You are on page 1of 29

Claret School of Zamboanga City

LEVEL II PAASCU – ACCREDITED

Ruste Drive, San Jose Road, Zamboanga City
Junior High School
S.Y. 2017-2018

TEACHER’S LEARNING PLAN NG GRADE 9 ARALING PANLIPUNAN

Bilang ng Gawain: 1 (1st qrtr)

Paksa: Kahulugan ng Ekonomiks
Layunin : Pagkatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay:
1a. nailalapat ang kahulugan ng ekonomiks sa pang-araw-araw na pamumuhay bilang isang
mag-aaral, at kasapi ng pamilya at ng lipunan.
1b. natataya ang kahalagahan ng ekonomiks sa pang-araw-araw na pamumuhay ng bawat
pamilya at ng lipunan.

1.1 pagbibigay ng mga halimbawa ng mga gawaing pang-ekonomiko sa pang-araw-araw na

buhay.
1.2 nakabubuo ng isang matalinong desisyon bilang tugon sa kahalagahan ng ekonomiks sa
ating pang-araw-araw na buhay
Sanggunian:1. Balitao B.R., et.al.,(2014) Pambansang Ekonomiya at Pag-unlad Kto12 Grade 10. 1253 G.
Araneta Avenue, Quezon City: Vibal Publishing House Inc. (ph. 6-11)
2. Nolasco L.I., et.al., (2010). Ekonomiks-Mga Konsepto, Aplikasyon at Isyu.1253 G. Araneta
Avenue,Quezon City:Vibal Publishing House Inc. (ph. 6)
3. Imperial C.M., et. al., (2010).Kayamanan (EKONOMIKS)Binagong Edisyon.856
Nicanor Reyes, Sr. St.Sampalok, Manila: Rex Book Store,Inc. (ph. 3-4)
4. Balitao B.R., et.al., (2015). EKONOMIKS Araling Panlipunan, Unang Edisyon.5th Floor Mabini
Bldg, DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City Phil.: Vibal Group, Inc.,(DepEd- IMCS)
(ph. 15-18)
Pagpapahalaga: Matalinong Pagdedesisiyon
E.P#4: Ang Lahat ay nagbabago

I. Mga Mahalagang Kaisipan

Ang ekonomiks ay isa sa pinakamahalagang asignatura na dapat matutunan ng isang mag-aaral at ng mga
mamamayan. Ang salitang Griyego na oikonomia ay nangangahulugan bahay o tahanan, nomos ay pamamahala.
Samakatuwid, ito ay pamamahala sa tahanan.

Ekonomiks- isang sangay ng agham panlipunan na nag-aaral upang tugunan ang kawalang hanggang
pangangailangan at kagustuhan ng tao gamit ang limitadong yaman ng bansa.

Mahalagang konsepto ng ekonomiks

1. Bahagi sa tao ang pagkakaroon ng wastong pagdedesisyon(choice)
2. Mga alternatibong pamamaraan
3. Trade-off o pagpili upang isakripisyo ang isang bagay
Hal. Mag-aaral k aba o maglalaro
4. Opportunity cost o halaga ng bagay (best alternative)
Hal. Pagpili ng mag-aral na magbibigay ng kasiyahan

Mahalagang malaman ang konsepto ng ekonomiks sapagkat nakakatulong ito sa mabuting pamamahala sa mga
pinagkukunang-yaman at paggawa ng tamang desisyon sa pang-araw-araw na pamumuhay tulad na lamang sa
paggamit ng oras at likas na yaman, sa pamimili ng gamit at marami pang iba.

II. Mga Gawain sa Pagkatuto

A. Pagwawasto ng Pag-unawa
Panuto: Gamit ang talahanayan sa ibaba, magbigay ng limang pang-araw araw na gawaing pang-
ekonomiko bilang mag-aaral at miyembro ng pamilya.

MAG-AARAL PAMILYA
Hal. Pagpasok ng maaga sa paaralan Hal. Pamimili ng mga gamit sa grocery store.
1. nag-aaral ng leksyon 1. gumagawa ng gawaing bahay
2. nagsusulat ng activity 2. bumibili ng mga gamit sa pamilihan
3. naglilinis sa silid aralan 3. sinusunod ang bilin ng magulang
4. pumapasaok sa paaralan araw-araw 4. pagkakaroon ng oras sa pamilya
5. nakikinig sa guro

B. Pamprosesong Tanong
1. Ano ang ugnayan ng ekonomiks sa pang-araw-araw na pamumuhay ng tao?
2. Paano nakakatulong ang konsepto ng ekonomiks sa pang-araw-araw na pamumuhay bilang isang mag-
aaral at kasapi ng pamilya?

C. Paglalagom ng Konsepto
Cooperative Learning (Think – Pair – Share)
Panuto: Gamit ang concept map, ipaliwanag ang bawat salita ukol sa kahalagahan ng pag-
aaral ekonomiks sa pang-araw-araw na pamumuhay ng bawat tao o lipunan.

KILOS PANGKABUHAYA

TAO LIPUNAN
PAGSISIKAP PAMPOLITIK

GAWI PANGMORAL

EKONOMIKS

D. Pagsasabuhay

Panuto: Sagutin ang tanong na nasa ibaba.

Sa araw na ito ay natutunan mo ang kahalagahan ng pag-aaral ng ekonomiks sa buhay ng

tao at ng lipunan. Malaking bagay ang tamang pagdedesisyon upang hindi pagsisisihan
pagdating ng panahon at ang bawat desisyon ay nakakaapekto sa ekonomiya ng bansa.

Bilang isang mabuting mag-aaral, paano ka makakatulong o maisasakatuparan ang tamang

paggamit mo ng iyong oras sa pag-aaral o kahit sa ibang bagay?

_____________________________________________________________________________________

III-Ebalwasyon

Panuto: Tukuyin ang tamang sagot para sa mga sumusunod na pahayag at isulat ito sa nakalaang patlang.

SAGOT Tanong
Adam Smith 1. Ama ng ekonomiks
Maykroekonomiks 2. Sangay ng ekonomiks na pinag-aaralan ang indibidwal na ekonomiya
Oikonomos 3. Salitang Griyego na pamamahala ng tahanan
Division of labor 4. Tawag sa paghahati ng tungkulin ng pinuno sa kanyang nasasakupan
Kakapusan 5. Suliranin na nagpalawak sa kaisipan ng ekonomiks.
Thomas Malthus 6. Isang ekomista na itinituon ang pag-aaral sa balanse ng populasyon at
likas-yaman ng bansa
Trade-off 7. Ang pagsasakripisyo ng isang bagay upang matugunan ang kasiyahan
Makroekonomiks 8. Sangay ng ekonomiks na pinag-aaralan ang kabuuang ekonomiya
Opportunity cost /Alternatives 9. Tumutukoy sa halaga ng bagay na pagpipilian
Tamang Pagdedesisyon 10. Pinakamahalagang gawain ng bawat tao sa lahat ng bagay at hamon ng
buhay sa pang-araw-araw.

Pagpapaliwanag (10 pts.)

Panuto: Ipaliwanag ang kahalagahan ng ekonomiks sa pang-araw-araw na pamumuhay ng tao sa
limang pangungusap.

