You are on page 1of 41

10

Modyul sa
Araling Panlipunan
Unang Markahan – Linggo Blg. 5 – 8
10

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 5
Mga Approach sa Pagtugon
sa mga Hamong Pangkapaligiran
Araling Panlipunan – Ikasampung Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 5: Mga Approach sa Pagtugon sa mga Hamong
Pangkapaligiran
Ikalawang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna
ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Nanunuparang Tagapamanihala: Carleen S. Sedilla, CESE
Nanunuparang Pangalawang Tagapamanihala/Nanunuparang Hepe: Jay F. Macasieb, DEM, CESE

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Marcelina DP. Enriquez


Editor: Rizal P. Cantiller
Tagasuri: Michael M. Mercado
Maria Katherine T. Estrella
Perchy L. Reyes
Tagaguhit: Jhoseplex M. Inocalla
Tagalapat: Maria Katherine T. Estrella
Tagapamahala: Angelita S. Jalimao
Hepe, Sangay ng Pagpapatupad ng Kurikulum

Neil Vincent C. Sandoval


Pandibisyong Tagamasid, LRMS

Michael M. Mercado
Pandibisyong Tagamasid, Araling Panlipunan

Inilimbag sa Pilipinas ng
Pampaaralang Sangay ng Lungsod ng Makati sa tulong ng Pamahalaang Lokal ng Makati
(Local School Board)

Department of Education – Schools Division Office- Makati City


Office Address: Gov. Noble St., Brgy. Guadalupe Nuevo,
City of Makati, Metropolitan Manila, Philippines 1212
Telefax: (632) 8882-5861 / 888-5862
E-mail Address: makati.city@deped.gov.ph

iii
Alamin

Magandang araw sa iyo. Sa modyul na ito


ay matututuhan mo ang “Mga Approach sa
Pagtugon sa mga Hamong Pangkapaligiran”.
Pag-aaralan dito ang mga konseptong may
kaugnayan sa disaster management at mga
paraan sa pagtugon sa mga suliraning
pangkapaligirang ito. Makikita sa mga larawan
ang iba’t ibang hamong pangkapaligiran ng
Pilipinas at mundo.
Ang modyul na ito ay nahahati sa tatlong
aralin. Ito ay ang sumusunod:
Aralin 1 – Disaster Management
Aralin 2 – Philippine Disaster Risk
Reduction and Management Framework
Aralin 3 – Top-Down Approach at Bottom-Up Approach

Sa pagtatapos ng iyong pag-aaral sa modyul na ito ay inaasahang makakamit mo


ang sumusunod na pinakamahalagang kasanayan sa pagkatuto (most essential
learning competency – MELC) at mga kaugnay na layunin:
1. Naiisa-isa ang mga panganib na dulot ng mga suliraning pangkapaligiran;
2. Natutukoy ang mga paghahandang nararapat gawin sa harap ng panganib na
dulot ng mga suliraning pangkapaligiran (MELC);
3. Naipaliliwanag ang Disaster Management;
4. Naihahambing ang Top-Down Approach at Bottom-Up Approach; at
5. Naipahahayag ang sariling saloobin sa nararapat na pagtugon sa mga hamong
pangkapaligiran.

Subukin
Piliin ang titik ng wastong sagot. Isulat ang napiling titik sa hiwalay na papel.

1. Ito ay tumutukoy sa mga gawaing binuo para makamit ang kaayusan sa panahon
ng sakuna, kalamidad, at hazard. Ano ito?
A. Bottom-Up Approach C. Disaster Resilience
B. Disaster Management D. Top-Down Approach
2. Ang lindol ay anong uri ng hazard?
A. Anthropogenic hazard C. Natural hazard
B. Human-induced hazard D. Waste hazard
3. Ano ang pagkakaiba ng top-down approach sa bottom-up approach?
A. Sa mamamayan nagmumula ang pagpaplano sa top-down samantalang sa
pamahalaan naman nagsisimula ang pagpaplano sa bottom-up.
B. Nagsisimula sa mamamayan ang pagplano at pagbuo ng hakbang sa
bottom-up at ang mga gawain mula sa pagplano at pagkilos ay ginagawa ng
pamahalaan sa top-down.
C. Hindi nakikialam ang pamahalaan sa anomang plano o pagkilos sa top-
down samantalang buo ang partisipasyon nito sa bottom-up.
D. Malawak ang partisipasyon ng mamamayan sa top-down at wala itong
partisipasyon sa bottom-up.
4. Ang sumusunod ay itinuturing na vulnerable, maliban sa _____. Ano ito?
A. buntis B. matanda C. may kapansanan D. may malakas na katawan

1
5. Ang Philippine Disaster Risk Reduction and Management Act of 2010 ay kilala rin
bilang ________. Ano ito?
A. Republic Act 9003 C. Republic Act 10121
B. Republic Act 9004 D. Republic Act 10112

Modyul Mga Approach sa


5 Pagtugon sa mga Hamong
Pangkapaligiran
Ang mga hamong pangkapaligiran ay isa sa binibigyang-pansin ng pamahalaan
sapagkat ang Pilipinas ay isang disaster-prone country. Ang ating bansa ay may hindi
mabilang na pangyayari ng iba’t ibang kalamidad tulad ng bagyo, lindol, pagputok ng
bulkan at iba pa. Sa mga pangyayaring ito ay mahalaga ang pagkakaroon ng
paghahanda bago, sa panahon, at pagkatapos ng sakuna o kalamidad. Ang kaalaman
sa mga approach sa pagtugon sa mga hamong pangkapaligiran ay makatutulong sa
pagkakaroon ng naaayon at mabisang paghahanda sa mga kalamidad.

Balikan
Tukuyin kung anong salita o
konsepto ang ipinapahayag ng
bawat pangungusap. Piliin ang
sagot sa loob ng kahon.

1. Ito ay tumutukoy sa
mga basurang nagmumula sa mga tahanan at komersiyal na establisyimento, mga
basurang nakikita sa paligid, at mga basurang nagmumula sa sektor ng
agrikultura.
2. Ito ang batas na batayan ng iba’t ibang desisyon at proseso ng pangangasiwa ng
solid waste sa Pilipinas.
3. Ito ang pasilidad kung saan isinasagawa ang paghihiwalay ng mga basura bago
ito dalhin sa mga dumpsite.
4. Ito ang pinagmumulan ng pinakamalaking bahagdan ng itinatapong basura.
5. Ito ay tumutukoy sa pangmatagalan o permanenteng pagkasira ng kagubatan
dulot ng iba’t ibang gawain ng tao.
6. Ito ay pagkamatay ng mga korales dahil sa labis na init ng tubig sa dagat.
7. Ito ay matinding pag-init ng mundo na dulot ng pagtaas ng konsentrasyon ng
carbon dioxide sa atmosphere.
8. Ito ay ilegal na pagpuputol ng puno na nagdudulot ng pagbaha, soil erosion, at
pagkasira ng tahanan ng mga ibon at hayop.
9. Ito ay maaaring isang natural na pangyayari o maaaring napabibilis o napalalalang
dulot ng gawain ng tao.
10. Paglipat ng tirahan kung saan ang mga kagubatan at kabundukan ang nagiging
bagong pook-tirahan

Tuklasin

2
Suriin

Disaster Management
• Ang Disaster Management ay
tumutukoy sa mga gawaing binuo para
makamit ang kaayusan sa panahon ng
sakuna, kalamidad, at hazard.
Naglalaman ito ng mga plano at
hakbang na dapat gawin ng mga
pamayanan para makaiwas,
makatulong sa mga suliranin at
makaahon mula sa dulot ng kalamidad, sakuna at hazard (Ondiz at Rodito, 2009). Ang
disaster management ay kinapapalooban ng iba’t ibang gawain bago dumating ang
kalamidad, sa panahon ng kalamidad, at pagkatapos ng kalamidad.

• Ang sumusunod ay mga batayang konseptong ginagamit sa pag-aaral ng disaster


management:

• Hazard – ito ay banta o pangyayaring maaaring magdulot ng


pinsala sa buhay, kabuhayan, ari-arian, komunidad, at kalikasan.

• Anthropogenic Hazard o Human-Induced Hazard – mga bantang


dulot ng gawain ng tao. Ang mga halimbawa nito ay maitim na
usok na ibinubuga ng mga pabrika at mga sasakyan.

• Natural Hazard – ito naman ay tumutukoy sa mga


bantang dulot ng kalikasan. Halimbawa: bagyo, lindol,
tsunami, thunderstorm, storm surge, at landslide.

• Disaster – ay mga pangyayaring nagiging sanhi ng


malawakang pinsala sa tao, mga ari-arian, pang-
ekonomiya o kapaligiran ng isang komunidad o isang
lipunan.

• Vulnerability – ang vulnerability ng mga tao at


komunidad ay mga kakulangan, kondisyon, at iba pang bagay na nakaaapekto sa
kapasidad na protektahan ang sarili at komunidad mula sa mga kalamidad. Halimbawa
nito ay mga buntis, may kapansanan, mga bata. Para naman sa imprasetruktura, mga
bahay na gawa sa kahoy o hindi matibay na materyales.

• Risk – ay posibilidad na maranasang pinsala at pagkawala bilang isang resulta ng isang


hazard o kalamidad.

• Resilience – ang pagiging resilient ng isang komunidad ay tumutukoy sa kapasidad ng


mga komunidad na harapin ang mga epekto na bunga ng kalamidad.

3
Philippine Disaster Risk Reduction and Management
Framework
• Ang batayan ng disaster management sa ating bansa ay ang Philippine Disaster
Risk Reduction and Management (PDRRM) Act of 2010 o Republic Act 10121. Ito ay
nakatuon sa dalawang pangunahing layunin:

• Isinusulong ng Philippine Disaster Risk Reduction and Management Framework na


ang pagbuo ng disaster management plan at ang pagharap sa mga suliraning
pangkapaligiran ay hindi lamang nakasalalay sa pamahalaan kundi sa kolektibong
pagtutulungan ng mga mamamayang naninirahan sa isang komunidad at iba pang
sektor ng lipunan.
• Mayroong dalawang approach sa pagtugon sa suliraning pangkapaligiran. Ito ay ang
Top-Down Approach at Bottom-Up Approach.

