You are on page 1of 7

PIVOT 4A Lesson Exemplar Format for Grades 10

LESSON Trece Martires City National


EXEMPLAR Paaralan High School Baitang 9
Guro Imelda C. Gerpacio Asignatura Araling Panlipunan
Petsa Markahan Ikalawang Markahan
Oras   Bilang ng Araw 3 araw

I. LAYUNIN

A. Pamantayang Pangnilalaman Ang mag-aaral ay may pag-unawa sa mga pangunahing kaalaman sa ugnayan Ng pwersa ng
demand at suplay , at sa sistema ng pamilihan bilang batayan ng matalinong pagdedesisyon
ng sambahayan at bahay-kalakal tungo sa pambansang kaunlaran

B. Pamatayan sa Pagganap Ang mag-aaral ay kritikal na nakapagsusuri sa mga pangunahing kaalaman sa ugnayan ng
pwersa ng demand at suplay, at sistema ng pamilihan bilang batayan ng matalinong
paagdedesisyon ng sambahayan at bahay-kalakal tungo sa pambansang kaunlaran

C. Pinakamahalagang Kasanayan sa Pagkatuto (MELC) Natatalakay ang konsepto at salik na nakaaapekto sa suplay sa pang araw-araw na
pamumuhay

D. Pagpapaganang Kasanayan

E. Pagpapayamang Kasanayan

II. NILALAMAN
III. KAGAMITAN PANTURO
A. Mga Sanggunian
a. Mga Pahina sa Gabay ng Guro MELC Araling Panlipunan: Baitang 9 , Q2 Wk 3-4, Ekonomiks-Araling Panlipunan: Gabay sa
Pagtuturo , Unang Edisyon 2015;pahina 141-158
Kayamanan Ekonomiks (Batayan at Sanayang Aklat sa Araling Panlipunan K to 12) pahina
158-172
b. Mga Pahina sa Kagamitang Pangmag-aaral Ekonomiks-Araling Panlipunan: Gabay sa Pagtuturo , Unang Edisyon 2015;pahina 141-158
c. Mga Pahina sa Teksbuk
d. Karagdagang Kagamitan mula sa Portal ng Aklat, notebook,pen at papel
Learning Resource
B. Listahan ng mga Kagamitang Panturo para sa mga
Gawain para sa Pagpapaunlad at Pakikipagpalihan
IV. PAMAMARAAN
A. Panimula News Analysis!
Basahin ang balita sa ibaba at sagutan aang Gabay na Tanong.

QUEZON CITY,
Philippines — Apektado
rin ng sama ng panahon
ang presyo ng mga
pangunahing bilihin
partikular ang gulay at
isda sa mga pamilihan.
Isinisisi ng mga tindera sa
bagyong Gener ang pagtaas ng presyo ng isda at gulay sa palengke.
Sa Balintawak Market sa Quezon City, tumaas ng P10 hanggang P40 kada kilo ang
ilang uri ng gulay kabilang na ang carrots, sayote, patatas, repolyo, kamatis, red bell
pepper, beans, pechay baguio at pipino.
Sa presyo naman ng isda, umaabot na sa P140 ang kada kilo ng galunggong, P160 ang
salay-salay, P70 ang salmon, P380 ang lapu-lapu, P200 ang dalagang bukid at P100
naman ang kada kilo ng tilapia.

Ayon sa mga nagtitinda ng isda at gulay, ang pagsasara ng ilang kalsada dahil sa
pagbaha at landslide ang pangunahing dahilan ng pagtaas ng presyo ng ilang bilihin.

Samantala, bumaba naman simula ngayong araw ang presyo ng sardinas batay sa
itinakdang Suggested Retail Price (SRP) ng Department of Trade and Industry (DTI)
na P12.80 bawat lata.

Ibinaba ang presyo ng sardinas bunsod ng pagbaba rin sa presyo ng isdang tamban na
nagkakahalaga ng P20 hanggang P25 kada kilo.

