mahina ang magiging laban ng Pilipinas kung pagbabago sa klima ang
pag-uusapan, dahil sa mga bagyong tumatama sa bansa na palakas ng palakas at
ang magiging epekto ng pagkalusaw ng mga yelo sa Arctic at Antarctica na
magdudulot ng pagtaas ng lebel ng tubig sa dagat. At kung ating balikan malaki
ang maidudulot na epekto ng pagbabago sa klima sa ating bansa tulad ng
kakulangan sa pagkain (agrikultura), tubig at iba pa (USAID, 2017). Kaya tayo ay
nakikiisa sa ibang bansa para mapigilan ang climate change, naging bunga nito
ang Paris Agreement on Climate Change. Layunin nito na mapigilan ang pagtaas ng
“average temperature” ng daigdig lagpas sa 2 degrees Celsius at mas mainam kung
mas mababa pa sa 1.5 degrees Celsius dahil kinikilala nito ang panganib na dulot
ng pagbabago sa klima. Ayon rin dito na upang mapababa ang Carbon Emissions at
makamit ang nilalayong temperatura nangangailangan ito ng malakihang
pagbabago sa proseso ng paggawa ng mga produkto at pamumuhay ng mga tao sa
iba’t – ibang bansa (UNFCC, 2016).

Iba pang mga Pamamaraan para Labanan ang Climate Change

Cap and Trade System

Sa sistemang ito ang mga bansang may maliliit na carbon emissions ay


maaaring ibenta ang emissions na hindi nila nagawa sa mga bansang may
malalaking emissions. Puwedeng pondohan ng mga malalaking bansa ang mga
pankapaligirang proyekto tulad ng pagpapabagal sa pagkakalbo ng kagubatan, o
pagpapatayo ng Solar at wind farms sa maliliit na bansa.

Ang Carbon Tax at Carbon Pricing

Isa sa pinakakinasusuklamang paraan sa pagpapababa ng carbon emissions


ay ang pagpataw ng carbon tax. Dito ang bawat produkto ay papatawan ng tax
ayon sa dami ng fossil fuels na nagamit sa paggawa nito (World Bank, 2019). Ayaw
ng mga negosyante sa carbon tax, hindi sila sang-ayon dito kase walang limit ang
ipinapataw na presyo sa bawat tonelada ng carbon na nagamit sa paggawa ng
produkto. Ang bawat bansa ay maaaring magpataw ng kahit magkano sa presyo ng
carbon emissions. Layunin nito gawing di kaaya-aya at mas mahal ang presyo ng
mga bilihing gumagamit ng fossil fuels. Ang iskemang ito ay pinag-iisipan pa
lamang ng Department of Finance ng Pilipinas kung isasali sa Tax Reform for
Acceleration and Inclusion Law (TRAIN Law).

Carbon Sequestration

Sa Carbon Sequestration nilalayon ng mga siyentipiko na makagawa ng


makinarya o paraan upang makuha o maani ang sobra-sobrang Carbon Dioxide at
iba pang kemikal mula sa hangin at kalangitan. Plano nilang makuha at ibaon ito

16
pabalik sa mga kuweba at minahan kung saan mananatili ito at hindi
makakasama sa ating kalikasan. Ang malaking katanungan ay kung sino ang
sasagot sa gastusin kung wala namang kikitain ang proyektong ito.

Isagawa o Pagyamanin

Gawain 3 – Kaya Ko Ito!: Bilang mag-aaral mag-isip ng 3 hakbangin upang


mapangalagaan ang ating kapaligiran at ipaliwanag kung paano mo ito gagawin.
Kopyahin an tsart sa inyong sagutang papel. (Huwag kopyahin ang halimbawa)

HAKBANGIN PALIWANAG
Hal. Paggamit ng Ecobag Mababawasan ang paggamit ng single use plastic.
1.
2.
3.

Isaisip

Gawain 4: TAPUSIN MO AKO: Punan ng sariling ideya ang mga blanko sa ibaba.
Ilagay ang iyong opinyon tungkol dito.

1. Nakakatulong ang makabagond teknolohiya tulad ng solar at wind


farms para maibsan ang epekto ng climate change, ngunit
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
2. Malaki ang naidudulot na pinsala ang dala ng climate change, pero
may magagawa ako tulad ng ________________________________________
_____________________________________________________________________

Tayahin

Pagpipilian: Isulat sa inyong papel ang titik ng tamang sagot.

