You are on page 1of 13

Simplified Learning and Assessment Sheet (SLASh)

Asignatura: Aralng Panlipunan Markahan: Unang Markahan Antas: 9


Bilang
Pamagat: Ekonomiks ng 1-2
Linggo:

Most Essential Learning Competency:


Nailalapat ang kahulugan ng ekonomiks sa pang-araw- araw na
pamumuhay bilang isang mag-aaral, at kasapi ng pamilya at lipunan
Natataya ang kahalagahan ng ekonomiks sa pang-araw-araw na
pamumuhay ng bawat pamilya at lipunan

Presentation of Lesson
Ekonomiks
Tumutukoy sa pag-aaral kung paano matutugunan ng tao ang tila
walang katapusang pangangailangan at kagustuhan sa kabila ng
suliraning dulot ng kakapusan.
Mahalaga ang pag-aaral ng Ekonomiks dahil makatutulong ito sa mabuting
pamamahala at pagbuo ng matalinong pagdedesisyon ng bawat kasapi ng
pamilya at lipunan

GRAPIKONG PANTULONG

Walang
Walang katapusang
katapusang panga- Limitadong piangkukunang-
Limitadong pinagkukunang-
Pangangailangan at kagustuh
ngailangan at kagustuhan yamanyaman

KAKAPUSAN

ALOKASYON

EKONOMIKS

Gov. Isidro S. Rodriguez Sr. Memorial National High School 1


Simplified Learning and Assessment Sheet (SLASh)

MAHALAGANG KONSEPTO NG EKONOMIKS

1. Trade-off - ang pagpili o pagsasakripisyo ng isang


bagay kapalit ng ibang bagay. Mahalaga ang trade-
off, sapagkat sa pamamagitan nito ay maaaring
masuri ang mga pagpipilian sa pagbuo ng
pinakamainam na pasya. Halimbawa, mag-aaral ka
ba o maglalaro?
2. Opportunity cost - tumutukoy sa halaga ng bagay o
nang best alternative na handang ipagpalit sa bawat
paggawa ng desisyon (Case, Fair at Oster, 2012).
Ang opportunity cost ng paglalaro sa naunang
halimbawa ay ang halaga ng pag-aral na
ipinagpalibang gawin.
3. Marginal thinking - sinusuri ng isang indibidwal
ang karagdagang halaga, maging ito man ay gastos o
pakinabang na makukuha mula sa gagawing
desisyon.
4. Incentives - pag-alok ng mas mura at magandang
serbisyo at pagbibigay ng mas maraming
pakinabang sa bawat pagkonsumo ng produkto o
serbisyo.

Ang mga kaalaman sa konsepto ng trade-off,


opportunity cost, incentives, at marginal
thinking ay makakatulong sa matalinong
pagdedesisyon upang maging rasyonal ang bawat
pagbuo ng desisyon.

Gov. Isidro S. Rodriguez Sr. Memorial National High School 2


Simplified Learning and Assessment Sheet (SLASh)

KAHALAGAHAN NG EKONOMIKS

Mahalaga ang pag-aaral ng ekonomiks sapagkat


makatutulong ito sa mabuting pamamahala at pagbuo
ng matalinong desisyon.

Magagamit mo ang kaalaman sa ekonomiks upang


maunawaan ang mga napapanahong isyu na may
kaugnayan sa mahahalagang usaping pang ekonomiko ng
bansa.

Maaari mo ding mauunawaan ang mga batas at


programang ipinatupad ng pamahalaan na may kaugnay
sa pagpapaunlad ng ekonomiya.

Maaari mo ding magamit ang kaalaman sa ekonomiks sa


pag-unawa sa mga desisyon mula sa mga choices na
mayroon ang pamilyang iyong kinabibilangan.
Sa mga isyu tungkol sa pag-aaral, pagkita, paglilibang,
paggasta, at pagtugon sa pangangailangan at kagustuhan
ay maaari mong magamit ang kaalaman sa alokasyon at
pamamahala.

