You are on page 1of 10

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 9 (MODYUL 4)

I. PANIMULA:
May alam ka bang mga organisasyong naghahatid ng tulong sa mga mahihirap? Anong uri
ng tulong ang kanilang inihahatid? Ano kaya ang nagbubunsod sa kanila upang gawin ang
ganoong kabutihang-loob?
Matapos kang maglakbay sa modyul na ito ay inaasahang masasagot mo ang Mahalagang
Tanong na: Ano-anong pagpapahalaga ang isinusulong ng lipunang sibil upang makamit ang
kabutihang panlahat?

II. MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO


 EsP9PL-Ig-4.1 Natutukoy ang mga halimbawa ng lipunang sibil at ang kani -kaniyang papel
na ginagampanan ng mga ito upang makamit ang kabutihang panlahat
 EsP9PL-Ig-4.2 Nasusuri ang mga adhikaing nagbubunsod sa mga lipunang sibil upang
kumilos tungo sa kabutihang panlahat
 EsP9PL -Ih-4.3 Nahihinuha na : a. Ang layunin ng Lipunang Sibil, ang likas -kayang pag -
unlad, ay isang ulirang lipunan na pinagkakaisa ang mga panlipunang pagpapahalaga tulad
ng katarungang panlipunan, pangekonomiyang pagunlad (economic viability), pakikilahok ng
mamamayan, pangangalaga ng kapaligiran, kapayapaan, pagkakapantay ng kababaihan at
kalalakihan (gender equality) at ispiritwalidad. b. Ang layunin ng media ay ang
pagpapalutang ng katotohanang kailangan ng mga mamamayan sa pagpapasya. c. Sa tulong
ng simbahan, nabibigyan ng mas mataas na antas ng katuturan ang mga materyal na
pangangailangan na tinatamasa natin sa tulong ng estado at sariling pagkukusa.
 EsP9PL-Ih-4.4 Natataya ang adbokasiya ng iba’t ibang lipunang sibil batay sa kontribusyon
ng mga ito sa katarungang panlipunan, pangekonomiyang pag-unlad (economic viability),
pakikilahok ng mamamayan, pangangalaga ng kapaligiran, kapayapaan, pagkakapantay ng
kababaihan at kalalakihan (gender equality) at ispiritwalidad (mga pagpapahalagang
kailangan sa isang lipunang sustainable) b. Nakapagsasagawa ng mga pananaliksik sa
pamayanan upang matukoy kung may lipunang sibil na kumikilos dito, matukoy ang
adbokasiya ng lipunang sibil sa pamayanan, at matasa ang antas ng pagganap nito sa
pamayanan

III. PANAHON
2 sesyon/araw.

IV. LAYUNIN
a. Naipamamalas ng mag -aaral ang pag - unawa sa Lipunang Sibil (Civil
Society), Media at Simbahan.
b. Natataya ng mag -aaral ang adbokasiya ng iba’t ibang lipunang sibil batay sa
kontribusyon ng mga ito sa katarungang panlipunan, pang - ekonomiyang pag-unlad
(economic viability), pakikilahok ng mamamayan, pangangalaga ng kapaligiran,
kapayapaan, pagkakapantay ng kababaihan at kalalakihan (gender equality) o
ispiritwalidad (mga pagpapahalagang kailangan sa isang sustainable society).

A1
V. NILALAMAN
Lipunang Sibil, Media at Simbahan

PANIMULANG PAGTATAYA
Panuto: Isulat sa patlang ang T kung ang pahayag ay Tama at M naman kung ito ay
Mali.
______ 1. Mass media ang tawag sa maramihan at sabay-sabay ang paghahatid ng impormasyon
______ 2. Sa pagiging mananampalataya mo ay hindi nawawala ang iyong pagiging mayaman.
______ 3. Ang pakikisangkot natin sa anumang lipunang sibil ay nakapagsusulong ng ikabubuti ng
iilan lamang ng lipunan.
______ 4. Ang pagkukusang-loob bilang katangian ng lipunang sibil ay nangangahulugang walang
pumipilit, nananakot o nanggigipit sa mga kasapi nito upang makisangkot.
______ 5. Ang pangunahing layunin ng media bilang isang anyo ng lipunang sibil, ay
magsulong ng ikasasaya ng bawat kasapi ng lipunan.
______ 6. Hindi ikabubuti nino man ang kasinungalingang bunga ng pagbabawas o pagdaragdag sa
katotohanan.
______ 7. Lipunang Sibil ang tawag sa kusang-loob na pag-organisa ng ating mga sarili tungo sa
kanya-kanyang pagtuwang sa isa’t-isa
______ 8. Tungkulin ng simbahan ang pagsasabi ng buong katotohanan, at kagyat na pagtutuwid
sakali mang may naipahatid na maling impormasyon.
______ 9. Sa pagkamit ng ikabubuti ng ng bawat mamamayan, nakakamit din ang ikabubuti ng
kabuuan nito.
______ 10. Ang pagwawalang-bahala natin sa lipunang sibil ay nakapagpapanatili ng mga suliraning
panlipunan.