Retest: For SLG/SA

Panuto: Basahin ang pahayag sa ibaba. Isulat ang tamang salita sa nakalaang patlang.

a. Adam Smith f. Kakulangan k. Thomas Malthus

b. Espesyalisasyon g. Makroekonomiks l. Trade-off
c. Division of labor h. Maykroekonomiks m. oikonomos
d. Industrial Revolution i. Opportunity Cost
e. Kakapusan j. Tamang desisyon

a_______________________ 1. Ama ng ekonomiks

j_______________________ 2. Pinakamahalagang gawain ng bawat tao sa lahat ng bagay at hamon ng buhay sa pang-w-araw.
h_______________________ 3. Sangay ng ekonomiks na pinag-aaralan ang indibidwal na ekonomiya
m______________________ 4. Salitang Griyego na pamamahala ng tahanan
_
c_______________________ 5. Tawag sa paghahati ng tungkulin ng pinuno sa kanyang nasasakupan
e_______________________ 6. Suliranin na nagpalawak sa kaisipan ng ekonomiks.
k_______________________ 7. Isang ekomista na itinituon ang pag-aaral sa balanse ng populasyon at likas-yaman ng bansa
l_______________________ 8. Ang pagsasakripisyo ng isang bagay upang matugunan ang kasiyahan
g_______________________ 9. Sangay ng ekonomiks na pinag-aaralan ang kabuuang ekonomiya
i_______________________ 10. Tumutukoy sa halaga ng bagay na pagpipilian
Pagpapaliwanag:
Panuto: Ipaliwanag ang ibinigay na katanungan sa limang pangungusap lamang.
1. Bilang isang mag-aaaral, paano mo maisasakatuparan o makamtan ang kasiyahan sa buhay ang lahat ng
gawain mo sa pang-araw-araw?

Facilitator’s Signature
___________________
___________________
___________________

Inihanda ni : Mrs. Lorna M. Sayson

ArPan Teacher

Iniwasto nina: Mrs. Lorna M. Sayson Ipinagtibay ni : Mrs. Daisy B. Natividad

ArPan Subject Coordinator High School Principal

Mrs. Cristy DR. Gumera

JHS Academic Coordinator
Claret School of Zamboanga City
LEVEL II PAASCU – ACCREDITED
Ruste Drive, San Jose Road, Zamboanga City
Junior High School
S.Y. 2017-2018

TEACHER’S LEARNING PLAN SA ARALING PANLIPUNAN

Bilang ng Gawain: 2 (1st qrtr)

Paksa: Konsepto ng Kakapusan, Palatandaan, at bilang Pangunahing Suliranin sa Pang-araw-araw na
Pamumuhay
Layunin : Sa katapusan ng aralin ang mga mag-aaral ay:
1. paglalarawan sa kahulugan ng kakapusan.
2. pagbibigay ng mga halimbawa ng palatandaan ng kakapusan sa pang- araw-araw na
pamumuhay.
3.pagpapaliwanag kung bakit isang suliranin ang kakapusan sa pang-araw-araw na
pamumuhay.
4.pagbibigay ng halimbawa ng kakapusan at ang masasamang epekto nito sa pang-araw-
araw na buhay.
Sanggunian: 1. Pambansang Ekonomiya at Pag-unlad Kto12 Grade 10 ph. 39-45
2. Ekonomiks-Mga Konsepto, Aplikasyon at Isyu.ph. 50-59
3. Kayamanan (EKONOMIKS) Binagong Edisyon ph. 43-45
4. EKONOMIKS Araling Panlipunan, Unang Edisyon ph. 23, 26, 30-31
Library Research/Work
Pagpapahalaga: pagiging masinop
E.P#7: Ang kalikasan ay maganda at tayo ay tagapangasiwa ng nilikha ng Diyos
AngPangunahing
I. Mga kakapusan ay Kaisipan
itinuturing na pangunahing suliranin ng lipunan at naging dahilan ito ng pag-aaral ng
ekonomiks. May mga palatandaan ng kakapusan tayong nararanasan araw-araw sa ating mga pinagkukunag-
yaman tulad na lamang ng pagkakaroon ng El Niño na nagdudulot ng kakapusan sa tubig at mga produktong
pang-agrikultura. Dahil sa kakapusan sa pinagkukunang-yaman ang mga mamamayan ay nakakaranas ng
kahirapan sa pagtugon sa kanilang mga pangangailangan

Talasalitaan:
Kakapusan – tumutukoy sa isang sitwasyon kung saan limitado o di-sapat ang mga pinagkukunang-
yaman upang matugunan ang walang hanggang pangangailangan at kagustuhan ng tao
Kakulangan – ang kaganapan na pansamantalang hindi kasapatan ng mga pinagkukunag-
yaman na kayang matugunan sa pangmadaliang panahon.
Opportunity cost – halaga ng bagay na handang isuko upang makamit ang isang bagay
Trade-off – pagsasakripisyo ng isang bagay upang makamit ang ibang bagay

Basahin ang teksto ng batayang aklat sa pahina 39.

II. Mga Gawain sa Pagkatuto

A. Pagwawasto ng Pag-unawa
Panuto: Magbigay ng tatlong halimbawa ng mga pinagkukunang-yaman at suriing mabuti ang mga
palatandaan at epekto ng pagkakaroon ng kakapusan nito. Isulat ang sagot sa loob ng
talahanayan.
PINAGKUKUNANG-YAMAN PALATANDAAN NG EPEKTO
KAKAPUSAN
1. Tubig Water Rationing -Hindi natatapos ang mga gawaing
bahay na kinakailangan ng tubig
2. Kagubatan Nagkakaroon ng pagbaha at - pagkaubos ng mga ari-arain at
pagguho ng lupa kapag mag bagyo Pagakamatay

3. Pera Hindi na nabibili ang lahat ng - paggutom o paghihirap

pangangailangan
B. Pamprosesong Tanong
1. Sa iyong sariling pang unawa, ano ang pagkakaintindi mo sa salitang kakapusan?

2. Bakit itinuturing na suliranin sa pang-araw-araw na pamumuhay ang kakapusan?

C. Paglalagom ng Konsepto
Panuto: Sagutin ang mga tanong sa 3-2-1 talahanayan sa ibaba tungkol sa paksang natalakay.

Magbigay ng tatlong kaalaman na natutunan mo sa paksa

3 Magbigay ng dalawang bagay o kaalaman na gusto mo pang

2 matutunan tungkol sa paksa.

Magbigay ng isang tanong tungkol sa paksa na hindi malinaw sa’yo.

1
D. Pagsasabuhay sa Natutunan

Ang lahat ng bagay na nasa ating kalikasan, ito man ay likas o gawa ng
tao ay bigay ng Diyos at tayo ang tagapangasiwa nito. Ano man ang magiging
kalagayan ng ating likas na yaman ito ay nakasalalay sa paraan kung paano
natin ito pangasiwaan.

Bilang isang mag-aaral, paano mo gagamitin ang lahat ng pinagkukunang bagay o gamit na
mayroon ka kasama ang iyong oras sa mga gawain,upang maiwasan ang suliranin ng kakapusan?