Top-Down Approach
• Ang Top-down approach sa disaster management plan ay tumutukoy sa
pamamaraan kung saan ang mga gawain tulad ng pagpaplano sa mga dapat gawin
hanggang sa pagkilos sa panahon ng kalamidad ay ipinagkakatiwala sa mas mataas
na tanggapan o ahensiya ng pamahalaan.
Katangian ng Top-down Approach
• Ang pagpaplano ng disaster management ay nagmumula sa pambansang
pamahalaan.
• Ang sistema ng pagtugon ay nakabatay sa prosesong ipinatutupad ng lokal na
pamahalaan.
• Pananaw ng mga namumuno ang nabibigyang-pansin.
• May mga pagkakataong hindi nagkakasundo ang lokal at pambansang pamahalaan
sa mga dapat gawin.
Bottom-Up Approach
• Sa Bottom-up approach, nagsisimula sa mga mamamayan at iba pang sektor ng
lipunan ang pagpaplano, pagbuo ng hakbang hanggang sa pagkilos sa pagharap o
paglutas sa iba’t ibang suliraning pangkapaligirang kinakaharap ng komunidad.
Mahalaga ang aktibong partisipasyon ng mamamayan dahil sila mismo ang
nakararanas ng mga suliranin sa komunidad kaya makatutulong sila sa pagbuo ng
solusyon. Ikalawa, makatutulong ito upang mabawasan ang epekto ng hazard at
kalamidad. Ikatlo, maililigtas ang mas maraming buhay at ari-arian.

Katangian ng Bottom-up Approach


• Malawak na partisipasyon ng mamamayan sa pagpaplano at paggawa ng desisyon
para sa pag-unlad ng sariling komunidad.
• Mahalaga ang papel ng lokal na pamumuno. Gayundin ang pakikipagtulungan ng
lokal na pamahalaan, pribadong sektor at NGOs.
• Kailangan ng responsableng paggamit ng tulong-pinansiyal.
• Ang mga mamamayan sa isang komunidad ay maaaring may iba’t ibang pananaw at
pang-unawa sa mga panganib at vulnerability na nararanasan ng kanilang
komunidad at pagtugon dito.
• Ang tagumpay ng isang komunidad ay isang mahalagang salik sa pagpapatuloy ng
lokal na hakbangin.
• Sa pagbuo ng disaster management plan, mahalagang maisaalang-alang ang ang
pananaw ng mga namumuno sa pagpaplano ngunit dapat ding mapakinggan ang
pananaw ng mamamayan na siyang nakararanas mismo ng mga hazard at disaster.
Ang paggamit ng dalawang approach na ito ay makatutulong sa mas malawak na
pagtingin sa mga kalamidad sa isang lugar at kung paano ito matutugunan.

4
Pagyamanin
Pagkatapos mong maunawaan ang aralin tungkol sa “Mga Approach sa Pagtugon sa
mga Hamong Pangkapaligiran”, masasagot mo ba ang mga gawain? Simulan mo na.

Gawain 5.1
Tambalan. Pagtambalin ang hanay A at hanay B. Hanapin sa Hanay B ang tinutukoy
na konsepto sa hanay A.

Hanay A Hanay B
1. Kakayahan ng pamayanang harapin ang mga epekto
na dulot ng kalamidad a. Disaster Management
2. Mga hazard na dulot ng kalikasan
b. Hazard
3. Tumutukoy sa tao, lugar, at impraestrukturang may
mataas na posibilidad na maapektuhan ng mga hazard c. Anthropogenic Hazard
4. Ito ay tumutukoy sa mga bantang maaaring dulot ng d. Natural Hazard
kalikasan o ng gawa ng tao
e. Disaster
5. Mga hazard na bunga ng mga gawain ng tao
6. Inaasahang pinsala sa tao, ari-arian, at buhay dulot f. Vulnerability
ng pagtama ng isang kalamidad g. Risk
7. Pangyayaring nagdudulot ng panganib at pinsala sa
h. Resilience
tao, kapaligiran, at mga gawaing pang-ekonomiya
8. Iba’t ibang gawaing dinisenyo upang mapanatili ang i. Top-down Approach
kaayusan sa panahon ng sakuna, kalamidad, at j. Bottom-up Approach
hazard
9. Ang mga mamamayan ay may kakayahang simulan at
panatilihin ang kaunlaran ng kanilang komunidad
10. Ang pagtugon sa panahon ng kalamidad ay inaasa sa
mas nakatataas na tanggapan

Gawain 5.2
SURI-SITWASYON. Tukuyin kung ang sumusunod na sitwasyon ay nagpapakita ng
pamamaraang Top-down o Bottom-up. Isulat ang TD para sa Top-down at BU naman
para sa Bottom-up.

1. Ang Chairman ng Brgy. Maligaya ay nagpatawag ng pagpupulong


kasama ang kaniyang mga kagawad upang bumuo ng plano para maging
handa ang kanilang barangay sa bantang panganib ng mga kalamidad.
2. Ang pamilya ni Ana ay aktibong nakikilahok sa programa ng kanilang
komunidad tungkol sa mga maaaring gawin kung may darating na lindol.
3. Si Aling Maria at ang kaniyang mga kapitbahay ay sama-samang
naglilinis ng mga kanal at estero sa kanilang barangay bilang
paghahanda sa paparating na bagyo.
4. Sa isang forum ay ipinaliwanag ng Mayor ang Pre-disaster Recovery
Plan na naglalaman ng mga polisiya at mga gawain bilang paghahanda
bago ang kalamidad.
5. Si Pedro ay lider ng isang maliit na organisasyon kung saan siya ay
nangangalap ng pondo upang maisakatuparan ang kanilang mga
proyekto para sa paghahanda sa kalamidad sa iba’t ibang komunidad.

5
Isaisip

Gawain 5.3
Tinalakay sa modyul na ito ang mga approach sa pagtugon sa mga hamong
pangkapaligiran. Unawain ang sumusunod na tanong at sagutin ang mga ito.

Kumusta ka? Sagutin ang


mga tanong sa pisara.

1. Sa iyong sariling salita, ano ang


pagkakaunawa mo sa disaster
management?
2. Bakit kailangang isagawa ang
disaster management plan?
3. Ano ang pagkakaiba ng top-down
Isulat ang iyong sagot sa hiwalay na approach
papel. sa bottom-up
approach?

4. Anong disaster management approach ang


angkop na gamitin? Pangatwiranan.
5. Bilang mamamayan, bakit mahalaga ang iyong
partisipasyon sa disaster management plan?

Isagawa
Gawain 5.4
SUHESTIYON MO, ITALA. Idineklara ng PAGASA ang pagpasok ng panahon ng tag-
ulan sa bansa. Nagpaalala ang ahensiya sa publiko tungkol sa mga paparating na
malalakas na pag-ulan at bagyo. Kaya naman, magkakaroon ng pagpupulong ang
inyong barangay upang pag-usapan ang gagawing disaster management plan ng inyong
komunidad upang matugunan ito.
Rubriks sa pagmamarka ng gawain:
Pamantayan Puntos
Nakapagbigay ng limang kongkreto at wastong ideya sa pagbuo ng disaster
management plan. 10
Naipaliwanag nang mabuti ang mga ideya sa bawat bilang. 10
Kabuuan 20

6
Ikaw ang kinatawan ng iyong pamilya para
dumalo dito. Nais mong makatulong upang
maging komprehensibo at epektibo ang
mabubuong plano. Kaya naman magbigay
ka ng mga estratehiya o paraan kung paano Mga Dapat Isaalang-alang
magiging epektibo ang gagawing disaster sa Pagbuo ng Disaster
management plan ng inyong barangay batay Management Plan
sa napag-aralang konsepto ng disaster
management at mga approach sa pagtugon 1.
sa hamong pangkapaligiran. Maglista ng 2.
limang paraan o ideya na ibabahagi mo sa 3.
iyong kabarangay kung ano ang dapat 4.
isaalang-alang sa paggawa o pagbuo ng 5.
disaster management plan. Sundin ang
format.

Tayahin
Piliin ang titik ng wastong sagot. Isulat ang mga sagot sa hiwalay na papel.
1. Anong konsepto ang tumutukoy sa mga natural na pangyayari o gawa ng tao na
maaaring magdudulot ng panganib at pinsala sa tao, kapaligiran, at mga gawaing
pang-ekonomiya?
A. disaster C. natural hazard
B. hazard D. vulnerability
2. Ang mga hazard tulad ng bagyo, thunderstorm, at storm surge ay halimbawa ng
natural hazard. Alin naman ang halimbawa ng anthropogenic hazard?
A. digmaan B. landslide C. lindol D. tsunami
3. Ang vulnerability at risk ay magkaugnay. Kung ang risk ay mga inaasahang pinsala
sa tao, ari-arian, at buhay na dulot ng isang kalamidad. Ano naman ang
vulnerability?
A. Kakayahan ng pamayanang harapin ang mga epekto na dulot ng
kalamidad.
B. Mga hazard na dulot ng kalikasan.
C. Tumutukoy sa tao, lugar, at impraestrukturang may mataas na
posibilidad na maapektuhan ng mga hazard.
D. Mga bantang maaaring dulot ng kalikasan o ng gawa ng tao.
4. Sa pagpaplano ng disaster risk reduction management, anong approach ang
tumutukoy sa isang pamamaraan kung saan ang isang pamayanan ay aktibong
nakikilahok sa pagtukoy sa mga risk na maaari nilang maranasan kung may
kalamidad?
A. Bottom-up Approach C. Risk Management
B. Disaster Management D. Top-down Approach

5. Alin sa sumusunod ang mga katangian ng Bottom-up approach?


I. Ang mga mamamayan ay may kakayahang simulan at panatilihin ang
kaunlaran ng kanilang komunidad.
II. Ang pagpaplano o pagtugon sa panahon ng kalamidad ay inaasa sa
mas nakatataas na tanggapan o ahensya ng pamahalaan.
III. Ang responsiblidad sa pagbabago ay nasa kamay ng mga mamamayang
naninirahan sa pamayanan.
IV. Ang partisipasyon ng mga mamamayan sa komprehensibong pagpaplano at
mga gawain ay kinakailangan para sa matagumpay na estratehiyang ito.
A. I,II,III,IV B. II,III,IV C. I,III,IV D. II,IV

7
Karagdagang Gawain
Gawain 5.5
HAMBINGAN. Gamit ang venn diagram tukuyin ang pagkakatulad at pagkakaiba ng
Top-down approach at Bottom-up approach. Ilagay sa gitna ang pagkakapareho.

Gawain 5.6
BIDYO-SURI. I-click ang link sa ibaba at panoorin ang video. Matapos panoorin ay
sagutin ang sumusunod na tanong.

Pamagat: NTG: Bagsik ng super typhoon Yolanda –


Link: https://youtu.be/OeWf0sKfsck
Mga Tanong:
1. Ano ang ipinakikita ng video?
2. Bakit ito maituturing na disaster? Ipaliwanag.
3. Sa iyong napanood, napaghandaan ba ng mga mamamayan
sa komunidad na iyon ang pagdating ng kalamidad?
4. Sa iyong palagay, bakit mahalaga ang paghahanda at pagkakaroon ng plano sa
mga paparating na kalamidad?

