You are on page 1of 15

PANGALAN:_____________________________________

BAITANG/SEKSYON:___________________________
____ 9
ARALING PANLIPUNAN
Kwarter I – Linggo 2
Kahalagahan
ng Ekonomiks sa Pang-araw-araw
na Pamumuhay ng Bawat Pamilya
at ng Lipunan

CONTEXTUALIZED LEARNING ACTIVITY SHEETS


SCHOOLS DIVISION OF PUERTO PRINCESA CITY
Araling Panlipunan – Baitang 9
Contextualized Learning Activity Sheets (CLAS)
Kwarter I – Linggo 2: Kahalagahan ng Ekonomiks sa Pang-araw-araw
na pamumuhay ng Bawat Pamilya at ng Lipunan
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng pamahalaan o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda
kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon, pelikula atbp.) na ginamit sa CLAS na
ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban
sa CLAS na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito. Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anumang paraan nang walang pahintulot ng Kagawaran.
Inilathala ng Dibisyon ng Lungsod ng Puerto Princesa
Bumubuo sa Pagsusulat ng Contextualized Learning Activity Sheets
Manunulat: Khay A. Amanca
Pangnilalamang Patnugot: Villaflor C. Ocampo
Editor: Jonah A. Heredero
Tagawasto: Villaflor C. Ocampo
Tagasuri: Marites L. Arenio, Villaflor C. Ocampo, Ma.Lea A.Magbanua,
Rodney M. Ballaran, Carissa M.Calalin

Tagaguhit: Esrael P. Ramos


Tagalapat: Ruben T. Orocio Jr.

Tagapamahala:
Servillano A. Arzaga, CESO V, SDS
Loida P. Adornado PhD. ASDS
Cyril C. Serador PhD. CID Chief
Ronald S. Brillantes, EPS-LRMS Manager
MaritesL. Arenio, EPS-Araling Panlipunan
Fe O. Cabasal, PSDS
Eva Joyce C. Presto, PDO II
Rhea Ann A. Navilla, Librarian II

Pandibisyong Tagasuri ng LR: Ronald S. Brillantes, Mary Jane J. Parcon,


Rodney M. Ballaran, Carissa M. Calalin, Jouilyn O. Agot

Division of Puerto Princesa City-Learning Resource Management Section (LRMS)


Sta. Monica Heights, Brgy. Sta. Monica, Puerto Princesa City
Telephone No.: (048) 434 9438
Email Address: puertoprincesa@deped.gov.ph
Aralin 1
Kahalagahan ng Ekonomiks sa Pang-araw-araw na pamumuhay
ng Bawat Pamilya at ng Lipunan

MELC: Natataya ang kahalagahan ng ekonomiks sa pang-araw-araw na pamumuhay ng


bawat pamilya at ng lipunan.
Mga Layunin:
1. Naipaliliwanag ang kahalagahan ng ekonomiks sa pang-araw-araw na
pamumuhay ng bawat pamilya at ng lipunan; at
2. Nakapaglalahad ng kaalaman tungkol sa kahalagahan ng ekonomiks sa
pang-araw-araw na pamumuhay ng bawat pamilya at ng lipunan

Subukin Natin

Panuto: Unawain mo ang bawat katanungan at isulat ang titik ng tamang


sagot sa patlang.

_____ 1. Paano mo magagamit ang kaalaman sa ekonomiks bilang bahagi ng lipunan?


A. Maunawaan ang napapanahong isyu.
B. Maunawaan ang mga batas at programa ng pamahalaan.
C. Maunawaan ang mahahalagang usaping pang-ekonomiko ng bansa.
D. Lahat ng nabanggit

_____ 2. Bakit mahalagang pag-aralan ang ekonomiks?


A. Sapagkat makatutulong itong mapataas ang iyong marka.
B. Sapagkat makatutulong ito na mapalago ang iyong Negosyo.
C. Sapagkat makatutulong ito na mapabuti ang iyong pag-aaral.
D. Sapagkat makatutulong ito sa mabuting pamamahala at pagbuo
ng matalinong desisyon.

