You are on page 1of 3

Claret School of Zamboanga City

LEVEL II PAASCU – ACCREDITED


Ruste Drive, San Jose Road, Zamboanga City
Junior High School
S.Y. 2017-2018

TEACHER’S LEARNING PLAN SA GRADE 9 ARALING PANLIPUNAN

Bilang ng Gawain: 4 (2nd qrtr)


Paksa: Salik na nakakaapekto sa pagbabago ng Suplay
Layunin : Pagkatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay…
Sa pamamagitan ng
A. Natutukoy ang iba’t ibang salik na nakakaapekto sa pagbabago ng suplay
B. Naipapakitaa ang pagbabago sa suplay bunga ng iba’t ibang salik sa pamamagitan ng
grapikong representasyon.
Sanggunian: Pambansang Ekonomiya at Pag-unlad Kto12 Grade 10.ph. 139-141
Pagpapahalaga: pakikiayon sa pagbabago
E.P#4: Ang lahat ay nagbabago

I. Mga Pangunahing Kaisipan

Maliban sa presyo, ang kakayahan ng tao na makabenta o magprodyus ng mga produkto ay


nagbabago dulot ng iba’t ibang salik tulad ng pagbabago sa teknolohiya, pagbabago sa halaga ng mga
salik ng produksyon, pagbabago sa bilang ng mga nagtitinda, pagbabago sa presyo ng kaugnay na
produkto at ekspektasyon ng presyo.

II. Mga Gawain sa Pagkatuto


A. Pagwawasto ng Pag-unawa
A1.Panuto: Basahin ang mga pahayag sa ibaba at tukuyin kung anong salik ang tinutukoy ng pahayag sa
pamamagitan ng pagpili ng titik ng tamang sagot sa mga pagpipilian.
A. Pagbabago sa teknolohiya
B. Pagbabago sa halaga ng mga salik ng produksyon
C. Pagbabago sa bilang ng mga nagtitinda
D. Pagbabago sa presyo ng kaugnay na produkto
E. Ekspektasyon sa presyo
_____1. Nauuso ang pagtitinda ng siomai at milkshake, mas marami ang nanghihikayat na magtinda ng
kaparehong produkto.
_____2. Bumaba ang halaga ng mga sangkap na gagamitin sa paggawa ng cake, kaya marami ang nabiling
sangkap ng isang gumagawa ng cake.
_____3. Ang magsasaka na nagtatanim ng palay at mais ay ginamit ang kabuuang lupa sa pagtatanim ng mais
dahil mas mataas ang prseyo ng mais kaysa sa palay.
_____4. Gumamit ng makabagong teknolohiya ang mga magsasaka ng Gitnang Luzon kaya napapabilis ang
pag-ani ng palay.
_____5. Inaasahan ng mga prodyuser na tataas ang presyo ng isang produkto sa susunod na lingo.

A2. Think pair share


Panuto: Pumili ng kapareha. Ilalapat ang kurba ng suplay gamit ang mahahalagang impormasyon sa
talahanayan.

Iskedyul ng Suplay para sa Bigas


Punto/Produkto Presyo/Kilo Dami Suplay1 Dami ng Suplay
2
A 50 40 50
B 45 35 45
C 40 30 40
D 35 25 35
E 30 20 30
B. Pamprosesong Tanong
1. Ano ang ipinapakita ng grap na nabuo mula sa iskedyul ng suplay ng bigas?
2. Paano nakakaapekto ang mga salik ng suplay sa pagbabago ng kakayahan ng mga prodyuser na
makabenta ng produkto?

C. Paglalagom ng Konsepto
3-2-1
Panuto: Punan ang bawat bilog ng hinihingi

1- Tanong
2-Mahalaga sa natutunan
3-konsepto natutunan

Pagsasabuhay sa Natutunan
Sagutin ang katanungan na may koneksiyon sa isinasaad sa teksto.

Kung bibigyan ng pagkakataon na ikaw ay isang prodyuser paano mo haharapin ang hamon ng
pagbabago ng iyong negosyo na hindi ka mamimisala ng mga konsyumer?

Facilitator’s Signature Inihanda ni: Miss Annie S. Barrera


___________________ ArPan Teacher
___________________
___________________ Nirevisa ni: Mrs. Lorna M. Sayson
___________________

Iniwasto ni: Mrs. Lorna M. Sayson Ipinagtibay ni: Mrs. Daisy B. Natividad
ArPan Subject Coordinator High School Principal

Mrs. Cristy DR. Gumera


JHS Academic Coordinator
III- Ebalwasyon

A.

Facilitator’s Signature Inihanda ni: Miss Annie S. Barrera


___________________ ArPan Teacher
___________________
___________________ Nirevisa ni: Mrs. Lorna M. Sayson
___________________

Iniwasto ni: Mrs. Lorna M. Sayson Ipinagtibay ni: Mrs. Daisy B. Natividad
ArPan Subject Coordinator High School Principal

Mrs. Cristy DR. Gumera


JHS Academic Coordinator

You might also like