1. Pangunahing responsibilidad ng National Solid Waste Management Council


ay ang maipatupad ang ____________________________________.
A. RA 7107 B. RA 9003 C. RA 10121 D. RA 11229

2. Naging tanyag ang Bangui, Ilocos Norte sa mga turista dahil sa makikita
ditong naglalakihang _____________________.
A. biomass farms B. coal plants C. solar farms D. wind turbines

17
3. Ang National Solid Waste Management Council ay ang ahensyang /
konsehong nagpapatupad ng mga patakaran ng Ecological Solid Waste
Management Act of 2000. Ang batas na ito ay kilala rin bilang ang
_________________________________.
A. Sanitary Landfill Act of 2006
B. Tambakan ng Basura Act 2013
C. makakalikasang pagpapaganda ng kalikasan
D. makakalikasang pamamahala ng solid waste

4. Ito ay isang landfill sa Hermosa, Bataan na naging tanyag dahil sa sa


kanilang pagpapahalaga sa “pagbubukodbukod ng basura” at pag-upcycle sa
kanilang natatanggap na mga nareresiklong basura.
A. Bataan Public Landfill C. Economics Landfill
B. Econest Landfill D. Hermosa Sanitary Landfill

5. Isang pasilidad na ipapatayo sa bawat barangay upang lalagyan ng mga


basurang maari pang iresiklo, bago dadalhin ang mga ito sa mga junkshop
at recycling centers. Ang pasilidad na ito ay itinakda ng Batas Republika
9003.
A. Barangay Recycling Centers C. Materials Recovery Facilities
B. Barangay Refuse Center D. Material Retrieval Factory

6. Nilalayon ng Expanded National Integrated Protected Areas System Act of


2018 na gumawa ng mga protected areas para maprotektahan ang mga
napapaloob na likas na yaman dito. Alin sa mga lugar na nakatala sa ibaba
ang halimbawa ng protected area sa Pilipinas?
A. Bohol Island Protected Seascape
B. Camotes Island Protected Landscape and Seascape
C. Cebu Coral Churches Monuments
D. Mt. Kulimlim Seaforms Monuments

7. Ang Kagawaran ng Enerhiya ang inatasang manguna sa pagsasaliksik ng


mga alternative sources of renewable energy sa Pilipinas. Alin sa ibaba ang
halimbawa ng alternative source of renewable energy?
A. Biomass B. Coal C. Nuclear D. Petroleum

8. Programa ng pamahalaan na naglalayong mapanumbalik ang forest cover ng


Pilipinas noong 1900?
A. E-NIPAS ACT C. Green Philippines
B. Enhanced Nat’l Greening Program D. Luntiang Pilipinas

9. Isang uri ng tax na kinokonsiderang idadagdag ng Department of Finance sa


TRAIN Law. Ibabase ang tax sa dami ng fossil fuels na ginamit sa paggawa
ng isang produkto.
A. Carbon Tax B. Fossil Tax C. Oil Tax D. Power Tax

18
10. Nilagdaan ng iba’t-ibang mga bansa ang Paris Agreement on Climate Change
upang mapigilang mas tumaas pa sa 2 degrees Celsius ang global average
temperature. Ano ang nais makamit nito?
A. Mapahalagahan ang climate change
B. Mabawasan ang epekto ng climate change
C. Mapigilang mas uminit pa ang pakiramdam mo
D. Mabawasan ang bilang nang kumakalat na covid variants

11. Bakit mahalaga ang mga protected areas ng E-NIPAS Act bilang panlaban
sa climate change? Maganda ito dahil ________________________________.
A. maipapasa ito sa susunod na henerasyon at sila nang bahala kung
anong gagawin dito.
B. nabibigyang pansin ang mga hamong dala ng pagbabago ng klima at
kung paano ito lulutasin.
C. kikita ang mga tao mula sa magagandang tanawin habang
napagtutuunan ng pansin ang pagpapanatili nito.
D. nabibigyang kahalagahan ang pagpupursige ng mga paham at ang mga
naging hakbangin sa paglutas ng mga hamong dala ng climate change.

12. Alin sa sumusunod ang maaari mong gawin upang makatulong laban sa
climate change?
A. Patayin ang ilaw tuwing matutulog.
B. Buksan ang lahat ng ilaw sa tahanan.
C. Iwang nakabukas ang tubig tuwing umalis.
D. Iwang nakasara ang aircon kung natutulog at buksan paggising.

13. Alin sa sumusunod na mga sitwasyon ang magiging patunay na ang mga
tao ay hindi pa rin natuto, at patuloy ang hamon ng climate change?
A. Namili si Maria ng gulay at prutas, pagdating ng bahay at itinapon ang
mga mga plastic na ginamit.
B. Naggrocery si Marc sa palengke sa bayan, dala niya’y ecobag at mga
plastic na ginamit niya ng huling namalengke.
C. Umalis si Gregoria ng bahay at dahil alam niyang mainit, hindi niya
pinatay ang aircon. Ayon sa kanya babalik agad ako.
D. Binukodbukod ni Aurora ang mga basura sa kusina ayon sa malata at
di malata, tapos inilabas at iniwan niya ang mga ito sa tabi ng daan.