8
10
Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 6
Ang Community-Based Disaster
Risk Reduction Management
Araling Panlipunan – Ikasampung Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 6: Ang Community-Based Disaster Risk Reduction Management
Ikalawang Edisyon, 2021
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna
ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak
o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay
ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang
pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda
ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng
pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Nanunuparang Tagapamanihala: Carleen S. Sedilla, CESE
Nanunuparang Pangalawang Tagapamanihala/Nanunuparang Hepe: Jay F. Macasieb, DEM, CESE

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Teresita M. Bartoline
Editor: Ma. Victoria P. Alvaro
Tagasuri: Michael M. Mercado
Maria Katherine T. Estrella
Perchy L. Reyes
Tagaguhit: Jhoseplex M. Inocalla
Ramon Gaylican Vicente
Tagalapat: Maria Katherine T. Estrella
Tagapamahala:
Neil Vincent C. Sandoval
Pandibisyong Tagamasid, LRMS

Michael M. Mercado
Pandibisyong Tagamasid, Araling Panlipunan

Inilimbag sa Pilipinas ng
Pampaaralang Sangay ng Lungsod ng Makati sa tulong ng Pamahalaang Lokal ng Makati
(Local School Board)

Department of Education – Schools Division Office- Makati City


Office Address: Gov. Noble St., Brgy. Guadalupe Nuevo,
City of Makati, Metropolitan Manila, Philippines 1212
Telefax: (632) 8882-5861 / 888-5862
E-mail Address: makati.city@deped.gov.ph

ii
Alamin
Magandang araw sa iyo. Sa modyul na
ito ay pag-aaralan mo ang tungkol sa konsepto
ng “Community-Based Disaster Risk
Reduction Management.” Pamilyar ka ba sa
larawan sa ibaba? Ito ay madalas mong gawin
sa iyong paaralan. Katulad ng ipinapakita sa
larawan ay matututuhan mo ang mga
hakbang na dapat gawin bago, habang, at
pagkatapos ng isang kalamidad. Ang mga
hakbang na ito ay mahalagang
maisakatuparang mabuti para sa isang ligtas
na komunidad.

Ang modyul na ito ay nahahati sa dalawang aralin. Ito ay ang sumusunod:


Aralin 1 – Konsepto tungkol sa Community-Based Disaster Risk Reduction
Management (CBDRRM) Plan
Aralin 2 – Mga Hakbang ng Community-Based Disaster Risk Reduction
Management (CBDRRM) Plan

Sa pagtatapos ng iyong pag-aaral sa modyul na ito ay inaasahang makakamit mo ang


sumusunod na pinakamahalagang kasanayan sa pagkatuto (most essential learning
competency – MELC) at mga kaugnay na layunin:
1. Naipaliliwanag ang mga konsepto tungkol sa Community-Based Disaster Risk
Reduction Management (CBDRRM) Plan;
2. Natatalakay ang mga hakbang o gawain sa iba’t ibang yugto ng Community-
Based Disaster Risk Reduction Management Plan; at
3. Nasusuri ang mahalagang gampanin ng CBDRRM Plan sa pagtugon ng mga
hamong pangkapaligiran (MELC).

Subukin
Piliin ang titik ng wastong sagot. Isulat ang napiling titik sa hiwalay na papel.
1. Ito ay isang pamamaraan kung saan ang isang pamayanang may banta ng hazard at
kalamidad ay aktibong nakikilahok sa pagtukoy, pagsuri, pagtugon, pagsubaybay,
at pagtataya ng mga risk na maaari nilang maranasan. Ano ito?
A. CBDRRM B. Disaster Management C. NDRRMC D. PDRRMF
2. Magiging matagumpay ang CBDRRM Approach kung _____. Ano ito?
A. maraming pondo ang pamahalaan.
B. matatalinong tao at may pinag-aralan ang nangunguna sa mga gawain sa
komunidad.
C. magtutulungan ang pamahalaan, mga mamamayan, NGO’s at iba’t ibang
sektor ng lipunan.
D. susunod lamang ang mamamayan sa idinidikta ng pamahalaan sapagkat
alam na nila ang mga susunod pang mangyayari.
3. Ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng pagtukoy sa mga lugar sa mapa na maaaring
masalanta ng hazard at mga elementong maaaring mapinsala tulad ng mga tulay,
kabahayan, gusali, at iba pang impraestruktura. Ano ito?
A. hazard mapping C. risk profiling
B. physical assessment D. timeline of events

1
4. Aling titik ang may wastong pagkakasunod-sunod ng mga hakbang ng CBDRRM
Plan?
A. Preparedness, Prevention and Mitigation, Rehabilitation and Recovery, at
Response
B. Preparedness, Response, Prevention and Mitigation, at Rehabilitation and
Recovery
C. Prevention and Mitigation, Preparedness, Response, at Rehabilitation and
Recovery
D. Prevention and Mitigation, Response, Preparedness, at Rehabilitation and
Recovery
5. Aling yugto ng CBDRRM Plan ang nagsasabing “Ang lahat ng impormasyong
makakalap ay mahalaga sa pagtataya sa lawak ng pinsalang naranasan ng isang
pamayanan upang epektibong matugunan ang kanilang mga pangangailangan”?
A. Preparedness C. Rehabilitation and Recovery
B. Prevention & Mitigation D. Response

Modyul
Ang Community-Based Disaster
6 Risk Reduction Management
Sa pagtugon sa mga isyu at hamong pangkapaligirang nararanasan sa kasalukuyan,
malaki ang bahaging ginagampanan ng komunidad upang harapin at mapagtagumpayan
ang anomang banta at suliraning kinahaharap nito.
Ang aktibong partisipasyon ng mamamayan ay marapat na maisagawa upang
maging handa ang komunidad at makaiwas sa malawak na pagkapinsala ng buhay at ari-
arian.

Balikan
Gumawa sa iyong
kuwaderno ng talahanayan
na tulad sa ibaba. Punan
ito ng wastong sagot sa
tulong ng mga gabay na
nasa kaliwang bahagi.
Pagkatapos ay tapusin ang
pangungusap batay sa
iyong pagkakaunawa.
Higit na makatutulong sa
isang komunidad ang
pagsasama ng top-down at
bottom-up approach dahil
______________.

Tuklasin

2
Suriin
Ang Community-Based Disaster Risk Reduction Management
Approach
• Ang Community-Based Disaster Risk Reduction Management (CBDRRM) ay proseso
kung saan kasama o kabahagi ang mamamayan sa pagtugon sa mga banta na
nararanasan sa komunidad. Dito ay aktibong nakikilahok ang mga mamamayan sa
bawat proseso mula sa pagtukoy hanggang sa pagpaplano at pagkilos sa mga gawain na
may kaugnayan sa disaster management. Ang CBDRRM ay naaayon sa Bottom-up
approach sapagkat nagsisimula sa mamamayan ang pagkilos.
• Mahalaga ang partisipasyon ng tao sapagkat sila mismo ang nakararanas ng iba’t ibang
suliranin sa lugar. Ito ay ginagawa upang maging handa ang komunidad sa anomang
hazard at mabawasan ang pinsalang maaaring idulot nito sa tao at ari-arian.
• Itinataguyod ng National Disaster Risk Reduction Council o NDRRMC ang Community-
Based Disaster Risk Reduction Management sa pagbuo ng mga plano pagdating sa
disaster management.

Mga Hakbang sa Pagbuo ng Community-Based Disaster Risk


Reduction Management (CBDRRM) Plan
• Mahalaga ang CBDRRM Approach dahil
matutugunan nito ang pagkakaroon ng isang
pamayanang disaster-resilient.
• Unang Yugto: Disaster Prevention and Mitigation.
Ito ay tumutukoy sa mga hakbang na dapat gawin
bago ang pagtama ng sakuna, kalamidad at hazard
na may layuning maiwasan o mapigilan ang
malawakang pinsala sa tao at kalikasan (Ondiz at
Redito, 2009).
• Nakapaloob sa Disaster Risk Assessment ang Hazard
Assessment, Vulnerability Assessment, Risk Assessment, at Capacity Assessment. Ang
mga pagtatayang ito ay mahalagang gawin upang malaman at higit na maunawaan ng
babalangkas ng plano ang mga hazard, risk, at kung ano at sino ang maaaring masalanta
at maapektuhan ng kalamidad.
• Ang Hazard Assessment ay tumutukoy sa pagsusuri sa lawak, sakop, at pinsalang
maaaring maranasan ng isang lugar kung ito ay mahaharap sa isang sakuna o
kalamidad. Mayroong dalawang paraan sa pagsasagawa ng Hazard Assessment: ang
Hazard Mapping o paggamit ng map na tutukoy sa mga lugar na maaaring masalanta ng
hazard at Historical Profiling/Timeline of Events.
• Ang Vulnerability and Capacity Assessment (VCA) ang sumusukat ng kahinaan o
kakayahan sa pagharap sa mga hamong pangkapaligiran ng isang komunidad. Tinataya
sa Vulnerability Assessment ang kahinaan at kakulangan ng isang tahanan o komunidad
na harapin o bumangon mula sa pinsalang dulot ng hazard. Samantalang ang Capacity
Assessment ay tinataya at sinusuri ang kapasidad at kakayahan ng komunidad na
harapin ang mga hazard.
• Sa Vulnerability Assessment, nakapagpaplano sa mabisang paraan ang komunidad
upang mabawasan ang pinsala ng hazard. May tatlong kategorya ng Vulnerability: pisikal

