You are on page 1of 7

SACRED HEART OF JESUS

MONTESSORI SCHOOL
J.R. Borja Extension, Gusa, Cagayan de Oro City

Montessori home-based learning


Learning Instructional Packets (LIPs)

OFFLINE-PICK-UP
Araling Panlipunan – 6 (3 hours/week)

Third Quarter

Week-1
Lesson-1

Tungo sa Pagkamit ng tunay na Demokrasya at kaunlaran ( 1972- Kasalukuyan)

Teacher: Joniel P. Galindo

SACRED HEART OF JESUS MONTESSORI SCHOOL


J.R. Borja Extension, Gusa, Cagayan de Oro City
Montessori-Based Learning
Learning Instructional Packets (LIPs)
Araling Panlipunan-6
S.Y 2020-2021

Name: ________________________________________________ Date submitted: __________________


Grade & Section: ______________________________________ Teacher: _________________________
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Content Standard:
Ang mag-aaral ay… naipamamalas ang mas malalim na pagunawa at pagpapahalaga sa patuloy na pagpupunyagi ng mga Pilipino
tungo sa pagtugon ng mga hamon ng nagsasarili at umuunlad na bansa

Performance Standard: nakapagpakita ng aktibong pakikilahok sa gawaing makatutulong sa pag-unlad ng bansa bilang
pagtupad ng sariling tungkulin na siyang kaakibat na pananagutan sa pagtamasa ng mga karapatan bilang isang malaya at maunlad na
Pilipino

Pangunahing Pang-unawa: Sa modyul na ito, liliwanagin sa iyo ang mga dahilan ng pagkadeklara ng Batas Marsyal ni
Pangulong Marcos at ang mga pagbabagong naganap sa panahon ng Batas Militar. Gagabayan ka ng modyul sa pagdedesisyon kung
nararapat o hindi ang batas militar sa ating bansa. Subalit nasa iyo pa rin ang huling paspapasya.

Pangunahing Tanong: Paano makakatulong ang mga mamamayan sa pamahalaan sa pagpapaunlad ng lipunan sa bansa?

I. LEARNING COMPETENCY
 Nasusuri ang mga suliranin at hamon sa ilalim ng Batas Militar

Layunin:

Pagkatapos ng aralin ikaw ay inaasahang:

 nakasusuri ng mga suliranin at hamon sa ilalim ng Batas Militar


 naipamamalas ang Fruits of normalization/ Beatitude of the month/ PVMGO)
 nakakukuha nang hindi bababa sa 75% na kasanayan

 is the kingdom of heaven


Sariling Layunin: Magagawa kong… ______________________________________________________

II. LEARNING CONTENT

 Lesson 1: Nasusuri ang mga suliranin at hamon sa ilalim ng Batas Militar

Materials:

References:
1. K to 12 Curriculum Guide
2. MELCs
3. https://www.youtube.com/watch?v=be3wLiPUN9A
https://www.youtube.com/watch?v=o0c1bFxjlHk
https://www.youtube.com/watch?v=l9qpHqzeF8c

III. LESSON PRESENTATION

Gawain 1: Pag-isipan Mo! Gawain # 1 Your Score ___________ / 10 POINTS

Panuto: Sagutan ang mga tanong na nasa ibaba, basahing Mabuti ang aralin bago ka makasagot sa mga katanungan. Gamit ang
rubriks sa pag score gawing batayan ito sa pagsagot.
1. Isipin mong ikaw ang batang nasa larawan. Ano ang gagawin mo upang umayos ang sitwasyon?

____________________________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________

2. .Sino sa iyong palagay ang may kakayahang mag-ayos ng ganitong kaguluhan sa ating barangay? Maglista ng tatlo.

____________________________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________

Mga Pangyayaring Naging Daan ng Batas Militar

Tama ka! Kapag may gulo ang bansa, mga opisyal ng pamahalaan o maging ang pangulo ng bansa ang nag-aayos
nito! Sino ang pangulo ng taong 1970? Magulo daw ang panahong ito ayon sa nakaraang modyul na iyong pinagaralan. Kilala mo ba
si Pangulong Ferdinand E. Marcos?

Ang unang panunungkulan ni Pangulong Marcos mula 1965 hanggang 1969 ay may layuning gawing dakilang
muli ang Pilipinas. Ang sabi niya: “This nation can be great again!” Malawakang paggawa ng kalye, tulay, patubig at paaralan ang
kanyang pinasimulan. Nabawasan ang krimen, lumaki ang produksyon sa agrikultura dahil sa reporma sa lupa at dumami ang serbisyo
ng pamahalaan lalo na sa kalusugan. Nabago rin ang hukbong sandatahan at nakipag-ugnayan tayo sa iba’t ibang bansa.

