You are on page 1of 3

Claret School of Zamboanga City

LEVEL II PAASCU – ACCREDITED


Ruste Drive, San Jose Road, Zamboanga City
Junior High School
S.Y. 2018-2019

TEACHER’S LEARNING PLAN SA GRADE 9 ARALING PANLIPUNAN

Bilang ng Gawain: 4
Paksa: Elastisidad ng Demand at Supply
Layunin : Pagkatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay…
4. naiuugnay ang elastisidad ng demand at suplay sa presyo ng kalakal at paglilingkod

4. 1. pagbuo ng sariling pagpapasya sa pagtugon sa mga pagbabago ng salik na


nakakaapekto sa demand at supply.

Sanggunian: Pambansang Ekonomiya at Pag-unlad Kto12 Grade 10.ph. 157


Pagpapahalaga: CHEERS
E.P#2: Lahat ng bagay na may buhay ay mahalaga

I. Mga Pangunahing Kaisipan

Price Elastisidad – ay ang pagsukat ng porsiyento ng pagtugon ng konsyumer sa bawat porsiyento


ng pagbabago ng presyo.
Mga Uri ng Elastisidad
1. Di-Elastik – Kapag maliit o mababa ang bahagdan nito sa 1%.
2. Elastik – Kapag mas malaki ang naging bahagdan nito sa 1%.
3. Unitary – Kapag pareho ang bahagdan ng pagbabago ng presyo sa bahagdan ng pagbabago ng
quantity demand.
Formula:
Ed=%Qd
%P

II. Mga Gawain sa Pagkatuto


A. Pagwawasto sa Natutuhan
1. Panuto: Sagutin ang pangalawang kolum sa pamamagitan ng pagsulat ng SA kung sumasang-ayon sa
pahayag at HSA kung hindi sumasang-ayon sa pahayag.

Pahayag Sagot
1. Ang price elasticity ng demand ay sumusukat sa pagtugon ng quantity demand sa
pagbabago ng presyo

2. Kapag mas malaki ang pagtugon ng bahagdan ng pagbabago ng presyo kaysa sa pagbabago
ng bahagdan ng quantity demanded, ang uri ng elasticity ay elastic.

3. Ang mga produktong inumin tulad ng softdrinks, juice at tubig ay mga produktong elastic
dahil marami itong pamalit.

4. Ang unitary ay halimbawa ng elasticity na pareho ang naging pagtugon ng bahagdan ng


pagbabago ng quantity demanded at presyo.

5. Ang mga produkto at serbisyo na lubhang kailangan ng mga tao sa araw-araw tulad ng
bigas, kuryente at tubig ay inelastic.

2. Think Pair share


Panuto: Kompyutin ang presyong elastisidad at dami ng bawat kilo ng bigas. Tukuyin ang uri ng
elastisidad at magbigay ng maikling pagpapaliwanag.
Gamitin ang datos:
P1= Php 20.00/kilo Q1 = 15 kilos
P2= Php. 28.00/kilo Q2 = 13 kilos
B. Pamprosesong Tanong
1. Bakit mahalagang malaman ang pagtugon ng konsyumer at prodyuser sa pagbabago ng presyo?
2. Paano nagkakaroon ang isang produkto ng elastic at di-elastik na elastisidad?

C. Paglalagom ng Konsepto
Panuto: Punan ang RSQ ng mga mahahalagang sagot na natutunan mo.
Recall Summarize
Ano ang konsepto Question
Ano ang paksa?
ng paksa? Tanong mo?
Elastisidad ng Demand

D. Pagsasabuhay sa Natutunan

Napag-aralan ang elastisidad ng demand na tumutugon sa mga pagbabago ng presyo.


Nararapat na amging mapagmasid at pagplanuhin ang mga dapat ikokonsumo ng isang
matalinong mamimili.

Bilang isang mag-aaral, paano ka makakatulong upang sapat ang iyong ikokonsumo sa
pang-araw-araw na pamumuhay?

Facilitator’s Signature Inihanda ni: Miss Annie S. Barrera


___________________ ArPan Teacher
___________________
___________________ Nirevisa ni: Mrs. Lorna M. Sayson
___________________

Iniwasto ni: Mrs. Lorna M. Sayson Ipinagtibay ni: Mrs. Daisy B. Natividad
ArPan Subject Coordinator High School Principal

You might also like