You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS CITY
DISTRICT VII
CUMBA ELEMENTARY SCHOOL
CUMBA, BATANGAS CITY
____________________________________________________________________________________________________________________________________________________

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 6


Ikaapat na Markahan Unang Linggo Unang Araw

Petsa: Abril 24, 2023 Oras: 10:10-10:45

MELCs
Naiisa-isa ang mga pangyayari na nagbigay daan sa pagtatakda ng Batas Militar

I. Layunin
1. Natutukoy ang mga pangyayari na nagbigay-daan sa pagtatakda ng batas militar
2. Naiisa-isa ang mga salik na nagbigay-daan sa pagtatakda ng batas militar
3. Nakabubuo ng konklusyon ukol sa mga salik na nagbigay-daan sa pagtatakda ng batas militar.

II. Nilalaman
A. Paksa: Mga Salik sa pagdedeklara ng Batas Militar
B. Sanggunian: MELC p. 45
PIVOT 4A BOW p. 155
SLM SDO Negros Occidental
https://www.youtube.com/watch?v=SbvcPUu_a0A
www.google.com
C. Kagamitan: slide deck, larawan

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balitaan
2. Balik – Aral
Sino – sino ang mga naging pangulo ng Pilipinas sa panahon ng Ikatlong Republika? Ano ang mga programa na
kanilang ipinatupad para sa ating bansa?

B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak
Pagmasdan ang mga larawan. Sabihin kung ano ang inihahatid na mensahe ng larawan sa pamamagitan ng 4 pics 1
word.

__________________________________________________________________________________________________

Name of School: Cumba Elementary School


School ID: 109602
Address: Cumba, Batangas City
Email: leonila.tolentino002@deped.gov.ph
Cellphone No.:09283729202
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS CITY
DISTRICT VII
CUMBA ELEMENTARY SCHOOL
CUMBA, BATANGAS CITY
____________________________________________________________________________________________________________________________________________________

Sagot: welga

2. Paglalahad
Pagpapanood ng movie clip sa mga mag-aaral.
https://www.youtube.com/watch?v=SbvcPUu_a0A

Itanong sa mga mag-aaral:


a. Tungkol saan ang ipinahayag ng video?
b. Anu-ano ang mga salik ng pagdedeklara ng ng batas-militar?
c. Paano mo ilalarawan ang pamumuhay ng mga Pilipino noong panahon ng Batas-Militar?

3. Pagtatalakayan
Ang Proklamasyon Blg.1081 ang nagtakda na ang buong bansa ay mapapasailalim sa Batas –Militar . Ito ay
ipinahayag ni dating pangulong Ferdinand E.Marcos noong Setyembre 21 , 1972 sa pamamagitan ng radyo at
telebisyon.

Sa ilalim ng batas na ito, nawala ang demokrasya sa Pilipinas . Naging malawak ang kapangyarihan ni Pangulong
Marcos at nagawa niya ang lahat ng naisin . Lahat ng kaniyang kritiko , kasama na ang mga kinatawan, senador,
mamamahayag, mag-aaral, relihiyosong pangkat at mga negosyante ay kaniyang ipinahuhuli, ipinakukulong at
mayroon ding pinahihirapan. Pinaratangan ng awtoritaryanismo ang pamahalaang Marcos at tinawag siyang diktador
na pangulo.

Itinuring na “madilim” na bahagi ng kasaysayan ang panahon ng Batas Militar. Nabalot ng takot ang mga
mamamayan dulot ng marahas at mapang-abusong mga patakaran sa ilalim ng Batas Militar.

Ang ilang mga pangunahing salik at dahilan ng pagpapatupad ng Batas Militar ay sumusunod:

Kawalang tatag sa Pulitika


Sa panahon ng 1960s at 1970s, mayroong matinding political instability sa Pilipinas dahil sa labanang komunismo at
anti-komunismo. Nangangailangan ng malakas na pamamahala upang maayos ang kalagayan ng bansa.

__________________________________________________________________________________________________

Name of School: Cumba Elementary School


School ID: 109602
Address: Cumba, Batangas City
Email: leonila.tolentino002@deped.gov.ph
Cellphone No.:09283729202
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS CITY
DISTRICT VII
CUMBA ELEMENTARY SCHOOL
CUMBA, BATANGAS CITY
____________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Pag-aagawan ng Teritoryo
Ang Mindanao ay may matinding tensyon dahil sa pag-aagawan ng teritoryo. Nagtungo ang ibang grupo sa
pagrerebelde.

