You are on page 1of 4

eSMART - Araling Panlipunan 9: Wk1Q1

Yunit 1: Mga Pangunahing Konsepto ng Ekonomiks


Aralin 1: Ang Kahulugan ng Ekonomiks

Ekonomiks
- Ito ay nagmula sa salitang Griyego “oikonomos” na may kahulugan na “pamamahala ng
sambahayan.
- Ito ay binibigyan ng depinisyon bilang isang pag-aaral sa kung paanong pinipili ng mga
indibidwal at ng lipunan ang paggamit o alokasyon sa mga kapos na pinagkukunang-
yaman upang matugunan ang mga alternatibong kagustuhan at pangangailangang pawang
walang hangganan

Ang kahalagahan ng pag-aaral ng Ekonomiks


1. Pagbibigay ng pamamaraan ng pag-iisip
2. Pag-intindi sa mga isyung panlipunan at pandaigdig
3. Pagiging isang mamamayang may tamang pag-unawa.

Ekonomiks bilang pamamaraan ng pag-iisip


1. Opportunity Cost
- ito ay ang halaga ng ating pinapawalan o isinusuko sa bawat pasyang gagawin.

Halimbawa: kapag tayo ay nanonood ng isang konsiyerto, nakikita lamang ng karamihan ng tao
ang presyo ng tiket. Ngunit hindi lang iyon ang “true cost” ng panonood ng isang konsiyerto.
Ang mga oras na ginugol mo sa panonood ay oras na hindi na maaaring gamitin para sa ibang
bagay tulad ng paglalaro, pakikipag-usap sa mga kaibigan, o pag-aaral. Higit pa rito, maaari ring
magamit ang perang pinabili ng tiket sa ibang mga bagay tulad ng pagkain, laruan, o libro.

2. Marginal Thinking
- ito ay ang pagtingin sa bawat dagdag na unit na pagkonsumo o produksyon at ano ang
kontribusyon nito sa pangkahalatan. Ang bawat yunit na idinadagdag o ibinabawas sa
pagkonsumo o produksyon ay may kaakibat na halaga o pakinabang.

3. Incentives
- ito ay kumakatawan sa gantimpala o parusa.

Gantimpala – ay nag-uudyo ng mas maigting aksyon


Parusa – ang nagsasanhi ng pagbawas sa mga aksyong nagdudulot ng parusa.

Halimbawa: kapag tayo ay nag-aaral ng mabuti, tayo ay nakakakuha ng mas mataas na marka.
Kapag tayo ay hindi nag-aral, mas mababa ang markang ating nakukuha. Ang mataas na marka
ay gantimpala, at ang mababang marka ay parusa. Sa kagustuhan natin na makamit ang mataas
na marka, tayo ay magbibigay ng mas maraming oras sa pag-aaral. Sa ganitong paraan, tayo ay
tumugon sa “incentive” na naidudulot ng pag-aaral o hindi pag-aaral.

ARALING PANLIPUNAN 9 SASMB E-SMART 1


Ekonomiks para sa pag-intindi ng mga isyung panlipunan
- Ang pag-aaral ng ekonomiks ay mahalaga rin sapagkat ito ay nagbibigay sa atin ng
panibagong kakayahan upang maintindihan ang mga isyung panlipunan at mga isyung
pandaigdig. Ang mga desisyong pang-ekonomiya noon at ngayon ay may mga
mahahalagang implikasyon sa direksyon at karakter ng lipunan. Ito ay nagbibigay ng
direksyon sapagkat ang bawat desisyong pang-ekonomiya ngayon ay may implikasyon sa
mga pangyayaring magaganap sa hinaharap. Ito ay may implikasyon sa mga
pangyayaring magaganap sa hinaharap. Ito ay may implikasyon sa karakter ng lipunan
sapagkat ang mga desisyon at polisiyang pang-ekonomiya ay nakaaapekto sa mga aksyon
na itinuturing na kanaisnais at di kanaisnais ng mga tao kaakibat ng mga incentives na
ipinapahiwatig ng sistemang pang-ekonomiya.

Ekonomiks tungo sa pagiging mamamayang may tamang pang-unawa


- Ang ekonomiks ay mahalaga rin upang maging isang mamamayang may tamang pag-
unawa sa mga nangyayari sa ating lipunan. Bakit tumataas at bumababa ang presyo ng
bilihin? Bakit nagkakaroon ng kahirapan at papaano tinutugunan ito? Saan kinukuha ng
gobyerno ang panggastos sa imprastraktura at iba pang proyekto? Ito at iba pang
mahahalagang tanong ay nasasagot sa pag-aaral ng ekonomiks. Sa pamamagitan ng
ekonomiks, tayo ay nagkakaroon ng kakayahan na umunawa at pumatnubay sa mga
nangyayari sa ating kapaligiran.