3
o materyal (nagiging vulnerable ang tao o komunidad kung kulang o kapos sa
pinagkukunang yaman, halimbawa ay kawalan ng mapapasukan); panlipunan (nagiging
vulnerable dahil sa kondisyon o kawalan ng kakayahan ng mga tao, halimbawa ay
pagkakaroon ng kapansanan o kawalan ng kooperasyon); at pag-uugali tungkol sa
hazard na nagiging sagabal para sa kaligtasan, halimbawa ay ang hindi pagsunod sa
utos ng pamahalaan sa paglikas).
• Sa Capacity Assessment, inaalam ang mga kagamitan, impraestruktura at tauhang
kakailanganin sa pagtama ng kalamidad. Sa pamamagitan nito ay malalaman kung ano
ang kulang o wala sa komunidad at mga kakailanganin sa panahon ng kalamidad. May
tatlong kategorya ito: aspektong pisikal o materyal na kapasidad ng mamamayan sa
muling pagbangon mula sa kalamidad; aspektong panlipunan na maayos na pagpaplano
ng pamahalaan at pakikiisa ng mamamayan sa pagharap sa kalamidad o pagtutulungan
ng iba’t ibang sektor; at pag-uugali ng pamayanan tungkol sa hazard na mga positibong
pag-uugali ng mga mamamayan gaya ng pagkusa at pagtulong sa sa sarili at kapwa.
• Halimbawa ng Capacity Assessment ay ang kakayahan ng pamahalaan sa pagtugon sa
mga pangangailangang pangmedikal ng bansa dulot ng COVID-19.
• Ang Risk Assessment ay isang proseso ng pagkilala sa mga hazard at mga kadahilanan
nito na maaaring magdulot ng malawakang pinsala sa mga tao. Ito ay mga gawain bago
ang pagtama ng kalamidad. May layunin itong iwasan o pigilan ang epekto ng hazard sa
tao at kalikasan.
• May dalawang uri ng mitigation: ang structural mitigation o paghahandang nakatuon sa
pisikal na anyo ng isang komunidad, halimbawa ay pag-aayos ng drainage at
pagkakaroon ng fire exit; at non-structural mitigation o mga paghahanda kung saan
ginagamit ang kaalaman, kasanayan o kasunduan upang mabawasan ang panganib ng
hazard, halimbawa ay pagbuo ng DRRM plan, mga batas, at public safety measures.
• Kung uunawain nating mabuti, mahalaga ang yugto ng Prevention and Mitigation
sapagkat ito ang magsisilbing-gabay sa pagbuo ng isang epektibong disaster
management plan.
• Ikalawang Yugto: Disaster Preparedness. Tumutukoy ito sa mga hakbanging dapat
isagawa bago maganap ang isang hazard at maging sa oras ng pagtama ng isang sakuna
o disaster.
• Ang tunguhin ng yugtong ito ay maihanda ang komunidad upang mabawasan ang bilang
ng maaapektuhan, maiwasan ang malawakang pinsala ng mga estruktura at likas
yaman, at mapabilis ang pagbangon ng komunidad na nakaranas ng isang kalamidad.
• Mahalaga ang pagbibigay ng paalala at babala sa mamamayan bago ang kalamidad.
Layunin nito ang sumusunod: INFORM o magbigay ng impormasyon at kaalaman
tungkol sa hazard at mahahalagang impormasyon tungkol sa komunidad; ADVISE o
magbigay ng payo at paalala sa mga paghahandang dapat gawin sa oras ng kalamidad;
at INSTRUCT o magbigay ng mga tagubilin sa dapat gawin sa oras ng kalamidad gaya ng
lugar at oras ng pagpunta sa mga evacuation center at mga dapat sundin at hingan ng
tulong.
• Mga pamamaraan sa pagsasagawa Disaster Preparedness:
✓ barangay assembly ✓ mga patalastas sa telebisyon, radyo, at pahayagan
✓ pamamahagi ng flyers ✓ pagpapadala ng mensahe sa pamamagitan ng text
✓ pagdidikit ng poster o ✓ paggamit ng social media tulad ng facebook at
billboard twitter

• Sa Lungsod Makati, ginamit ng Pamahalaang Lokal ang paggamit ng social media at App
technology bilang paraan ng paghahanda sa anomang sakuna o hazard.
:

4
• Ikatlong Yugto: Disaster
Response. Ito ay ang
epektibong pagtugon sa mga
pangangailangan ng isang
komunidad na nakaranas ng
kalamidad. Tinataya sa yugtong
ito ang lawak ng pinsalang dulot
ng isang sakuna o kalamidad
upang gamiting gabay at
batayan sa paglutas sa mga
suliraning kanilang
kinahaharap.
• Magkaugnay ang pagtataya ng
Damage at Loss. Ang Loss ay resulta ng mga nasira o nawasak na impraestruktura,
produkto, at maging ng serbisyo. Halimbawa nito ang pagtumba ng mga poste ng
koryente ay para sa damage at ang kawalan ng koryente ay para sa loss.
• Upang matiyak ang kaligtasan ng lahat, mahalagang may koordinasyon at maayos na
daloy ng komunikasyon ang lahat ng bumalangkas sa disaster management plan.
Kasama dito ang iba’t ibang sektor ng lipunang nakibahagi sa simula pa lamang ng
unang yugto hanggang sa pagtugon sa mga pangangailangan ng mga nasalanta.
• Ikaapat na Yugto: Disaster Rehabilitation and Recovery. Tumutukoy ito sa mga
hakbangin ng pagsasaayos ng mga nasira o
nawasak na estruktura at sa panunumbalik
ng mga serbisyong pansamantalang nahinto
dahil sa kalamidad. Ilan sa mga halimbawa
ng rehabilitation ay ang panunumbalik ng
suplay ng mga pangunahing
pangangailangan tulad ng pagkain, tubig, at
koryente. Kabilang din ang pagkumpuni ng
mga nasirang bahay at gusali.
• Sa yugtong ito ng CBDRRM, mahalagang
maunawaan bilang mamamayan na hindi
lamang responsibilidad ng pamahalaan ang pagpapanumbalik sa kaayusan at normal na
daloy ng buhay. Tayo, bilang bahagi ng komunidad ay may mga tungkulin na dapat
gampanan hindi lamang sa ating sarili kundi pati sa ating kapwa.
• Ang Cluster approach ay isang mekanismo na ipinatupad ng United Nations (UN) noong
2005 para sa epektibong paraan ng pagtugon sa mga nangangailangan sa panahon at
pagkatapos ng isang sakuna o kalamidad. Layunin ng Cluster approach na patatagin
ang ugnayan ng pamahalaan, ng pamayanan at ng iba’t ibang sektor ng lipunan. Ginamit
ng National Disaster Coordinationg Council o NDCC (sa kasalukuyan ay NDRRMC) ang
Cluster approach sa pagbuo ng mga kaparaanan para sa pagharap sa mga hazard,
sakuna, at kalamidad sa Pilipinas. Katunayan, noong May 2007, nagpalabas ito ng isang
direktiba, ang NDCC Circular No. 5-2007, sa pagbuo ng Disaster Management System.
Iminungkahi nito ang pagtatalaga ng mga Cluster leaders mga pinuno para sa tatlong
antas: pang-nasyonal, pang-rehiyon at probinsiyal.
• Halimbawa ng pagiging epektibo ng cluster system ay ang pagdedeklara ng Zero Casualty
ang Albay sa kabila ng pagtama ng Typhoon Glenda noong 2014. Napatunayan nito na
maaaring maiwasan ang
malaking pinsala kung
mayroong maayos na disaster
management plan ang isang
komunidad. Higit sa
tagumpay ng nasabing
sistema ay kinilala nila ang
papel na ginampanan ng
partisipasyon at pakikiisa ng
taumbayan, mga NGOs at iba
pang sektor ng lipunan sa
pagbuo at pagpapatupad ng
kanilang disaster
management plan.

5
Pagyamanin

Pagkatapos mong maunawaan ang aralin tungkol sa “Community-Based Disaster


Risk Reduction Management”, masasagot mo ba ang mga gawain? Simulan mo na.

Gawain 6.1
SAGOT MO –
IGUHIT MO. Isulat
sa papel ang
nilalaman ng
gawaing ito. Iugnay
ang sagot sa Hanay
B sa mga
pangungusap sa
Hanay A. Iguhit ang
simbolong
kumakatawan sa
tamang sagot sa
loob ng kahon.

Gawain 6.2
YOU COMPLETE ME. Iguhit ang dayagram sa papel at kompletuhin ito. Sa tulong ng
Legend for Chart ay sagutan ang mga patlang sa pamamagitan ng pagsulat ng mga
impormasyong hinihingi nito.

6
Isaisip
Gawain 6.3
Tinalakay sa modyul na ito
ang CBDRRM. Unawain ang
sumusunod na tanong at
sagutin ito.

Isagawa

Gawain 6.4
ALAM KO KAYA’T LIGTAS AKO.
Maglaan ka ng oras upang libutin ang
“loob lamang” ng inyong bahay, itala ang
mga hazard na makikita mo. Halimbawa
nito ay sirang bintana o mga sirang
saksakan ng koryente, etc. Pagkatapos
ay isulat ang panganib na dulot nito,
sino at ano ang mga maaapektuhan, at
ang mga dapat gawin upang maiwasan
ang nakaambang panganib. Kopyahin
ang talahanayan sa isang papel at
gamitin ito upang gabayan ka sa iyong
pagsagot. Dugtungan mo rin ang
pangungusap na matatagpuan sa ibaba.
“Mahalagang alam at nauunawaan ko ang mga nakaambang panganib sa aking paligid sapagkat
________________________________________________________________________________________________.”

7
Tayahin
Piliin ang titik ng wastong sagot. Isulat ang mga sagot sa hiwalay na papel.
1. Ang Community-Based Disaster Risk Reduction Management ay nakasentro sa
kapakanan ng _______.
A. barangay
B. Local Government Unit
C. Pamahalaang nasyonal
D. tao
2. Ang pagtatayang ito ay isinasagawa upang makita ang mga nakaambang panganib
na mararanasan ng isang pamayanan, kung gaano ito kadalas mangyari, at alin ang
naging pinakamapaminsala.
A. Hazard Assessment
B. Hazard Mapping
C. Historical Profiling o Timeline of Events
D. Vulnerability Assessment
3. Isang uri ng pagtataya na sumusuri sa kakayahan o kapasidad ng pamayanan sa
pagharap sa iba’t ibang uri ng hazard.
A. Capacity Assessment
B. Hazard Assessment
C. Risk Assessment
D. Vulnerability Assessment
4. Ito ay isa sa layunin ng disaster preparedness na nagbibigay ng mga impormasyong
may kinalaman sa hazard, vulnerability, capability, risk, at maging sa katangiang
pisikal ng isang pamayanan.
A. To inform
B. To advise
C. To instruct
D. Lahat ng nabanggit
5. Yugto ng CBDRRM na tumutukoy sa mga hakbangin ng pagsasaayos ng mga nasira
at pagpapanumbalik ng mga serbisyong naantala.
A. Disaster Prevention and Mitigation
B. Disaster Preparedness
C. Disaster Response
D. Disaster Recovery and Rehabilitation

Karagdagang Gawain
Gawain 6.5
IDEA MO, I-FLEX MO. Ipagpalagay mo na may
paparating na super typhoon at nagbigay na ng
signal warning ang PAGASA ukol dito. Sa
kagustuhan mong makapaghanda at maligtas ang
buhay ng iyong mga kaibigan, naisip mo na ang
pinakamabilis na paraan ay mag-post ng babala sa
social media account mo. I-flex mo ang alam mo.
Paano mo ito gagawin?
Gayahin ang guhit sa ibaba sa isang malinis
na papel at isulat ang nais mong ipabatid tungkol
sa paparating na kalamidad sa blankong bahagi
nito.
Rubric sa Pagmamarka:
Pamantayan Puntos
Wasto at makatotohanan ang mga impormasyon. Nakatulong upang maging handa ang
10
mga mamamayan sa panahon ng kalamidad.
Madaling maunawaan ang ginamit na salita at wika. 5
Nakapupukaw ng atensiyon ang post dahil sa paraan ng pagsusulat na nakahikayat sa
5
nagbabasa upang ito ay bigyan nang pansin.
Kabuuan 20

8
10
Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 7
Kahandaan ng Lungsod Makati
sa Pagtugon sa mga Hamong
Pangkapaligiran: Unang Bahagi
Araling Panlipunan – Ikasampung Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 7: Kahandaan ng Lungsod Makati sa Pagtugon sa mga Hamong
Pangkapaligiran: Unang Bahagi
Ikalawang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna
ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak
o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay
ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang
pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda
ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng
pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Nanunuparang Tagapamanihala: Carleen S. Sedilla, CESE
Nanunuparang Pangalawang Tagapamanihala/Nanunuparang Hepe: Jay F. Macasieb, DEM, CESE

