You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION VI – WESTERN VISAYAS
SCHOOLS DIVISION OF NEGROS OCCIDENTAL

SUMMATIVE TEST- WRITTEN WORK 1


SUBJECT GRADE Araling Panlipunan 9 - QUARTER 1
Competency: Nailalapat ang kahulugan ng ekonomiks sa pang-araw-araw na pamumuhay
bilang isang mag-aaral, at kasapi ng pamilya at lipunan. (AP9MKE-Ia-1)

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap. Piliin ang tamang titik na
tumutukoy sa tamang kasagutan. Isulat sa sagutang papel ang mga sagot.

1. Ito ay isang Agham Panlipunan na nag-aaral kung paano tutugunan ang tila walang
katapusang pangangailangan at kagustuhan ng tao gamit ang limitadong
pinagkukunang-yaman.
A. Ekonomiks C. Kasaysayan
B. Sosyolohiya D. Pilosopiya
2. Anu ang tawag sa pagpili o pagsasakripisyo ng isang bagay kapalit ng ibang bagay?
A. Incentives B. Trade off C. Opportunity cost D. Marginal thinking
3. Pangatwiran ang kahalagahan ng pag-aaral ng Ekonomiks.
A. Mahirap ang maging mapanuri at mapagtanong sa mga nangyayari sa
kapaligiran.
B. Makapagbibigay ng makatwirang solusyon sa problema ng ibang tao.
C. Mauunawaan ang mga batas at programang pinapatupad ng pamahalaan.
D. Mauunawan ang mga hindi napapanahong isyu.
4. Sa paanong paraan naipapakita ang Ekonomiks sa pang-araw-araw na buhay?
A. Paglalaba C. Pag-aalaga ng anak
B. Pagbili ng masarap na pagkain D. Palalaro
5. Kung magbibigay ng karagdagang allowance ang mga magulang kapalit ng mas mataas
na marka na pinagsisikapang makamit ng mag-aaral ay:
A. Marginal thinking C. Opportunity Cost
B. Trade-off D. Incentives
6. Sa ekonomiks, may kasabihang “Rational People Think at the Margin” Ano ang ibig
sabihin nito?
A. Sinusuri ng isang indibidwal ang karagdagang halaga, maging ito man ay gastos o
pakinabang na makukuha mula sa gagawing desisyon.
B. Minsan kahit makabuo ka na ng desisyon hindi maiwasang magbabago ang isip
sa bandang huli.
C. Maaaring masuri ang mga pagpipilian sa pagbuo ng pinakainam na pasya.
D. Pahalagahan ang kalidad at hindi ang tatak ng produkto o sebisyong bibilhin.
7. Bakit kailangan pagtutuunan ng pansin ang pag-aaral ng ekonomiks?
A. Dahil may kakapusan C. Dahil may kagustuhan
B. Dahil may demand D. Dahil may supply
8. Ang salitang oikonomia ay nagmula sa salitang:
A. Espanyol C. Romania
B. Asyano D. Griyego
9. Ang yamang kapital o capital goods ay may limitasyon rin sa paglikha ng produkto na
maaaring lumikha ng kakapusan. Ang mga sumusunod ay halimbawa ng yamang kapital
MALIBAN lamang sa isa.
A. Makinarya C. Tao
B. Kagamitan D. Gusali
10. Ang oikonomia ay nangangahulugan na:
A. Pamamahala sa gobyerno C. Pamamahala sa pamilihan
B. Pamamahala sa tahanan D. Pamamahala sa paaralan
11. Kung ang Trade-off ay ang pagpili o pagsasakripisyo ng isang bagay kapalit ng ibang
bagay, ano naman ang opportunity cost?
A. Best alternative C. Best choice
B. Best performance D. Best management
12. Ano ang magiging resulta ng paglalapat ng mga kaalaman sa konsepto ng trade-off,
opportunity cost, incentives at marginal thinking?
A. Maging matalinong nilalang
B. Maging materyalistik sa lahat ng bagay
C. Maging rasyonal sa pagbuo ng desisyon
D. Maging alerto sa paggawa ng desisyon
13. Bilang mag-aaral, bakit mahalaga ang pag-aaral ng ekonomiks?Alin sa mga sumusunod
ang HINDI tama?
A. Maaaring humubog sa iyong pag-unawa, ugali at gawi.
B. Makatutulong sa mabuting pamamahala at pagbuo ng matalinong desisyon.
C. Makatutulong sa pagdedesisyon para sa kinabukasan at paghahanapbuhay sa
hinaharap.
D. Mauunawaan ang mga desisyon ng simbahan at paaralan na iyong
kinabibilangan.
14. Bilang isang mamamayan, paano mo magagamit ang kaalaman sa ekonomiks sa pang-
araw-araw na pamumuhay?
A. Ang kaalaman ay magagamit sa pagpapayaman sa buhay.
B. Ang kaalaman ay makatutulong upang makapagbigay ng makatuwirang opinyon
ukol sa mahahalagang pagdedesisyon ng pamilya.
C. Ang kaalaman ay makatutulong upang maging buhay marangya.
D. Ang kaalaman ay makatutulong upang maging isang kilalang tao.
15. Sa bawat pagpapasya ay kalimitang may trade-off at opportunity cost. Ang trade-off ang
pagpili o pagsasakripisyo ng isang bagay kapalit ng ibang bagay at ang opportunity cost
ay ang halaga ng bagay o best alternative na handang ipagpalit sa bawat paggawa ng
desisyon. Bakit may nagaganap na trade-off at opportunity cost?
A. Dahil sa walang katapusan ang kagustuhan ng tao.
B. Dahil sa limitado ang kaalaman ng mga konsyumer
C. Dahil may umiiral na kakapusan sa mga produkto at serbisyo.
D. Dahil kailangan ng mga tao na makabuo ng matalinong desisyon.