SUBALIT… nang muli siyang mahalal noong taong 1969, nagbago ang sistema ng kanyang pamamalakad. Maraming Pilipino ang
nagalit dahil sa pambansang kahirapang ibinunga ng labis na paggasta at pangungutang ng pamahalaang Marcos sa ikalawang termino
nito. Iisa-isahin natin ang mga pangyayari sa bansa na nagtapos sa pagdedeklara ng Batas Marsyal.

Mga Suliraning Pangkabuhayan

Sa pangalawang termino ni Pangulong Marcos, patuloy na lumaki ang panlabas na utang ng pamahalaan. Ang mga
proyektong kanyang sinimulan ay ipinangutang niya sa mayayamang bansa. Tumaas din ang halaga ng langis sa pandaigdigang
palengke. Patuloy na umangkat ang Pamahalaang Marcos, kayat

tumaas din ang halaga ng mga bilihin. Binuksan ni Marcos ang bansa sa mga dayuhang mamumuhunan. Ngunit
nilapastanganan naman ng mga ito ang ating likas na yaman. Patuloy na yumaman ang mga kapitalista at patuloy namang naghirap
ang mga mahihirap.
Mga Suliraning Panlipunan

Bunga ng mga suliraning pangkabuhayan, nagsimula ang maraming suliranin sa lipunan. Ang mga mayayaman at
mga puilitiko ay nagtatag ng kanikanilang private army. Madali ang pamimili ng mga armas at baril; karamihan ay galing sa ibang
bansa. Habang nangyayari ito, tumaas ang antas ng krimen sa bansa, marahil dahil sa malayang bilihan ng armas at lumalagong mga
private army. Samantala, dahil sa pahirap nang pahirap ang buhay at maliit na kita ng mga manggagawa, nagsimula ang maraming
pag-aaklas na sinuportahan ng mga aktibistang mag-aaral. Ang mga manggagawa at mag-aaral ay halos arawaraw na laman ng
lansangan upang mag-rally o magdemonstrasyon laban sa pamahalaang Marcos. Dito nagsimula ang parliaments of the streets.

Mga Suliraning Pampulitika

Dahilan sa mga nagaganap sa lipunan, dumami ang nawalan ng tiwala sa pamahalaan at sa mapayapang reporma.
Iba’t ibang samahan na may iba’t ibang simulain ang natatag. Ilan sa mga ito ay ang CPP (Communist Party of the Philippines), NDF
(National Democratic Front), at NPA (New People’s Army). Mga intelektuwal, mga manggagawa, at mga mag-aaral ang kasapi sa
mga samahang iyon. Ang iba’y namundok at nagplano ng pag-aalsa. Sa Mindanao, lumala naman ang hidwaang Kristiyano at Muslim
at naitatag ang MNLF (Moro National Liberation Front).

Ang mga rally at demonstrasyon ay naging magulo. Nagkaroon ng mga paglalaban ng militante ng demonstrador
at militar. Noong Agosto 21, 1972, nagkaroon ng isang malaking pagsabog sa Plaza Miranda sa Maynila, ang pook na madalas
pagdausan ng mga demonstrasyon. Dahil sa mga kaguluhan, nilagdaan ni Pangulong Marcos ang Proklamasyon 889 o pagsuspindi sa
Writ of Habeas Corpus at pagkaputol ng karapatang dinggin sa hukuman ang mga kaso ng mga inaaresto ng pamahalaan.

Sinasabing noong Setymbre, 1971, si Kalihim Juan Ponce Enrile ng Tanggulang


Pambansa ay tinambangan ng mga rebelde at muntik nang mapatay. Ito ay pagkaraang hulihin ang
MV Karagatan sa Palanan, Isabela. Ang barko ay naglululan ng mga di-rehistradong armas. Noon
ding buwang iyon, ibinunyag ni Senador Benigno “Ninoy” Aquino ang planong pagdedeklara ng
Batas Marsyal ni Pangulong Marcos sa ilalim ng planong “Oplan Saguittarius.” Si Aquino ang
matinding kalaban ni Pangulong Marcos sa pulitika at may kakayahan sanang maging pangulo rin
ng bansa.

Ang Deklarasyon ng Batas Militar

Dahil sa nabanggit na mga pangyayari, isang tahasang kasagutan sa nabubuong panganib ang
naging aksyon ng Pangulong Marcos. Noong Setyembre 21,1972, narinig ang sirena ng pulis sa buong
Pilipinas. Nawalan ng kuryente ang buong bansa. Nang magka-kuryente, nawala naman ang mga programa
sa radyo at telebisyon. Nang bumalik ang kuryente, tumambad sa telebisyon ang larawan ni Pangulong
Marcos sa lahat ng istasyon.