_____ 3. Alin sa sumusunod na konsepto ang dapat na maunawaan upang


makatulong sa bawat desisyong gagawin?
A. Trade-off, opportunity cost, incentives, Trade-on
B. Trade-off, opportunity cost, incentives, marginal thinking
C. Trade-off, Trade-on, Opportunity cost, opportunity expense
D. Incentives, marginal thinking, opportunity expense, trade-off

_____ 4. Anong konsepto ang tumutukoy sa halaga ng bagay na handang ipagpalit sa bawat
paggawa ng desisyon?
A. Trade-off
B. Incentives
C. Opportunity cost
D. Marginal thinking

1
_____ 5. Alin sa sumusunod na pahayag ang tumutukoy sa kahalagahan ng ekonomiks?
A. Paggamit ng maayos na limitadong pinagkukunang-yaman.
B. Pagkakaroon ng tamang pagpapasya at matalinong pagdedesisyon.
C. Pagsasamantala at pagtatago ng mga produktong binebenta sa pamilihan.
D. Matalinong pagpapasya ng tao sa pagsagot ng suliraning pangkabuhayan.

_____ 6. Alin sa sumusunod na pangungusap ang nagsasaad ng diwang ”Malaki ang


bahaging ginagampanan ng ekonomiks sa lipunan?”
A. Sa tulong ng pagsusuri sa ekonomiks, napaghahagdan-hagdan ang katayuan ng
mga tao sa lipunan kaya’t nauuri natin ang mahihirap, nakaririwasa, at
mayayaman.
B. Ang paglikha ng mga produktong tutugon sa anumang hilig-pantao ay mahalaga
kayat dapat ipagpatuloy ang produksyon ng mga ito kahit na masira ang mga
yamang-likas sa daigdig.
C. Upang tumaas ang ekonomiya ng isang bansa, kailangang sundin nito ang mga
patakaran ng mayayamang bansa.
D. Sa pamamagitan ng pag-aaral ng ekonomiks, nakatutuklas ng paraan upang
patuloy na tumaas ang antas ng kita, empleyo, siguridad, at kagalingang
panlipunan ng mga mamamayan sa isang bansa.

_____ 7. Anong kaalaman sa ekonomiks ang higit na makatutulong sa iyong buhay?


A. Nagbibigay ng gabay sa pang-araw-araw na pamumuhay.
B. Nakakatulong upang makagawa ng matalinong pagdedesisyon.
C. Nakapagbibigay ng sariling opinyon sa mga nangyayari sa lipunan.
D. Nagkakaroon ng kaalaman tungkol sa napapanahong isyu kaugnay sa
ekonomiya ng bansa.

_____ 8. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa mahalagang konsepto ng


ekonomiks ng tamang pagpili o pagdedesisyon.
A. Trade-off
B. Circular flow
C. Opportunity cost
D. Marginal thinking

_____ 9. Anong mahalagang bahagi ang maitutulong ng pagkakaroon ng kaalaman sa


konseptong trade-off, opportunity cost, incentives, at marginal thinking?
A. Maparaang gawain
B. Malikhaing pag-iisip
C. Malawak na kaalaman
D. Matalinong pagdedesisyon

_____ 10. Alin sa mga sumusunod na katanungan ang HINDI kabilang sa pagsasaalang-
alang upang maisakatuparan ang matalinong pagdedesisyon?
A. Para kanino?
B. Bakit gagawin?
C. Gaano karami?
D. Ano ang gagawin?

2
Ating Alamin at Tuklasin

Sa nakaraang aralin ay natutuhan mo ang kahulugan ng


ekonomiks sa pang araw-araw na pamumuhay bilang isang mag-
aaral, kasapi ng pamilya at lipunan. Natuklasan mo na ang
kaalaman sa ekonomiks at kung paano ito ginagamit bilang
batayan sa matalinong pagpapasya.
Paghawan ng
Balakid

Trade-off- pagpili o
pagsasakripisyo ng
isang bagay
kapalit ng ibang
bagay
Opportunity cost-
tumutukoy sa
halaga ng bagay o
ng best alternative
na handang
ipagpalit sa bawat
paggawa ng
desisyon
Incentives-mga
bagay na Ang Ekonomiks ay nakatuon sa pagtugon sa hamong
nakapagpapabago dulot ng kakapusan sa pinagkukunang-yaman at walang
sa sa nabuong katapusang pangangailangan at kagustuhan ng tao. Sinikap
desisyon nitong mapalawak ang kakayahan ng tao sa pagbuo ng
Marginalism- matalinong desisyon. Matalino ang magiging desisyon kung
pagsusuri ng may malawak na pagpipilian. Kapag malawak ang
karagdagang pagpipilian, masusing mapag-aaralan ang maidudulot ng
halaga maging ito desisyon. Mahalagang isaalang-alang ang paggawa ng
man ay gastos o matalinong desisyon sa pamamagitan ng pagsusuri sa trade-
pakinabang na off, opportunity cost, incentives, at marginalism ng mga
makukuha mula sa pamilihan o choices.
gagwing desisyon.

