You are on page 1of 6

SACRED HEART OF JESUS

MONTESSORI SCHOOL
J.R. Borja Extension, Gusa, Cagayan de Oro City

Montessori-Based Learning
Learning Instructional Packets (LIPs)

OFFLINE-PICK-UP
Araling Panlipunan – 9 (3 hours/week)
August 26, 2020 ( 8:00 – 10:50 )

First Quarter
Mga Pangunahing konsepto ng Ekonomiks : Ang Ekonomiks bilang isang Agham

Week-1

Lesson-1
Lesson 1: Mga Pangunahing konsepto ng Ekonomiks
a. Ang ekonomiks bilang isang Agham

Teacher: Joniel P. Galindo

SACRED HEART OF JESUS MONTESSORI SCHOOL
J.R. Borja Extension, Gusa, Cagayan de Oro City

Montessori-Based Learning
Learning Instructional Packets (LIPs)
Araling Panlipunan-9
S.Y 2020-2021

Name: ____________________________________________________________________ Date submitted: ________________

Grade & Section: __________________________________________________________ Teacher: _______________________
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Content Standard:
Ang mag-aaral ay… May pag-unawa sa mga pangunahing konsepto ng Ekonomiks bilang batayan ng matalino at maunlad na
pangaraw-araw na pamumuhay.

Performance Standard:
Ang mag-aaral ay… Naisasabuhay ang pagunawa sa mga pangunahing konsepto ng ekonomiks bilang batayan ng matalino at
maunlad na pang- arawaraw na pamumuhay.

Pangunahing Pang-unawa: Mahalagang maunawaan ang agham ng ekonomiks

Pangunahing Tanong: Paano naaapektuhan ng agham ng ekonomiks ang iyong pang-araw-araw na buhay?

I. LEARNING COMPETENCY
 Nailalapat ang kahulugan ng ekonomiks sa pang-araw- araw na pamumuhay bilang isang mag-aaral, at kasapi ng pamilya at
lipunan.

Layunin:
Pagkatapos ng aralin ikaw ay inaasahang :
 nailalapat ang kahulugan ng ekonomiks sa pang-araw-araw na pamumuhay bilang isang mag-aaral at kasapi ng pamilya at
lipunan.
 napahahalagahan ang kontribusyon ng mga iskolar sa paglinang ng pangunahing kaisipan sa Ekonomiks.
 napaghahambing ang iba’t ibang pananaw sa pagaaral ng Economiks
 Integrates Values (Fruits of normalization/ Beatitude of the month/ PVMGO)
 Nakakukuha ng hindi bababa sa 75% na kasanayan

Sariling Layunin: magagawa kong … ________________________________________________________________________

II. LEARNING CONTENT

Lesson 1: Mga Pangunahing konsepto ng Ekonomiks

a. Ang ekonomiks bilang isang Agham

Materials:
LIP

References:
1. K to 12 Curriculum Guide
2. MELCs
3. https://www.youtube.com/watch?v=OImgNU3Eq48,
https://www.youtube.com/watch?v=W10bWwfpO4A
https://www.youtube.com/watch?v=SyHx5rMeSVg

III. LESSON PRESENTATION

PANIMULA
Araw-araw ay gumagawa ng desisyon ang tao mula sa simple hanggang sa pinakakumplikado. Nagpapasya siya kung ano
at alin ang higit na mahalaga sa marami niyang pamimilian. Bata man o may edad, basta’t may pangangailangan at ka-gustuhan na
kailangang mapunan, ay masasabing maiuugnay ang kanyang sarili sa ekonomiks. Kumakain at umiinom ang tao araw-araw, ang
kanin na kanyang kinakain ay nagmula sa palay na itinanim ng mga magsasaka, ibebenta sa pamilihan, at binibili ng mga tao. Ang
ulam tulad ng isda ay hinuhuli ng mga mangingisda, dinadala sa mga pamilihan, at binibili ng mga tao.

