You are on page 1of 9

9

Araling Panlipunan 9
Suplemental na Instruksiyong
Pampagkatuto sa Araling
Panlipunan
Quarter 1 – Week 1
Kahulugan ng Ekonomiks

Olongapo City National High School


SDO – Olongapo City
Araling Panlipunan 9
SIPAP 1
Quarter 1 – Week 1
Unang Edisyon, 2021

Inilimbag sa Pilipinas
Ng Olongapo City National High School
SDO Olongapo City – Region III

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi


maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan
ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o
tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan.
Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng


produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula,
atbp.) na ginamit sa Suplemental na Instruksiyong Pampagkatuto sa
Araling Panlipunan na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon.
Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa
paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-
akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na
ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito.

Walang anomang parte Suplemental na Instruksiyong


Pampagkatuto sa Araling Panlipunan na ito ang maaaring kopyahin o
ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Olongapo City
National High School.

Bumuo sa Pagsulat ng Suplemental na Instruksiyong Pampagkatuto


sa Araling Panlipunan

Manunulat: Carl Patrick S. Tadeo


Taga-guhit: Maria Alexandra M. Ruiz
Tagalapat: Carl Patrick S. Tadeo
Editor: Arlene G. Mercado
Taga-suri: Nita V. Mago EdD
Tagapamahala:

Leilani S. Cunanan CESO V


Maylene M. Minimo EdD, CESE
Ariel C. Lansang
Jose C. Tala EdD
Edwina S. Espiritu
Soledad E. Pozon EdD
Paunang Salita
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 9 sa
Pinatnubayang Gawaing Pampagkatuto sa Paikot na Daloy ng Ekonomiya!
Ang Suplemental na Instruksiyong Pampagkatuto sa Araling Panlipunan
na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula
Olongapo City National High School at Schools Division of Olongapo City sa
pamamagitan ng Learning Resource Management System (LRMDS) Office
upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit
ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang
kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong
hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa
mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang
kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-
alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Para sa Tagapagpadaloy:

Inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung


paano gamitin ang Suplemental na Instruksiyong Pampagkatuto sa Araling
Panlipunan na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila
habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod
dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral
habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob dito.

Para sa Mag-aaral:

Ang Suplemental na Instruksiyong Pampagkatuto sa Araling


Panlipunan na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin
nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-
aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.
Suplemental na Instruksiyong Pampagkatuto sa Araling Panlipunan
Araling Panlipunan 9 (Ekonomiks)
Quarter 1 – Week 1
Kahalagahan ng Ekonomiks

PANGALAN: BAITANG AT SEKSIYON:

PETSA: KWARTER: LINGGO

I. Kasanayang Pampagkatuto
MELC 1: Nailalapat ang kahulugan ng ekonomiks sa pang-araw-araw na
pamumuhay bilang isang mag-aaral, at kasapi ng pamilya at lipunan
a. Nasusuri ang kahulugahan ng ekonomiks sa buhay bilang isang
mag-aaral at bilang kasapi ng pamilya at ng lipunan;
b. Nakagagawa ng makatuwirang desisyon sa mga pangyayaring
nagaganap sa pang-araw-araw na pamumuhay na nakabase sa
mga mahahalagang konsepto ng ekonomiks; at
c. Napahahalagahan ang ekonomiks bilang disiplina ng Agham
Panlipunan tungo sa matalinong pagdedesisyon.