Mahalaga ang pag-aaral ng ekonomiks sapagkat makatutulong ito sa mabuting


pamamahala at pagbuo ng matalinong desisyon. Malaki ang maitutulong nito sayo bilang
mag-aaral at kasapi ng pamilya.

3
KAHALAGAHAN NG EKONOMIKS:BILANG KASAPI NG PAMILYA AT NG LIPUNAN

Bilang kasapi ng pamilya, maaari mong magamit ang


kaalaman sa ekonomiks sa pag-unawa sa mga desisyon mula
sa mga pamimilian na mayroon ang pamilyang iyong
kinabibilangan. Sa bawat minuto, oras, araw ay gumagawa ng
desisyon ang isang indibidwal, ito man ay maliit o malaki.
Halimbawa na lamang sa pagkaing lulutuin, teleseryeng
panonoorin, gawaing bahay na tatrabahuin, at iba pa ay may
kaakibat na desisyon. Hindi lamang sa loob ng sambahayan
ang paggawa ng desisyon kundi pati na rin ang pamahalaan.
Ayon sa ating 1987 Saligang Batas ang pamahalaan ay may
tungkuling pagsilbihan ang mamamayan, kung saan kailangan
ng makabubuting desisyon para sa kapakanan ng bawat isa.
Kung kaya’t, mainam na mayroong kaalaman at pag-unawa sa
konsepto ng trade-off, opportunity cost, incentives, at . Ito ay
tiyak na makatutulong sa bawat desisyong gagawin.

Bilang bahagi ng lipunan, magagamit mo ang


kaalaman sa ekonomiks upang maunawaan ang mga
napapanahong isyu na may kaugnayan sa mahahalagang
usaping ekonomiko ng bansa tulad ng estado ng
ekonomiya ng bansa, mga salik ng pagbagal at pagbilis ng
pag-unlad ng isang bansa, kalakalang panlabas, at iba pa.
Maaari mo ring maunawaan ang mga batas at
programang ipinatutupad ng pamahalaan na may
kaugnayan sa pagpapaunlad ng ekonomiya. Sa
pamamagitan ng pag-unawa sa nasabing
batas/patakaran, maaari kang makapagbigay ng
repleksyon kung papaano ito nakapagdudulot ng
kaunlaran sa ekonomiya ng bansa. Katuwang ng
Ekonomiks, ang sambahayan at pamayanan na pare-
parehong gumagawa ng iba’t ibang desisyon. Upang
maisakatuparan ang matalinong pagdedesisyon,
kailangang isaalang-alang ang apat na katanungan: Ano
ang gagawin?Paano gagawin? Para kanino? at Gaano
karami?

Sa mga isyu naman tungkol sa pag-aaral, pagkita,


paglilibang, paggasta, at pagtugon sa pangangailangan at
kagustuhan ay maaari mong magamit ang kaalaman sa
alokasyon at pamamahala. Ang iyong kaalaman ay
makatutulong upang makapagbigay ka ng makatuwirang
opinyon tungkol sa mahahalagang pagdedesisyon. Nararapat
lamang pag-aralan ang ekonomiks dahil hindi lingid sa ating
kaalaman na walang katapusan ang pangangailangan at
kagustuhan ng isang tao ngunit limitado lamang ang yaman
ng bansa. Kung kaya’t, kinakailangan ang masusing
pagdedesisyon. Sa sambahayan kailangan malaman kung ano
ang uunahin, pagpili sa pagitan ng “pangangailangan” at
“kagustuhan”. Sa panig ng pamahalaan, kung ano ang sa
tingin nilang kailangan at mas nakabubuti para sa kapakanan
ng mamamayan ito ay kanilang pinaglalaanan ng pondo sa
kanilang paggasta (Government Expenditures).

