You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS CITY
DISTRICT VII
CUMBA ELEMENTARY SCHOOL
CUMBA, BATANGAS CITY
____________________________________________________________________________________________________________________________________________________

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 6


Ikaapat na Markahan Unang Linggo Ikalawang Araw

Petsa: Abril 25, 2023 Oras: 10:10-10:45 am

MELCs
Naiisa-isa ang mga pangyayari na nagbigay daan sa pagtatakda ng Batas Militar

I. Layunin
1. Nasasabi ang mga pangyayari na nagbigay-daan sa pagtatakda ng batas militar
2. Naipaliliwanag ang mga pangyayari na nagbigay-daan sa pagtatakda ng batas militar
3. Napahahalagahan ang mga pangyayari sa panahon ng Pagtatakda batas militar

II. Nilalaman
A. Paksa: Mga Pangyayaring Nagbigay-daan sa Pagtatakda ng Batas Militar
B. Sanggunian: MELC p. 45
PIVOT 4A BOW p. 155
SLM SDO Pasig
www.google.com
C. Kagamitan: slide deck, larawan
D. Pagpapahalaga: pagpapahalaga sa mga pangyayari noong panahon ng
Batas Militar

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balitaan
2. Balik – Aral
Basahin at suriin ang mga pangungusap. Piliin ang mga pangungusap na salik sa pagdedeklara ng batas militar.
1. Pagiging makapangyarihan ng militar
2. Paglaganap ng gulo at kriminalidad sa bansa
3. Pagkawala ng kalayaan ng media at pagkakaroon ng curfew
4. Pagkatatag ng CCP-NPA o mga komunista
5. Pagkakaroon ng kudeta sa militar

B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak
( Larawan ng isang bata sa gitna ng isang pagbobomba o terorismo)

__________________________________________________________________________________________________

Name of School: Cumba Elementary School


School ID: 109602
Address: Cumba, Batangas City
Email: leonila.tolentino002@deped.gov.ph
Cellphone No.:09283729202
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS CITY
DISTRICT VII
CUMBA ELEMENTARY SCHOOL
CUMBA, BATANGAS CITY
____________________________________________________________________________________________________________________________________________________

Isipin mong ikaw ang batang nasa larawan. Ano ang gagawin mo upang umayos ang sitwasyon?

Sino sa iyong palagay ang may kakayahang mag-ayos ng ganitong kaguluhan sa ating barangay? Maglista ng tatlo.

2. Paglalahad
Ano nga ba ang batas militar?

Ang Batas Militar ay pagpapataw ng kapangyarihang militar sa isang lugar maging sa isang bansa dulot ng
pangangailangan. Ito ay isang marahas na aksyon ng pamahalaan upang hadlangan ang mga nagbabantang panganib
katulad ng himagsikan,rebelyon,paglusob at karahasan. Ang pangulo bilang pinuno ng Sandatahang Lakas, ay
binigyan ng karapatan ng Saligang Batas na gamitin sa nasabing kalagayan ang kapangyarihang ito. Ito ay pinagtibay
ng Artikulo VII, Seksiyon 10, Talata 2 ng Saligang Batas ng 1935. Ito ay kakaibang kapangyarihan ng estado na
karaniwang ipinatutupad nang panandalian ng isang pamahalaan kapag hindi na nito maayos magampananan ang
pamamahala gamit ang sibilyan nitong kapangyarihan (e.g. pagpapanatili ng kaayusan at katiwasayan, o magbigay ng
mga unang serbisyo). Sa isang ganap na batas militar, ang pinakamataas na opisyal ng militar ang namumuno, o
naitatalaga bilang tagapamahala o puno ng pamahalaan, kasabay ng pagbuwag o pagtanggal ng lahat ng
kapangyarihan ng mga sangay ng pamahalaan mula tagapagpaganap, tagapagbatas, hanggang panghukuman.
Sa ilalim ng batas militar, ang buong bansa ay napapasailalim sa kapangyarihan ng militar sa pamumuno ng pangulo
bilang Punong Kumander ng Hukbong Sandatahan.

3. Pagtatalakayan
Muli nating balikan at talakayin ang mga pangyayaring nagbigay daan sa Pagdeklara ng Batas Militar

Mga Pangyayaring nagbigay daan sa pagdeklara ng Batas Militar noong Setyembre 23, 1972.

1. Maraming kinaharap na suliranin ang bansa.


Hindi umunlad ang ekonomiya gaya ng inaasahan sa kabila ng tulong na ibinigay ng World Bank, International
Monetary Fund at iba pang foreign banks.