Bilang isang mag-aaral ay maaaring maging higit na


matalino, mapanuri, at mapagtanong sa mga nangyayari
sa iyong kapaligiran. Maaari din itong humubog sa iyong
pag-unawa, ugali, at gawi sa pama- raang makatutulong
sa iyong pagde- desisyon para sa kinabukasan.

Reflection /Journal: (Kopyahin at gawin sa inyong kuwaderno))

Natutunana ko sa araw na ito ang tungkol sa ___________________________________


Nagustuhan ko ang aralin namin ngayon dahil __________________________________
Gusto kong matutunan ang ____________________________________________________
Mas lalo pa akong matututo kung ako ay ________________________________________

Sanggunian
Panlipunan Ika-9 na Baitang PIVOT IV-
Inilathala ng: Kagawaran ng Edukasyon Rehiyon IV-A (CALABARZON)

EKONOMIKS Modyul Para sa Mag-aaral Unang Edisyon , 2015 Inilathala ng Kagawaran ng


Edukasyon-IMCS Araling

Gov. Isidro S. Rodriguez Sr. Memorial National High School 3


Simplified Learning and Assessment Sheet (SLASh)

Asignatura: Aralng Panlipunan Markahan: Unang Markahan Antas: 9


Bilang
Pamagat: Ekonomiks ng 3-4
Linggo:

Kaugnayan ng Alokasyon sa Kakapusan,


Pangangailangan at Kagustuhan

Ayon kay Balitao et.al. (2015), itinuturing na


pangunahing suliraning pangkabuhayan ang
kakapusan. Sa katunayan, pinag-aaralan ang
Ekonomiks dahil may kakapusan ang karamihan sa
mga pinagkukunang-yaman.

Kailangang isaalang-alang ang paggamit at paglinang sa


lahat ng pinagkukunang-yaman ng bansa upang
makamit ng tao ang pinakamataas na antas ng
kasiyahan at kapakinabangan mula rito.

Upang matiyak na efficient at maayos ang alokasyon


ng mga pinagkukunang-yaman, dapat itong sumagot
saapat na pangunahing katanungang pang-ekonomiko:

Apat na Katanungang Pang- ekonomiya at


halimbawang Sag

Apat na Katanungang Halimabawang Sagot


Pang- ekonomi
Ano-anong mga produkto Palay, mais, kotse o
at serbisyo ang dapat computer
likhain ?
Paano lilikhain ang mga Tradisyunal na paraan o
produkto at serbisyo? paggamit ng teknolohiya
Para kanino ang mga Mamamayan sa loob o
lilikhaing produkto at labas ng bansa
serbisyo?
Gaano karami ang 500 kilong bigas o 200
gagawing produkto at metrong tela
serbisyo?

Gov. Isidro S. Rodriguez Sr. Memorial National High School 4


Simplified Learning and Assessment Sheet (SLASh)

Sistemang Pang-ekonomiya

tumutukoy sa isang institusyonal na kaayusan at paraan


upang maisaayos ang paraan ng pagmamay-ari,
produksiyon at paglinang ng pinagkukunang- yaman at
pamamahala sa gawaing pang-ekonomiko ng lipunan.

ibang yunit upang makatugon sa suliraning


pangkabuhayan ng isang lipunan
Ang pagkakaiba ng sistemang pang-ekonomiya ay
nakabatay sa kung sinu-sino ang gumagawa ng
pagpapasya at sa pamamaraan ng pagpapasyang
ginagawa
Makikita ang sistemang pangkabuhayan sa mga gawi,
kaugalian, pamantayan, patakaran, batas at
pagpapahalagang kaugnay sa mga gawaing may
kinalaman sa paggamit ng pinagkukunang-yaman.

-ekonomiya

TRADISYUNAL NA EKONOMIYA
Nakasalalay sa tradisyon, kultura at paniniwala
o makalumang pamamaraan
Umiikot lamang sa pangunahing
pangangailangan ng tao tulad ng damit, pagkain
at tirahan

MARKET ECONOMY (KAPITALISMO)


Malayang pamilihan
Nagpapahintulot sa pribadong pagmamay-ari ng
capital
Prodyuser at konsyumer ang bawat kalahok
Presyo ang basehan sa interaksiyon ng
konsyumer at prodyuser
Ang produksyon ng mga kalakal at serbisyo ay
nagaganap sa malayang pamilihan.
Ang bawat kalahok ay kumikilos alinsunod sa
kanyang pansariling interes.

