You are on page 1of 39

PANALANGIN

BALITAAN
PAGSUSURI SA BALITA
Panoorin ang balita at Sagutan ang
mga Gabay na tanong.
MGA GABAY NA TANONG
Ano ang paksa ng balita?
Paano nanguna ang Barangay Silang sa
paghahanda sa kalamidad?
Sa tingin mo, Papaano makakatulong ang
BDRRMC sa mga mamamayan sa oras ng
kalamidad?
ANG COMMUNITY-BASED
DISASTER AND RISK
MANAGEMENT APPROACH
Kanino nga makasalalay ang paghahanda para sa mga banta ng iba’t-
ibang hamong pangkapaligiran ng ating bansa?

PAMAHALAA MAMAMAYAN
N
ANG PHILIPPINE DISASTER RISK
REDUCTION AND MANAGEMENT
FRAMEWORK
 Ang Philippine Disaster Risk Reduction and Management
Act of 2010 ay may dalawang pangunahing layunin:
 1. Ang suliranin na dulot ng mga kalamidad at hazard ay
dapat paghandaan at hindi lamang haharapin sa panahon
ng pagsapit ng iba’t ibang kalamidad; at
 2. Mahalaga ang bahaging ginagampanan ng pamahalaan
upang maiwasan at mapababa ang pinsala at panganib na
dulot ng iba’t ibang kalamidad.
Ito ang naging batayan sa pagbuo ng Philippine
Disaster Risk Reduction and Management
Framework (PDRRMF). Nakatuon ito sa
paghahanda sa bansa at komunidad sa panahon
ng kalamidad o anumang panganib upang
mapababa o maiwasan ang pinsala sa buhay at
ari-arian.
Mga Itinataguyod ng PDRRM
Framework:
Ang paglutas sa mga hamong
pangkapaligiran ay hindi lamang
tungkulin ng pamahalaan.
 Nagmumula sa pagtutulungan at pagkakaisa ng iba’t ibang
sektor ng lipunan tulad ng pamahalaan, mangangalakal,
Non-governmental Organizations (NGO’s), pribadong
sektor, kasama na ang mga mamamayang naninirahan sa
isang komunidad ang pagbuo ng disaster management
plan.
Isinasagawa ito upang maging handa ang
komunidad at maiwasan ang malawakang
pinsala sa buhay at ari-arian.
Ang pagbuo ng mga plano at polisiya sa
pagharap ng mga hamong pangkapaligiran ng
Community Based- Disaster and Risk
Reduction Management Approach ang
itinataguyod ng National Disaster Risk and
Reduction Management Council (NDRRMC)
sa kasalukuyan.
COMMUNITY-BASED
DISASTER AND RISK
MANAGEMENT APPROACH
Ayon kina Abarquez at Zubair (2004) ang