Inihayag din ng DTI na mahigpit nilang binabantayan ang presyo ng mga


pangunahing bilihin sa mga lugar na isinailalim sa state of calamity upang matiyak na
sumusunod ang mga negosyante sa ipinatutupad na price freeze order. (Ito ang Balita
ni Joshua Antonio/Ruth Navales, UNTV News)

Gabay na Tanong
1. Ano ang ipinapahayag sa balita?
2. Ano ang implikasyon ng balita sa ating bansa?
3. Paano ka naaapektuhan ng nasabing balita?
4. Ano ang nakikitang dahilan ng pagtaas ng presyo ng gulay at isda sa nasabing
palengke?
5. Bakit ka apektado kapag may nagaganap na pagbabago sa suplay?
B. Pagpapaunlad Gawain 2: GO NEGOSYO!

Suriin ang pag-uusap ng dalawang prodyuser at sagutin ang pamprosesong tanong:


Pamprosesong Tanong:

1. Tungkol saan ang pinag-uusapan ng dalawang prodyuser?

2. Batay sa usapan, ano ang reaksiyon ng isang prodyuser kapag tumataas ang
presyo?

3. Sa iyong hinuha, ano ang relasyon ng pagtaas ng presyo ng mga produkto sa


pagdagdag ng produksiyon?

Gawain 3: KNOWLEDGE ARROW

Sa bahaging ito, sasagutan mo ang graph ng kaalaman upang inisyal na masukat


ang iyong nalalaman tungkol sa konsepto ng supply.
Simulan mo ang paglinang ng iyong kaalaman sa araling ito sa pamamagitan ng
pagsagot ng tanong na nasa loob ng kahon sa ibaba. Isulat mo sa bahaging “simula”
ang iyong sagot. Samantala, ang bahaging “gitna” at “katapusan” ay sasagutan mo sa
ibang bahagi ng aralin.

Paano makatutulong ang konsepto ng supply sa


matalinong pagdedesisyon ng prodyuser sa pambansang
kaunlaran?

Katapusan
?

? Gitna

Simula

Gawain 4: GRAPHIC ORGANIZER


Isulat sa loob ng kahon ang angkop na salik upang mabuo ang organizer.

Mga Salik na
NAkaaapekto sa
Supply
Gabay na Tanong:
1. Ano ang dalawang pangunahing salik na nakaiimpluwesya sa supply?
2. Bukod sa sariling presyo, ano-ano pa ang mga salik na nakaaapekto sa supply?
3. Paano nakaiimpluwensya ang mga pagbabago sa salik ng supply ng mga
prodyuser ukol sa dami na gagawing produkto?

C. Pakikipagpalihan Gawain 5:

A. Punan ang nawawalang datos upang mabuo ang talahanayan.

Qs1 Qs2 Qs3 Market


Presyo Supply

12 2 0 1 _____
16 6 _______ 10 21
20 _______ 12 15 40

B. Sagutin ang mga sumusunod:

1. Ano ang anyo ng supply curve?


2. Ano ang dalawang axes sa supply curve?
3. Bakit dependent variable ang Qs?
4. Ano ang relasyon ng Qs at P?
5. Ano ang nagsasaad na habang presyo ay tumataas, marami ang handing ipagbili
ng mga prodyuser, ceterus paribus?

Os D. Paglalapat Gawain 6: Open Letter

Sumulat ng isang open letter para sa pangulo ng bansa na naglalaman ng hinaing


ng mga tao ukol sa pagtaas ng presyo ng bilihin.

Rubrik sa pagmamarka ng Gawain


Pamantayan Deskripsyon Puntos Nakuhang
Puntos
Nilalaman Mayaman sa katuturan ukol sa paksa 5
Malikhaing Gumamit ng mga angkop na salita at 5
Pagsulat nailahad ng wasto ang nilalaman nito.
Tema Angkop ang sa sulat sa tema 5

V. PAGNINILAY Ilalahad ng mga mag-aaral ang kanilang nararamdaman o realisasyon gamit ang mga
sumusunod:
1. Naunawaan ko na _______________________________________________
2. Nabatid ko na __________________________________________________

You might also like