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Christine Joy P. Labrador
Editor: Lorna June S. Vallano
Tagasuri: Michael M. Mercado Liza Velle B. Ramos
Neil Vincent C. Sandoval Ruth Jeanne J. Aguas
Darren James T. Baylosis Christian T. Rieza
Michael V. Lorenzana Ciara Althea M. Yee
Maria Katherine T. Estrella Abigail Johannah R. Manching
Perchy L. Reyes

Tagaguhit: Jhoseplex M. Inocalla


Tagalapat: Michael V. Lorenzana
Tagapamahala:
Neil Vincent C. Sandoval
Pandibisyong Tagamasid, LRMS

Michael M. Mercado
Pandibisyong Tagamasid, Araling Panlipunan

Inilimbag sa Pilipinas ng
Pampaaralang Sangay ng Lungsod ng Makati sa tulong ng Pamahalaang Lokal ng Makati
(Local School Board)

Department of Education – Schools Division Office- Makati City


Office Address: Gov. Noble St., Brgy. Guadalupe Nuevo,
City of Makati, Metropolitan Manila, Philippines 1212
Telefax: (632) 8882-5861 / 888-5862
E-mail Address: makati.city@deped.gov.ph

ii
Alamin
Magandang araw sa iyo. Sa bahaging ito ay matutunghayan mo ang iba’t ibang
paraan ng pagtugon ng Lungsod Makati sa mga hamong dulot ng suliraning
pangkapaligiran. Iisa-isahin ang mga batas, polisiya, proyekto, at mga gawaing
inilunsad ng Pamahalaang Lungsod ng Makati upang maging maayos ang
implementasyon ng disaster management plan nito. Sa ibaba, makikita ang dayagram
na nagpapaliwanag ng layunin ng lungsod ukol sa tamang pagharap sa mga bantang-
sakuna.
Batay sa dayagram, makikita ang pangunahing hangarin ng lungsod na
matulungan ang bawat Makatizen na malampasan ang matinding hamon na dulot ng
iba’t ibang hamong pangkapaligiran. Nilalayon ng Makati Disaster Risk Reduction
Management (DRRM) Office na mabigyan ng kaalaman ang mga tao tungkol sa tamang
pagtugon sa mga bantang-sakuna at upang mabigyang proteksiyon nila ang mga sarili
at kani-kanilang pamilya (self-help). Sa pamamagitan nito, magagamit nila ang kanilang
kaalaman at kakayahan sa pagtulong sa kanilang kapwa ( mutual help). Katuwang ang
pamahalaan na nagbibigay ng tulong at serbisyo upang maging mabilis ang pagtugon
at pagbangon ng lipunan sa panahon ng sakuna ( public help). Kapag ang mga ito ay
maging bahagi na ng pamumuhay ng bawat Makatizen, hindi malayong magiging
matatag at mabilis ang pagbangon ng mga mamamayan sa mga kahaharaping sakuna.

Ang modyul na ito ay nahahati sa dalawang aralin. Ito ay ang sumusunod:


Aralin 1 – Mga Paghahanda at Gawain ng Lungsod Makati sa Pagharap ng
Suliraning Pangkapaligiran
Aralin 2 – Pagpapahalaga sa Pagharap sa mga Panganib na Dulot ng
Suliraning Pangkapaligiran
Sa pagtatapos ng iyong pag-aaral sa modyul na ito ay inaasahang makakamit mo
ang sumusunod na pinakamahalagang kasanayan sa pagkatuto (most essential
learning competency – MELC) at mga kaugnay na layunin:
1. Natatalakay ang pagtugon ng Lungsod Makati at mga komunidad nito sa
pagharap ng panganib dulot ng mga hamong pangkapaligiran;
2. Naipahahayag ang saloobin ukol sa kakayahan ng Lungsod Makati at mga
komunidad nito sa pagharap ng panganib dulot ng hamong pangkapaligiran;
3. Nasusuri ang kahalagahan ng kahandaan, disiplina, at kooperasyon sa pagtugon
ng mga hamong pangkapaligiran (MELC 4B); at
4. Naisasagawa ang mga angkop na hakbang ng CBDRRM Plan (MELC 5).

1
Subukin
Piliin ang titik ng wastong sagot. Isulat ang napiling titik sa hiwalay na papel.
1. Ito ay tumutukoy sa mga panganib na dulot ng iba’t ibang kondisyong pang-industriya
tulad ng aksidente sa pagawaan at mapanganib na pamamaraan sa produksiyon.
A. biolohikal C. meteorolohikal
B. heolohiya o heopisikal D. teknolohikal
2. Ang Lungsod Makati ay gumagamit ng mga makabagong teknolohiya sa pagbibigay ng
mga impormasyon at babala tungkol sa paghahanda sa iba’t ibang sakuna o kalamidad.
Anong yugto ng CBDRRM Plan napabibilang ang hakbang na ito?
A. Disaster Prevention and Mitigation C. Disaster Response
B. Disaster Preparedness D. Disaster Recovery and Rehabilitation
3. Ang sumusunod ay ilan lamang sa mga tugon ng lokal na pamahalaan ng Makati sa
epidemyang COVID-19. Alin ang hindi kabilang?
A. Libreng gamot sa mga senior citizen
B. Pamimigay ng food packs sa mga residente
C. Programang MAKA-tulong 5k para sa 500k
D. Pagkakaroon ng iskedyul ng pangongolekta ng basura
4. Alin sa sumusunod na pagpapahalaga ang makatutulong sa pagpapanatili ng kaayusan
at katiwasayan ng isang lipunan sa gitna ng mga hamong pangkapaligiran?
A. disiplina at kooperasyon C. malakas na pananampalataya
B. magaling makisama sa kapwa D. mapagbigay sa nangangailangan
5. Ang sumusunod na sitwasyon ay nagpapakita ng pagtugon ng lokal na pamahalaan sa
pagbabawas ng mga nakaabang na panganib sa lungsod. Alin ang hindi kabilang?
A. Pagbibigay ng libreng cremation services sa mga residente.
B. Pagbabawal ng konstruksyon ng mga gusali malapit sa mga faultline.
C. Pagsasa-mapa ng West Valley Faultlines na matatagpuan sa lungsod.
D. Pagbibigay ng relocation sa mga residente na nasa tabi ng Ilog Pasig at yaong
mga nasa five-meter buffer zone ng West Valley faultlines.

Modyul Kahandaan ng Lungsod Makati sa

7 Pagtugon ng mga Hamong


Pangkapaligiran: Unang Bahagi
Ang Lungsod Makati ay kinilala bilang “Role Model City” for Campaign on Making
Cities Resilient ng United Nations Office for Disaster Risk Reduction (UNDRR) noong
2011, “One of 29 Model Communities in the World” at “Exemplar in Disaster Risk
Management and Reduction” ng UN Office for Disaster Reduction noong 2012. Ilan
lamang iyan sa mga patunay na ang Lokal na Pamahalaan ng Makati ay seryosong
tumutugon sa mga hamong dulot ng kapaligiran.

Balikan
Color Puzzle. Makikita sa ibaba ang isang
puzzle na may nakasulat na mga konsepto. Ang
mga konseptong ito ay mga hakbang na
isinasagawa sa community-based disaster risk
reduction and management plan. Uriin ang mga
ito kung saang yugto napabibilang sa
pamamagitan ng pagkulay. Gamitin ang
sumusunod na gabay sa pagkukulay:

o Unang Yugto (Disaster Prevention and


Mitigation) - berde
o Ikalawang Yugto (Disaster
o Preparation) - bughaw
o Ikatlong Yugto (Disaster Response) -
pula
o Ikaapat na Yugto (Disaster Recovery
o and Rehabilitation) - dilaw 2
Mga Tanong:
1. Ano ang mga yugto sa pagbuo ng CBDRRM Plan?
2. Ano ang mga gawaing isinasagawa sa pagpapatupad ng bawat yugto?
3. Batay sa iyong obserbasyon, alin sa mga nabanggit na gawain ang isinasagawa sa
inyong komunidad tuwing may sakuna o kalamidad?

Tuklasin

Mga Tanong:
1. Bakit mo isinasagawa ang mga paghahanda para sa isang gawain?
2. Paano ito makatutulong sa pagpapaunlad ng iyong sarili? Ipaliwanag.
3. Ano ang mga paghahanda sa sakuna ang iyong isinagawa sa loob ng bahay?

Suriin
Mga Paghahanda at Gawain ng Lungsod Makati sa Pagharap ng Hamong
Pangkapaligiran

• Ang Lungsod Makati ay kilala bilang isang “highly urbanized city” ng bansa. Dito
matatagpuan ang mataas na konsentrasyon ng mga multinational corporation at
mga lokal na korporasyon. Sa kabila ng kaaya-ayang katayuan nito bilang sentro ng
komersiyo, ang lungsod ay hindi ligtas sa mga hamong dulot ng suliraning
pangkapaligiran. Makikita sa ibaba ang balangkas na sinusundan ng Pamahalaang
Lungsod ng Makati upang maging epektibo ang pagpapatupad ng community-based
disaster risk reduction and management plan nito.
• Ang Hyogo Framework for Action (HFA) ay ang pandaigdigang
plano para sa pagbabawas ng peligro dulot ng kalamidad sa
pagitan ng 2005 at 2015. Ito ay pinagtibay sa pagtitipon na
ginanap sa Kobe, Japan noong 2005. Ang layunin nito ay
upang matiyak na mabawasan ang mga pinsala at
pagkaluging dulot ng kalamidad sa pagsapit ng taong 2015,
hindi lamang sa buhay ng mga tao kundi pati na rin sa
aspektong panlipunan, pang-ekonomiya, at pangkapaligiran.
• Sinundan ito ng Sendai Framework for Disaster Risk
Reduction (SFDRR) 2015-2030 na naglalayong makamit ang
malaking pagbabawas ng peligro sa kalamidad at pagkalugi sa
buhay at kalusugan ng mga tao. Kabilang din dito ang
pagkalugi sa aspektong pang-ekonomiya, pisikal, panlipunan
at pangkultura sa susunod na labinlimang taon. Ito ay
pinagtibay sa Third UN World Conference on Disaster Risk
Reduction sa Sendai, Japan, noong Marso 18, 2015.
• Mapapansing ang Hyogo Framework for Action (HFA) ay nakapokus sa pagbabawas
o pagpapaliit ng pagkawala ng buhay, kabuhayan, impraestruktura at iba pa
(disaster loss reduction). Samantala, ang Sendai Framework ay nakatuon hindi