Gov. Isidro S. Rodriguez Sr. Memorial National High School 5


Simplified Learning and Assessment Sheet (SLASh)

COMMAND ECONOMY (Komunismo)

Nasa kontrol at regulasyon ng pamahalaan


Pinangasiwaan ng setralisadong ahensiya

MIXED ECONOMY ( Sosyalismo)


pinagsamang market at command economy
may malayang pagkilos ang pamilihan
nakikialam ang pamahalaan sa aspetong
pangkalikasan, panlipunan at pagmamay-ari ng
estado
may pribadong pagmamay-ari sa mga salik ng
produksiyon, imprastraktura at organisasyon
nagpapahintulot sa paggawa ng mga pribadong
pagpapasya ang kompanya at indibidwal

Para sa iyong pagsasanay: (Gawin sa inyong kuwaderno)

Gawain: Ano ang gagawin? Saan makikita?


Gawain sa Pagkatuto Gawin sa inyong SLM pahina 6
Bilang 1 Kwaderno Sagot lamang
Gawain sa Pagkatuto Gawin sa Inyong SLM pahina 11
Bilang 3 Kuwaderno, Sagot
lamang

Reflection /Journal: (Kopyahin at gawin sa inyong kuwaderno))

Natutunana ko sa araw na ito ang tungkol sa ___________________________________


Nagustuhan ko ang aralin namin ngayon dahil __________________________________
Gusto kong matutunan ang ____________________________________________________
Mas lalo pa akong matututo kung ako ay ________________________________________

Sanggunian
Araling Panlipunan Ika-9 na Baitang PIVOT IV-
2020 Inilathala ng: Kagawaran ng Edukasyon Rehiyon IV-A (CALABARZON)

EKONOMIKS Modyul Para sa Mag-aaral Unang Edisyon , 2015 Inilathala ng Kagawaran ng


Edukasyon-IMCS

Gov. Isidro S. Rodriguez Sr. Memorial National High School 6


Simplified Learning and Assessment Sheet (SLASh)

Pagsusulit (Graded Quiz)

Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap. Bilugan ang titik ng tamang
sagot sa sagutang papel na kasama nito. (i-shade ng Mabuti ang bilog sa
nakahandang papel)
1. Ang AP-9 ay tungkol sa Ekonomiks. Alin sa mga sumusunod na pahayag
ang may pinakaangkop na kahulugan nito?
A. Ito ay isang matalinong pagpapasya ng tao sa pagsagot sa mga suliraning
pangkabuhayan na kinakaharap.
B. Ito ay tumutukoy sa siyensya ng kaasalan ng tao na
nakakaimpluwensya sa kanyang pagdedesisyon
C. Ito ay pag-aaral ng tao at ng lipunan kung paano haharapin ang mga
suliraning pangkabuhayan
D. Ito ay sumisiyasat sa mga gawi ng mga tao bilang ugnayan sa pagitan ng
mga layon at kapos na sangkap na may alternatibong mga gamit.
2. Kung ikaw ay isang rasyonal, Paano ka dapat gumawa ng desisyon?
A. Isaalang- alang ang mga paniniwala mithiin at tradiyon
B. Isaalang- alang ang mga hilig at kagustuhan
C. Isaalang- alang ang mga dinadaluhang okasyon
D. Isaalang-alang ang opportunity cost sa paggawa ng desisyon
3. Sa iyong palagay, Bakit kailangang magsagawa ng trade-off?
A. Upang makabuo ng produkto na kailangan sa pamilihan
B. Upang matugunan ang pangangailangan na nagdudulot ng kasiyahan
C. Dahil sa kawalan ng o limitado ang kaalaman sa pagpili at
pagdedesisyon
D. Dahil umiiral ang kakapusan at kakulangan sa mga produkto at serbisyo
4. Ekonomistang nagsabi na mahalaga ang pag-aaral ng ekonomiks dahil
nagkakaron ng mapanuring pag-iisip tungkol sa takbo ng ekonomiya at
kung paano makakatulong ang lahat sa pag-unlad ng bansang PIlipinas.
A. Balitao C. Francisco
B. Mankiw D. Villoria
5. Pangunahing tinatalakay sa Ekonomiks ay ang suliranin sa
A. Pagkasira ng kalikasan C. gutom
B. Kawalan ng trabaho D. Kakapusan

