You are on page 1of 22

Angono Private High School

“IN THIS SCHOOL YOU ARE LOVED!”

ARALING
PANLIPUNAN 9
Ekonomiks
MR. FELIX A. UMLAS
AP 9 TEACHER
Yunit I:
Mga Pangunahing
Konsepto ng Ekonomiks
Pamantayan sa Pagkatuto
Pamantayang Pangnilalaman Pamantayan sa Pagganap
Naipamamalas ng mag- Naisasabuhay ang pag-
aaral ang pag unawa sa mga unawa sa mga
pangunahing konsepto ng pangunahing konsepto ng
Ekonomiks bilang batayan ekonomiks bilang batayan
ng matalino at maunlad na ng matalino at maunlad
pang-araw-araw na na pang-araw-araw na
pamumuhay. pamumuhay.
Layunin:
1. Naipapaliwanag ang konsepto at katuturan ng
Ekonomiks
2. Nailalapat ang kahulugan ng Ekonomiks sa
pang-araw-araw na pamumuhay bilang isang
mag-aaral at kasapi ng pamilya sa lipunan.
3. Natataya ang kahalagahan ng ekonomiks sa
pang-araw-araw na pamumuhay ng bawat
pamilya sa lipunan.
1. Ano ang ipinapakita sa larawan?
2. Nalagay ka na ba sa sitwasyong katulad ng nasa larawan?
Paano?
3. Paano ka gumagawa ng desisyon kapag nasa gitna ka ng
maraming sitwasyon at kailangan mong pumili?
Aralin 1:
Kahulugan at Kahalagahan
ng Ekonomiks
Ekonomiks
➢Isang sangay ng Agham Panlipunan
➢Nag-aaral kung paano tutugunan ang tila
walang katapusang pangangailangan at
kagustuhan ng tao gamit ang limitadong
pinagkukunang-yaman.
➢Ito ay nagmula sa salitang Griyego na
“oikonomia”
-oikos: bahay -nomos: pamamahala
Adam Smith
➢Kinikilala na “Ama ng Ekonomiks”
➢Nagbigay ng malaking makaagham na
pagdulog sa pagsusuri ng kontribusyon
sa Ekonomiks
➢“An Inquiry Into the Nature and Causes
of the Wealth of Nations”
➢Nagsilbing gabay sa mga bansa upang
mailarawan ang mga kaganapan sa
ekonomiya.
Sangay ng Ekonomiks
1. MAYKROEKONOMIKS – (Microecomics) sumusuri sa
kilos o gawi ng maliliit na yunit ng ekonomiya tulad ng
mamimili, prodyuser at pamilihan na kumakatawan sa
konsepto ng demand, supply at estruktura nito.
2. MAKROEKONOMIKS – (Macroeconomics) sumusuri
sa ekonomiya sa kabuuan nito. Saklaw nito ang pag-
aaral sa pambansang antas ng pag-eempleyo, galaw ng
ng mga presyo, at mga polisiya ng pamahalaan.
Mahahalagang Konsepto sa Ekonomiks

Opportunity
Incentives
Cost

Marginal
Trade-off
Thinking
Matalinong
Pagdedesisyon
Trade-off
▪ Bagay na ipinagpaliban o binawasan para
matamo o magawa ang isang bagay.
▪ Ito ang pagpili o pagsasakripisyo ng isang
bagay kapalit ng ibang bagay.

(Ang lahat ng bagay ay may kapalit o kabayaran)


VS
Opportunity Cost
▪Tumutukoy sa halaga ng bagay o best
alternative na handang ipagpalit sa
bawat paggawa ng desisyon.
(Ang pagpapasya ay bunga ng pagtitimbang
ng kapakinabangan at kabayaran o kapalit)
=
Incentives
▪Tumutukoy sa anumang nag-
uudyok sa isang tao na kumilos o
sumunod
(Ang pagpapasya ay ayon sa
makukuhang insentibo)
Marginal Thinking
❑Pagpapasyang nakabatay sa kung anong
karagdagang benepisyo ang makukuha sa
bawat karagdagang produksyon o gawain.
MARGINAL CHANGE- maliliit na
pagbabago sa isang desisyong nakaplano
na bunga ng dagdag na benepisyo o kapalit
na matatamo.
Kahalagahan ng Ekonomiks
1. Pagkakaroon ng mas malawak na pag-unawa.
2. Maingat sa pagbuo ng desisyon o pagpapasya
lalo kung ito ay makakaapekto sa nakararami.
3. Pagpapahalaga sa wastong paggamit ng likas
na yaman.
4. Paglilinang ng kakayahan upang maging higit
na kapaki-pakinabang sa ekonomiya ng lipunan.
Kahalagahan ng Ekonomiks
5. Pagiging responsable sa mga tungkuling
iniatang o tinanggap.
6. Pagiging matalinong mamimili.
7. Paghahangad na makatulong sa iba at
mapaunlad ang sarili’t pamilya.
8. Pagkatuto sa kahalagahan ng pag-iimpok.
Angono Private High School
“IN THIS SCHOOL YOU ARE LOVED!”

God is Good!
All the Time …

You might also like