3
lamang sa pagbabawas ng epekto ng sakuna kundi pati ang
pagbabawas ng mismong sakuna (disaster risk and loss
reduction). Dito mas pinalawak ang sakop ng disaster risk
reduction management para sa mga bansang kasapi.
• Maliban sa mga internasyonal na balangkas, naging
sandalan din ng lokal na pamahalaan ang ilang mga batas
sa bansa upang mas malawak at komprehensibo ang
paglikha nito ng mga panuntunan tungo sa epektibong
pagharap sa mga sakuna. Halimbawa nito ay ang RA No.
9729 o Climate Change Act (CCA) of 2009 at RA No. 10121
o National DRRM Act of 2010.
• Ang RA No. 9729 (Climate Change Act of 2009) ay nilikha
upang makabuo ng mga makabagong estratehiya sa
paglutas ng mga suliranin dulot ng
pagbabago ng klima. Samantala, ang RA No.
10121 (National DRRM Act of 2010) ay
nakatuon sa pagpapatibay ng maayos na
pamamahala sa mga panganib, pagbabawas
ng bulnerabilidad, at pagtugon sa panahon
ng sakuna.
• Batay sa National Disaster Risk Reduction
and Management Framework, makikita na sa
umpisa ay mataas ang prayoridad ang
inilalaan ng pamahalaan sa yugto ng
prevention and mitigation. Ito ay dahil sa
kagustuhan na mapigilan at mabawasan ang
pinsala na dulot ng mga sakuna na itinakda
ng HFA at SFDRR. Ngunit dahil sa
pagsasaalang-alang ng mga batas at
prayoridad ng bansa, naging pangunahing
konsiderasyon nito ang CCA at DRRM upang
mas maging epektibo ang pagpaplano at
implementasyon ng mga hakbang. Kung kaya’t ito ay nagresulta sa pantay na
pagtugon sa lahat ng yugto na kabilang sa disaster management plan. Tunghayan
ang mga paraan at epekto ng pagpapatupad ng Community-Based Disaster Risk
Reduction Management Plan sa Lungsod Makati sa iba’t ibang yugto.

I. Prevention and Mitigation


A. Hazard at Vulnerability Assessment ng Lungsod

• Ayon sa Pamahalaang Lungsod ng Makati, ang lungsod ay nahaharap sa mga


bantang-panganib na dulot ng heolohiya o heopisikal, meteorolohikal, at
teknolohikal na panganib.
• Ang heolohiya o heopisikal na panganib ay tumutukoy sa malubha at natural na
pangyayari sa ibabaw ng mundo na nagdudulot ng pagkawala ng buhay at
pagkasira ng ari-arian ng mga tao. Ang mga halimbawa nito ay lindol, pagputok
ng bulkan, pagguho ng lupa o landslide at pagbaha. Sa lungsod, ang mga
barangay na dinadaanan ng West Valley Fault ay ang Pembo, Rizal, East Rembo,
at Comembo.
• Ang meteorolohikal na panganib naman ay tumutukoy sa mga kaganapan na
nauugnay sa panahon, tulad ng baha, tagtuyot, pagguho ng lupa, pagtaas ng
tubig, pagtaas ng lebel ng tubig sa dagat, hangin, niyebe, matinding temperatura,
ulan, kidlat, at apoy.
• Ayon naman sa United Nations Office for Disaster Risk Reduction (UNDRR) ang
teknolohikal na panganib ay tumutukoy sa mga panganib na dulot ng iba’t ibang
kondisyong teknolohikal o pang-industriya. Kabilang dito ang mga aksidente sa
pagawaan, mapanganib na pamamaraan sa produksiyon, kakulangan sa
impraestruktura, at mga tiyak na hakbang na maaaring magdulot ng kamatayan,
pinsala, at sakit sa tao. Ang mga halimbawa nito ay polusyon mula sa mga
industriya, radiation, mga nakalalasong basura, pagkasira ng dam, aksidente sa
transportasyon, pagsabog ng pabrika, sunog, at mga pagtagas ng kemikal.

4
• Samantala, ang isang
pandemya na nararanasan
ng mga bansa ay
maituturing na biolohikal na
panganib o biohazard. Ito ay
panganib na nagmumula sa
mga bagay na may buhay
tulad ng mga tao, halaman,
at hayop. Ang ilang mga
halimbawa ng mga panganib
sa biolohikal ay galing sa
mga mold at fungi, dumi mula sa dugo at body fluids, airborne pathogens, kagat
ng insekto, mapanganib na halaman at dumi ng mga hayop at ibon, mga
basurang kemikal, virus o toxins (mula sa isang biological na mapagkukunan)
na maaaring makaapekto sa kalusugan ng tao.
B. Risk Assessment ng Lungsod

• Napakahalaga ng papel na ginagampanan ng lokal na pamahalaan sa


paghahanda sa pagharap ng iba’t ibang sakuna. Nakaatang sa maagap at
matalinong pamamahala nito ang maaaring maging epekto nito sa buhay ng tao
at sa ekonomiya ng bansa. Ang Lungsod Makati ay naging masigasig sa pagbuo
ng mga programa at polisiya upang mabigyan ng proteksiyon ang mga
mamamayan nito. Sa katunayan, ang lungsod ay ang kauna-unahang LGU sa
bansa na bumuo ng “Risk Sensitive” Comprehensive Land Use Program (CLUP)
and Zoning Ordinance.
• Ito ay nagtatakda ng limang metrong buffer zone o puwang sa magkabilang panig
ng mga faultline na matatagpuan sa Lungsod Makati. Ipinagbabawal nito ang
pag-aayos o ekspansiyon ng mga gusali na malapit sa buffer zone. Samantala,
nagbibigay din ng tulong pinansiyal sa mga kabahayan o establisyimento na
malapit sa buffer zone para sa pagsasaayos o retro-fitting ng kanilang mga bahay
o gusali. Nagpakabit din ng West Valley Fault (WVF) signages para magbigay ng
kaalaman sa mga tao hinggil sa mga tukoy na danger zone. Karagdagan pa nito,
kinailangan ding magpakabit ng mga seismograph sa mga high-rise building sa
lungsod. Pinagpapasa din ng Certification of Structural Stability ang mga
gusaling may labinlimang palapag pataas.
• Makikita sa Earthquake Hazard Map ng Lungsod
Makati ang mga lugar na may nakaabang na
bantang-sakuna. Sa pamamagitan nito, mas
makabubuo ng angkop na pagtugon ang lungsod
para mabigyang proteksiyon ang mga mamamayan
nito.
• Ang mga nabanggit ay ilan lamang sa mga
programa at proyekto ng Pamahalaang Lokal ng
Makati na isinasagawa, hindi upang mapigilan ang
mga sakuna kundi upang mabawasan ang
malubhang epekto nito sa tao at sa lipunang
ginagalawan nito.

II. Disaster Preparedness


• Ang paghahanda sa sakuna ay nakatuon sa pagbibigay ng kasangkapan sa
lungsod na magkaroon ng angkop na kamalayan, kaalaman, kasanayan, at
kagamitan para sa pagbabawas at pamamahala ng peligro.
• Ang hindi mabuting epekto ng mga sakuna sa bawat pamilya, komunidad at
maging ekonomiya ay nagtulak sa Pamahalaang Lungsod ng Makati na
mamuhunan nang malaki sa pagpapaibayo ng kahandaan at katatagan ng
lungsod sa pagharap sa mga sakuna. Ipinahayag ng punong lungsod na si Kgg.
Mar-Len Abigail S. Binay sa isang international forum sa Seoul, South Korea
noong Setyembre 2019 na ang Makati DRRM Office ay may mga kagamitang
tulad ng 144 na DRRM vehicles, kabilang ang mga sasakyang magagamit ng
kapulisan, bumbero, at mga rescue worker kapag may matinding kalamidad para
sa mabilisang aksiyon.

5
• Nakapagpakabit din ng 136 automatic external
defibrillators o AED sa mga pampublikong paaralan at
City Hall, pati na ang 307 CCTV cameras na mino-
monitor naman ng Makati DRRM Office-Operation
Center. Ang lungsod ay nagpamahagi ng mahigit 500
emergency go bags sa mga pamilyang nakatira sa five-
meter buffer zone malapit sa West Valley Fault,
samantalang 92,802 emergency go bags at 25,466 hard
hats ang ipinamahagi naman sa mga mag-aaral sa mga
pampublikong paaralan ng Makati.
• Noong 2017, itinatag ng Makati ang kauna-unahang
DRRM Academy sa bansa sa loob ng University of Makati
(UMak), upang maging certified DRRM practitioner ang
kahit na sinong mamamayang naglalayong makatulong
sa oras ng pangangailangan.
• Naging agresibo ang Lungsod Makati sa pagsasagawa ng mga paraan upang
makapagbigay ng tamang impormasyon, abiso, at panuntunan sa mga
mamamayan sa pagharap ng mga sakuna. Gumamit ng mga modernong
teknolohiya ang lungsod upang magbigay ng mabilis at dekalidad na serbisyo-
publiko sa panahon ng sakuna. Kabilang dito ang pagkakaroon ng My Makati
Facebook Page kung saan dito nababasa ng mga mamamayan ang mga babala,
mga paghahanda, at maging pagbibigay ng impormasyon at mga tagubilin sa
tuwing may sakuna. Mayroon ding Makatizen app para sa madaliang paghingi
ng tulong sa lokal na pamahalaan.
• Ang lungsod ay bumuo ng isang Mobile Knowledge
Resource Center (MKRC), isang trak na naglalaman ng
mga Impormasyon, Edukasyon, at Komunikasyon (IEC).
Makikita dito ang mga materyales tulad ng mga
miniature hazard model, poster, brochure, audio visual
na pagtatanghal, at gamit sa paglalaro na ginawa batay
sa mga resulta ng hazard assessment. Maaari itong
dalhin sa iba't ibang bahagi ng lungsod para makatulong
na mas maipaliwanag ang mga konsepto ng pagbawas sa
peligro ng kalamidad sa isang participatory at interactive na paraan sa maraming
miyembro ng komunidad. Maraming mga aktibidad ang maaaring gawin nang
sabay-sabay gamit ang mga nilalaman ng trak tulad ng pagtatalakay,
pagpapakita ng video, mga laro na may kaugnayan sa disaster risk para sa mga
bata, at praktikal na pagsasanay tulad ng paggamit ng fire estinguisher, first-aid
at iba pa.
III. Disaster Response
• Ang response system ng lungsod sa iba’t
ibang sakuna ay maituturing na isa sa
kahanga-hanga sa buong bansa. Marami
na itong natanggap na parangal ukol sa
mabisang pagpapatupad ng disaster
management gamit ang mga makabagong
pamamaraan, kagamitan, at
pakikipagtulungan sa ibang bansa
partikular sa Japan. Ang Makati-SAR ay
dating tinatawag na Makati Youth
Emergency Rescue Team na itinatag
noong 1992 at kauna-unahan sa buong
Pilipinas. Noong 2012, isinama ito sa
Makati DRRM Office – SAR na nakatuon
sa emergency and non-emergency
hospital management at technical management hindi lamang sa lungsod kundi
maging sa ibang rehiyon ng bansa.
• Ang lungsod ay matagal nang nagbibigay-tulong sa mga lugar na tinatamaan ng
mga sakuna tulad ng Bagyong Yolanda sa Tacloban noong 2013, lindol sa Bohol
noong 2019, at pagputok ng bulkang Taal nitong Enero, 2020.