Facilitator’s Siganature
___________________
___________________
___________________

Inihanda ni : Miss Annie S. Barrera

ArPan Teacher
Nirevisa ni: Mrs. Lorna M. Sayson

Iniwasto nina: Mrs. Lorna M. Sayson Ipinagtibay ni : Mrs. Daisy B. Natividad

ArPan Subject Coordinator High School Principal

Mrs. Cristy DR. Gumera

JHS Academic Coordinator
Claret School of Zamboanga City
LEVEL II PAASCU – ACCREDITED SCHOOL
Ruste Drive, San Jose Road, Zamboanga City
High School Unit
S.Y. 2017-2018

GAWAING PAGPAPAYAMAN NG GRADE 9 ARALING PANLIPUNAN

Bilang ng Gawain: 2b (1st qrtr)

Uri ng Gawain: News Item Analysis
Paksa: Ugnayan ng Kakapusan sa Pang-araw-araw na Pamumuhay
Layunin : Sa katapusan ng araw, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. nakapagsasaliksik ng mga balita sa pahayagan na may kaugnayan sa kakapusan.
2. nailalahad ang kaugnayan ng napiling balita sa suliranin ng kakapusan
Sanggunian: Newspapers, magazines, web search
Library work
Pagpapahalaga: pagiging responsible

I. Gawaing Pagkatuto
A. Pagwawasto ng Pag-unawa

Panuto: Magsaliksik sa mga dyaryo, magazines at web search ng mga balita na may kaugnayan sa suliraning
kakapusan. Punan ang template ang mga nararapat na impormasyon sa news item analysis.

Paksa:
Source:

Highlights:

Summarize:

Importance:

Reaction and Reflection:

B. Pamprosesong Tanong

1. Ano ang naging kaugnayan sa napiling balita sa suliraning kakapusan?

2. Bakit sa iyong palagay na maituturing suliranin ang iyong napiling balita ukol sa kakapusan?
3. Paano mo haharapin ang suliranin ng kakapusan na nararanasan mo sa araw-araw na pamumuhay?

Facilitator’s Siganature
___________________ ___________________ ___________________

Inihanda ni : Miss Annie S. Barrera

ArPan Teacher

Iniwasto nina: Mrs. Lorna M. Sayson Ipinagtibay ni : Mrs. Daisy B. Natividad

ArPan Subject Coordinator High School Principal

Mrs. Cristy DR. Gumera

JHS Academic Coordinator
Claret School of Zamboanga City
LEVEL II PAASCU – ACCREDITED SCHOOL
Ruste Drive, San Jose Road, Zamboanga City
High School Unit
S.Y. 2017-2018

TEACHER’S LEARNING PLAN SA ARALING PANLIPUNAN

Bilang ng Gawain: 3 (1st qrtr)

Paksa: Pagkakaiba ng Pangangailangan at Kagustuhan
Layunin : Pagkatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay:
1.natutukoy ang mga halimbawa ng pangangailangan at kagustuhan
Sanggunian: Pambansang Ekonomiya at Pag-unlad Kto12 Grade 10 ph. 55-56,
Ekonomiks-MgaKonsepto, Aplikasyon at Isyu.ph. 70-71
Kayamanan (EKONOMIKS) Binagong Edisyon ph. 48
EKONOMIKS Araling Panlipunan, Unang Edisyon ph. 37-40
https://www.youtube.com/watch?v=CPnYOobgOLI
Pagpapahalaga: Pagtitipid at pagiging matalino sa pagpili
E.P#3: Ang lahat ng bagay ay magkaugnay

I. Mga Pangunahing Kaisipan

Sa kasalukuyang panahon, halos lahat ng tao ay walang hanggan ang mga kagustuhan at
pangangailangan, ngunit kailangan natin isaalang-alang kung alin ang dapat na unahin para tayo ay
mabuhay ng matiwasay.

Talasalitaan
Pangangailangan – tumutukoy sa mga pangunahing bagay na kailangan ng tao upang mabuhay.
Kagustuhan – tumutukoy sa mga bagay na ninanais o pinapangarap ng tao upang matamo ang
kasiyahan.

Basahin ang teksto sa pahina 55-56 para sa malawakang kaalaman.

II. Mga Gawain sa Pagkatuto

A. Pagwawasto ng Pag-unawa
Panuto: Isulat sa nakalaang patlang ang salitang GUSTO kung ang bagay o gawain na ito ay nabibilang
sa pangkat ng kagustuhan at salitang KAILANGAN kung ito nabibilang sa pangkat ng
pangangailangan.

Gusto 1. Pumunta sa party Gusto 6. Telebisyon

Kailangan 2. Kumain ng prutas at gulay Gusto 7. Maglaro ng video game
Gusto 3. Bahay na may aircon Kailangan 8. Magsuot ng maayos na damit
Kailangan 4. Uminom ng tubig pagkatapos kumain Gusto 9. Kumain ng pizza
Gusto 5. Mamahaling relo Kailangan 10. Magbukas ng savings account para
sa kinabukasan

B. Pamprosesong Tanong
1. Ano ang pagkakaiba ng pangangailangan sa kagustuhan?
2. Alin ang dapat unahin sa pagitan ng pangangailangan at kagustuhan? Bakit?
3. Paano nakakaapekto ang pangangailangan at kagustuhan sa suliranin ng kakapusan?
C. Paglalagom ng Konsepto
Panuto: Punan ang Call out Chart ng iyong pag-unawa tungkol sa paksa ng Pangangailangan at
kagustuhan.

D. Pagsasabuhay sa Natutunan

Bawat tao ay may pangangailangan at iba’t ibang mga kagustuhan na

nagbibigay sa atin ng kasiyahan sa buhay. May mga bagay na kailangan natin para
tayo ay mabuhay at may mga bagay naman na gusto lamang natin dahil natutukso
tayo na magkaroon ganitong uri ng bagay. Sa pagpili ng mga bagay kakailanganin
natin sa buhay ay nakasalalay sa pagdedesisyon natin. Kailangan, unahin natin ang
mga mahahalagang bagay at kailangang isaalang-alang ang suliranin ng kakapusan
sa pagkamit ng mga bagay na kailangan o gusto natin, sapagkat kung maghahangad
tayo ng sobra mula sa pangangaialangan at kagustuhan ito ay maaaring makaapekto
sa ibang bagay tulad ng ating likas na yaman sapagkat magkakaugnay tayo.

Kung bibigyan ka ng P500.00 ng iyong magulang bilang allowance sa isang linggo, paano at
saan mo ito ilalaan?

__________________________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________________
III-Ebalwasyon

a. Pagtutukoy
Panuto: Isulat lamang ang titik A kung ang salita ay tumutugon sa pangangailangan at titik B kapag
Kagustuhan sa patlang ng bawat bilang.

______1. Pagkain ______6. Damit

______2. Alahas ______7. Pagkain sa pang-araw-araw

______3. Serbisyo ng spa ______8. Edukasyon
______4. Tirahan ______9. Laptop
______5. Iphone na Cellphone _______10. Hangin

Facilitator’s Siganature
___________________
___________________
___________________

Inihanda ni : Miss Annie S. Barrera

ArPan Teacher

Iniwasto nina: Mrs. Lorna M. Sayson Ipinagtibay ni : Mrs. Daisy B. Natividad

ArPan Subject Coordinator High School Principal

Mrs. Cristy DR. Gumera

JHS Academic Coordinator
Claret School of Zamboanga City
LEVEL II PAASCU – ACCREDITED
Ruste Drive, San Jose Road, Zamboanga City
High School Unit
S.Y. 2018-2019

TEACHER’S LEARNING PLAN NG GRADE 9 ARALING PANLIPUNAN

Bilang ng Gawain: 4 (1st qrtr)

Paksa: Hirarkiya ng Pangangailangan
Layunin : Pagkatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay:

1.pagtukoy sa mga katangian ng hirarkiya ng pangangailangan.