Krisis pang Pekonomiya


Nagdulot ng malaking krisis sa ekonomiya ng bansa ang pag-angat ng mga presyo ng langis sa pandaigdigang
merkado. Bukod dito, ang mga malawakang programa ng imprastruktura ay nakapagpapabigat pa sa krisis ng
ekonomiya.

Komunista
Mayroong mga komunistang rebelde na nagsimulang magtagumpay sa pagpapalawak ng kanilang mga teritoryo.

Usaping Militar
Mayroong mga kudeta na naganap sa militar at maaaring mas lumala ang labanan sa politika ng bansa.

Ayon kay pangulong Marcos idineklara niya ang Batas Militar dahil walang katahimikan at kaayusan ang bansa noon.
Ginamit niya ang kanyang kapangyarihan bilang Punong Kumander ng Hukbong Sandatahan upang mailigtas sa
pananakop, rebelyon at insureksyon ang bansa. Gayunpaman, ang Batas Militar ay nagdulot din ng mga pang-aabuso
sa karapatang pantao at kawalan ng kalayaan sa bansa
4. Pagsasanay
Basahin at suriin ang mga pangungusap. Piliin ang mga pangungusap na salik sa pagdedeklara ng batas militar.
1. Pagiging makapangyarihan ng militar
2. Paglaganap ng gulo at kriminalidad sa bansa
3. Pagkawala ng kalayaan ng media at pagkakaroon ng curfew
4. Pagkatatag ng CCP-NPA o mga komunista
5. Pagkakaroon ng kudeta sa militar

5. Paglalahat
Ibigay ang mga salik na naging dahilan ng pagdedeklara ng batas militar ni Pangulong Marcos noong Setyembre 21,
1972.

6. Paglalapat
Itanong: Kung ikaw si Pangulong Marcos noon, idedeklara mo rin ba ang batas-militar? Bakit?
Sa mga nangyayari sa ating bansa ngayon, kailangan bang magkaroon muli ng batas-militar? Gugustuhin mo ba ito?
Bakit?

7. Pagtataya
Panuto: Isulat ang salitang Tama kung ang pahayag ay tumutukoy sa salik sa pagdedeklara batas militar at Mali
naman kung hindi.

1. Ang Proklamasyon Blg.1081 ay nagtakda na ang buong bansa ay mapapasailalim sa Batas-Militar.


2. Sa ilalim ng Batas Militar, nawala ang demokrasya sa Pilipinas.
3. Tinawag si Pangulong Marcos na diktador na pangulo dahil sa kanyang mga mapang-abusong patakaran sa ilalim
ng Batas Militar.
__________________________________________________________________________________________________

Name of School: Cumba Elementary School


School ID: 109602
Address: Cumba, Batangas City
Email: leonila.tolentino002@deped.gov.ph
Cellphone No.:09283729202
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS CITY
DISTRICT VII
CUMBA ELEMENTARY SCHOOL
CUMBA, BATANGAS CITY
____________________________________________________________________________________________________________________________________________________
4. Ang Batas Militar ay ipinatupad dahil sa kawalang tatag sa pulitika, pag-aagawan ng teritoryo, krisis pang
ekonomiya, komunista, at usaping militar.
5. Ang Batas Militar ay hindi nagdulot ng mga pang-aabuso sa karapatang pantao at kawalan ng kalayaan sa bansa.

IV. Kasunduan
Magsagawa ng panayam sa inyong mga magulang, o kamag-anak na nakarananas ng buhay noong panahon ng batas-
militar at humanda sa pag-uulat nito bukas.

V. MGA TALA

VI. PAGNINILAY

A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80% sa Pagtataya_____

B. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng iba pang gawain para sa remediation_____

C. Nakatulong ba ang remedial? Bilang ng mag-aaral na nakaunawa sa aralin______

D. Bilang ng mga mag-aaral na magpapatuloy sa remediation______

E. Alin sa mga istratehiyang pagtuturo nakatulong ng lubos? Paano ito nakatulong?

F. Anong suliranin ang aking naranasan na solusyunan sa tulong ng aking punungguro at superbisor?

G. Anong kagamitang panturo ang aking nadibuho na nais kong ibahagi sa mga kapwa ko guro

Inihanda ni:

CHEENY M. DE GUZMAN
Teacher

__________________________________________________________________________________________________

Name of School: Cumba Elementary School


School ID: 109602
Address: Cumba, Batangas City
Email: leonila.tolentino002@deped.gov.ph
Cellphone No.:09283729202

You might also like