A. PAKSA
A.1. Keypoints
- Lipunang Sibil - Simbahan
- Media - kusang-loob
A.2. Simulan Natin!

May naaalala ka bang mga organisasyon na


dumayo sa inyong lugar upang maghatid ng
kawanggawa? Anong serbisyo o tulong ang
naipaabot sa iyo?

Gumawa ng talaan ng mga natandaan mong


kahalintulad na gawain sa inyong lugar. Isulat ito sa
nakahandang talahanayan sa ibaba.

A2
Pangalan o uri Uri ng Panahong Pananaw ng mga tao
ng Paglilingkod Inilaan tungkol sa resulta o
Organisasyon epekto ng serbisyo o
kawanggawa

Ano kaya ang nagtutulak sa mga taong ito upang magpakaabala at


magpakagastos, gayong ni hindi naman nila tayo kilala? Ipaliwanag.

_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

A3
May nababalitaan, napanood o kaya ay naririnig ka bang
mga organisasyon na nagsasagawa ng kilos-protesta?
Tungkol sa anong usapin ang kanilang ipinoprotesta?

Usaping Ipininoprotesta Pangalan o Uri ng Petsa o Taon


Organisasyon

Ano kaya ang nagtutulak sa mga taong ito upang iprotesta ang mga
ganitong usapín?

A.3. Payabungin Natin!

LIPUNANG SIBIL - kusang-loob na pag-organisa ng ating mga sarili tungo sa


sama-samang pagtuwang sa isa’t isa.
 Hindi ito isinusulong ng mga politiko na ang interes lamang ay ang pananatili sa
kapangyarihan.
 Hindi rin ito isinusulong ng mga negosyante na ang interes lamang ay ang pananatili ng kita.
 Sa halip, ito ay ibinubunsod ng pagnanais ng mga mamamayan na matugunan ang kanilang
mga pangangailangan na bigong tugunan ng pamahalaan at kalakalan (business).
 Ang lipunang sibil ay nagsasagawa ng mga pagtugon na sila mismo ang nagtataguyod, kung
kayâ nagkakaroon ng likas kayang pag-unlad (sustainable development) na hindi tulad ng
minadali at pansamantalang solusyon ng pamahalaan at kalakalan.

A4
DALAWANG ANYO NG LIPUNANG SIBIL

 Media – tungkulin nito ang pagsasabi ng katotohanan at pagtutuwid sakali mang may
naipahatid na maling impormasyon na maaaring maging batayan ng iba sa pagpapasya ng
ikikilos.

- Ang pangunahing layunin ng media bilang isang anyo ng lipunang sibil, ay ang
magsulong ng ikabubuti ng bawat kasapi ng lipunan.

 Simbahan – tumutulong sa espiritwal na dimension ng tao at sa pagiging


mananampalataya ay hindi mawawala ang pagiging pagkamamayan.

- Sa pagiging mananampalataya mo ay hindi nawawala ang iyong


pagkamamamayan.

- Sa pamamagitan ng mga lider at iba pang mga kasapi ng Simbahan, nailalagay natin
sa mas mataas na antas ng kabuluhan ang mga material na bagay na ating
tinatamasa.

MGA KATANGIAN NG IBA’T-IBANG ANYO NG LIPUNANG SIBIL

1. Pagkukusang-loob - Walang pumupilit, nanakot o nanggipit sa mga kasapi nito upang


makisangkot

2. Bukas na Pagtatalastasa - Walang pinipigilan o dinidiktahan sa pagpapahayag ng


saloobin

3. Walang pang-uuri – Hindi isinaalang-alang ang kalagayang panlipunan ng mga kasapi:


mayaman o mahirap, may pinag-aralan o wala, kilala o hindi, anumang kasarian
dahilnisinusulong ang kabutihang lahat.

4. Pagiging Organisado – Bagama’t hindi kasing organisado tulad ng estado at negosyo,


patungo ito sa pagiging institusyon, ayon sa hinihingi ng pagkakataon.

5. May Isinusulong na Pagpapahalaga – Ang isinusulong nito ay hindi pansariling interes


kundi kabutihang panlahat.

“Walang sinumang nabubuhay para sa sarili lamang” (Fr. Eduardo Hontiveros)

Ang lipunan ay parang isang bahay ng gagamba na ang pagpatíd sa isang hibla ay sapat
para maapektuhan ang anggulo ng bawat hibla. Ang pagdudugtong ng isang hibla sa kapwa
hibla ay may ganoon ding epekto sa kabuuan.

