You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV-A CALABARZON
Schools Division of Batangas City
BALETE INTEGRATED SCHOOL
Balete, Batangas City

Ika-Apat na Lagumang Pagsusulit sa Edukasyon sa Pagapakatao 9

I. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang sumusunod na katanungan. Piliin ang titik ng tamang
sagot at isulat sa sagutang papel.

1. May limitasyon ang yaman ng isang tao. Darating ang punto sa ating buhay na nangangailangan tayo ng
tulong o serbisyo ng ating kapwa-tao. Paano matutugunan ang pangangailangan ng isang tao kung sakaling
nagawa na ng gobyerno ang lahat na dapat gawin ngunit kulang pa rin ito?
a. Maghintay kung kailan darating ang tulong.
b. Magnakaw upang may pambili ng makakain.
c. Mangibang bayan o bansa upang maghanap ng trabaho.
d. Sa pamamagitan ng pag-oorganisa ng grupo na may tunguhing mag-aabot ng tulong o magtuturo sa
komunidad ng mga programa ng alternatibong pangkabuhayan.

2. Anong anyo ng lipunang sibil ang mga nabanggit na halimbawa facebook, twitter, at instagram?
a. simbahan c. lipunang sibil
b. pulitika d. Media

3. Sa paanong paraan makakamit ang kabutihang panlahat?


a. Sa pagpanalangin sa mga nangangailangan.
b. Sa pagsabi ng mabuti sa mga nangangailangan.
c. Sa pagkilala at pagsuri sa mga pangangailangan ng mamamayan.
d. Sa pakikilahok sa mga lipunang sibil na nagsusulong ng pagtugon
sa pangangailangan ng nakararami.

4. Ano ang tawag sa grupo o koleksyon ng mga indibidwal na nakakategorya sa labas ng pamilya, estado, at
merkado, at aktibong nakikipag-ugnayan sa mga tao upang makamit ang iisang adhikain at isulong ang
kanilang mga itinakdang layunin?
a. simbahan c. media
b. pulitika d. lipunang sibil

5. Ang mga sumusunod ay naglalarawan sa mga pagpapahalaga na isinusulong ng lipunang sibil upang
makamit ang kabutihang panlahat MALIBAN sa:
a. Ang lipunang sibil ay kadalasang nakapanig sa mga miyembro ng lipunan na may marangyang katayuan sa
buhay.
b. Nauunawan ng lipunang sibil ang mga kalagayan ng mga mahihirap.
c. Mahalaga ang karapatang pantao, at ang pantay-pantay na pagtingin sa batas.
d. Ang lipunang sibil ay kadalasang nakapanig sa mga miyembro ng lipunan na nasa mababang antas.

6. Alin ang HINDI nagsusulong ng kabutihang panlahat?


a. pulitika c. lipunang sibil
b. simbahan d. fraternity at gang

7. Alin sa mga pahayag ang nagpapakita ng halimbawa ng isang organisasyon ng lipunang sibil?
a. Pagnanais ng mga mamayan na matugunan ang kanilang mga
pangangailangan na bigong tugunan ng pamahalaan at kalakalan.
b. Nailalagay natin sa mas mababang antas ang kabuluhan ng mga
material na bagay na ating tinatamasa
c. Ang pagtugon ng mga simbahan sa iba’t ibang kalagayan ng piling
mamamayan.
d. Pag organisa ng ating mga sarili tungo sa pagka watak-watak ng bawat
isa.
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
Schools Division of Batangas City
BALETE INTEGRATED SCHOOL
Balete, Batangas City
8. Hindi ikabubuti ninuman ang kasinungalingang bunga ng pagdadagdag-bawas sa
katotohanan. Ang pahayag na ito ay________.
a. Tama, ang pagsisinungaling ay nakadepende sa sitwasyon.
b. Tama, dahil ang pagbaluktot sa katotohanan ay isang panlilinlang
c. Mali, sapagkat ang lahat ay nagkakasala at hindi karapat-dapat sa
katotohanan
d. Mali, kung ang katotohanan ay makakasama sa kalusugan ng
isang tao ay panatilihin na lamang ito na lingid sa kanyang kaalaman.

