You are on page 1of 25

EKONOMIKS

Prepared by: Ms. Via Lamer Gepila, LPT


Pamantayan sa Pagkatuto
● Nailalapat ang kahulugan ng ekonomiks
sa pangaraw-araw na pamumuhay bilang
isang mag-aaral at kasapi ng pamilya at
lipunan.
● Natataya ang kahalagahan ng ekonomiks
sa pangaraw-araw na pamumuhay ng
bawat pamilya at ng lipunan.

2
THINK, PAIR,
AND SHARE

3
Suriin ang bawat aytem sa una at ikalawang kolum. Pagpasyahan kung ano ang pipiliin mo sa
Option A at B. Isulat sa ikatlong kolum ang iyong desisyon at sa ikaapat na kolum ang dahilan
ng iyong naging pasya.

4
Kahulugan at
Kahalagahan ng
Ekonomiks
Kahulugan ng
Ekonomiks

6
● Ang ekonomiks ay isang sangay ng Agham
Panlipunan na nag-aaral kung paano
tutugunan ang tila walang katapusang
pangangailangan ng tao gamit ang
limitadong pinagkukunang yaman.
● Ito ay nagmula sa salitang griyego na
oikonomia, ang oikos ay nangangahulugang
bahay, at nomos na pamamahala.

7
Sangay ng Ekonomiks

8
Maykroekonomiks
● Ito ay pag-aaral ng maliit na bahagi ng
ekonomiya. Ang pag-aaral sa kalagayan
ng isang kompanya, sa pagtaas ng
presyo ng isang particular na produkto,
at sa ugali ng mga tao sa pamimili at
pag-iimpok ay mga halimbawa ng
maykroekonomiks.

9
Makroekonomiks
● Ito ay tumutukoy sa pag-aaral sa
kabuuang pangyayari o gawaing pang
ekonomiya. Ito ay tumutukoy sa mga
salik ng ekonomiya na nakakaapekto sa
mga pangyayari sa loob at labas ng
bansa.

10
Konsepto ng Ekonomiks

11
Trade-off
● Ang trade-off ay ang pagpili o
pagsasakripisyo ng isang bagay kapalit
ng ibang bagay. Mahalaga ang tradeoff,
sapagkat sa pamamagitan nito ay
maaaring masuri ang mga pagpipilian sa
pagbuo ng pinakamainam na pasya.

12
Opportunity-cost
● Ang opportunity cost ay tumutukoy sa
halaga ng bagay o nang best alternative
na handang ipagpalit sa bawat paggawa
ng desisyon

13
Incentives
● Halimbawa:
ang pag-aalok ng mas mura at magandang
serbisyo at pagbibigay ng mas maraming
pakinabang sa bawat pagkonsumo ng
produkto o serbisyo.

14
Marginal Thinking
● “Rational people think at the margin”
● Sa gawaing desisyon sa pagitan ng pag-
aaral o paglalaro, ay masasabing
maaaring maging matalino sa paggawa
ng desisyon ang isang tao.

15
16
Kahalagahan ng Ekonomiks

17
Kahalagahan ng Ekonomiks
bilang isang Mag-aaral

18
● Bilang isang mag-aaral ay maaaring maging
higit na matalino, mapanuri, at
mapagtanong sa mga nangyayari sa iyong
kapaligiran. Maaari din itong humubog sa
iyong pag-unawa, ugali, at gawi sa
pamaraang makatutulong sa iyong
pagdedesisyon para sa kinabukasan at
paghahanapbuhay sa hinaharap

19
Kahalagahan ng Ekonomiks
bilang isang bahagi ng lipunan

20
● Bilang bahagi ng lipunan, magagamit mo
ang kaalaman sa ekonomiks upang
maunawaan ang mga napapanahong isyu na
may kaugnayan sa mahahalagang usaping
ekonomiko ng bansa. Maaari mo ding
maunawaan ang mga batas at programang
ipinatutupad ng pamahalaan na may
kaugnayan sa pagpapaunlad ng ekonomiya.

21
Kahalagahan ng Ekonomiks
bilang isang kasapi ng Pamilya

22
● Nagbibigay ito ng tulong upang malaman
ang limitasyon ng bawat isa lalo na
pagdating sa pera. Kaya marapat lamang na
maintindihan natin ang konsepto ng
pangangailngan at kagustuhan.
● Nakatutulong din ito upang matuto na may
kinalamn sa king paano babalansehin ang
mga gastusin at pangangailangan ng bawat
isa.

23
Thankyou
!

24
Illustrations by undraw.co (completely free and without attribution)

25

You might also like