II. Susing Konsepto

Kahulugan ng Ekonomiks
Ang Ekonomiks ay isang sangay ng Agham Panlipunan na nag-aaral
kung paano tutugunan ang tila walang katapusang pangangailangan at
kagustuhan ng tao gamit ang limitadong pinagkukunang-yaman. Ito ay
nagmula sa salitang Griyego na oikonomia na nagmula naman sa dalawang
salita: ang oikos ay nangangahulugang bahay at nomos na pamamahala
(Viloria, 2000).
Ang ekonomiya at sambahayan ay maraming pagkakatulad (Mankiw,
1997).Ang sambahayan, tulad ng lokal at pambansang ekonomiya, ay
gumagawa rin ng mga desisyon. Nagpaplano ito kung paano mahahati-hati
ang mga gawain at nagpapasya kung paano hahatiin ang limitadong
resources sa maraming pangangailangan at kagustuhan. Ang pagpapasiya
ng sambahayan ay maaaring nakatuon sa kung magkano ang ilalaan sa
pangangailangan sa pagkain, tubig, tirahan, at ibang mga bagay na
nakapagbibigay ng kasiyahan sa pamilya.
Samantala, ang pamayanan katulad ng sambahayan, ay gumaganap din
ng iba’t ibang desisyon. Ang pamayanan ay kailangang gumawa ng desisyon
kung ano-anong produkto at serbisyo ang gagawin, paano gagawin, para
kanino, at gaano karami ang gagawin. Lumalabas ang mga batayang
katanungang nabanggit dahilan sa suliranin sa kakapusan. May kakapusan
dahil may limitasyon ang mga pinagkukunang-yaman at walang katapusan
ang pangangailangan at kagustuhan ng tao. Dahil sa kakapusan, kailangan
ng mekanismo ng pamamahagi ng limitadong pinagkukunang-yaman.
Ang kakapusan ay kaakibat na ng buhay dahil may limitasyon ang
kakayahan ng tao at may limitasyon din ang iba pang pinagkukunang-yaman
tulad ng yamang likas at kapital. Ang yamang likas ay maaaring maubos at
hindi na mapalitan sa paglipas ng panahon. Samantala, ang yamang kapital
tulad ng makinarya, gusali, at kagamitan sa paglikha ng produkto ay may
limitasyon din ang dami ng maaaring malikha. Sa gayon, kailangang
magdesisyon ang pamayanan batay sa apat napangunahing katanungang
pang-ekonomiya na kapaki-pakinabang sa lahat.
Tingnan ang pigura sa ibaba.

Kakapusan

Ano ang Paano Para kanino Gaano karami


gagawin? gagawin? gagawain? ang gagawain?

Ang kakapusan na pinagtutuunan ng pag-aaral ng Ekonomiks ay pang-


araw-araw na suliraning kinakaharap hindi lamang ng pamayanan at
sambahayan, kundi ng bawat indibidwal pati ang mga mag-aaral na katulad
mo.

Mahahalagang Konsepto ng Ekonomiks

Opportunity Marginal
Cost Thinking

Matalinong Pagdedesisyon

Trade-off Incentives

1. Trade-off – ay ang pagpili o pagsasakripisyo ng isang bagay


kapalit ng ibang bagay.
2. Opportunity cost – tumutukoy sa halaga ng bagay o ng best
alternative na handang ipagpalit sa bawat paggawa ng
desisyon.
3. Marginal thinking – tumutukoy sa pagsusuri ng isang indibidwal
sa karangdagang halaga, maging ito man ay gastos o
pakinabang na makukuha mula sa gagawing desisyon.
4. Incentive – ito ay isang bagay na iniaalok ng mga lumilikha ng
produkto at serbisyo (Hal. Discount, sale)
III. Mga Gawain
Gawain Pampagkatuto Bilang 1: TAMA o MALI
Panuto: Tukuyin ang pahayag kung ito ay tama o mali. Kung ito ay tama
isulat ang salitang TAMA sa patlang at kung mali naman ay isulat ang MALI.