2. Pag-usbong at pagkilos ng oposisyon

__________________________________________________________________________________________________

Name of School: Cumba Elementary School


School ID: 109602
Address: Cumba, Batangas City
Email: leonila.tolentino002@deped.gov.ph
Cellphone No.:09283729202
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS CITY
DISTRICT VII
CUMBA ELEMENTARY SCHOOL
CUMBA, BATANGAS CITY
____________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Naging magulo ang kalagayan ng politika ng bansa dahil sa pagsibol ng iba’t-ibang ideolohiya at
paniniwala.Nakadagdag pa ang black propaganda sa gulo at pagkawatak-watak ng mga mamamayan. Iba’t-ibang
samahan na may iba’t-ibang simulain ang naitatag sa bansa tulad ng : • Communist Party of the Philippines (CPP)
• National Democratic Front (NDF)
• New Peoples Army (NPA)
• Kabataang Makabayan
• Lapiang Manggagawa
• Malawakang Samahan ng mga Magsasaka
• Movement for the Advancement of Nationalism, at iba pa

Sa Mindanao, lalong lumala ang hidwaan ng mga Kristiyano at Muslim. Binuo ang Moro National Liberation Front
(MNLF) Layunin nito na bumuo ng isang bansang Moro at ihiwalay ang pamamahala nito na sumasaklaw sa mga
pulo ng Mindanao, Sulu, at Palawan.

3.Lumubha ang kaguluhan dulot ng mga rebelde sa mga lungsod at lalawigan mula sa pag-aalsa ng National People's
Army( NPA) at Communist Party of the Philippines (CCP). Maraming pagdukot at pagpatay sa mga pinuno at mga
kawani ng pamahalaan ang kinasangkutan ng NPA.Balak ng kilusang ito na pabagsakin ang pamahalaan ng Pilipinas.

4. Suliranin sa kapayapaan o Peace and Order sa paglawak ng demonstrasyon,welga o mga rally. Noong Enero 26,
1970,isang napakalaking rali ang idinaos ng National Union of Students of the Philippines sa harap ng gusali ng
Kongreso. Hiniling ng mga estudyante at mga guro ang pagkaroon ng kumbensiyon para sa Saligang Batas Noong
Enero 30, 1970,isa pang rali ng mga estudyante sa harap ng Kongreso.

Tumuloy ang mga raliyista sa Malacaῆang matapos ang ilang talumpati. May mga naghagis ng Molotov at pillboxes.
Gumamit ang pamahalaan ng trak ng bomber upang itaboy ang mga raliyista.May mga nagpilit na pumasok sa
palasyo. Pinigilan sila ng mga guwardiya roon. Hinagisan sila ng tear gas. Nagtakbuhan ang mga raliyista at
nagkagulo. Namatay ang apat sa kanila. Isang rali ang idinaos sa Plaza Miranda ng mga guro,pari, madre, at iba pang
propesyunal na tinawag na “Rally ng Bayan”

Noong Pebrero 18,at Pebrero 27, 1970 ang rali na sinamahan ng mga guro ng Philippine College of Commerce ay
nagkaroong ng kaguluhan. Namatay ang isang demonstrador sa kaguluhang naganap sa rali sa harap ng Embahada ng
United States. Nagwelga ang mga tsuper ng dyip upang ipaabot sa pamahalaan ang kanilang pagtutol sa pagtaas ng
halaga ng gasoline at gamit sa pagkukumpuni ng mga saakyan. Hiniling nila na itaas ang pasahe ng limang sentimo.
Sa galit naman ng mga estudyante sa pagtaas ng pasahe,nambato sila ng mga sasakyan, naglagay ng barikada sa
kalye,at nagsiga ng mga bagay sa gitna ng daan.

5. Pagbomba sa Plaza Miranda.


Noong Agosto 21,1971,isang miting de avance ang idinaos ng Lapiang Liberal para sa proklamasyon ng kanilang
kandidato para sa halalan ng mga senador at pinunong lokal.Napakaraming tao ang dumalo upang making sa
talumpati ng mga kandidato.Ngunit nang ika-9:00 ng gabi, dalawang Granada ang pumutok sa entablado.Nasugatan
nang malubha sina Jovito Salonga, Alkalde Ramon Bagatsing, at Gerardo Roxas.
4. Pagsasanay
Basahing mabuti ang mga pagungusap,isulat ang tsek ( /) kung tama ang pakahulugan nito sa batas militar at ( x )
kung mali.
_______ 1. Ang batas militar ay pinamumunuan ng sibilyan.

__________________________________________________________________________________________________

Name of School: Cumba Elementary School


School ID: 109602
Address: Cumba, Batangas City
Email: leonila.tolentino002@deped.gov.ph
Cellphone No.:09283729202
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS CITY
DISTRICT VII
CUMBA ELEMENTARY SCHOOL
CUMBA, BATANGAS CITY
____________________________________________________________________________________________________________________________________________________
_______ 2. Ang bansang nasa ilalim ng batas militar ay napasailalim kapangyarihan ng militar sa pamumuno ng
pangulo bilang Punong Komander ng Sandatahang Lakas
_______ 3. Sa batas militar,iisang tao lamang ang may hawak ng kapangyari- hang tagapagbatas,tagapagpaganap at
panghukuman.
_______ 4. Ang mga mamamayan ay malayang makapagpahayag ng kanilang hinaing at saloobin sa ilalim ng batas
militar.
_______ 5. Ang batas militar ay isang marahas na aksyon ng pamahalaan upang hadlangan ang mga nagbabantang
panganib katulad ng himagsikan,rebelyon,paglusob at karahasan.

