You are on page 1of 3

Claret School of Zamboanga City

LEVEL II PAASCU – ACCREDITED


Ruste Drive, San Jose Road, Zamboanga City
High School Unit
S.Y. 2018-2019

TEACHER’S LEARNING PLAN SA GRADE 9 ARALING PANLIPUNAN

Bilang ng Gawain: 5
Paksa: Interaksiyon ng Demand at Suplay
Layunin : Pagkatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay…
5a. naipapaliwanag ang interaksyon ng demand at suplay sa kalagayan ng presyo at ng pamilihan;

5.1 naipapakita ang punto ng ekilibriyo sa pamamagitan ng paglapat ng impormasyon mula sa


iskedyul ng demand at suplay sa grap
5.2 nasusuri ang mga epekto ng shortage at surplus sa presyo at dami ng kalakal at paglilingkod sa
5.3 naimumungkahi ang paraan ng pagtugon/kalutasan sa mga suliraning dulot ng kakulangan at
kalabisan.pamilihan at

Sanggunian: Pambansang Ekonomiya at Pag-unlad Kto12 Grade 10. 151-156


Pagpapahalaga: Excellence
E.P: Ang lahat ng bagay ay magkaka-ugnay

I. Mga Pangunahing Kaisipan


Ang pamilihan ay nagpapakita ng organisadong transaksiyon ng mamimili at nagbebenta, Ang
presyo ng produktong binibenta sa pamilihan ay napagkasunduan ng dalawang pangkat upang walang
surplas at kakulangan na magaganap sa produkto.

TALASALITAAN
Ekilibriyong presyo – pinagkasunduang presyo ng produkto sa pagitan ng mamimili at nagtitinda
Ekilibriyong dami – bilang o dami ng produkto o serbisyo na handang bilhin ng konsyumers at
handang ipagbili ng mga prodyuser sa halagang napagkasunduan.
Punto ng ekilibriyo – punto na kung saan nagkasundo ang mga bumibili at nagtitinda sa isang
takdang presyo at dami ng produkto o serbisyo na ilalagay sa pamilihan.
Surplas – sitwasyon na kung saan ang dami ng suplay ay mas mataas kaysa sa dami ng demand.
Kakulangan – sitwasyon na kung saan ang dami ng demand ay mas mataas kaysa sa dami ng suplay.

II. Mga Gawain sa Pagkatuto


A. Pagwawasto sa Natutuhan
Panuto: Ilapat ang impormasyon na nasa loob ng talahanayan sa grap na nasa kanang bahagi.
Iskedyul ng Demand at Suplay ng Mangga
Punto Presyo(P)/kilo QS (kilo) QD (kilo)
A 5 10 70
B 10 20 60
C 20 30 50
D 30 40 40
E 40 50 30
F 50 60 20
G 60 70 10
B. Pamprosesong Tanong
1. Ano mahahalagang impormasyon ang makikita sa talahanayan?
2. Ano ang ipinapahiwatig ng kinalabasan ng grap?
3. Paano nakaiimpluwensya ang mga pagbabago sa salik ng suplay sa desisyon ng mga prodyuser ukol sa
dami ng gagawing produkto?
4. Paano nakakatulong sa mga suplayer ang pag-alam sa uri ng elastisidad ng suplay?

C. Paglalagom ng Konsepto
Think pair share
Panuto: Tukuyin (/) ang tapat ng kolum na sang-ayon kung naniniwala ka na tama ang pahayag
ukol sa konsepto ng suplay at ang (/) sa tapat ng kolum kung hindi sang-ayon. (Oral)

PAHAYAG SANG-AYON DI-SANG-AYON


1. Tataas ang suplay ng palay
dahil sa karagdagang
subsidiya ng pamahalaan
para sa mga magsasaka.
2. Bababa ang suplay ng
sapatos dahil sa pagtaas ng
presyo ng balat na gamit sa
paggawa ng sapatos.
3. Bababa ang suplay ng
asukal dahil inaasahan ng
mga nagbebenta ng asukal
na tataas ang presyo nito sa
susunod na lingo.
4. Ang porsiyento ng
pagbabago ng suplay ay 5%
dahil tumaas ang porsiyento
ng presyo 10%, ito ay
tinatawag na elastik na uri
ng elastisidad ng suplay.
5. Ang porsiyento ng
pagbabago ng suplay ay
15% at ang porsiyento ng
pagbaba ng presyo ay 10 %,
ito ay di-elastik na uri ng
elastisidad ng suplay.

D. Pagsasabuhay sa Natutunan

Maraming balakid na kakaharapin ang iyong negosyo. Ilan ditto ang banta ng kalamidad at krisis
sa kabuhayan at sa ekonomiya. Paano mo panatilihin mapapatatag ang iyong negosyo?

___________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________

III. Lagumang Pagsusulit

Panuto: Kopyahin ang nasa pahina 160 ng batayang aklat. Surin ang graph at sagutin ang mga tanong.

Facilitator’s Signature Inihanda ni: Miss Annie S. Barrera


___________________ ArPan Teacher
___________________
___________________ Nirevisa ni: Mrs. Lorna M. Sayson
___________________

Iniwasto ni: Mrs. Lorna M. Sayson Ipinagtibay ni: Mrs. Daisy B. Natividad
ArPan Subject Coordinator High School Principal

You might also like