4
Mainam na maging bukas ang ating mga kaisipan
sa mga usaping panlipunan. Napakahalaga ng ekonomiks
sa ating mga pang-araw-araw na pamumuhay at gawain.
Dapat nating matutunan ang tamang paggamit ng pera,
oras at ng ating mga kakayanan nang wasto at maayos.
Alaming mabuti ang pagkakaiba ng ating mga
pangangailangan maging ating luho.

Bilang isang mag-aaral ikaw ay maaaring maging


higit na matalino, mapanuri, at mapagtanong sa mga
nangyayari sa iyong kapaligiran. Maaari ring itong
humubog sa iyong pag-unawa, ugali, at gawi sa pamaraang
makatutulong sa iyong pagdedesisyon para sa kinabukasan
at paghahanapbuhay sa hinaharap.

Ngayon ay inaasahang batid mo na ang kahalagahan ng pag-aaral ng ekonomiks


bilang sandigan ng matalinong pagpapasya, bilang mag-aaral at kasapi ng pamilya at
lipunan sa pang-araw-araw na buhay. Lubos mo namang mauunawaan ang konsepto
ng kakapusan o scarcity sa susunod na aralin.

(Pinagkunan: Department of Education, Project EASE- Araling Panlipunan III Modyul 1, Katuturan at
Kahalagahan ng Ekonomiks,Department of Education, Pasig City, 11-19.)

(Pinagkunan: Bernard R. Balitao et al., Ekonomiks – Araling Panlipunan-Modyul para sa Mag-aaral, Pasig City:
Department of Education-Vibal Group, 2015, 17.18)

5
Tayo’y Magsanay

Gawain 1
Panuto: Itala ang mga kahalagahan ng ekonomiks sa iyong pang-araw-
araw na pamumuhay bilang isang mag-aaral at kasapi ng pamilya. Gamitin
ang talaan na nasa ibaba.

MAG-AARAL PAMILYA LIPUNAN

6
Gawain 2
Panuto: Sa pamamagitan ng TAMA o MALI na nasa kahon, tukuyin mo ang
mga pahayag na nagpakikita ng kahalagahan ng ekonomiks sa pang-araw-
araw na pamumuhay bilang kasapi ng lipunan. Lagyan ng tsek ( /) pagkatapos
ng pahayag kung ito ay tama at ( X ) kung ito ay mali. Isulat sa ibaba ng chart
kung mali ang iyong kasagutan sa pahayag at ipaliwanag kung bakit ito mali.

Kahalagahan ng Ekonomiks

TAMA MALI

1. Nagbibigay ito ng kaalaman sa wastong gamit ng likas na


yaman.

2. Nagbibigay ito ng tamang karunungan sa pagdedesisyon


ukol sa pagkonsumo at pagpoprodyus upang maiwasan ang
kakapusan.

3. Nagbibigay ng pagkakataon sa mga mamamayan na


maunawaan at makibahagi sa paghahanap ng tamang
pamamaraan sa paglutas ng mga suliraning pangkabuhayan.

4. Nakatutulong ito sa pag-unlad ng mga bansa.

5. Mauunawaan ang mga sanhi ng mabagal na pag-unlad ng


bansa at kung bakit may mga bansang mabilis ang pag unlad.

6. Nakatutulong sa mabilis na paglalaganap ng mga


mananakop na bansa laban sa mahihinang bansa.

7. Nagbibigay ng pagkakataon sa mga mamamayan na


palaguin ang kanilang mga kakayanan sa sports.

Ano ang kahalagahan ng ekonomiks sa pang-araw-araw na pamumuhay ng bawat


pamilya at ng lipunan?

7
Ating Pagyamanin

Gawain 1
Panuto: Ilahad ang iyong sagot sa pamamagitan ng iyong kaalaman sa
kahalagahan ng ekonomiks sa pang-araw-araw na pamumuhay bilang
mag-aaral, kasapi ng pamilya at lipunan.

Pag-isipan ang sumusunod na sitwasyon. Nakararanas tayo ngayon ng


pinakamatinding krisis hindi lang sa bansang Pilipinas kundi sa buong mundo
ito ay ang COVID-19. Isa sa naging epekto nito ay ang ating hanapbuhay. Kung
may kakayahan ang iyong pamilya na magtayo ng negosyo, ano ang maaari
ninyong itayo sa panahon ng nasabing pandemiya?