Gov. Isidro S. Rodriguez Sr. Memorial National High School 7


Simplified Learning and Assessment Sheet (SLASh)
6. Ang kahulugan ng pinagmulan ng salitang Ekonomiks na ibig sabihin ay
pamamahala ng sambahayan.
A. oikos C. nomos
B. oikonomia D. demos
7. Ito ay dibisyon ng ekonomiks na tumutukoy sa pag-aaral batay sa bawat
indibidwal, maliit na yunit ng lipunan o indutriya.
A. maykroekonomiks C. pamilihan
B. makroekonomiks D. pamahalaan
8. Ang sumusunod na makaagham na pamamaraan na ginagawa sa
Ekonomiks maliban sa
A. Obserbasyon C. pagkuha ng datos
B. pag-eeksperimento sa laboratory D. pagsusuri ng datos
9. Ang Ekonomiks ay pag-aaral kung paano matutugunan ang tila walang
hanggang pangangailangan at kagustuhan ng tao gamit ang limitadong
pinagkukunang yaman, bilang isang mag-aaral paano mo ito mailalapat?
A. gumawa ng desisyon sa kung ano ang usong pagkain at damit ang
lilikhain at gaano ito karami na tiyak na makapagpapasaya sa miyembro
ng pamayanan
B. gumawa ng desisyon sa mga produkto at serbisyong lilikhain, paano,
gaano at para kanino, na sasagot sa pang-araw-araw na kailangan at
maging sa kagustuhan ng tao
C. gumawa ng desisyon na sisiguro sa paglikha ng pagkain, tubig at tirahan
at maging libangan na makapagpapasaya sa miyembro ng pamahalaan
D. gumawa ng desisyon na gagamit sa lahat ng mga pinagkukunang yaman
sa lugar at lumikha lamang ng produktong kailangan sa pamahalaan
10. Pagkatapos ng online class, mas pinili ni Angela na gawin ang kanyang mga
takdang -aralin upang makakuha ng mas mataas na marka dahil sa
pangako na regalo ng kanyang mama. Ano ang naisagawa ni Angela?
A. trade-off C. opportunity cost
B. incentives D. marginal thinking

Gov. Isidro S. Rodriguez Sr. Memorial National High School 8


Simplified Learning and Assessment Sheet (SLASh)
11. Nakatutulong ang kaalaman at kasanayan sa ekonomiks sa paggawa ng
wastong pagpapasya, nangangahulugan ito na ang ekonomiks ay
A. nagtuturo ng tamang sagot sa problema
B. nagbibigay kasanayan sa problema
C. humahatol sa probema
D. humaharap sa problema
12. Isa sa mabuting katangian sa pag-aaral ng ekonomiks, kung saan sinusuri
ang mga posibleng pagpipilian upang maging isang kapaki-pakinabang ang
produkto o serbiyo.
A. pagiging malikhain C. matalino sa pagdedesisyon
B. mapanuri D. maabilidad
13. Bihira lamang ang kinagigiliwang ulam na isda ng mga matatanda na
ayungin at biya sa lawa ng Laguna at hindi na rin ito kilala ng mga
kabataan sa kasalukuyan. Ano kaya ang dapat gawin sa kakapusang ito?
A. Maghulog o maglagay ng maraming isda na angkop sa lawa na syang
papalit sa ayungin at biya
B. Pagsaagawa ng pananaliksik ng Bureau of Fisheries and Aquatic
Resources at Fishermen project upang mapadami at mapangalagaan ang
ayungin at biya.
C. Pangangampanya na ipagbawal ang paggamit ng kemikal at iba pang
bagay na nakakalikha ng pagkasira ng lawa
D. Ipagbawal na muna ang panghuhuli ng nasabing isda sa loob ng limang
taon upang mabigyan ng pagkakataon na lumaki at dumami
14. Noong nakaraang eleksyon sa paaralan, inihalal ni Mark si Gian bilang
presidente ng SSG, kilala bilang isang masipag, matapat at matalino sa
kanilang klase. Ano ang kasanayan na nalinang kay Mark
A. Mabuting pakikipagkapwa C. matalinong botante
B. Mahusay na pakikisama D. mabuting pakikipagkaibigan
15. Sa kasalukuyan, Aling sistemang pang-ekonomiya ang umiiral sa ating
bansa?
A. command economy C. market economy
B. mixed economy D. traditional economy