2.pagtukoy sa mga dahilan kung bakit mahalaga ang hirarkiya ng pangangailangan.
Sanggunian: Pambansang Ekonomiya at Pag-unlad Kto12 Grade 10 ph. 57-59
Ekonomiks-MgaKonsepto, Aplikasyon at Isyu.ph. 71-73
Kayamanan (EKONOMIKS) Binagong Edisyon ph. 49-50
EKONOMIKS Araling Panlipunan, Unang Edisyon ph. 41-43
https://www.youtube.com/watch?v=EH04OsNuvcw
Pagpapahalaga: Pagiging buo ang sarili
E.P#5: ang Lahat ay may patutunguhan

I. Mga Pangunahing Kaisipan

Abraham Maslow ay isang sikologo, na nagpapaliwanag ng pangangailangan ng

bawat tao sa limang baitang. Ayon sa kanyang teorya, kailangan muna matuguanan
ng tao ang pangunahing pangangailangan. Nagsisilbi din itong motibasyon upang
matugunan ang pinakamataas na antas ng pangangailangan.

Ang mga sumusunod ay baitang ng pangangailangan ayon kay Abraham Maslow.

1. Pangangailangang pisyolohikal
2. Pangangailangang pangkaligtasan
3. Pangangailangang makisalamuha, makisapi, at magmahal
4. Pangangailangang mabigyan ng pagpapahalaga ng iba
5. Pangangailangang maipatupad ang kaganapang pagkatao.

II. Mga Gawain sa Pagkatuto

A. Pagwawasto ng Pag-unawa
Panuto: Gamit ang piramide, magbigay ng mga halimbawa sa bawat baitang ng pangangailangan.
sa loob ng kahon ay maikling pahayag tungkol sa dahilan ng kahalagahan ng bawat antas
ng pangangailangan.

Makamit ang lubusang kakayahan upang makamit

Pangangailangang maipatupad ang ang kahusayan sa iba’t ibang larangan
kaganapang pagkatao. Kamalayan o potensyal

Hangad ng tao na makilala at matanggap sa

Pangangailangang mabigyan ng Respeo sa sarili at kapwa lipunan upang hindi magdulot ng pagkawala sa
pagpapahalaga ng iba Makilalla ang ambag sa lipunan tiwala sa sarili

Pag-aruga ng pamilya Ugnayan ng tao na matanggap at mapasama sa

iba’t ibang pangkat at pamilya
Pangangailangang makisalamuha Pakikisalamuha at Pakikisapi sa iba’t ibang
makisapi, at magmahal pangkat

Nagbibigay ng katiwasayan at katiyakan sa buhay

Pangangailangang Kaligtasan sa karahasan
sa tao
Pangkaligtasan Katiyakang Moral
Seguridada sa pamilya (trabaho at kalusugan)

Pangangailangan sa katawan upang hidi

Pangangailangang pagkain, tubig, hangin, tulog
pisyolohikal makaramdam ng paghina
B. Pamprosesong Tanong
1. Ano ang pangangailangan ng tao ayon kay Abraham Maslow?
2. pwede bang makarating ang tao sa ikalawa, ikatlo hanggang sa ikalimang baiting na hindi dumadaan
sa una? Bakit?
3. Paano mo mararating ang pinakamataas na baitang? Ano ang dapat mong gawin upang marating ito?

C. Paglalagom ng Konsepto
Panuto: Punan ang relevance map ang natutunan sa paksa.

Ano ito? Bakit kailangan Paano ko magagamit

pag-aralan ito? ang kaalaman na
ito?
Hirarkiya ng
Panga-
ngailangan

D. Pagsasabuhay sa Natutunan

Ang pangangailangan at kagustuhan ng tao ay naaayon sa bawat antas o

hakbangin. May mga natin na hindi lamang mga materyal na bagay ang kailangan
natin para tayo ay mabuhay at hindi ito ibinibigay ng kusa.

Bilang isang mabuting mag-aaral, anong pag-uugali ang nararapat na taglayin ng isang tao para
makamtan ang lubos na kasiyahan na naaayon sa hirarkiya pangangailangan ni Maslow?
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________

Panuto: Basahin ang bawat pahayag na nasa ibaba at tukuyin ang hirarkiya ayon sa teorya ni Maslow. Isulat
lamang ang bilang sa bawat baiting ng piramide ang tamang sagot.

Actualization

Self-esteem

Love/Belongings

Safety needs

Physiological Needs

1. Ang mag-asawang Ramirez ay kumuha ng educational plan upang masiguro ang edukasyon ng anak sa
kolehiyo.
2. Bumili ng pangunahing kailangan lamang ang pamilya Cruz.
3. Lumipat ng Cagayan sina Nicolas dahil sa kaguluhan ditto sa Zamboanga.
4. Ang tamang oras sa pagtulog ay higit na mabuti upang maging Ganado kinabukasan.
5. Natutong magmahal si Kenji dahil gusto niyang maging Masaya.
6. Nakapagtapos ng kursong edukasyon si Myrna kaya siya ay Masaya ngayon bilang guro.
7. Lahat tayo ay nangangailangan ng pagmamahal at pagtanggap ng ibang tao.
8. Karapat-dapat uminom ng walong basong tubig ang tao upang makaiwas sa mga karamdaman.
9. Hinahangad ng bawat tao na siya ay matanggap at mapasama sa iba’t ibang uri ng pangkat at pamilya.
10. Ang tao ay may kamalayan hindi lamang para sa sariling potensyal ngunit higit sa lahat ay para sa
kabuuang potensyal ng tao.

Facilitator’s Siganature
___________________
___________________
___________________

Inihanda ni : Miss Annie S. Barrera

ArPan Teacher

Iniwasto nina: Mrs. Lorna M. Sayson Ipinagtibay ni : Mrs. Daisy B. Natividad

ArPan Subject Coordinator High School Principal

Mrs. Cristy DR. Gumera

JHS Academic Coordinator
Claret School of Zamboanga City
LEVEL II PAASCU – ACCREDITED SCHOOL
Ruste Drive, San Jose Road, Zamboanga City
High School Unit
S.Y. 2016-2017

TEACHER’S LEARNING PLAN SA ARALING PANLIPUNAN

Bilang ng Gawain: 6 (1st qrtr)

Paksa: Batayan at Kaugnayan ng Personal na Kagustuhan at Pangangailangan sa Suliranin ng
kakapusan
Layunin : Sa katapusan ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. pagbibigay ng mga halimbawa na nagpapakita ng mga kaugnayan ng personal na
kagustuhan at pangangailangan sa suliranin ng kakapusan.
2.pagbuo ng sariling opinyon sa kung ano ang dapat unahin sa pamimili gamit ang
hirarkiya ng pangangailangan.
Sanggunian: Pambansang Ekonomiya at Pag-unlad Kto12 Grade 10 ph. 59-60
Ekonomiks-MgaKonsepto, Aplikasyon at Isyu.ph. 74
EKONOMIKS Araling Panlipunan, Unang Edisyon ph. 40, 46
Pagpapahalaga: Tamang pagdedesisyon
E.P#4: Ang Lahat ay nagbabago

I. Mga Pangunahing Kaisipan

Bawat tao ay may pare-parehong pangunahing pangangailangan tulad ng pagkain, bahay,

damit, tubig, tulog at iba pa. Ngunit sa ibang kadahilanan, minsan may mga bagay na kailangan natin
na nagiging kagustuhan lamang para sa iba depende sa uri ng pamumuhay ng tao. Ang bawat tao ay
natatangi dahil mayroon tayong pagkakaiba pagdating sa ating mga pangangailangan at kagustuhan.
May mga bagay na itinuturing na kagustuhan lamang noon ngunit ito ay nagiging bahagi ng mga
pangangailangan ng tao sa kasalukuyan. Limitado ang ating mga pinagkukunang-yaman kung
maghahangad tayo ng sobra sa ating mga pangangailangan at kagustuhan sa huli tayo parin ang
mahihirapan.

