You are on page 1of 2

TEACHER’S LEARNING PLAN SA GRADE 7 ARALING PANLIPUNAN

Bilang ng Gawain 1
Paksa Katangiang Pisikal ng Asya:Konsepto ng Asya
CoNTENT Ang mga mag-aaral ay:
STANDARDS
Naipamamalas ng mag-aaral ang pagunawa sa ugnayan ng kapaligiran at tao sa
paghubog ng sinaunang kabihasnang Asyano.
PERFORMANC Ang mga mag-aaral ay:
E STANDARDS
malalim na nakapaguugnay-ugnay sa bahaging ginampanan ng kapaligiran at tao sa
paghubog ng sinaunang kabihasnang Asyano
MELC Naipapaliwanag ang konsepto ng Asya tungo sa paghahating – heograpiko: Silangang
Asya, Timog-Silangang Asya, Timog- Asya, Kanlurang Asya, Hilagang Asya at Hilaga/
Gitnang Asya
SANGGUNIAN Pagtanaw at Pag-unawa Araling Asyano ph. 2-3
Asya Sinauna at Makabagong Panahon ph. 3-4
Araling Asyano Tungo sa Pagkakakilanlan ph.2-7

Core values Deepen and nurture faith life and relationship with God, others and all of creations.
iNtegration Pagkakakilanlan ng Sarili, Pagpapahalaga ng Pinagmulan
E.P.# 7 Ang kalikasan ay maganda at tayo ang tagapangasiwa ng lahat ng nilikha ng Diyos 
Layunin ng Sa katapusan ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
Pagkatoto 1.nakatutukoy ang mga mahahalagang konsepto tungkol sa kontinente
2.nakatututukoy ang mga kakaibang katangian ayon sa pananaw ng Eurocentric at
Asian-centric.
Bilang ng gawain 1- konsepto ng asya
Introduction
I. TRANSITION /LINKING STATEMENT
a. Motivation

B. Mga Pangunahing Kaisipan


Ang “Asya” ay nagmula sa salitang Aegean na axis na nangangahulugang “maputik” o sa salitang 
Semiticna asu na  nangangahulugang “pagsikat” o “liwanag”, patungkol sa araw.   Sa mga  Greco,
ang  Asya  ay  tumutukoy  sa  rehiyon  ng  Anatolia  (kasalukuyang  Turkey)  o  sa  Imperyong  Persian  na 
matatagpuan  sa  silangang  bahagi  ng  Greece.  Ginamit ang salitang ito sa panahon ni Herodotus, 
Ama ng Kasaysayan, upang  maihiwalay ang nasabing mga lugar mula sa Greece at sa Egypt. 
Tinawag din ang Asya na orient o silangan dahil ito ay nasa gawing silangan ng Europa.   Ang  salitang 
Asya  at  ang  taguri  sa  kontinente  bilang  orient  ay batay  sa  pananaw  na  Eurocentric isang
 paraan ng pagtingin sa daigdig mula sa pananaw ng mga Europeo.  
Isa pang  halimbawa ng Eurocentrism ay ang paghahati sa Asya sa tatlong rehiyon: Near East, 
Middle  East at Far East. Tinawag  na  Near  East  ang  mga  lupain  sa  silangang  bahagi  ng 
Mediterranean  Sea hanggang Persian Gulf.  Matatagpuan naman sa Middle East ang mga lupain mula 
Persian  Gulf hanggang Timog‐Silangang Asya.  Samantala, ang rehiyon sa Asya na nakaharap sa 
Pacific Ocean ang tinawag na Far East.  Bilang  Asyano,  nararapat  na  gamitin  ang  Asian‐centric
ang  pananaw  na  ito  ay binibigyang‐pansin at ginagamit ang mga konsepto ng Asya upang pahalagahan
ang mga  bagay na may kaugnayan sa Asya at sa mga Asyano.     Sa pagkilala at  pagmamalaki sa mga 
dakilang nagawa at ambag ng mga Asyano mula pa  noong  sinaunang  panahon,  mapatutunayang 
nararapat  ipagkaloob  sa  mga  Asyano  ang  pantay  na  pagpapahalaga  at  pagkakakilanlan  bilang  mga 
kasaping  pandaigdigang pamayanan.
Interaction
Mga Gawaing Pagkatuto:

A. Pagwawasto ng Pag-unawa
Panuto:  Pagtugmain  ang mga konsepto sa Hanay A sa paglalarawan sa Hanay B.   

HANAY A        HANAY B
__d___1. pinagmulan ng pangalang Asya na  nanguhulugang “maputik” a. Herodotus
__j___2 .isang salitang Semitic na nanguhulugang “liwanag”  b. Far East     
__f___3. ang dating pangalan ng Turkey    c. Eurocentric     
__a___4. ama ng Kasaysayan  d. Axis 
__g__5. ipinangalan ito ang Asya dahil ito ay nasa gawing silangan ng Europa  e. Near East 
__c__6. isang paraan ng pagtingin sa daigdig mula sa pananaw ng mga Europeo  f. Anatolia
__e__7. mga lupain sa silangang bahagi ng Mediterranean Sea hanggang PersianGulf   g. orient 
__h__8. ang mga lupain mula Persian Gulf hanggang Timog‐Silangang Asya  h. Middle East 
__b__9. ang rehiyon sa Asya na nakaharap sa Pacific  Ocean  i. Asian-centric 
___i__10. ang pananaw na ginagamit ang konseptong Asyano  j. asu

B. Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang pagkakaiba ng mga pananaw Eurocentric at Asian‐centric?
2. Gaano kahalaga ang pagkakaroon ng pagkakakilanlang Asyano?

Integration
A. Paglalagom ng Konsepto ( One minute essay)
Panuto: Sumulat ng isang (1) sanaysay na natutunan tungkol sa konsepto ng Asya.

B. Pagsasabuhay sa Natutunan
Panuto: Sagutin ang tanong sa ibaba.

1. Sa iyong pag‐aaral ng konsepto ng Asya, napag‐alaman mo na ang konsepto ang  siyang 
nagpapatibay ng pagkakakilanlan. Anong konsepto ang maari mong  gamitin  na  siyang 
makapaglalarawan  sa  iyong  pagkakakilanlan?  Paano  nahubog  ang  konsepto na ito? 

____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________

You might also like