Gov. Isidro S. Rodriguez Sr. Memorial National High School 9


Simplified Learning and Assessment Sheet (SLASh)
16. Kung ikaw ay kabilang sa sistemang command economy, Alin sa mga
sumusunod na pahayag, ang nagpapakita ng gampanin ng kasapi sa
sistemang ito?
A. Ang katungkulan sa ekonomiya ay nagmumula sa utos ng pamahalaan
batay sa plano
B. Malaya kang kumilos sa interes ng walang pakikialam ng pamahalaan
C. Sama samang isinasagawa ang mga gawain at pakinabang sa
pinagkukunang -yaman
D. May Kalayaan ang mamamayan ngunit may control pa rin ang
pamahalaan sa ibang gawain
17. Sa sistemang pang-ekonomiya, ang pangunahing batayan ng pagpapasya
kung anong produkto ang gagawin ay
A. dami ng gagawing produko C. kagustuhan ng mamimili
B. halaga ng puhunan D. presyo ng produkto
18. Ang pamamahagi ng pinagkukunang yaman, produkto at serbisyo ay
tinatawag na mekanismo ng
A. Pamilihan C. kooperatiba
B. Alokasyon D. kooperatiba
19. Sa taas ng mga presyo ng mga bilihin ngayon na may pandemya,
nahihirapan ang iyong nanay na pagkasyahin ang sweldo ng iyong tatay
para tugunan ang mga pangangailangan ng pamilya lalo na sa pagkain.
Bilang isang miyembro ng pamilya, ano ang iyong maaring imungkahi upang
makatutulong sa paglutas ng suliraning ito?
A. Magpaluto masarap na ulam kay nanay
B. huminto muna sa pag-aaral para makabawas sa gatusin
C. bumili ng mura ngunit masustansyang pagkain
D. huwag ng gumastos
20. Ano ang maaring maganap kung uunahin ang pangangailangan kaysa sa
kagustuhan?
A. Magiging maayos ang pagbabadyet
B. Maaring malutas o mabawasan ang mga suliranin
C. Magiging pantay ang distribusyon
D. Lahat ng nabanggit

Gov. Isidro S. Rodriguez Sr. Memorial National High School 10


Simplified Learning and Assessment Sheet (SLASh)
21. Alin sa mga sumusunod ang hindi pangunahing layunin o mithiin ng
sistemang pang ekonomiya?
A. Masolusyunan ang suliranin sa kakapusan
B. Magamit ng maayos ang pinagkukunang-yaman
C. Mapigilan ang labis labis na paglikha ng produkto
D. Mapigilan ang mabilis na pag-unlad ng bansa
22. Sa aling sistemang pang ekonomiya may kontrol ang pamahalaan sa
pagbibigay ng proteksyon sa mga pag-aaring pang pribado?
A. market economy C. command economy
B. mixed economy D. traditional economy
23. Anong bansa sa kasalukuyan umiiral o nagaganap ang tradisyunal na
ekonomiya?
A. Brazil C. USA
B. Africa D. Philippines
24. Paano ipinapakita ang gawain na may kaugnayan sa pagdedesisyong pang-
ekonomiko?
A. Binibigyang prayoridad ang mga pangangailangan
B. Isinasaalang-alang ang mga bagay na kapaki-pakinabang
C. Binibigyang prayoridad ang kagustuhan kaysa pangangailangan
D. Tinitiyak na may magagamit pa kung may pangangailangan