“I signed proclamation No. 1081…” Ito ang mga katagang kanyang binitiwan. Maraming nag-
alala at natakot sa panig ng mga bumabatikos kay Pangulong Marcos. Sa isang banda, may mga natuwa rin
sapagkat inaakala nilang mababawasan ang kaguluhan sa lipunan.

Ang Saligang Batas ng Pilipinas 1935 ang naging batayan ni Pangulong Marcos sa pagdedeklara
ng Batas Marsyal. Sa Artikulo VII, Seksyon 10 ng Saligang-Batas, nasasaad na: “Ang Pangulo ang
kumandante ng lahat ng sandatahang lakas ng Pilipinas; kailanman at kakailanganin, maaari niyang
tawagan ang sandatahang lakas para magapi ang mga taong gumagawa ng karahasang labag sa batas gaya ng pananakop,
paghihimagsik o rebelyon. Maaari niyang suspindihin ang writ of habeas corpus o ilagay ang bansa o alinmang bahagi nito sa ilalim
ng Batas-Militar!”

Ang Batas Militar sa Pilipinas ay bukod tangi. Sa ibang bansa, sa ilalim ng Batas Militar, ay sibilyan pa rin
ang may kapangyarihan bagamat ang pamumuno ay hawak ng militar ng bansa. Sa Pilipinas, malawak ang naging
kapangyarihan ni Pangulong Marcos. Nagpatuloy siya bilang Pangulo at kumandante ng lahat ng militar, at nagpatupad
ng maraming pagbabago. Noong Hulyo 27-28, 1973, pinagtibay ng isang referendum ang malawak na kapangyarihan ni
Pangulong Marcos. Sa tanong na “Nais pa ba ninyong mamuno si Marcos…?” 90% ang sumagot ng Oo.

Gawain 2: Pagpapalalim ng kaalaman! Gawain # 2 Your Score ___________ / 12 POINTS

Panuto: Sagutan ang Cross-word puzzle.


1. Tawag sa araw- araw na pagrarali ng mga Pilipino noong 1970.
2. Karapatang humarap sa korte ang nahuli upang malaman kung legal ang kanyang pagkakaditene.
3. Mga nahuli sa Palanan, Isabela. Sakay ng MV Karagatan.
4. Kasama ng mga manggagawa sa araw - araw na pagrarali.
5. Grupo ng mga Muslim na kumalaban sa pamahalaang Marcos noon.
6. Organisasyong may kakaibang simulain, nabuo noong 1963.
7. Sec. Of Defense na kunwaring inambush noong Sept. 1971.
8. Pangulong nagdeklara ng Batas Marsyal.
9. Mga dayuhang umalis sa Pilipinas dahil sa tumataas na bilang ng krimen.
10. Kalakal mula sa Saudi Arabia na patuloy na tumataas, dahilan ng pagtaas ng lahat ng presyo noon sa
Pilipinas.
11. Lugar kung saan nagdaos ng political rali ang Liberal Party, binomba ng mga di pa rin nakikilalang mga tao
hanggang ngayon.
12. Mga inaasahang tutulong sa mga Pilipino noon, pero umabuso din.

Tandaan Mo! O Paglalahat


 Ang mga dahilan sa pagkadeklara ng Batas-Marsyal ay gumugulong sistemang pangkabuhayan, pampulitika at panlipunan.
 Sa ilalim ng Batas-Marsyal o Batas-Militar, may kapangyarihan ang pangulo bilang kumandante ng lahat ng Sandatahang
Lakas ng Pilipinas upang magapi ang anumang uri ng rebelyon, karahasan o kaguluhan.
 Ang Saligang-Batas 1935 ang pinagbatayan ng Martial Law ni Pangulong Marcos. Lalo pa itong pinatibay ng referendum
noong Hulyo,1973.
 Kakaiba ang Batas-Militar na ito dahil tanging ang pangulo at sundalo ang makapangyarihan. Naging malawak lalo ang
kapangyarihan ng pangulo.
Gawain 3: Paglalapat! Gawain # 3 Your Score ___________ / 10 POINTS

Panuto: Sagutan ang bawat tanong, basahin ang rubriks para sa score

1. Kung ikaw si Pangulong Marcos noon, Idedeklara mo rin ba ang BatasMilitar? Bakit?
____________________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
2. Suriin mo ang mga nangyayari sa Pilipinas sa kasalukuyan. Kailangan bang magkaroon uli ng Batas-Militar? Gugustuhin
mo ba ito? Bakit?
____________________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________

You might also like