14. Si Mario, isang mag-aaral sa junior high school, ay nanalo bilang SK


Chairman sa kanilang lugar. Napagkasunduan nilang mga opisyales na
tumulong magkaroon ng proyekto laban climate change. Alin sa sumusunod
na mga proyekto ang HINDI pwedeng ipatupad ni Mario?
A. Tamnan ng mga gulay sa gilid ng mga basketball court.
B. Turuan ang mga kabataan sa tamang pagbubukodbukod ng basura.
C. Magtatanim ng mga halaman sa gilid ng daan, sapa, at mga kabahayan.
D. Magbigay ng alcohol, sabon panlaban sa Corona Virus Disease ng 2019.

19
15. Sa kabuuan sino ang may pinakamalaking responsibilidad para
pangalagaan ang daigdig na ating kinagagalawan?
E. ANG DIYOS – Siya ang may kapangyarihang ibalik ang mga ice caps ng
daigdig
F. ANG PAMAHALAAN – Kayang gawan ng batas o patawan ng parusa ang
sinumang gumamit ng anumang makakasira sa kalikasan
G. MGA MAMAMAYAN – kontrolado natin ang ating pamumuhay at ano
ang mga gagawin sa buhay.
H. MGA NEGOSYANTE – sila ang gumagawa ng mga produktong
maksasama sa kapaligiran.

Karagdagang Gawain
Gawain 5 – AWITSURI: Basahin ang linya sa ibaba at isulat ang iyong reaksyon sa
iyong sagutang papel.

Hindi naman masama ang pag-unlad, Kung hindi nakakasira ng kalikasan,


Bakit di natin pagisipan, Ang nangyayari sa ating kapaligiran
-Asin (Kapaligiran)

Ano nga ba ang ibig iparating ng mga linyang ito? Sa tingin mo kakayanin kaya ng tao
na baguhin ang kanyang pamumuhay para malabanan ang pagbabago sa klima?

20
Sanggunian
Allen, G. R. (2007, August 24). Wiley Online Library. Retrieved from
https://onlinelibrary.wiley.com/doi/abs/10.1002/aqc.880:
https://onlinelibrary.wiley.com/doi/abs/10.1002/aqc.880

Antonio P. Carandang, L. A. (2012). GIZ. Retrieved from Deutsche Gesellschaft für Internationale
Zusammenarbeit (GIZ): https://www.giz.de/de/downloads/giz2013-en-key-drivers-
deforestation-forest-degradation-philippines.pdf

Austria, H. (2019, March 8). Pangasinan town turns solid wastes into bags, bricks. Retrieved from
Philippine News Agency: https://www.pna.gov.ph/articles/1063962

BFAR. (1977). Bureau of Fisheries and Aquatic Resources. Retrieved from Department of Agriculture:
https://www.bfar.da.gov.ph/publication.jsp?id=9#post

BFAR. (2019). Bureau of Fisheries and Aquatic Resources. Retrieved from Department of Agriculture:
https://www.bfar.da.gov.ph/publication.jsp?id=2369#post

Bureau of Public Information. (2020, June 25). BANGSAMORO GOVERNMENT. Retrieved from Latest
News: https://bangsamoro.gov.ph/news/latest-news/barmm-strengthens-greening-program-
plants-5000-trees-for-environment-month/

City of Meycauayan Bulacan. (2019, January 29). City of Meycauayan Newsflash History. Retrieved
from City of Meycauayan:
http://www.cityofmeycauayanbulacan.gov.ph/?page=detail&loc=4&det=51

DENRRO7. (2017, November). River Basins - DENR. Retrieved from DENR:


https://riverbasin.denr.gov.ph/masterplans/1-CCRBMP-EXECUTIVE-SUMMARY-FINAL-
APR2018.pdf

Dentsu Jayme Syfu, B. R. (2019, April 25). Cry of the Dead Whale Art Installation. Retrieved from
Cultural Center of the Philippines:
https://www.culturalcenter.gov.ph/programs/archives/the-cry-of-the-dead-whale-earth-day-
outdoor-installation/details

DSWDFO10. (2020, Apri 9). Department of Social Welfare and Development. Retrieved from
Twitter.com: https://twitter.com/dswdfo10/status/1248126167229452288/photo/1

EO193. (2015, November 12). EO 193 s. of 2015. Retrieved from Official Gazette of the Philippines:
https://www.officialgazette.gov.ph/2015/11/12/executive-order-no-193-s-2015/