25. Binigyan si Von ng halagang Php100 ng kanyang tatay, na baon para sa


buong isang linggo. upang ma badyet ng wasto ang kanyang baon, ang
sumusunod na talaan ang kanyang binigyang prayoridad.
o Php 50.00 - load na gagamitin sa online class
o Php 20.00 - meryenda
o Php 25.00 - yellow paper/bond paper
o Php 5.00 hulog sa alkansya
Ano ang isinagawa ni Von na may kaugnayan sa pagdedesiyong pang-
ekonomiko?
A. alokasyon C. trade-off
B. produksyon D. opportunity cost

Gov. Isidro S. Rodriguez Sr. Memorial National High School 11


Simplified Learning and Assessment Sheet (SLASh)

Graded Performance Task #1:

I. Panuto: Isulat ang KS kung Kakapusan ang isinasaad at KL


kung Kakulangan.

_______1. Itinago ng mga negosyante ang mga


produktong delata sa panahon ng krisis.

_______2. Kaunting produkto ang nagawa dahil walang dumating na mga sangkap.

______3. Maliit na bahagi lamang ng lupa ang natataniman ng palay at mais.

______ 4. Nagbawas ng mga manggagawa dahil sa walang materyales


na dumarating.

______ 5. Patuloy ang pag-angkat ng mga produkto sa kabila ng


paghihirap sa bansa..

______6. Limitado ang pinagkukunang-yaman.

______7. Pagkaubos ng kagubatan.

______8. Pagbababa ng bilang ng nahuhuling isda at iba pang lamang dagat.

______9. Makaluma ang yamang kapital tulad ng makinarya, gusali atbp.

____ 10. May pera pero walang mabili

II : Isulat ang Tama kung wasto ang pahayag at Mali kung di-wasto ang
pahayag

______1. Kailangan ang matalinong pagdedesisyon upang mabigyang solusyon


ang suliranin ng kakapusan

______2. Walang katapusan ang pangangailangan at kagustuhan ng mga tao

______3. Ang mga kemikal na ginagamit ay nagiging sanhi sa pagkalason


at pagkamatay ng mga yamang-tubig

______4. Kailangan ang kasiguruhan na ang limitadong likas na yaman


ay magagamit ng angkop sa kinakailangan ng mamamayan.

______5. Tamang displina ay makatutulong upang mabigyan ng solusyon


ang kakapusan

Gov. Isidro S. Rodriguez Sr. Memorial National High School 12


Simplified Learning and Assessment Sheet (SLASh)

______6. Kailangan ang angkop at makabagong teknolohiya upang mapataas


ang antas ng produksyon.

______7. Kailangang magtanim ng mga puno sa nakakalbong kagubatan.

______8. Ang mga kemikal na ginagamit ay nagiging sanhi sa pagkalason


at pagkamatay ng mga yamang tubig.

______9. Dapat pangalagaan ang mga sanctuary o animal habitat.

_____10. Tamang displina ay makatutulong upang mabigyan ng solusyon


ang kakapusan.

Graded Performance Task #2:

Sa pamamagitan ng Data Retrieval Chart, magtala ng 5 bagay na may kakapusan sa


hanay ng A at pupunan ang bawat hinihingi sa chart na nasa ibaba.

A
Epekto Paraan upang Programang Solusyon
Kakapusan sa: mapamahalaan pangkonserbasyon ng
(Balitao et. al) mag-aaral

Halimbawa:

Punong-kahoy Pagbaha, at - Reforestration (Tree planting program) Pakikiisa sa


pagkakaroon - Pagbabawal sa Pagtatanim ng mga puno mga programa
ng landslide pagputol ng mga sa mga kabundukan
punong- kahoy

Gov. Isidro S. Rodriguez Sr. Memorial National High School 13

You might also like