9. Ang Gabriela ay isang grupo ng kababaihan sa Pilipinas na naging isang pampolitikong partido. Sa kanilang
pagsulong ay naisabatas ang mga sumusunod, MALIBAN sa:
a. Anti-Trafficking in Persons Act (2003)
b. Rape Victims Assistance and Protection Act (1998)
c. Anti-Violence Againts Women and Their Children Act (2004)
d. Naglathala ng alternatibong pahayagan, at nagsaliksik sa
ugnayang Kristiyano at Muslim

10. Ito ay tinatawag na medium kung marami at naghahatid ng balita para sa lahat ng mga mamamayan.
a. ICT c. internet
b. media d. simbahan

11. Ano ang pangunahing adhikain ng media bilang isang anyo ng Lipunang Sibil?
a. Tungkulin nito ang pagsabi ng katotohanan at ang pagtutuwid ng maling impormasyon na maaaring
batayan sa pagpapasya ng aksyong gagawin.
b. Hindi isinasaalang-alang ang kalagayang panlipunan ng mga kasapi.
c. Walang pinipigilan o dinidiktahan sa pagpapahayag ng saloobin.
d. Hindi ito nagsusulong ng pampolitikang hangarin ng sino mang nasa Pamahalaan.

12. Ano ang pinakamabigat na dahilan kung bakit kailangan nating magpatulong sa iba?
a. May mga pangangailangan tayo na hindi natin makakalap o matatamo
natin ng mag-isa.
b. Isinasaalang-alang ang kalagayang panlipunan ng mga kasapi.
c. Walang ibang maaring gumawa nito para sa atin.
d. Hindi sapat ang kakayahan ng pamahalaan upang tumugon

13. Ano ang pangunahing adhikain ng simbahan bilang isang anyo ng Lipunang
Sibil?
a. Agarang makatugon sa mga tutuong nangangailangan ng tulong.
b. Maiwasang maaksaya ang oras ng taong kasama o kasangkot sa gawain.
c. Mailagay sa mas mataas na antas ng kabuluhan ang mga materyal na
bagay na ating tinatamasa.
d. Lahat ng nabanggit

14. Ano ang mahalagang papel na ginagampanan ng lipunang sibil sa isang bansa?
a. Isinusulong ang pangkalahatang pag-unlad ng buhay tao
b. Pinupunan nito ang pagkukulang ng pamahalaan sa mga tao.
c. Katuwang ng pamahalaan sa paghahatid ng serbisyo publiko.
d. Lahat ng nabanggit
15. Bakit nagkukusa tayong mag-organisa at tugunan ang pangangailangan ng
nakararami?
a. Walang ibang maaring gumawa nito para sa atin.
b. Hindi sapat ang kakayahan ng pamahalaan upang tumugon.
c. Sa ganito natin maipapakita ang ating pagkakaisa.
d. Ang sama-samang pagkilos ay nagpapagaan sa gawain.
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
Schools Division of Batangas City
BALETE INTEGRATED SCHOOL
Balete, Batangas City

16. Binuo ang Gabriella at nagkaroon sila ng kinatawanan sa Kongreso. Sa kanilang


pagsusulong ay naisabatas ang mga sumusunod maliban sa:
a. Rape Victims Assistance and Protection act (1998)
b. Anti-Trafficking in Persons Act (2003)
c. Naglalathala ng alternatibong pahayagan, at nagsasaliksik sa ugnayang
Kristiyano at Muslim.
d. Anti-Violence Against Women and Their Children Act (2004)

17. Sa pamamagitan ng mga lider at iba pang mga kasapi nito, nailalagay natin sa mas mataas na antas ng
kabuluhan ang mga material na bagay na ating tinatamasa.
a. Simbahan
b. Paaralan
c. Pamilya
d. Mass Media

18. Ito ay tumutukoy sa anumang bagay na nasa pagitan o namamagitan sa nagdala at pinadalhan. Sila ang
naghahatid ng balita para sa lahat ng mga mamamayan. Ito ay tinatawag na medium kung marami.
a. Media
b. Internet
c. ICT
d. Simbahan
19. Ito ay ang larawan ng lipunang sibil na sumusulong ng adhikain tungo sa kabutihang panlahat maliban sa:

a. c.

b. d.
20. Ang Lipunang Sibil ay ang mata ng lipunan. Ang halimbawa ng lipunang sibil ay ang mga sumusunod
maliban sa:
a. Mass Media
b. Mga Samahan
c. Simbahan
d. Internet Provider