Ang Saklaw ng Ekonomiks


1. Maykroekonomiks
- ito ay ang pag-aaral ng mga desisyon ukol sa pagpili ng mga indibidwal ukol sa pagkonsumo at
mga bahay-kalakal o firm. Ang mga desisyon ng mga indibidwal ukol sa pagkonsumo at mga
desisyon ng mga bahay-kalakal ukol sa produksyon ay napapaloob dito.

2. Makroekonomiks
-ito ang pag-aaral sa kung ano ang epekto ng mga desisyon ng mga indibidwal at mga bahay-
kalakal sa pagkonsumo at sa produksyon sa kabuuan ng ekonomiya. Nasasama dito ang kabuuan
o aggregate ng pambansang kita, pagtaas at pagbaba ng presyo, kalagayang pagkakawani or
employment, at iba pa. Masasabi natin na kung maykroekonomiks naman ay nagsusuri sa buong
kagubatan at paano ito lumalago.

Pangunahing paraan ng pagsusuri na ginagamit sa ekonomiks


1. Pagsusuring positive
- kapag ating sinusuri ang mga kaganapan sa ekonomiya sa isang obhetibong pamamaraan
- ito ay isalaysay at linawin kung ano ang nangyayari, maaaring mangyari, at dahilan ng mga
pangyayari sa ating paligid.

Halimbawa: kapag ating sinabi na “Ang paglaki ng kabuuang produksyon ng Pilipinas ay 6%


kada taon,” kung ito ay totoo, gumagawa tayo ng isang positive statement .

ARALING PANLIPUNAN 9 SASMB E-SMART 2


2. Pagsusuring normative
- kapag ang pagsusuri naman ay nauukol sa kung ano ang nararapat
- ito ay ating binibigyan ng kahalagahan ng isang bagay o pangyayari. Mula sa kahalagahang ito,
tayo ay maaaring magbigay ng rekomendasyon tungo sa nararapat na aksyon.

Halimbawa: “Ang paglago ng ekonomiya ng 6% kada taon ay maganda para sa bayan. Kailangan
natin itong ipagpatuloy”. Mahalaga sa isang normative analysis ang pagbibigay ng halaga sa
obserbasyon at ang posibilidad na magbigay ng rekomendasyon dahil dito. Sa ganitong
paraan,ang pag-aaral ng ekonomiks ay may kapangyarihang magbigay direksyon sa estado ng
bayan at ng lipunan.

Ekonomiks bilang Agham Panlipunan


-ginagamit sa ekonomiks ang “Scientific Method” kung saan
1. may sistematikong obserbasyon
2. matalinong pagtatanong
3. paggawa ng teorya
4. pagsubok sa teorya gamit ang datos
5. paggawa ng konklusyon at rekomendasyon gamit ang resulta ng pagsubok sa datos.

- kabilang sa mga modelong ating makikita ay ang Production Possibilities Frontier, Utility
Maximization Model, Theory of Markets, at marami pang iba.

PAGTATASA SA NATUTUHAN!
A. Tama o Mali.
__________1. Ang ekonomiks ay isang agham panlipunan dahil ginagamit dito ang
pamamaraang siyentipiko sa pag-aaral sa ugnayan ng iba’t ibang yunit ng lipunan.
__________2. Hindi importante ang kakapusan sa pag-aaral ng ekonomiks sapagkat sapat naman
ang lahat ng mga pinagkukunang-yaman sa paligid.
__________3. Ang makroekonomiks ay ang pag-aaral ng ekonomiks na patungkol sa mga
konseptong pangkalahatan tulad ng pambansang kita.
__________4. Kapag tayo ay gumagawa ng obserbasyon sa ekonomiks, ito ay tinatawag na
pamamarang “normative” sapagkat ito ay nilalagyan natin ng halaga ang mga obserbasyon.
__________5. Hindi kinakailangan ang scientific method sa pag-aaral ng ekonomiks sapagkat ito
ay hindi naman talaga isang siyentipikong pag-aaral.

B. Ipaliwanag kung ang mga sumusunod na isyu ay nasasaklaw sa maykroekonomiks o


makroekonomiks.

1. Gustong malaman ng pamilyang Reyes kung wasto bang bumili sila ng bagong kotse.
______________________________________________________________________________
___________________________________________________________

2. Tumaas ang pambansang produksyon ng 6% nung nakaraang taon.


______________________________________________________________________________
___________________________________________________________

ARALING PANLIPUNAN 9 SASMB E-SMART 3


3. Iniisip ng kompanyang XYZ kung magdadagdag sila ng bagong empleyado sa susunod na
taon.
______________________________________________________________________________
___________________________________________________________

4. Ayon sa pinakahuling datos, tumaas ang bilang ng may trabaho sa buong bansa kumpara sa
nakalipas na taon.
______________________________________________________________________________
____________________________________________________________

5. Ikaw ay nagugutom at iniisip mo kung ano ang iyong kakainin sa pananghalian.


______________________________________________________________________________
___________________________________________________________

ARALING PANLIPUNAN 9 SASMB E-SMART 4

You might also like