You are on page 1of 1

sanaysay

Kahalagahan ng pagsasanib ng top-down approach at bottom-up approach sa pagbuo ng


disaster management plan.

Sa bawat sakunang dumadating sa ating bansa ay dapat tayong maging handa upang
maiwasan natin ang mga panganib na maaaring idulot sa atin kapag tumama na ang
kalamidad. Mahalaga nating maintindihan at malaman ang mga dapat nating gawin bago
at matapos ang kalamidad. Ang Participatory Management of Disasters ay mabisang
pamamaraan (top-down and bottom-up approach) na makatutulong upang maging
matagumpay ang paghahanda at pagpaplano. Ang top-down ay karaniwang isinasagawa
sa macroeconomic na perspektibo habang ang bottom-up naman ay perspektibong
microeconomic. Ang kahalagahan naman ng bottom up approach ay nakukuha ang mga
suhestiyon at kaalaman ng komunidad. Ito naman ay makatutulong kung mayroon nang
nakahandang impormasyon o maliliit na mga detalyeng makatutulong sa solusyon. Sa
mga karagdagang kaalaman ay kaya nating makagawa ng plano sa disaster management
para mas maibsan natin ang mga maaring maging epekto sa atin ng mga kalamidad.

Sa pagsasanib ng top-down approach at bottom-up approach upang makabuo ng disaster


management ay magkakaroon ng malaking posibilidad ng kaligtasan dahil sa
pinagsamang mga ideya, suhestiyon, at agenda na magmumula sa ating pamahalaan
gayundin sa nasasakupan nito ay magiging bukas at malinaw ang mga punto sa kanilang
isipan sa pagsuporta. Kasama na dito ang tuluyang pagtitiwala sa sistema may
kinalaman sa panahon ng kalamidad at sakuna. Makikita dito ang malinaw na
pagtutulungan ng bawat isa nang sa gayo'y maiwasan ang kapahamakan. Mas nararapat
na kombinasyon ng top-down approach at bottom-up approach ang gamitin sa paggawa at
pagsusuri ng isang disaster management plan. May mga aspeto ng isang disaster
management plan na hindi maaaring daanin sa top-down approach at ganun din sa
bottom-up approach. Ang pagkakaroon ng sapat na kaalaman ukol sa mga kahinaan ng
ating bansa ay isang paraan upang maaddress natin ang ating mga vulnerabilities. Sa
pamamagitan ng kaalaman ay mabibigyan natin ng kaukulang pansin ang ating mga
kahinaan. Kung malalaman natin ang mga bagay na ito ay maaari nating malimitahan
ang mga pinsalang dulot ng panganib sa ating paligid.

You might also like