6
• Sa kasalukuyan, sinisikap ng lungsod
na mapagtagumpayan ang pagsugpo sa
pandemya na COVID-19 na
kasalukuyang banta sa kalusugan ng
mga tao hindi lamang sa bansa kundi sa
buong mundo. Dahil dito, ang
Pamahalaang Lokal ng Makati ay
agarang tumugon sa pangangailangan
ng lungsod. Ang sumusunod ay iba’t
ibang paraan ng pagtugon para
masugpo ang paglaganap ng sakit at
matulungan ang mga residente na nawalan ng hanapbuhay dulot ng Enhanced
Community Quarantine (ECQ).
• Tunghayan ang mga hakbang na ipinatupad ng Lungsod Makati:

• Nagbigay din ng ayuda ang pamahalaang lokal sa mga


mamamayan nito tulad ng food packs, grocery voucher, cash aid
sa pamamagitan ng MAKA-tulong 5k para sa 500k sa lahat ng
rehistradong botante o Yellow Card Holder ng Makati na may
edad 18 pataas. Ito ay nagkakahalaga ng Php 5,000.00 at
makukuha via electronic transfer sa GCash.
• Nagbigay din ng halagang Php 1,000.00 sa mga magtatapos sa
Grade 6 at Grade 12 samanatalang Php 2,000.00 hanggang Php
5,000.00 naman para sa mga may academic honor na mag-aaral.
• Namigay din ng halagang Php 2,000.00 sa mga rehistradong
jeepney, traysikel, at pedicab driver bilang ayuda.
• Maliban sa food packs, ang mga rehistradong PWD ay
nakatanggap din ng Php 1,000.00.
• Advanced Mid-year cash gift para sa mga senior citizen.
• Nagbigay din ng hazard pay at special risk allowance sa mga
kuwalipikadong Makati City Hall Frontliner na nagtatrabaho
bilang bahagi ng skeletal force sa panahon ng Enhanced
Community Quarantine.
• Gayundin ng health aid tulad ng COVID-19 Free Testing sa mga frontliner, medical
technologist, health worker, at mga residente na PUI at PUM.
• Ang mga senior citizen ay nakatanggap din ng mga libreng gamot at maintenance mula
sa lokal na pamahalaan at ito ay house-to-house delivery.

7
IV. Disaster Recovery and Rehabilitation
• Ang pagbangon ng komunidad pagkatapos ng sakuna
ay nasa pagtutulungan ng mga mamamayan, pamahalaan
at mga pribadong sektor. Higit sa lahat, ang mabilis na
pagtugon sa mga epektong dulot nito ay nakasalalay sa
kakayanan ng lahat ng sektor at sa mga estratehiyang
ipinapatupad ng pamunuan. Tunghayan ang pigura.
• Makikita sa kanan ang Makati Pre-Disaster Recovery
Framework. Ito ay binubuo ng pitong yugto na naglalayong
maging disaster resilient ang lungsod sa pagharap ng mga
sakuna. Matutunghayan sa bawat yugto ang proseso ng
pagtugon gamit ang balangkas na ito bilang gabay.
1. Pre-Event
Sa yugtong ito, isinasagawa ang pagsusuri ng resulta ng
mga datos batay sa iba’t ibang pagtatayang isinagawa. Ito ang
magiging batayan ng mga paplanuhing hakbang na
makatutugon sa pangangailangan ng lungsod kasabay ng
pagbangon nito. Nakapaloob din dito ang pagbili ng mga kagamitan at pagsasagawa ng mga
aktibidad para sa pagpapatatag ng kapasidad ng lipunan tungo sa mabilis na rekonstruksyon
at rehabilitasyon.
2. Conduct Rapid Damage Assessment and Needs Analysis (RDANA)
Sa bahaging ito, tinutukoy ang lawak ng pinsala sa buhay, ari-arian, impraestruktura, at mga
pangunahing serbisyo pagkatapos ng sakuna. Ang resulta ng pagtataya ang magiging batayan
sa agarang pagpapatupad ng angkop na tugon gamit ang mga inihandang plano at programa.
3. Early Recovery Activities
Sa yugtong ito, isinasagawa ang mga naihanda at angkop na proyekto o gawain ng lokal na
pamahalaan pagkatapos ng RDANA. Ang mga programa o gawain ay inaasahang
makapagpapabilis ng pagbangon ng mga tao at ng lungsod. Dito nangangailangan ng
kooperasyon mula sa iba’t ibang sektor upang mapabilis ang pagtataguyod ng mga gawain.
4. Conduct Post Disaster Needs Assessment (PDNA)
Sa paglunsad ng post disaster needs assessment ay inaasahang matukoy ang magiging
prayoridad ng pamahalaan at matutukan ang mahahalagang pangangailangan ng lipunan sa
pagpapanumbalik ng kaayusan at katiwasayan. Kung kaya’t napakahalaga na komprehensibo
ang pagtatayang gagawin ng pamahalaan upang hindi masayang ang resources nito. Ang mga
naitalaga sa pagtataya ay inaasahang makapagbigay ng komprehensibong ulat.
5. Formulate Recovery Activities
Mahalaga ang pagpapanatili o sustainability ng mga proyekto at gawain para sa tuloy-tuloy
na pagbuti ng kalagayan ng mga tao sa lipunan. Sa bahaging ito, maaari ring magbago ang mga
gawain o proyekto ng pamahalaan tungo sa mas mabuti at epektibong pagtugon nito. Kadalasan
ay pinapalawak at pinapalawig ang mga programa para sa tuluyang pagbangon.
6. Implement Recovery and Reconstruction
Sa bahaging ito, inaasahan ang puspusang pagpapatupad ng mga programa upang makamit
ng pamayanan ang panunumbalik sa normal na buhay at mga gawain ng tao. Kalakip dito ang
pagsasaayos ng mga nasirang impraestraktura, mga bahay, kabuhayan, serbisyo, pamamahala
at mga sistemang panlipunan, at may kasamang diin sa pagbabawas ng mga panganib sa
hinaharap at pagbuo ng katatagan.
7. Monitoring and Evaluation
Ang pagsubaybay at pagsusuri ay naglalayong matiyak na maayos ang implementasyon ng
pagpapanumbalik ng katiwasayan at kaayusan ng lipunan tulad nang bago ito sinalanta ng
sakuna. Mahalagang matiyak ang tamang implementasyon at masuri ang epekto ng programa
para pagbatayan ng mga susunod na hakbang.
• Sa pamamagitan ng pagsunod sa tamang policy framework, tamang kagamitan, at
pagkakaroon ng mga well-trained community members, mapagtatagumpayan ng lokal na
pamahalaan ang mabilis na pagbangon pagkatapos ng mga sakuna. Katunayan, isa ang
Lungsod Makati sa kinilala na pinakamakabagong lungsod sa buong mundo na gumagamit
ng teknolohiya para sa paghahanda sa kalamidad at kahusayan sa World Smart Cities
Awards sa taong 2019 sa natapos na Smart City Expo World Congress sa Barcelona, Spain
(ulat hango sa Inquirer.net).

Pagyamanin
Pagkatapos mong maunawaan ang aralin,
masasagot mo ba ang gawain? Simulan mo
na.
Gawain 7.1
CBDRRM Plan Organizer. Buoin ang graphic
organizer sa pamamagitan ng pagtala ng
mga pagtugon ng Lungsod Makati sa bawat 8
yugto ng CBDRRM Plan.
10
Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 8
Kahandaan ng Lungsod Makati
sa Pagtugon sa mga Hamong
Pangkapaligiran: Ikalawang Bahagi
Araling Panlipunan – Ikasampung Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 8: Kahandaan ng Lungsod Makati sa Pagtugon sa mga Hamong
Pangkapaligiran: Ikalawang Bahagi
Ikalawang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-
sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng
ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o
trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng
karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa
paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring
iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal
na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang
walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Nanunuparang Tagapamanihala: Carleen S. Sedilla, CESE
Nanunuparang Pangalawang Tagapamanihala/Nanunuparang Hepe: Jay F. Macasieb, DEM, CESE

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Christine Joy P. Labrador
Editor: Lorna June S. Vallano
Tagasuri: Michael M. Mercado Liza Velle B. Ramos
Neil Vincent C. Sandoval Ruth Jeanne J. Aguas
Darren James T. Baylosis Christian T. Rieza
Michael V. Lorenzana Ciara Althea M. Yee
Maria Katherine T. Estrella Abigail Johannah R. Manching
Perchy L. Reyes

Tagaguhit: Jhoseplex M. Inocalla


Tagalapat: Michael V. Lorenzana
Tagapamahala:
Neil Vincent C. Sandoval
Pandibisyong Tagamasid, LRMS

Michael M. Mercado
Pandibisyong Tagamasid, Araling Panlipunan

Inilimbag sa Pilipinas ng
Pampaaralang Sangay ng Lungsod ng Makati sa tulong ng Pamahalaang Lokal ng Makati (Local
School Board)

Department of Education – Schools Division Office- Makati City


Office Address: Gov. Noble St., Brgy. Guadalupe Nuevo,
City of Makati, Metropolitan Manila, Philippines 1212
Telefax: (632) 8882-5861 / 888-5862
E-mail Address: makati.city@deped.gov.ph

ii
Alamin
Magandang araw sa iyo. Sa bahaging ito ay
ipagpapatuloy mo ang pagtalakay ng iba’t ibang
paraan ng pagtugon ng Lungsod ng Makati sa mga
hamong dulot ng suliraning pangkapaligiran.
Bibigyang-pansin ang pagpapahalaga sa pagharap sa
mga panganib na dulot ng mga suliraning
pangkapaligiran.
Ang modyul na ito ay may isang aralin. Ito ay ang
sumusunod:
Aralin 1 – Pagpapahalaga sa Pagharap
sa mga Panganib na Dulot ng
Suliraning Pangkapaligiran
Sa pagtatapos ng iyong pag-aaral sa modyul na ito
ay inaasahang makakamit mo ang sumusunod na pinakamahalagang kasanayan sa
pagkatuto (most essential learning competency – MELC):

1. Naisasagawa ang mga angkop na hakbang ng CBDRRM Plan (MELC 5).

Kahandaan ng Lungsod
Modyul
Makati sa Pagtugon ng mga
8 Hamong Pangkapaligiran:
Ikalawang Bahagi