Community-Based Disaster Risk
Management ay isang pamamaraan kung saan
ang mga pamayanang may banta ng hazard at
kalamidad ay aktibong nakikilahok sa pagtukoy,
pagsuri, pagtugon, pagsubaybay, at pagtataya ng
mga risk na maaari nilang maranasan.
Nangangahulugan ito na ang mga
mamamayan ay bahagi ng pagpaplano,
pagbuo ng mga desisyon at
implementasyon ng mga gawain na may
kaugnayan sa disaster risk management.
Sa Community-Based Disaster Risk
Management Approach, napakahalaga ng
partisipasyon ng mga mamamayan na
siyang may pinakamataas na posibilidad
na makaranas ng mga epekto ng hazard at
kalamidad.
Ayon naman kina Shah at Kenji (2004),
ang Community-Based Disaster and
Risk Management Approach ay isang
proseso ng paghahanda laban sa hazard at
kalamidad na nakasentro sa kapakanan ng
tao.
Binibigyan nito ng kapangyarihan ang
tao na alamin at suriin ang mga dahilan
at epekto ng hazard at kalamidad sa
kanilang pamayanan.
KAHALAGAHAN NG CBDRM
APPROACH
Layunin ng CBDRM:
Bumuo ng isang pamayanang handa at matatag
sa pagharap sa mga hamong pangkapaligiran na
nakasalalay sa mabuting pagpaplano, pagtataya,
at paghahandang nakapaloob sa disaster
management plan.
Maging disaster-resilient ang mga
pamayanan at maayos na maisagawa ang
Community-Based Disaster and Risk
Management Approach.
TOP DOWN APPROACH
 Ang top down approach ay pumapatungkol paglutas ng
isang suliranin mula sa napakalaking problema hanggang
sa pinakamaliit na problema.
 Ang top down approach ay ang pagsuri sa pinakamalawak
na impormasyon patungo sa pinakatiyak na impormasyon.
 Pagdating sa pagbibigay ng desisyon, kapag top down
approach, ito ay madalas na nagmumula sa mga taong nasa
itaas ang posisyon na dapat sundin ng mga miyembro.
KALAKASAN NG TOP DOWN
APPROACH
Mayroong napagkukunan ng batayan upang
mapagplanuhan ng maaayos ang gagawing aksyon.
Mayroong nakalaan na materyales mula sa mataas
na sektor na maaaring magamit sa isasagawang
aksyon.
Naiisa-isa at napag-aaralan ang aksyong gagawin
kung magkakaroon ng kalamidad.
KAHINAAN NG TOP DOWN
APPROACH
Limitado ang maaaring maging aksyon sapagkat
nakabatay sa mataas na sektor ang gagawin
Kinakailangan pang hintayin ang ibabang aksyon ng
mataas na sektor bago kumilos sa pagtulong na gagawin
sa panahon ng kalamidad
Hindi maaaring magdesisyon kaagad ang mababang
sektor hinggil sa usapin sapagkat kinakailangang
desisyon ng nasa mataas na sektor ang susundin.
KAHULUGAN NG BOTTOM UP
APPROACH
 Ang botton down approach naman ay punapatungkol sa
paglutas ng pangunahing problema sa mababang antas
hanggang sa mas malaking problema.
 Ang bottom up approach ay ang pagsuri sa pinakamaliit na
impomasyon patungo sa pinakamalawak na impormasyon.
 Pagdating sa pagbigay ng desisyon, kapag bottom up approach,
hindi inaantay ng mga mamamayan ang tugon ng isang
namamahala. Sila ay mayroong pagkukusa sa pagpaplano at
pgkilos para sa ikabubuti ng pamayanan.
KALAKASAN NG BOTTOM UP
APPROACH
 Kaagad na nabibigyang solusyon/mabilis ang aksyon sa mga
suliranin/kalamidad na kinakaharap.
 Nabibigyang pansin ang mga maliliit na detalye sapagkat alam
ng namumuno sa nasasakupan ang problemang maaaring
kaharapin ng partikular na lugar kung may magaganap na
sakuna.
 Nagiging maayos ang ugnayan ng mga mamamayan sa isang
lugar sapagkat sila mismo ang nagpaplano sa mga gagawing
hakbang sa maaaring kalamidad na dumating.
KAHINAAN NG BOTTOM UP
APPROACH
Hindi masyadong binibigyang pansin ang
planong ginawa ng mataas na sektor.
Matagal ang tulong na matatanggap mula sa
mataas na sektor.
Nararanasan ang pagsasalungatang maaaring
maganap sa pagpaplanong gagawin.
GAWAIN 1: KKK
Buksan ang inyong modyul at basahin
ang konteksto ng Kahalagahan ng
CBDRRM sa pahina 27-28. Sagutan
ang KKK Chart at Mga Gabay na
Tanong gamit ang template:
TOP DOWN APPROACH BOTTOM UP APPROACH

KAHULUGAN

KALAKASAN

KAHINAAN

Mas makatutulong sa isang pamayanan ang pagsasanib ng dalawang approach dahil


_____________________________________________________________________________________
__________
MGA GABAY NA TANONG:
Ano ang kalakasan ng top-down approach ang
makatutulong sa maayos na pagbuo ng disaster
management plan?
Alin sa mga kalakasan ng bottom-up approach ang dapat
bigyang-pansin sa proseso ng pagbuo ng disaster
management plan?
Nararapat bang isang approach ang gamitin sa pagbuo
ng disaster management plan? Bakit?
GAWAIN 2: ALAM MO NA BA!
Suriin ang bawat pahayag
ang K kung ito ay tama at S
kung ito ay mali.
Iwasan ang pagpanic sa
panahon ng kalamidad.
Antayin ang mga kinauukulan,
bago lumikas kahit inabot na
ng tubig -baha ang inyong
lugar
Bawat isa ay kailangang may
kasanayan sa paghahanda sa
kalamidad.
Maghanda ng emergency kit sa
mismong araw ng paglikas
kung sakaling pinalilikas.
Iwasang mag-imbak ng
maraming pagkain sa bahay
lalong lalo na ang mga
delata.
Isantabi ang mga ginagawang
pagsasanay sa paghahanda sa
kalamidad upang mabigyang pansin
ang pagpapa-unlad sa sarili.
MGA TANONG:
Para sayo sino ba dapat ang
manguna sa pagbabalangkas ng
mga plano para sa mga banta ng
iba’t-ibang kalamidad?
Bakit mahalaga ang partisipasyon
ng mamayan sa pagbabalangkas ng
Community Based Disaster and
Risk Management?

You might also like