II. Mga Gawain sa Pagkatuto

A. Pagwawasto ng Pag-unawa
A1.Panuto: Gamit ang talahanayan, itala ang mga bagay na KAILANGAN MO at GUSTO MO.

KAILANGAN KO GUSTO KO

SWAP TALK
A2.Panuto: Maghanap ng kapareha at paghambingin ang inyong mga sagot sa A1, anu-ano ang pagkakaiba
at pagkakatulad ng inyong mga pangangailangan at kagustuhan?
B. Pamprosesong Tanong
1. Ano ang pagkakaiba ng iyong sagot at ng iyong kamag-aral sa Gawain?
2. Ano sa tingin mo ang maaaring mangyari kung ang paghahangad mo sa isang bagay ay sobra sa
kailangan mo?
3. Ano ang kaugnayan ng personal na kagustuhan at pangangailangan sa suliranin ng kakapusan?

C. Paglalagom ng Konsepto
Panuto: Buuin ang pahayag sa ibaba.
Ang bagong kaalaman na natuklsan ko sa paksa ay…____________________________
_______________________________________________________________________
Ang gusto ko pang matutunan tungkol sa paksa ay….____________________________
______________________________________________________________________
Ang natutunan ko tungkol sa paksang natalakay ay…____________________________
_______________________________________________________________________

D. Pagsasabuhay sa Natutunan

“If we cannot now end our differences, at least we can help make the world safe
for diversity. “

John F. Kennedy

Maaaring hindi kalian man maaaring magkapareho ang ating mga pangangailangan at kagustuhan ngunit hindi
ito nangangahulugan na hindi tayo makakatulong sa suliranin ng kakapusan. Gamit ang hirarkiya ni
Maslow,anu-ano ang mga pamantayan sa pamimili ang iyong isaalang-alang upang makaiwas sa suliranin ng
kakapusan?
___________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________

Facilitator’s Siganature
___________________
___________________
___________________

Inihanda ni : Miss Annie S. Barrera

ArPan Teacher

Iniwasto nina: Mrs. Lorna M. Sayson Ipinagtibay ni : Mrs. Daisy B. Natividad

ArPan Subject Coordinator High School Principal

Mrs. Cristy DR. Gumera

JHS Academic Coordinator

Claret School of Zamboanga City

LEVEL II PAASCU – ACCREDITED
Ruste Drive, San Jose Road, Zamboanga City
Junior High School
S.Y. 2018-2019

TEACHER’S LEARNING PLAN NG GRADE 9ARALING PANLIPUNAN

Bilang ng Gawain: 5 (1st qrtr)

Paksa: Salik na Nakakaimpluwensya sa Pangangailangan at Kagustuhan
Layunin : Sa katapusan ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. pagtukoy sa mga salik na nakakaimpluwensya sa pangangailangan at kagustuhaan.

2. pagbibigay ng maikling paglalarawan kung paano ang bawat salik nakakaimpluwensya
sa pangangailangan at kagustuhan.
Sanggunian: Kayamanan (EKONOMIKS) Binagong Edisyon ph. 50
EKONOMIKS Araling Panlipunan, Unang Edisyon ph. 44-45
Pagpapahalaga: pakikibagay sa pagbabago
E.P#4: Ang Lahat ay nagbabago

I. Mga Pangunahing Kaisipan

Ang pangangailangan ng tao ay naaapektuhan ng iba’t ibang salik at nagbabago bunga ng
maraming aspeto sa buhay. Kabilang sa mga salik na ito ay ang mga sumusunod;

a. edukasyon d. hanapbuhay
b. edad e. panlasa
c. kita

II. Mga Gawain sa Pagkatuto

A. Pagwawasto sa Natutuhan
Panuto: Isulat sa loob ng bilog ang mga salik na nakakaimpluwensya sa iba’t ibang pangangailangan at
kagustuhan ng tao at magbigay ng maikling paglalarawan tungkol dito at isulat ito sa nakalaang
patlang.

Salik nga pangangailangan

at kagustuhan
B. Pamprosesong Tanong
1. Bakit magkakaiba ang mga pangangailangan at kagustuhan ng tao?
2. Paano nakakaimpluwensya ang iba’t ibang salik sa pagkakaiba ng mga pangangailangan at kagustuhan
ng bawat tao?

C. Paglalagom ng Konsepto
Panuto: Isulat sa loob ng bilog ang mga patunay na ang pagkakaiba sa mga pangangailangan at
kagustuhan ay naiimpluwensyahan ng mga iba’t ibang salik.

May iba’t ibang salik na nakakaimplu

wensya sa pagbabago ng pangangaila-ngan at kagustuhan

D. Pagsasabuhay sa Natutunan

“The world says: "You have needs -- satisfy them. You have as much right as the rich and the
mighty. Don't hesitate to satisfy your needs; indeed, expand your needs and demand more.
" This is the worldly doctrine of today. And they believe that this is freedom. The result for the
rich is isolation and suicide, for the poor, envy and murder.”
― Fyodor Dostoyevsky, The Brothers Karamazov

Alin sa mga salik na natalakay ang nakaiimpluwensya sa’yo sa kasalukuyan at paano mo ito matutugunan sa
mapayapa at marangal na paraan?