Inihanda ni:

MELDY GOTERA PEREZ


Tearcher III
Augurio Marañon Abeto NHS
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION VI – WESTERN VISAYAS
SCHOOLS DIVISION OF NEGROS OCCIDENTAL

SUMMATIVE TEST- WRITTEN WORK 1


SUBJECT GRADE: Araling Panlipunan 9 – QUARTER 1

Competency: Nailalapat ang kahulugan ng ekonomiks sa pang-araw-araw na pamumuhay


bilang isang mag-aaral, at kasapi ng pamilya at lipunan. (AP9MKE-Ia-1)

TABLE OF SPECIFICATIONS

Araling Panlipunan 9
Unang Markahan
Summative Test No. 1 (LAS 1)

Table of Specifications

Pamantayang Pangnilalaman
Ang mga mag-aaral ay may pag-unawa sa mga pangunahing konsepto ng Ekonomiks bilang batayan ng matalino at maunlad na pang-araw-araw na
pamumuhay.
Pamantayan sa Pagganap
Ang mga mag-aaral ay naisasabuhay ang pag-unawa sa mga pangunahing konsepto ng Ekonomiks bilang batayan ng matalino at maunlad na pang-araw-araw
na pamumuhay
No. No. of Behavior and No. of Placement of Items
Pamantayan sa Pagkatuto of Weights Test Easy Average Difficult Total
Wee Items Remembering Understanding Applying Analyzing Evaluating Creating
k 60% (4.2) 30% (2.1) 10% (.7)
1. Nailalapat ang kahulugan 1 100% 15 5 4 2 2 2 15
ng ekonomiks sa pang araw- 1,2,8,9,10 3,4,11,12 5,13 6,14 7,15
araw na pamumuhay bilang
isang mag-aaral, at kasapi ng
pamilya at lipunan. AP9MKE-
Ia-1
2.

TOTAL 1 100% 15 9 4 2 15

Inihanda ni:

MELDY G. PEREZ

You might also like