8
Gawain 2
Panuto:Ipakita ang iyong pagpapahalaga sa ekonomiks bilang gabay sa
pang-araw-araw na pamumuhay ng bawat pamilya at ng lipunan sa
pamamagitan ng social media. Gumamit ng napapanahong isyu o
sitwasyong nararanasan halimbawa nito ay ang isyung Covid-19 na
nagpapakita ng iyong natutunan sa napag-aralan patungkol sa
ekonomiks. Ito ay maaaring sa pamamagitan ng pag tweet sa Twitter post
sa iyong wall sa Facebook. Isulat lamang ang iyong nais ipost sa mga
kahong nasa ibaba.

Bilang isang mamamayan ng iyong lugar, makatutulong ba ang iyong nakuhang kaalaman sa
pang-araw-araw na pamumuhay?

9
Ang Aking Natutuhan

pamilya lipunan mag-aaral ekonomiks

Mahalaga ang pag-aaral ng __________sapagkat makatutulong ito sa


mabuting pamamahala at pagbuo ng matalinong desisyon. Malaki ang maitulong nito
sayo bilang ____________at kasapi ng _____________at ____________.

Ating Tayahin

Panuto: Unawain mo ang bawat katanungan at isulat ang titik ng tamang


sagot sa patlang.

_____ 1. Alin sa sumusunod na pangungusap ang nagsasaad ng diwang ”Malaki ang


bahaging ginagampanan ng ekonomiks sa lipunan?”
A. Sa tulong ng pagsusuri sa ekonomiks, napaghahagdan-hagdan ang katayuan
ng mga tao sa lipunan kaya’t nauuri natin ang mahihirap, nakaririwasa, at
mayayaman.
B. Ang paglikha ng mga produktong tutugon sa anumang hilig-pantao ay
mahalaga kayat dapat ipagpatuloy ang produksyon ng mga ito kahit na masira
ang mga yamang-likas sa daigdig.
C. Upang tumaas ang ekonomiya ng isang bansa, kailangang sundin nito ang mga
patakaran ng mayayamang bansa.
D. Sa pamamagitan ng pag-aaral ng ekonomiks, nakatutuklas ng paraan upang
patuloy na tumaas ang antas ng kita, empleyo, siguridad, at kagalingang
panlipunan ng mga mamamayan sa isang bansa.
_____ 2. Anong kaalaman sa ekonomiks ang higit na makatutulong sa iyong buhay?
A. Nagbibigay ng gabay sa pang-araw-araw na pamumuhay.
B. Nakakatulong upang makagawa ng matalinong pagdedesisyon.
C. Nakapagbibigay ng sariling opinyon sa mga nangyayari sa lipunan.
D. Nagkakaroon ng kaalaman tungkol sa napapanahong isyu kaugnay sa
ekonomiya ng bansa.

10
_____ 3. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa mahalagang konsepto ng
ekonomiks ng tamang pagpili o pagdedesisyon.
A. Trade-off
B. Circular flow
C. Opportunity cost
D. Marginal thinking
_____ 4. Anong mahalagang bahagi ang maitutulong ng pagkakaroon ng kaalaman sa
konseptong trade-off, opportunity cost, incentives, at marginal thinking?
A. Maparaang gawain
B. Malikhaing pag-iisip
C. Malawak na kaalaman
D. Matalinong pagdedesisyon

_____ 5. Alin sa mga sumusunod na katanungan ang HINDI kabilang sa pagsasaalang-


alang upang maisakatuparan ang matalinong pagdedesisyon?
A. Para kanino?
B. Gaano karami?
C. Bakit gagawin?
D. Ano ang gagawin?

_____ 6. Paano mo magagamit ang kaalaman sa ekonomiks bilang bahagi ng lipunan?


A. Maunawaan ang napapanahong isyu
B. Maunawaan ang mga batas at programa ng pamahalaan
C. Maunawaan ang mahahalagang usaping pang-ekonomiko ng bansa
D. Lahat ng nabanggit

_____ 7. Bakit mahalagang pag-aralan ang ekonomiks?


A. Sapagkat makatutulong itong mapataas ang iyong marka.
B. Sapagkat makatutulong ito na mapalago ang iyong Negosyo.
C. Sapagkat makatutulong ito na mapabuti ang iyong pag-aaral.
D. Sapagkat makatutulong ito sa mabuting pamamahala at pagbuo ng matalinong
desisyon.