____________1. Ang ekonomiks ay isang Agham Panlipunan.


____________2. Ang ekonomiks ay nagmula sa salitang Griyego na
oikonomia.
____________3. Sinasabing ang ating likas na yaman ay hindi nauubos at
walang limistasyon.
____________4. Ang oikonomia ay nagmula naman sa dalawang salita: ang
oikos ay nangangahulugang pamamahala at nomos na
bahay.
____________5. Mayroong walang hanggan na pangangailangan at
kagustuhan ang tao.
____________6. Ang mga tanong na dapat masagot sa ekonomiks ay: ano
ang gagawin, paano gagawin, para kanino gagawin at
gaano karami gagawin.
____________7. Ang marginal thinking ay tumutukoy sa pagpili o
pagsasakripisyo ng isang bagay kapalit ng ibang bagay.
____________8. Ang opportunity cost ay tumutukoy sa halaga ng bagay o ng
best alternative na handang ipagpalit sa bawat paggawa ng
desisyon.
____________9. Nagkaroon ng sale kaya’t 50 % ang pagbaba ng mga presyo
ng bilihin sa SM Central. Ito ay tinatawag na insentibo.
____________10. Pinili ni Jenny na mag-aral kesa mag-laro ng Call of Duty
magdamag. Ito ay halimbawa ng opportunity cost.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Positive, Negative, Hala!


Panuto: Basahing maigi ang mga sumusunod na sitwasyon na may
kinalaman sa matalinong pagdedesisyon sa ekonomiks. Kung ito ay
matalinong pagdedesisyon isulat ang (+) kung ito naman ay nagpapakita ng
hindi matalinong pagdedesisyon ay isulat ang (-).

_____1. Sa kabila ng pandemya ay nagpatuloy pa rin si Mark sa


kaniyang pag-aaral. Sapagkat wala siyang gadget at pinili niya ang
modular distance learning.
_____2. Si Kyla ay may kaya. Hindi siya nagsusuot ng mask kapag siya
ay lumabas. Ang kaniyang dahilan ay may pambayad naman siya ng
multa.
_____3. Si Jeric ay nawalan ng trabaho dahil sa pandemya. Mula sa
salaping ibinayad sa kaniya ng kaniyang kompanya bilang separation
pay ay nagnegosyo siya ng maliit na karinderya.
_____4. Tanghali ng gumising si Jobert sapagkat siya ay naglaro ng
Mobile Legends hanggang alas kwatro ng umaga. Dahil dito ay na-late
siya sa pagpapasok sa kaniyang online class.
_____5. Binibigyan lamang ni Aling Martha ang kaniyang anak ng 10
piso kada araw na baon kahit na hindi naman siya pumapasok sa
eskwela. Ang perang ito ay iniipon ni Ambot at siya naman niyang
ginagamit na pambili ng mga kakailanganin sa proyekto sa kaniyang
module.
IV. Repleksiyon
Panuto: Tingnan mo ang iyong paligid sa inyong bahay, iguhit ang bagay na
sa tingin mo ay tila walang katapusan na pangangailangan mo at ng iyong
pamilya. Ipaliwanag sa baba kung bakit ito ang iyong iginuhit.

______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

RUBRIK SA PAGMAMARKA
Kriterya Deskripsiyon Puntos
Nilalaman Ang nilalaman ay lubos na 15
nagpapakita ng ang bagay na sa
tingin mo ay tila walang katapusan
na pangangailangan.
Pagpapaliwanag Naipaliwanag ng maayos ang 8
paksang iginuhit.
Pagkamalikhain Ang gawa ay nagpakita ng mataas 7
na antas ng pagiging malikhain.
Kabuuan 30

V. Mga Sanggunian
Kagawaran ng Edukasyon, Ekonomiks Modyul Para sa Mag-aaral pahina
VI. Susi sa Pagwawasto
GAWAIN SA GAWAIN SA REPLEKSIYON
PAGKATUTO 1 PAGKATUTO 2
1. TAMA Maaaring
2. TAMA 1. + magkaiba-iba
3. MALI 2. – ang sagot.
4. MALI 3. +
5. TAMA 4. –
6. TAMA 5. +
7. MALI
8. TAMA
9. TAMA
10. MALI

You might also like