Suriin

Pagpapahalaga sa Pagharap sa mga Panganib na Dulot ng Suliraning


Pangkapaligiran
• Ang pagkakaroon ng mga sakuna ay bahagi na ng paglago o pag-unlad ng mundo.
Maaaring hindi mabuti ang epekto nito sa buhay ng mga tao pero nagbibigay-daan
naman ito para sa mas mabuti at kapaki-pakinabang na pagbabago. Ang mahalagang
magagawa ng tao ay maging matalino sa pagbuo ng mga makabagong hakbang upang
mabigyan ng agarang solusyon ang mga suliraning pangkapaligiran. Maliban dito,
inaasahan din ang sumusunod na pagpapahalaga upang mas mapagbuti pa ng tao
ang pagharap nito sa mga sakuna:
1. Kahandaan
• Ang mga sakuna ay hindi na maiiwasan kung kaya’t nangangailangan ito ng
tatag at tibay ng kalooban. Hindi dapat iwaglit ng bawat isa na sa paglaban sa
mga sakuna, dapat na mayroong sapat na kahandaan ang mga tao, ang lipunan,
at ang pamahalaan. Ang matagumpay na implementasyon ng isang disaster
management plan ay magdudulot ng kapanatagan sa bawat tao at sa
pamahalaan nito. Ito rin ay magiging daan tungo sa pagsulong ng mas malagong
pag-unlad ng lipunan. Malaki ang pagpapahalaga ng lokal na pamahalaan sa
edukasyon at teknolohiya. Ang pagpapahalagang ito ay nakatulong upang
maging madali ang pagpapaunawa ng mga panuntunan at polisiya tungkol sa

1
disaster management. Samantalang ang paggamit ng teknolohiya o apps ay
nagresulta sa mabilis na pagpaparating ng mga impormasyon tuwing may
sakuna.
2. Disiplina
• Maraming sakuna ang itinuturing na dahilan ay ang maling pamamaraan ng
pagtrato ng tao sa kalikasan. Kabilang dito ang hindi maayos na pagtapon ng
basura, ilegal na pagputol ng puno, paggamit ng mga nakalalasong kemikal, at
marami pang iba. Ang kawalan ng disiplina at makasariling motibo ang
nagpapalala sa mga suliraning pangkapaligiran. Kaugnay nito, mahalaga ang
konsepto ng disiplina para mapanatili ang kaayusan at katiwasayan sa sarili, sa
loob ng bahay, sa lipunan, at maging sa pamahalaan.
• Ayon sa ulat ni Daxim L. Lucas ng Inquirer.net, sumasang-ayon si Mayor Abby
Binay na disiplina ang kailangan ng mga Makatizen o mamamayan ng Makati
para manatiling pinakamahusay na lungsod ang Makati para sa mga residente
nito at para sa mga negosyong matatagpuan dito.
3. Kooperasyon
• Lahat ng mga programa at polisiya ay mapagtatagumpayan kung ang lahat ng
tao ay may magkakatulad na hangaring maging maayos, mabilis, at epektibo
ang pagtugon sa mga suliraning dulot ng isyung pangkapaligiran. Sa
pinakamaliit na yunit ng lipunan, inaasahang ang bawat pamilya ay mayroong
kooperasyon sa pagharap ng mga sakuna. Mas magiging mabilis ang pagtugon
ng pamahalaan kapag ang mga mamamayan ay masunurin sa batas, programa,
at panuntunan ng lungsod.
• Ang kooperasyon ay inaasahan ding mula sa mga pribadong sektor, lokal man
o internasyonal. Hindi lamang ito makikita sa pagsunod sa mga patakaran
kundi maging sa pagbabahagi ng kaalaman, estratehiya, pinansiyal at iba pang
serbisyo.
• Ang sumusunod ay mga organisasyong kaagapay ng lungsod sa pagpapatupad
ng epektibong disaster management plan.

2
Pagyamanin

Pagkatapos mong maunawaan ang aralin tungkol sa ikalawang bahagi ng


“Kahandaan ng Lungsod Makati sa Pagtugon sa mga Hamong Pangkapaligiran,”
masasagot mo ba ang mga gawain? Simulan mo na.

Gawain 8.1

Makati DRRM Survey (MDS) Checklist. Basahin ang sumusunod na pahayag. Sabihin
kung ikaw ay sang-ayon o hindi sa pamamagitan ng paglalagay ng √ (tsek) sa angkop
na kolum. Gamitin ang gabay sa ibaba para sa iyong tugon.

5 - Lubos na Sumasang-ayon 2 - Bahagyang Hindi Sumasang-ayon


4 - Bahagyang Sumasang-ayon 1 - Lubos na Hindi Sumasang-ayon
3 - Sumasang-ayon

Mga Pahayag 5 4 3 2 1
1. Ang Lungsod Makati ay may komprehensibong
programa tungkol sa pagharap sa mga sakuna.
2. Nakatulong nang husto ang paggamit ng teknolohiya
sa pagtugon ng lungsod sa mga hamong dulot ng mga
sakuna.
3. Ang mga programa ng lokal na pamahalaan tungkol sa
disaster risk reduction and management ay may
positibong epekto sa pamumuhay ng mga Makatizen.
4. Karapat-dapat ang mga parangal na natamo ng
lungsod mula sa ibang bansa kaugnay sa paghahanda
nito sa mga hamon ng iba’t ibang sakuna.
5. Ang pagtugon at paghahanda ng Lokal na Pamahalaan
ng Makati ay nagdudulot ng kapanatagan at
katiwasayan sa buhay ng mga Makatizen.
6. May kakayahang bumangon nang mabilis ang Lungsod
Makati pagkatapos ng mga sakuna.
7. Ang matagumpay na paghahanda ng Lungsod Makati
sa pagharap sa mga sakuna ay dulot ng
pakikipagtulungan ng mga mamamayan nito at ng iba
pang pribadong sektor sa lokal na pamahalaan.
8. Ang lungsod ay may sapat na paghahanda sa paglaban
sa banta ng mga kalamidad o sakuna.
9. Ang mga mamamayan ng Makati ay may pakikiisa sa
lokal na pamahalaan sa paghahanda at pagtugon sa
mga hamong dulot ng iba’t ibang sakuna.
10. Mahalaga ang disiplina at kooperasyon ng lahat ng
sektor para sa matagumpay na CBDRRM Plan ng isang
komunidad.

3
Isaisip

Gawain 8.2
Tinalakay sa modyul na ito ang mga paghahanda ng Lungsod Makati at pagpapahalaga
sa pagharap sa mga panganib na dulot ng suliraning pangkapaligiran . Unawain ang
sumusunod na tanong at sagutin ang mga ito.

Kumusta aking mag-aaral?


Sagutin ang mga tanong sa pisara.

1. Paano mo mailalarawan ang


implementasyon ng mga programang
pangkapaligiran ng Lungsod Makati?
2. Sa iyong palagay, makatuwiran ba ang
paglalaan ng pondo ng lokal na
pamahalaan sa mga programang
pangkapaligiran? Bakit?

3. Anong yugto ng CBDRRM Plan ng Lungsod Makati ang sa


palagay mo ay tungkulin ng mamamayan? ng pamahalaan?
4. Maituturing mo bang ang CBDRRM Plan ng Lungsod
Makati ay kombinasyon ng Top-down at Bottom-up
Approach? Magbigay ng patunay.
5. Sa iyong palagay, anong aspekto ng pagpaplano ang dapat
pang isaalang-alang ng lokal na pamahalaan? Ipaliwanag.

4
Isagawa

Gawain 8.3
My DRRM Fam Plan. Gumawa ng pampamilyang plano sa pagharap sa mga sakuna
gamit ang mga datos na hinihingi ng Family Preparedness Plan Brochure. Gawin ito
kasama ang mga miyembro ng iyong pamilya. Ilagay ito sa powerpoint presentation,
publisher o bond paper.

5
Pinagkunan: Family Preparedness Plan, Makati DRRMO brochure
6
Paano nabuo ng iyong pamilya ang Family Preparedness Plan? Ano ang mga isinaalang-
alang ninyo? Ipaliwanag.
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

Rubriks sa pagmamarka ng gawain:


Pamantayan Puntos
Mahusay ang pagkabuo at angkop ang ginawang DRRM Plan para sa pamilya. 30
Naipaliwanag nang mabuti ang mga hakbang na dapat gawin sa bawat yugto. 20
Kabuuan 50

Tayahin
Piliin ang titik ng wastong sagot. Isulat ang mga sagot sa hiwalay na papel.
1. Ang Lungsod Makati ay isang “highly urbanized city” subalit ito ay nahaharap sa
maraming hamon ng kapaligiran. Alin sa sumusunod ang mga sakunang
nararanasan nito?
A. bagyo
B. lindol
C. pagbaha
D. lahat ng nabanggit

2. Determinado ang Lungsod Makati sa paghahanda ng mamamayan nito sa


pagharap ng mga sakuna. Isa sa mga programa ng lungsod ay ang pagbuo ng
isang trak na naglalaman ng impormasyon, edukasyon, at komunikasyon sa
tamang paghahanda sa pagharap ng sakuna. Ano ang tawag sa programang ito?
A. DRRM Academy
B. Makati City Command Center
C. Makati City Mobile Truck
D. Mobile Knowledge Resource Center

3. Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa tugon ng Lungsod Makati sa


epidemyang COVID-19?
A. Anti-Discrimination Ordinance
B. Makati Economic Relief Program
C. Makati Isolation Facility
D. Zoning Ordinance

4. Bakit mahalaga ang kahandaan, disiplina, at kooperasyon ng lahat ng


mamamayan sa isang lipunan tuwing may sakuna?
A. Dahil napapaliit nito ang bilang ng mga namamatay
B. Dahil nagiging daan ito sa mabilis na pagbangon ng lipunan
C. Dahil nababawasan nito ang pagkasira ng mga impraestruktura
D. Lahat ng nabanggit

5. Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa pamamaraang isinasagawa ng


Lungsod Makati sa pagharap ng mga sakunang dulot ng kapaligiran?
A. Pakikipagtulungan sa ibang organisasyon
B. Paggamit ng teknolohiya sa komunikasyon
C. Paglimita ng partisipasyon ng iba’t ibang sektor
D. Pagbibigay ng tulong pinansyal sa mga mamamayan

7
Karagdagang Gawain

Gawain 8.4
My Makati DRRM FB Post. Gumawa ng isang post sa facebook na nagpapahayag ng
kahalagahan ng paghahanda, disiplina o kooperasyon sa panahon ng sakuna.
Maaaring gumamit ng app para sa disenyo nito. Basahin ang rubriks bilang gabay.
Paalala: Ang mga mag-aaral na walang cellphone o internet ay maaaring gumuhit sa
isang bond paper bilang pamalit sa gawaing ito.

Rubriks sa pagmamarka ng gawain:


Pamantayan Puntos
Mahusay ang pagkabuo at angkop ang mensahe sa tema. 10
Maganda at malinis ang ginawang disenyo. 10
Kabuuan 20

You might also like