_____ 8. Alin sa sumusunod na konsepto ang dapat na maunawaan upang makatulong sa


bawat desisyong gagawin?
A. Trade-off, opportunity cost, incentives, Trade-on
B. Trade-off, opportunity cost, incentives, marginal thinking
C. Trade-off, Trade-on, Opportunity cost, opportunity expense
D. Incentives, marginal thinking, opportunity expense, trade-off

_____ 9. Anong konsepto ang tumutukoy sa halaga ng bagay na handang ipagpalit sa bawat
paggawa ng desisyon?
A. Marginal thinking
B. Incentives
C. Opportunity cost
D. Trade-off

_____ 10. Alin sa sumusunod na pahayag ang tumutukoy sa kahalagahan ng ekonomiks?


A. Paggamit ng maayos na limitadong pinagkukunang-yaman.
B. Pagkakaroon ng tamang pagpapasya at matalinong pagdedesisyon.
C. Pagsasamantala at pagtatago ng mga produktong binebenta sa pamilihan.
D. Matalinong pagpapasya ng tao sa pagsagot ng suliraning pangkabuhayan.

9
Susi sa Pagwawasto

Tayo’y Magsanay Tayo’y Magsanay


Gawain 2 Gawain 1
Mga posibleng sagot
1. TAMA Mag-aaral: Bilang isang mag-aaral ikaw ay maaaring maging higit
2. TAMA na matalino, mapanuri, at mapagtanong sa mga nangyayari sa
3. TAMA iyong kapaligiran.
4. TAMA Pamilya: Bilang kasapi ng pamilya, maaari mong magamit ang
5. TAMA kaalaman sa ekonomiks sa pag-unawa sa mga desisyon mula sa
6. MALI mga pamimilian na mayroon ang pamilyang iyong kinabibilangan.
7. MALI Lipunan: Bilang bahagi ng lipunan, magagamit mo ang kaalaman
sa ekonomiks upang maunawaan ang mga napapanahong isyu na
may kaugnayan sa mahahalagang usaping ekonomiko ng bansa
tulad ng estado ng ekonomiya ng bansa, mga salik ng pagbagal at
Ang aking Natutuhan
pagbilis ng pag-unlad ng isang bansa, kalakalang panlabas, at iba
1. Ekonomiks pa.
2. Mag-aaral
3. Pamilya
4. Lipunan

Ating Tayahin Subukin

1. D 6. D 1. D 6. D
2. A-D 7. D 2. D 7. A-D
3. B 8. B 3. B 8. B
4. D 9. C 4. C 9. D
5. C 10. B 5. B 10. B

Sanggunian
Aklat

Balitao, Bernard R., Martinico D. Buising, Edward D. Garcia, Apollo D. De Guzman, Juanito L.
Lumibao Jr., Alex P. Mateo, at Irene J. Mondejar. Ekonomiks – Araling Panlipunan-Modyul
para sa Mag-aaral. Pasig City: Department of Education-Vibal Group, 2015.

10
FEEDBACK SLIP

A. PARA SA MAG-AARAL

Maraming salamat sa paggamit ng CLAS na ito. Hangarin nito


ang iyong lubusang pagkatuto sa tulong ng iyong kapamilya. OPO HINDI

1. Kontento at masaya ka bang natuto gamit ang CLAS na ito?

2. Nasunod at nagawa mo ba ang mga proseso at pamamaraang


nakasaad para sa iba’t ibang gawain para sa iyong pagkatuto?

3. Ikaw ba ay ginabayan o sinamahan ng sinuman sa iyong


kapamilya para sa pag-aaral gamit ang CLAS na ito?

4. Mayroon bang bahagi sa CLAS na ito na ikaw ay nahirapan


(kung Opo, ano ito at bakit?)

B. PARA SA MAGULANG O TAGAPATNUBAY

Suhestiyon o Rekomendasyon para sa mas maayos na serbisyo


at pagkatuto ng inyong anak gamit ang CLAS na ito?

Mayroon (Pakisulat sa nakalaang guhit)

Wala

Contact Number : __________________________________

PANGALAN NG PAARALAN:

Pangalan at Lagda ng Guro:

Pangalan at Lagda ng Magulang


o Tagapatnubay:

Petsa ng Pagtanggap ng CLAS:

Petsa ng Pagbalik ng CLAS:

11

You might also like