___________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
IV. Ebalwasyon

I-Pagtutukoy
Panuto: Basahin ang mga pahayag na nasa ibaba. Isulat lamang ang titik ng tamang sagot ukol sa mga salik na
nakakaapekto sa pagbabago ng pangangailangan at kagustuhan ng tao.

a. edad c. hanapbuhay e. okasyon g. pag-aanunsiyo

b. edukasyon d. kita f. panlasa h. kapaligiran/klima

____1. Ang mga mag-aaral na nasa primaryang antas ay gumagamit ng lapis habang ang mga nasa sekondarya
naman ay gumagamit ng ballpen.
____2. Ang mga sanggol na mula isa hanggang tatlong taong gulang ay gumagamit ng diaper.
____3. Bumili ang mga tao ng bagong dekorasyon sa panahon ng Pasko.
____4. Iphone7plus ang binili ni Pangulong Duterte sa kanyang anak at Cherry mobile na mumurahin lamang
ang binili ng Presidential Guard niya.
____5. Ipinagdiriwa ni Stephie at Mark ang kanilang Valentine’s Day.
____6. Kapag maliit ang sahod mula sa hanapbuhay lumiliit din ang kakayahan ng tao sa pagbili ng mga
pangangailangan.
____7. Malaki ang kinikita ng pamilya Suarez mula sa kanilang negosyo kaya nabibili nila lahat ng kanilang
pangangailangan
____8. Mas mabenta ang Samsung na cellphone kaysa sa Nokia sa mga kabataan.
____9. Nahikayat si Beth bumili ng mga palamuti mula sa komersyal sa TV.
____10. Nangangailangan ng stethoscope ang mga manggagamot habang t-square naman ang kailangan ng
inhinyero.
____11. Sanitary napkin ang binili ni Trixie at manyika naman sa kanyang kapatid.
____12. Si Brix ay sumunod sa bagong istilo ng pagputol ng buhok.
____13. Si Ted ay nakatira sa Baguio kaya bumili siya ng heater.
____14. Malapit sa dagat ang bahay nina Bogs at Susie kaya pangangailangan nila ay isda upang may makain.
____15. Kailangan ng gatas ang mga sanggol ngunit sa pagtanda nito ay siya na ang pimipili ng kanyang
kakainin.

Facilitator’s Siganature
___________________ Iniwasto nina: Mrs. Lorna M. Sayson
___________________ ArPan Subject Coordinator
___________________

Inihanda ni : Miss Annie S. Barrera Mrs. Cristy DR. Gumera

ArPan Teacher JHS Academic Coordinator

Ipinagtibay ni : Mrs. Daisy B. Natividad

High School Principal
Claret School of Zamboanga City
LEVEL II PAASCU – ACCREDITED
Ruste Drive, San Jose Road, Zamboanga City
Junior High School
S.Y. 2018-2097

TEACHER’S LEARNING PLAN SA ARALING PANLIPUNAN

Bilang ng Gawain: 7 (1st qrtr)

Paksa: Kaugnayan ng Konsepto ng Alokasyon, Pangangailangan at Kagustuhan
Layunin : Sa katapusan ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. pagpapaliwanag kung ano ang konsepto ng alokasyon.
2. pagpapaliwanag kung ano ang ugnayan ng alokasyon sa kakapusan, pangangailangan
at kagustuhan.
3. pagbibigay ng mga halimbawang sitwasyon na nag-uugnay sa konsepto ng alokasyon
sa pangangailangan at kagustuhan.
Sanggunian: Ekonomiks-MgaKonsepto, Aplikasyon at Isyu.ph. 62-63
Kayamanan (EKONOMIKS) Binagong Edisyon ph. 43-45
EKONOMIKS Araling Panlipunan, Unang Edisyon ph. 53-54
https://www.youtube.com/watch?v=uV551AktKw0
Pagpapahalaga: Tamang pagdedesisyon at pananagutan
E.P#4: Ang lahat ng bagay ay magkakaugnay

I. Mga Pangunahing Kaisipan

Ang alokasyon ay pamamaraan ng pamamahagi ng mga pinagkukunang-yaman sa iba’t ibang
gamit upang matugunan ang mga pangangailangan sa harap ng suliranin ng kakapusan. Ang
pamamaraan ng alokasyon ay nagpapakita ng isang matibay na halimbawa ng paghahanay ng
kahalagahan ng mga pangangailangan at kagustuhan ng mga tao. Ang sistema ng alokasyon ay batay sa
iba’t ibang pamamaraan ng matalinong pagdedesisyon kung paano kakaharapin ang suliranin ng
kakapusan.

II. Mga Gawain sa Pagkatuto

A. Pagwawasto ng Pag-unawa
Panuto: Basahin at unawain ang sitwasyon sa ibaba,ipakita ang pagbabahagi ng mga gastusin sa pang-
araw-araw na pangangailangan gamit ang bilog na nasa ibaba.

“Paano mo ipamamahagi ang iyong badyet?”

Binigyan ka ng iyong magulang ng P500.00 para sa allowance mo sa loob ng isang linggo, sa

P500.00 ilalaan mo ito sa pamasahe araw-araw, pagkain mo sa paaralan at mga iba pang kakailanganin tulad ng
papel at iba pa. Paano mo pagkakasyahin ang P500.00 sa loob ng isang lingo nang hindi ka kakapusin at
matugunan mo ang iyong pangangailangan?
B. Pamprosesong Tanong
1. Base sa gawain sa itaas, ano ang iyong sariling pagkakaintindi sa konsepto ng alokasyon?
2. Ano ang dapat mong isaalang-alang sa pagbabahagi?palawakin ang sagot
3. Ano ang maaari mong maranasan kung hindi ka gagawa ng tamang desisyon sa pagbabahagi ng iyong
pinagkukunang-yaman sa mga pangangailangan mo?

C. Paglalagom ng Konsepto (Picture Analysis)

Panuto: Suriing mabuti ang tatlong larawan at ipaliwanag kung anong mensahe ang isinasaad
nito tungkol sa konsepto ng alokasyon at paggawa ng tamang desisyon.

D. Pagsasabuhay sa Natutunan

“Perhaps our greatest distinction as a species is our capacity, unique among

animals, to make counter-evolutionary choices.”

― Jared Diamond

Bawat tayo ay may kakayahang gumawa ng desisyon patungkol sa kanyang buhay, bilang isa sa mga may
kakayahang magdesisyon, anong paraan ang maaari mong imungkahi para matugunan mo ang iyong
pangangailangan nang hindi mararanasan ang kakapusan?
___________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________

Facilitator’s Siganature Iniwasto nina: Mrs. Lorna M. Sayson

___________________ ArPan Subject Coordinator

___________________ Mrs. Cristy DR. Gumera

___________________ JHS Academic Coordinator
Inihanda ni : Miss Annie S. Barrera Ipinagtibay ni : Mrs. Daisy B. Natividad
ArPan Teacher High School Principal

Claret School of Zamboanga City

LEVEL II PAASCU – ACCREDITED
Ruste Drive, San Jose Road, Zamboanga City
Junior High School
S.Y. 2016-2017

TEACHER’S LEARNING PLAN NG ARALING PANLIPUNAN

Bilang ng Gawain: 8 (1st qrtr)

Paksa: Kahalagahan ng Paggawa ng Tamang Desisyon Upang Matugunan ang Pangangailangan
Layunin : Sa katapusan ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. pagbibigay ng mga sariling paraan patungkol sa paggawa ng tamang desisyon upang
matugunan ang pangangailangan.
Sanggunian: Kayamanan (EKONOMIKS) Binagong Edisyon ph. 44-45
EKONOMIKS Araling Panlipunan, Unang Edisyon ph. 54
Pagpapahalaga: Tamang pagdedesisyon
E.P#3: Ang lahat ng bagay ay magkaugnay

I. Mga Pangunahing Kaisipan

Sa araw-araw na pamumuhay gumagawa tayo ng desisyon, at sa paggawa natin ng desisyon
kailangan natin mag-isip nang mabuti upang matugunan natin ang lahat ng mga mahahalagang bagay
para tayo ay mabuhay ng matiwasay.

II. Mga Gawain sa Pagkatuto

A. Pagwawasto ng Pag-unawa
Panuto: Sa sampung pangungusap, ipaliwanag ang isinasaad sa temang:

“ Tamang desisyon para sa aking pangangailangan.”