5. Paglalahat
Ano – ano ang mga pangyayaring nagbigay daan sa Pagdeklara ng Batas Militar?

6. Paglalapat
Itanong: Pagdating ng araw, kapag ikaw ay nasa tamang gulang na,paano ka makakatulong upang magkaroon ng
isang matiwasay, maayos at tahimik na bansa?

7. Pagtataya
Basahin at unawaing mabuti ang mga pangungusap. Piliin ang letra ng tamang sagot.

1. Sa pamunuang gamit ang batas militar, sino ang may higit na kapangyarihan?
A. ang pangulo
B. ang mga mamamayan
C. ang mga abogado
D. ang mga senador

2. Alin sa mga sumusunod ang mga pangyayaring naging daan sa pagpatu- pad ng batas militar? I. Pag-usbong at
pagkilos ng oposisyon
II. Pagbomba sa Plaza Miranda.
III. Lumubha ang kaguluhan dulot ng mga rebelde sa mga lungsod at lalawigan
IV. Suliranin sa kapayapaan o Peace and Order sa paglawak ng demonstrasyon,welga o mga rally.
V. Maraming kinaharap na suliranin ang bansa.Hindi umunlad ang ekonomiya gaya ng inaasahan sa kabila ng tulong
na ibinigay ng World Bank, International Monetary Fund at iba pang foreign banks.

A. I at II
B. I, II at III
C. I, II, III at IV
D. Lahat ng nabanggit

3. Kung ikaw ay mayroong hindi naintindihan o di nagugustuhang programa o proyekto ng pamahalaan, ano ang
iyong nararapat na gawin?
A. Magwawala at magsisisigaw sa gitna ng kalsada upang ikaw ay marinig
B. Kausapin ang mga kinauukulan sa maayos at mahinahong paraan
C. Magdeklara ng giyera laban sa pamahalaan
D. Ako ay mananahimik na lamang

4. Sa iyong palagay, bakit napagdesisyunan ng pangulong Marcos na ideklara ang pagpatupad ng batas militar?

__________________________________________________________________________________________________

Name of School: Cumba Elementary School


School ID: 109602
Address: Cumba, Batangas City
Email: leonila.tolentino002@deped.gov.ph
Cellphone No.:09283729202
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS CITY
DISTRICT VII
CUMBA ELEMENTARY SCHOOL
CUMBA, BATANGAS CITY
____________________________________________________________________________________________________________________________________________________
A. Dahil may nakapagsabi sa kanya
B. Dahil inutusan siya ng kanyang mga magulang
C. Dahil ito ang naisip niyang mabisang paraan upang hadlangan ang mga nagbabantang panganib tulad ng
himagsikan at karahasan
D. Dahil gusto lang niya itong gawin

5. Sinong pangulo ng bansa ang nagdeklara ng batas militar noong ika-21 ng Setyembre 1972?
A. Carlos P. Garcia
B. Manuel A. Roxas
C. Ferdinand E. Marcos
D. Elpidio Quirino

IV. Kasunduan
Basahin at laging pag-aralan ang mga aralin sa AP.

V. MGA TALA

VI. PAGNINILAY

A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80% sa


Pagtataya_____

B. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng iba


pang gawain para sa remediation_____

C. Nakatulong ba ang remedial? Bilang ng mag-aaral na


nakaunawa sa aralin______

D. Bilang ng mga mag-aaral na magpapatuloy sa


remediation______

E. Alin sa mga istratehiyang pagtuturo nakatulong ng


lubos? Paano ito nakatulong?

F. Anong suliranin ang aking naranasan na solusyunan


sa tulong ng aking punungguro at superbisor?

G. Anong kagamitang panturo ang aking nadibuho na


nais kong ibahagi sa mga kapwa ko guro

__________________________________________________________________________________________________

Name of School: Cumba Elementary School


School ID: 109602
Address: Cumba, Batangas City
Email: leonila.tolentino002@deped.gov.ph
Cellphone No.:09283729202
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS CITY
DISTRICT VII
CUMBA ELEMENTARY SCHOOL
CUMBA, BATANGAS CITY
____________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Inihanda ni:

CHEENY M. DE GUZMAN
Teacher

__________________________________________________________________________________________________

Name of School: Cumba Elementary School


School ID: 109602
Address: Cumba, Batangas City
Email: leonila.tolentino002@deped.gov.ph
Cellphone No.:09283729202

You might also like