Sa kabila ng lahat, mapapansin na mayroong kaayusang nag-uugnay sa bawat isa. Halos lahat ng produkto at serbisyo na
dumarating sa mga tahanan ay tila isang palaisipan kung saan nagmula at kung paano naihahatid sa mga tao mula sa lumikha nito.
Mas madalas nga, hindi mo pa nararating ang lugar kung saan nagmula ang produkto at serbisyong kinokunsumo mo. Kaugnay
nito, naisip mo ba kung ano ang ekonomiks, at ano ang kaugnayan nito sa pang-araw-araw na pamumuhay?
Sa pagtatapos ng araling ito, inaasahan ang mga mag-aaral na makapaglalapat ng kahulugan ng ekonomiks sa pang-araw-araw na
pamumuhay bilang isang mag-aaral at kasapi ng pamilya at lipunan. Gayun din, ang maitaya ng mga mag-aaral ang kahalagahan ng
ekonomiks sa pang-araw-araw na pamumuhay.

Concept Map ng Aralin

Kahulugan ng Ekonomiks

Ang Ekonomiks ay isang sangay ng Agham Panlipunan na nag-aaral kung paano tutugunan ang tila walang katapusang
pangangailangan at kagustuhan ng tao gamit ang limitadong pinagkukunang-yaman. Ito ay nagmula sa salitang Griyego na
oikonomia, ang oikos na nangangahulugang bahay at nomos na pamamahala (Viloria, 2000).

Ang lipunan ay isang grupo o samahan ng mga taong nagsasama sa isang teritoryo, may magkakatulad na paniniwala
simulain, lahi, karanasan, at mithiin. Kung may mga suliraning hinaharap ang isang lipunan ay nararapat na sama-samang lutasin
ng mga tao o miyembro ng lipunang iyon ang mga nasabing suliranin. Sa ekonomiks, ang mga suliraning pinag-aaralang lutasin ay
yaong may kinalaman sa kabuhayan at kaunlaran ng lipunan gaya ng mga nabanggit sa mga halimbawa.

Ang kabuhayan o materyal na pangangailangan ng lipunan ang paksa o diwa ng ekonomiks. Sa bawat araw, kung papansinin
mo ang laman ng mga pahayagan, nalalantad sa atin ang mga suliranin sa lipunan na nakakaapekto sa ating mga pananaw at
pamumuhay sa araw-araw. Kung iyong papansinin ang mga pamagat ng mga balita sa simula ng araling ito, nakatuon ang mga iyan
sa mga suliraning pangkabuhayan ng lipunan at sa mga desisyong kinakailangan upang malutas ang mga nabanggit na suliranin.
Ang ilan sa mga suliranin ay maaaring tungkol sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin sa palengke, mababang kita na hindi
nakasasapat sa pagbili ng mga kailangan ng bawat pamilya, o kaya’y ang napakalaking suliranin ng kahirapan.

Ang Ekonomiks Bilang Isang Agham

Ang ekonomiks, gaya rin ng ibang sangay ng agham panlipunan ay gumagamit ng siyentipikong pamamaraan sa pag-aaral
ng lipunan. Mahalaga ang siyentipikong pamamaraan sa ekonomiks lalung-lalo na sa paggawa ng mga desisyon.

Ang mga desisyon at solusyon sa mga suliraning pangkabuhayan ay dapat na nakabatay sa mga datos o impormasyon at di
sa opinyon at haka-haka o tsismis lamang. Kinakailangan din ang pagkalap ng tunay na sitwasyon at pagpapahalaga ng mga
mamamayan at di batay ang desisyon sa ilang makapangyarihang grupo lamang.

Ang pansariling opinyon ay mahalaga ngunit di sapat upang makabuo ng desisyon. Kayat mahalaga ang sistematikong
pamamaraan.

Ayon kay Tullao (1990), ang siyentipikong pamamaraan ay isang sistematiko at paikot na paraan sa pagsagot ng isang
problema na binubuo ng limang baytang.

Ang unang hakbang ay ang paglalahad ng problema na dapat sagutin. Ang problema ay maaaring tumugon sa kakulangan
sa kaalaman o sa pagpapaunlad ng isang pamamaraang ginagamit sa kasalukuyan.

Ang ikalawang hakbang ay ang pagbibigay ng haypotesis o isang hakahaka o panukalang kasagutan sa problemang sinusuri
at pinag-aaralan. Batay ito sa mga obserbasyon ng isang mananaliksik o sa mga naunang pag-aaral o sa mga tinatanggap na teorya.

Upang mapatunayan o matanggap ang haypotesis, nararapat na magkaroon ng isang imbestigasyon o paghahanap at
paghahagilap ng mga datos o impormasyon na makatutulong sa pagpapatunay ng haypotesis. Maaaring mag-eksperimento, o
kaya’y magsagawa ng pagtatanong, pananaliksik, at iba pang paraan upang makuha ang mga impormasyong kailangan.