B. Pamprosesong Tanong
1. Bakit mahalaga ang paggawa ng tamang desisyon?
2. Ano ang ugnayan ng paggawa ng tamang desisyon sa pagtugon ng ating pangangailangan?

C. Paglalagom ng Konsepto
Panuto: Ibigay ang hinihingi ng mga pahayag sa ibaba tungkol sa paksa at isulat ito sa loob ng
tatsulok.

Dalawang mahalagang konseptong natutunan tungkol sa paksa. Isang konsepto na hindi malinaw sa’yo
D. Pagsasabuhay sa Natutunan

Ang paraan ng pamumuhay ng bawat indibidawal, anuman ang narrating o

mararating natin sa buhay natin ito ay nakasalalay kung paano tayo magdesisyon sa
buhay.

Ano ang kahalagahan ng paggawa ng matalinong desisyon para sa hinaharap at paano ito na-uugnay sa
pagtugon n gating mga pangunahing pangangailangan?

__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

Facilitator’s Siganature
___________________
___________________
___________________

Inihanda ni : Miss Annie S. Barrera

ArPan Teacher

Iniwasto nina: Mrs. Lorna M. Sayson Ipinagtibay ni : Mrs. Daisy B. Natividad

ArPan Subject Coordinator High School Principal

Mrs. Cristy DR. Gumera

JHS Academic Coordinator
Claret School of Zamboanga City
LEVEL II PAASCU – ACCREDITED
Ruste Drive, San Jose Road, Zamboanga City
Junior High School
S.Y. 2016-2017

TEACHER’S LEARNING PLAN SA ARALING PANLIPUNAN

Bilang ng Gawain: 7 (1st qrtr)

Paksa: Konsepto ng Alokasyon at Paggawa ng Tamang Desisyon upang matugunan ang Pangangailangan at
Kagustuhan
Layunin : Sa katapusan ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. pagpapaliwanag kung ano ang konsepto ng alokasyon.
2. pagpapaliwanag kung ano ang ugnayan ng alokasyon sa kakapusan, pangangailangan
at kagustuhan.
3. pagbibigay ng mga halimbawang sitwasyon na nag-uugnay sa konsepto ng alokasyon
sa pangangailangan at kagustuhan.
4. pagbibigay ng mga sariling paraan sa paggawa ng tamang desisyon upang matugunan ang
pangangailangan
Sanggunian: Ekonomiks-Mga Konsepto, Aplikasyon at Isyu.ph. 62-63
Kayamanan (EKONOMIKS) Binagong Edisyon ph. 43-45
EKONOMIKS Araling Panlipunan, Unang Edisyon ph. 53-54
https://www.youtube.com/watch?v=uV551AktKw0
Pagpapahalaga: Tamang pagdedesisyon at pananagutan
E.P#4: Ang lahat ng bagay ay magkakaugnay

I. Mga Pangunahing Kaisipan

Ang alokasyon ay pamamaraan ng pamamahagi ng mga pinagkukunang-yaman sa iba’t ibang
gamit upang matugunan ang mga pangangailangan sa harap ng suliranin ng kakapusan. Ang
pamamaraan ng alokasyon ay nagpapakita ng isang matibay na halimbawa ng paghahanay ng
kahalagahan ng mga pangangailangan at kagustuhan ng mga tao. Ang sistema ng alokasyon ay batay sa
iba’t ibang pamamaraan ng matalinong pagdedesisyon kung paano kakaharapin ang suliranin ng
kakapusan.

II. Mga Gawain sa Pagkatuto

A. Pagwawasto ng Pag-unawa
Panuto: Basahin at unawain ang sitwasyon sa ibaba,ipakita ang pagbabahagi ng mga gastusin sa pang-
araw-araw na pangangailangan gamit ang bilog na nasa ibaba.

“Paano mo ipamamahagi ang iyong badyet?”

Binigyan ka ng iyong magulang ng P500.00 para sa allowance mo sa loob ng isang linggo, sa

P500.00 ilalaan mo ito sa pamasahe araw-araw, pagkain mo sa paaralan at mga iba pang kakailanganin tulad ng
papel at iba pa. Paano mo pagkakasyahin ang P500.00 sa loob ng isang lingo nang hindi ka kakapusin at
matugunan mo ang iyong pangangailangan?
B. Pamprosesong Tanong
1. Base sa gawain sa itaas, ano ang iyong sariling pagkakaintindi sa konsepto ng alokasyon?
2. Ano ang dapat mong isaalang-alang sa pagbabahagi mo ng iyong pera?palawakin ang sagot
3. Bakit mahalaga ang paggawa ng tamang desisyon?
4. Ano ang ugnayan ng paggawa ng tamang desisyon sa pagtugon ng ating pangangailangan?

C. Paglalagom ng Konsepto (Picture Analysis)

Panuto: Suriing mabuti ang tatlong larawan at ipaliwanag kung anong mensahe ang isinasaad
nito tungkol sa konsepto ng alokasyon at paggawa ng tamang desisyon.

D. Pagsasabuhay sa Natutunan

“Perhaps our greatest distinction as a species is our capacity, unique among

animals, to make counter-evolutionary choices.”

― Jared Diamond

Bawat tayo ay may kakayahang gumawa ng desisyon patungkol sa kanyang buhay, bilang isa sa mga may
kakayahang magdesisyon, anong paraan ang maaari mong imungkahi para matugunan mo ang iyong
pangangailangan nang hindi mararanasan ang kakapusan?
___________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________

Facilitator’s Siganature Iniwasto nina: Mrs. Lorna M. Sayson

___________________ ArPan Subject Coordinator

___________________ Mrs. Cristy DR. Gumera

___________________ JHS Academic Coordinator

Inihanda ni : Miss Annie S. Barrera Ipinagtibay ni : Mrs. Daisy B. Natividad

ArPan Teacher High School Principal

Claret School of Zamboanga City

LEVEL II PAASCU – ACCREDITED
Ruste Drive, San Jose Road, Zamboanga City
High School Unit
S.Y. 2017-2018

GAWAING PAGPAPAYAMAN NG GRADE 9 ARALING PANLIPUNAN

Bilang ng Gawain: (1st qrtr)

Paksa: Suliranin at Hamon ng Kakapusan
Layunin : Sa katapusan ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. nakagagawa ng mga inaatasang Gawain tungkol sa suliranin at hamon ng kakapusan ayon sa
magkakaibang interes o skill ng mga bata.

Pagpapahalaga: CHEERS

I. Gawaing Pagkatuto
A. Pagwawasto ng Pag-unawa

Panuto: Bumuo ng mga grupo batay sa mga sumusunod na gawain. Pumili lamang ng isang gawaing na ayon sa
iyong nangingibabaw na katalinuhan/kasanayan (multiple intelligence). Bibigyan kayo ng sapat na oras
para matapos ang gawaing pangkatan.

INTERPERSONAL Sumulat ng MAIKLING DAYALOGO tungkol sa suliraning kakapusan at

kakulangan batay sa natutunan sa paksa at itatanghal ito sa klase ng dalawa
hanggang tatlong minute lamang.

INTRAPERSONAL Gumawa ng isang REFLECTIVE JOURNAL ukol sa suliranin, solusyon at hamon

ng kakapusan.