EO26. (2011, February 24). EO 26 s. of 2011. Retrieved from Official Gazette:


https://www.officialgazette.gov.ph/2011/02/24/executive-order-no-26-s-2011/

Ferguson, C. (2014). New Research Reveals How Polar Bears Stay Warm. Retrieved from Inside
Science: https://www.insidescience.org/news/new-research-reveals-how-polar-bears-stay-
warm

Garcia, J. M. (2019, September 15). A Landfill that Fulfills Wasted Dreams. Retrieved from Philippine
News Agency: https://pia.gov.ph/news/articles/1027341

Nicklen, P. (2017). Paul Nicklen Photography. Retrieved from Facebook:


https://www.facebook.com/watch/?v=10155204590778364

NSWMC. (2015, December). National Solid Waste Management Commission -Secretariat. Retrieved from
GOV.PH: https://nswmc.emb.gov.ph/wp-content/uploads/2016/06/Solid-Wastefinaldraft-
12.29.15.pdf

NSWMC. (2016). EMB. Retrieved from EMB - Environmental Managaement Bureau:


http://nswmc.emb.gov.ph/wp-content/uploads/2016/07/idol_ko_si_kap_2015-copy.pdf

NSWMC. (2018). EMB. Retrieved from EMB Environmental Management Bureau:


http://nswmc.emb.gov.ph/wp-content/uploads/2018/01/mag-segregate-poster-part1.jpg

21
Philippine Congress. (1992, December 2). RA 7638. Retrieved from Department of Energy:
https://www.doe.gov.ph/sites/default/files/pdf/ocsp/ra_7638.pd

Philippine Congress. (1995, February 10). RA 7942. Retrieved from Mines and Geoscience Bureau:
http://www.mgb.gov.ph/images/stories/RA_7942.pdf

Philippine Congress. (2001, June 30). RA 9147. Retrieved from Official Gazette:
https://www.officialgazette.gov.ph/2001/07/30/republic-act-no-9417/

Philippine Congress. (2015). RA 8749. Retrieved from Environmental Management Board:


https://emb.gov.ph/wp-content/uploads/2015/09/RA-8749.pdf

Philippine Congress. (2018, June 22). RA 11038. Retrieved from Official Gazette of the Philippines:
https://www.officialgazette.gov.ph/downloads/2018/06jun/20180622-RA-11038-RRD.pdf

Philippine Congress, 1. (2001, JANUARY 26). R.A. 9003. Retrieved from Official Gazette of the
Philippines: https://www.doh.gov.ph/sites/default/files/policies_and_laws/RA09003.pdf

Piccio, B. (2014, August 22). Siloy Festival: Celebrate Cebu's Wildlife, White Beaches, and More!
Retrieved from Choose Philippines: https://www.choosephilippines.com/culture/buhay-
pinoy/1646/siloy-festival

Republic of the Philippines. (1976, December 31). Presidential Decree 1067. Retrieved from Official
Gazette of the Philippines: https://www.officialgazette.gov.ph/1976/12/31/presidential-
decree-no-1067-s-1976/

SEPO. (2017, November). Senate of the Philippines. Retrieved from GOV.PH:


https://www.senate.gov.ph/publications/SEPO/AAG_Philippine%20Solid%20Wastes_Nov201
7.pdf

The Kamikatsu Zero Waste Campaign: How a Little Town Achieved a Top Recycling Rate. (2018, July
13). Retrieved from Nippon.com: https://www.nippon.com/en/guide-to-
japan/gu900038/?pnum=1

Tudtud, A. D. (2016, October 11). CEBU’S URBAN GARDENING, WASTE UTILIZATION AND TAKAKURA
COMPOSTING COMPETITION. Retrieved from Presidential Commission of the Urban Poor:
http://pcup.gov.ph/index.php/12-articles/126-cebu-s-urban-gardening-waste-utilization-
and-takakura-composting-competition

UNFCC. (2016). Paris Agreement. Retrieved from United Nations Framework on Climate Change:
https://unfccc.int/sites/default/files/english_paris_agreement.pdf

USAID. (2017). Climate Risk Profile of the Philippines. Retrieved from Climate Links:
https://www.climatelinks.org/sites/default/files/asset/document/2017_Climate%20Change
%20Risk%20Profile_Philippines.pdf

USAID. (2017). Climate Risk Profile of the Philippines. Retrieved from Climate Links:
https://www.climatelinks.org/sites/default/files/asset/document/2017_Climate%20Change
%20Risk%20Profile_Philippines.pdf

World Bank. (2019, June 17). Pricing Carbon. Retrieved from World Bank:
https://www.worldbank.org/en/programs/pricing-carbon

Yee, A. (2018, September 21). Climate and Environment. Retrieved from The New York Times:
https://www.nytimes.com/2018/09/21/climate/sweden-garbage-used-for-fuel.html

22

You might also like