Ang ikaapat na hakbang ay ang pagsusuri sa mga nalikom na datos at impormasyon. Isinasaayos ang mga ito upang lumitaw
o ihalaw ang kasagutan o kongklusyon sa problema. Batay sa pagsusuri ng mga isinaayos na datos at impormasyon, maaaring
tanggapin o tanggihan ng imbestigador o mananaliksik ang haypotesis bilang kasagutan sa problemang inilahad.

Kung ang haypotesis ay hind tama, babalik na naman ang imbestigador sa unang hakbang at gagawa ng panibagong haypotesis
na iimbestigahan. Ang siyentipikong pag-aaral ay isang paikot na paraan na pinagmumulan ng mga kaalaman at teoryang ginagamit
sa pagpapaunlad ng ekonomiya. Ito ay isinasagawa upang makatulong sa lipunan sa pagtuklas ng mga paraang magpapabuti ng
antas ng kabuhayan.
Gawain 1: Over Slept

Panuto : Suriin ang larawan at bigyan ito ng sariling interpretasyon

Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang ipinapakita sa larawan? _______________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
2. Naranasan mo na ba ang sitwasyong katulad ng nasa larawan? Sa anong uri ng
sitwasyon? Ipaliwanag.
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
3. Paano ka gumagawa ng desisyon kapag nasa gitna ka ng maraming sitwasyon at
kailangan mong pumili ? Ipaliwanag.
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

Gawain 2: Magdesisiyon ka!

Panuto : Suriin ang bawat aytem sa una at ikalawang kolum.

Pagpasyahan kung ano ang pipiliin mo sa Option A at B. Isulat sa
ikatlong kolum ang iyong desisyon at sa ika-apat na kolum ang
dahilan ng iyong naging pasya.

Pamprosesong Tanong:
1. Bakit kailangang isaalang-alang ang mga pagpipilian sapaggawa
ng desisyon?____________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
2. Ano ang naging batayan mo sa iyong ginawang desisyon?
Naging makatuwiran ka ba sa iyong pasya?
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________

Gawain 3: Tayo na sa Canteen

Panuto: Basahin, Sitwasyon: Si Nicole ay pumapasok sa isang pampublikong paaralan na malapit sa kanilang
bahay. Naglalakad lamang siya sa tuwing papasok at uuwi. Sa loob ng isang linggo, binibigyan siya
ng kanyang mga magulang ng Php100 na baon pambili ng kanyang pagkain at iba pang
pangangailangan. Ipasuri ang talahanayan ng mga produktong maaaring bilhin ni Nicole sa canteen
at pasagutan ang pamprosesong tanong sa ibaba.
Pamprosesong Tanong:

1. Kung ikaw si Nicole, ano ang mga produktong handa

mong ipagpalit upang makabili ng inuming tubig?
Bakit?
_______________________________________
____________________________________________
2 Nagkaroon ng promo sa mga kanin at ulam (combo meals) at
bumaba sa Php25.00 ang halaga nito. Kung ikaw si Nicole, paano
mo pamamahalaan ang iyong badyet?
_____________________________________________________
_____________________________________________________

Gawain 4: Pag-isipan Mo

Panuto : Marami at iba’t iba ang pananaw tungkol sa kahulugan ng ekonomiks. Basahin mo ang bawat
isa at
itsek mo kung alin para sa iyo ang pinaka-angkop na kahulugan.

___ 1. Pag-aaral ng pagtitipid at pagbabadyet sa paglikha at alokasyon ng mga produkto at serbisyo upang
hindi kapusin sa mga pangangailangan ang pamilya, ang mga bahay-kalakal, ang buong bansa at
maging ang buong daigdig.
___ 2. Pamumuhunan sa negosyo at pagpapalago ng kita at tubo ng negosyo, o pangngapitalista.
___ 3. Pagtugon sa tatlong pangunahing tanong na: ano ang mga produkto at serbisyong ipoprodyus, paano ipopprodyus ang mga
ito, at para kanino ang ipoprodyus na mga produkto at serbisyo.
___ 4. Pagdedesisyon ng isang indibidwal kung paano gagamitin ang salapi sa pagbili ng pinakamahusay na produkto sa
pinakamurang halaga; at pagdedesisyon ng mga bahay-kalakal o mga negosyante kung paano makabubuo ng
pinakamahusay at de-kalidad na produkto o serbisyo sa paraang pinakamatipid.
___ 5. Pag-aaral ng pananalapi, pagbabangko, at paggamit ng kapital o puhunan upang palaguin ang
kayamanan ng mga at establisimyento sa lipunan.
___6. Pakikipagkalakalan sa loob at labas ng bansa upang mapunuan ang mga kakulangan sa
pangangailangan at hilig-pantao sa bansa.