21. Ano ang layunin ng media bilang isang anyo ng lipunang sibil?
a. Maghahatid ng hindi makatotohang impormasyon
b. Maghahatid ng mga balita na pumapabor sa pulitiko
c. Magsusulong ng ikabubuti ng bawat kasapi ng lipunan
d. Maghahatid ng one-sided na balita sa masa

22. Ano ang tinutukoy na anyo ng lipunan na naging instrumento para magkaroon ng makatao at mapagmahal
na lipunan?
a. lipunang sibil
b. simbahan
c. paaralan
d. media

23. Alin sa mga nabanggit ang pinakamahalagang papel na ginagampanan ng simbahan bilang isa sa mga
institusyon ng lipunan?
a. pangangalaga sa kapaligiran
b. pagpapahayag ng katotohanan
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
Schools Division of Batangas City
BALETE INTEGRATED SCHOOL
Balete, Batangas City
c. naisulong ang ekonomiyang pag-unlad
d. nagagabayan ang mga tao para maging mabuting mamamayan

24. Bakit karamihan sa mga tao ay nawiwili sa panonood at pakikinig ng balita?


a. dahil nakikita nila ang mga naganap sa loob at labas ng bansa
b. dahil nakapagbibigay ito ng babala kung may bagyo man na darating
c. dahil nakikita at naririnig ng mga tao ang mga nangyayari sa paborito nilang artista
d. Lahat ng mga nabanggit ay tama

25. Ano sa palagay mo ang pinakamahalagang layunin ng lipunang sibil?


a. pakikilahok ng mga mamamayan
b. maisulong ang likas- kayang pag- unlad
c. pagsulong sa adbokasiya ng mga pulitiko
d. maisulong ang interes ng mga mayayaman

26. Ito ay tumutukoy sa anyo ng lipunan na may layuning tugunan ang mga pangangailangan ng mga
mamamayan na hindi natutugunan ng pamahalaan?
a. lipunang sibil c. paaralan
b. simbahan d. media

27. Ito ay tumutukoy sa anyo ng lipunan na may tungkuling makapagbigay ng tamang impormasyon sa
nakakarami upang mahubog ng tamang pag-iisip, opinion, layunin at kaalaman ng mga tao?
a. lipunang sibil c. saaralan
b. simbahan d. media

28. Alin sa nakatala sa ibaba ang HINDI kabilang sa kontribusyon ng simbahan sa ating lipunan?
a. Naitataguyod nito ang karapatang pantao.
b. Naging gabay ang simbahan at mga aral nito sa marami.
c. Nagkaroon ng charity program ang mga simbahan upang makatulong sa mga mahihirap.
d. Nakapagbibigay ang simbahan ng mga payo sa mga pulitiko kung anu-ano ang mga dapat na program na
pwedeng ipatupad para sa mga mamamayan.

29. Alin sa mga pangungusap sa ibaba ang nagpapakita ng NEGATIBONG EPEKTO ng media sa mga tao?
a. Nalalaman ng mga tao kung may bagyong darating.
b. Nakapagbigay impormasyon sa mga tao sa nagaganap sa lipunan.
c. Naaaliw ang mga tao sa pakikinig o panonood sa mga pangyayaring naganap sa loob at labas ng bansa.
d. Ang mga negatibong balita gaya ng mga karahasan at krimen ay nakapagbibigay ng takot sa mga tao sa
lipunan.

30. Paano nakatulong ang lipunang sibil sa mga mamamayan?


a. Naibigay ng pamahalaan ang pera sa mga tao sa panahon sa kagipitan
b. Naibigay ng mga nanunungkulan sa gobyerno ang mga yaman ng bansa sa mga tao.
c. Naibigay ng mga pamahalaan at mga nanunungkulan sa gobyerno ang mga pangangailangan ng mga tao.
d. Naibigay ng lipunang sibil ang mga pangangailangan ng mga mamamayan na hindi kayang tugunan ng
pamahalaan.
Sanggunian:
Modyul 13: Lipunang Sibil, Alamin at Pagyamanin
Modyul 14: Lipunang Sibil, Media at Simbahan: Adhikaing Panlipunan
Modyul 15: Hawak Kamay, Tungo sa Tagumpay

You might also like