VISUAL Gumuhit ng 5 frame-PICTOGRAM na nagpapakita ng mga iba’t ibang dahilan at

epekto ng kakapusan at kakulangan.

BODILY- Lumikha ng MALIKHAING SAYAW na nagpapahayag ng

KINESTHETIC
NATURALIST
MUSICAL
LOGICAL

Claret School of Zamboanga City

LEVEL II PAASCU – ACCREDITED
Ruste Drive, San Jose Road, Zamboanga City
High School Unit
S.Y. 2017-2018

TEACHER’S LEARNING PLAN NG ARALING PANLIPUNAN

Bilang ng Gawain: 10 (1st qrtr)

Paksa: Iba’t ibang sistemang pang-ekonomiya
Layunin : Pagkatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay:
1. pagtukoy sa iba’t ibang sistemang pang-ekonomiya.
2. pagbibigay halimbawa kung paano ang mekanismo ng alokasyon sa bawat sistemang
pang-ekonomiya.
3. paghahambing sa bawat sistemang pang-ekonomiya.
Sanggunian: Pambansang Ekonomiya at Pag-unlad Kto12 Grade 10 ph. 108-111
Ekonomiks-MgaKonsepto, Aplikasyon at Isyu.ph. 63-67
EKONOMIKS Araling Panlipunan, Unang Edisyon ph. 55-56
Pagpapahalaga: kaayusan, paggalang,pananagutan
E.P#3: Ang lahat ng bagay ay magkakaugnay

I. Mga Pangunahing Kaisipan

Ang sistemang pang-ekonomiya - isang institusyonal na kaayusan at paraan upang maisaayos ang
paraan ng produksiyon, pag-mamay-ari,at paglinang ng
pinagkukunang-yaman at pamamahala ng gawaing pang-
ekonomiko ng isang lipunan.
Iba’t ibang sistemang pang-ekonomiys na umiiral sa daigdig:

a. tradisyunal na ekonomiya c. command economy

b. market economy d. mixed economy
II. Mga Gawain sa Pagkatuto
A. Pagwawasto ng Pag-unawa
Panuto: Sa sampung pangungusap, ipaliwanag ang isinasaad sa temang:

“ Tamang desisyon para sa aking pangangailangan.”

B. Pamprosesong Tanong
1. Bakit mahalagaang paggawa ng tamang desisyon?
2. Ano ang ugnayan ng paggawa ng tamang desisyon sa pagtugon ng ating pangangailangan?

C. Paglalagom ng Konsepto
Panuto: Ibigay ang hinihingi ng mga pahayag sa ibaba tungkol sa paksa at isulat ito sa loob ng tatsulok.
Dalawang mahalagang konseptong natutunan tungkol sa paksa. Isang konsepto na hindi malinaw sa’yo

D. Pagsasabuhay sa Natutunan

Ang paraan ng pamumuhay ng bawat indibidawal, anuman ang narrating o mararating natin sa
buhay natin ito ay nakasalalay kung paano tayo magdesisyon sa buhay.

Ano ang kahalagahan ng paggawa ng matalinong desisyon para sa hinaharap at paano ito na-
uugnay sa pagtugon n gating mga pangunahing pangangailangan?

__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
Claret School of Zamboanga City
LEVEL II PAASCU – ACCREDITED
Ruste Drive, San Jose Road, Zamboanga City
High School Unit
S.Y. 2016-2017
TEACHER’S LEARNING PLAN SA ARALING PANLIPUNAN
Note: Articulated to discuss in grade 10, just give the a short explanation in act 2
Bilang ng Gawain: 3 (1st qrtr)
Paksa: Mga Paraan upang malabanan ang kakapusan sa pang-araw-araw na pamumuhay
Layunin : Sa katapusan ng aralin ang mga mag-aaral ay:
1. pagbuo ng mga sariling paraan upang malabanan ang kakapusan sa pang-araw-araw
na pamumuhay bilang isang mag-aaral.
Sanggunian: Balitao B.R., et.al., (2015). EKONOMIKS Araling Panlipunan, Unang Edisyon. 5th Floor Mabini
Bldg, DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City Phil.: Vibal Group , Inc.,(DepEd- IMCS). Ph.31
https://www.youtube.com/watch?v=ooCLJ74NLbk
Pagpapahalaga: pagiging aktibo tungo sa pagbabago
E.P#4: Angparaan
Ang mga lahat ay
nanagbabago
maaaring isagawa upang mapamahalaan ang suliranin sa kakapusan:
• Kailangan din ang angkop at makabagong teknolohiya upang mapataas ang produksiyon,
I. • Pagsasanay
Mga Pangunahing Kaisipan
para sa mga manggagawa upang mapataas ang kapasidad ng mga ito sa paglikha ng produkto at
pagbibigay ng kinakailangang serbisyo,
• Pagpapatupad ng mga programa na makapagpapabuti at makapagpapalakas sa organisasyon, at mga
institusyong (institutional development) nakatutulong sa pag-unlad ng ekonomiya, at
• Pagpapatupad ng pamahalaan ng mga polisiya na nagbibigay proteksiyon sa mga pinagkukunang-yaman.

Mga gawaing Environmentalist

1. Pagtatanim ng mga puno sa nakakalbong kagubatan at sa kalunsuran;
2. Pangangampanya upang ipagbawal ang paggamit ng mga kemikal at iba pang bagay na nakalilikha ng polusyon;
3. Pagkordon o enclosure ng mga piling lugar na malala ang kaso ng ecological imbalance (protected areas
program); at
4. Pagbabantay sa kalagayan at pangangalaga sa mga nauubos na uri ng mga hayop (endangered species).
II. Mga Gawain sa Pagkatuto
A. Pagwawasto ng Pag-unawa
Panuto: Magbigay ng limang paraan kung paano malalabanan ang suliranin ng kakapusan at isulat
ito sa loob ng kahon.

- magtipid sa paggamit ng mga bagay-bagay tulad nalamang ng tubig, kuryente at iba pa.
- maging responsable sa paggamit ng oras
- mag-isip ng mabuti sa paggawa ng desisyon
- magkaroon ng kamalayan sa mga nangyayari sa paligid
- maging aktibo sa mga programa ng barangay o pamahalaan na nakakatulong maibsan ang
suliranin ng Kakapusan

B. Pamprosesong Tanong
1. Bakit kailangang malabanan ang suliranin ng kakapusan?
2. Ano sa tingin mo ang magiging epekto sa pamumuhay ng tao kung magiging matagumpay ang paraan
ng paglaban sa suliranin ng kakapusan?

C. Paglalagom ng Konsepto
Panuto: Sa limang pangungusap,isulat sa loob ng kahon o ibahagi sa klase ang iyong natutunan sa paksang
natalakay.

D. Pagsasabuhay sa Natutunan

“ I will keep you safe from the evil one.”

John 5:18

Ang pahayag sa itaas ay pangako ng panginoon sa atin, bilang mga mamamayan ng bansang mayaman
sa likas na yaman na nilikha ng panginoon, anong pangako o aksyon ang maaari mong gawin para sa pagbabago
ng estado ng ating kalikasan o yamang likas na unti-unti nang nasisira?

III-Ebalwasyon
Panuto: Gumawa ng Slogan na nagpapahayag kung paano malalabanan ang suliranin ng kakapusan.

You might also like