Gawain 5: Pagpapalalim ng kaalaman

Panuto: Suriin mo ang mga konsepto at paliwanag sa Hanay A at B at pagtapat-tapatin mo ang mga salita
at kahulugan ng mga ito. Isulat sa patlang sa Hanay A ang titik ng tamang sagot mula sa Hanay B.
Pagkatapos ay itsek mo kung tama ang iyong mga sagot sa Gabay sa Pagwawasto sa hulihan ng
modyul.

Hanay A Hanay B
___ 1. Alokasyon A. Salitang Griyego na ibig sabihin aypamamahala ng mga gawaing pantahanan
___ 2. Produksyon B. Kakapusan ng pinagkukunang-yaman
___ 3. Oikonomeia C. Mga nagbabagong pangangailangan, pagnanais, luho, at kagustuhang magdudulot ng kaginhawahan
ngunit maaaring ipagpaliban kung walang sapat na suplay
___ 4. Alternatibo D. Mga yamang-likas, yamang-tao, at yamang-gawang tao na ginagamit sa proseso ng produksyon
upang gumaw ng mga bagay na kailangan ng tao para sa kanyang kabuhayan, kaginhawahan,
kasiyahan, at kagalingan.
___ 5. Produkto E. Isang mekanismo o proseso ng pamamahagi ng mga pinagkukunangyaman sa iba’t ibang gamit
upang matugunan ang dumaraming pangangailangan at hilig-pantao
___ 6. Serbisyo F. Pagsasanib ng mga yamang-likas, yamang-tao, puhunan, at paggawa sa paraang pinakamatipid
upang makabuo o makalikha ng pinakamahusay o de-kalidad na kalakal o serbisyong tutugon sa mga
pangangailangan at hilig-pantao
___7. Hilig Pantao G. Mga pagpipilian sa proseso ng alokasyon o pamamahagi ng pinagkukunang-yaman at sa paggamit
ng mga produkto at serbisyong makatutugon sa mga pangangailangan at hilig-pantao
___8. Pangunahing H. Materyal na bagay na may iba’t ibang gamit na kinokonsumo ng mga tao upang matugunan ang
Pangangailangan kanilang mga pangangailangan at hilig.
___9. Scarcity I. Mga gawaing-tao na nagbibigay ng paglilingkod gamit ang mga napag-aralang kaalaman at
kasanayan sa iba’t ibang larangan gaya ng edukasyon, kalusugan, telekomunikasyon, at iba pa
___10. J. Mga bagay na kailangan ng tao upang manatiling buhay at kapakipakinabang sa lipunan at di
Pinagkukunang- maaaring hindi matamo o ipagpaliban. Nauuri ang mga ito sa dalawa: materyal at di-materyal.
yaman

Gawain 6: Gawa tayo ng Repleksyon

Pangunahing Tanong : Paano naaapektuhan ng agham ng ekonomiks ang iyong pang-araw-araw na buhay?

_________________________________________________________________________________________________________

M T W Th F Name Contact number
_________________________________________________________________________________________________________
Time
1. Lionel III Beja
_________________________________________________________________________________________________________
8:00 - 9:00
9:00 - 10:00 2. Arwin Rainer Verdida
10:00 - 10:20 RECESS 3. Willem Quinn Tion
10:20-11:20 4. Ervin Clark Baja
11:20-12:20 5. Ghyle O'neal Dagupan
Teacher’s Program Class Directory
12:20-1:00 LUNCH BREAK 6. Joere Saymon Clyde Rubio
1:00-2:00 7. Viro Robe Dadulas
2:00-3:00 8. Kylle Mikaella Sanchez
3:00-4:00 9. Kristina Marie Tarife
4:00-5:00 Teacher: Joniel Patriana Galindo 0997-206-6128

You might also like