 Ang pakikisangkot natin sa anumang lipunang sibil ay nakapagsusulong ng ikabubuti ng


kalakhan ng lipunan.
 Ang pagwawalang-bahala natin sa lipunang sibil ay nakapagpapanatili, kung hindi man
nakapagpapalalâ, ng mga suliraning panlipunan.
 Ang ikabubuti ng lipunan ay nakasalalay sa ikabubuti ng bawat isa atin

A5
A.4. Sagutin Natin!

A.4.1 Subukin Natin (Gawain 1)

1. Balikan mo ang iyong naunang ginawa (organisasyong nagkakawanggawa at


organisasyong nagsasagawa ng kilos-protesta).
2. Isulat ang mga kabutihang maaaring idulot sa ating pamilya ng mga
paglilingkod at pagpoprotestang ito.

A.4.2 Gawin Natin (Gawain 2)

Punan ng tamang salita ang bawat pahayag upang mabuo ang pangungusap
.
1. Lipunang sibil ang tawag sa kusang-loob na ____________ ng ating mga sarili tungo sa
sama-samang pagtuwang sa isa’t isa.
2. Ang tawag sa maramihan at sabay-sabay na paghahatid ng impormasyon ay
___________.
3. Ang ____________ natin sa anumang lipunang sibil ay nakapagsusulong ng
____________ sa kalakhan ng lipunan.
4. Ang media ay pinaglalagakan lamang ng mga ______________ kailangan ng lipunan
para sa ikabubuti ng bawat kasapi nito.
5. Sa pagiging _________________ mo ay hindi nawawala ang iyong pagkamamamayan.

A6
Tukuyin kung anong katangian ng iba’t ibang anyo ng lipunang sibil ang
inilalarawa sa bawat bilang. Isulat ang sagot sa patlang.

________________________ 1. Hindi pansariling interes lamang ang isinusulong nito kundi


kabutihang panlahat.
________________________ 2. Binibigyan ng pagkakataong mapakinggan ang lahat ng panig.
________________________ 3. Walang pumipili, nanakot, o nanggipit sa mga kasapi nito upang
makisangkot.
________________________ 4. Bagama’t hindi kasing organisado tulad ng estado o negosyo,
patungo ito sa pagiging institusyon, ayon sa hinihingi ng
panahon.
________________________ 5. Walang pinipigilan o dinidiktahan sa pagpapahayag ng saloobin.

Magbigay tatlong (3) halimbawa ng lipunang sibil na hindi nabanggit sa


aralin at ang kung ano ang layunin o adbokasiyang isinusulong nito.

Lipunang Sibil Layunin

1. 1.

2. 2.

3. 3.

A.4.3 Tiyakin natin (Gawain 3)

(Pangkatang Gawain)

1. Pumili ng isang lipunang sibil na kumikilos sa isang pamayanan.


2. Itala ang mga sumusunod na datos ukol sa napiling lipunang sibil:
a. Pangalan, pamunuan at tanggapan ng lipunang sibil
b. Adbokasiya ng lipunang sibil
c. Layunin ng Adbokasiya
d. Petsa kung kailan nagsimulang makisangkot ang lipunang sibil sa
pamayanan
e. Sariling pagtaya ng lipunang sibil sa antas ng tagumpay ng adbokasiya
nito sa pamayanan
3. Punan ang nakahandang pormat sa ibaba.

A7
Pangalan ng Lipunang Sibil:

Adbokasiya:

Layunin:

Petsa ng Pakikisangkot:

Sariling Pagtataya sa Antas ng Tagumpay nito:

A.4.4 Palawakin Natin (Gawain 4)

Sagutin ang mahalagang tanong sa ibaba upang makabuo ng Batayang


Konsepto mula sa aralin.

“Ano-anong pagpapahalaga ang isinusulong ng


lipunang sibil upang makamit ang kabutihang
panlahat?

Ang Layunin ng Lipunang Sibil ay...


______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
__________

Ang Layunin ng Media ay...


______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
__________

Ang Layunin ng Simbahan ay...


______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
__________

A8
A.5 Isaisip Natin (Summary, Recap-bulleted form)

 Ang Lipunang Sibil kusang-loob na pag-organisa ng ating mga sarili tungo sa sama-samang
pagtuwang sa isa’t isa.
 Ang Lipunang Sibil ay ibinubunsod ng pagnanais ng mga mamamayan na matugunan ang
kanilang mga pangangailangan na bigong tugunan ng pamahalaan at kalakalan (business).
 Ang lipunang sibil ay nagsasagawa ng mga pagtugon na sila mismo ang nagtataguyod, kung
kayâ nagkakaroon ng likas kayang pag-unlad (sustainable development) na hindi tulad ng
minadali at pansamantalang solusyon ng pamahalaan at kalakalan.
 Ang Layunin ng Lipunang Sibil ay ang likas-kayang pag-unlad, isang ulirang lipunan na
pinagkakaisa ng mga panlipunang pagpapahalaga tulad ng katarungang panlipunan, pang-
ekonomiyang pag-unlad (economicviability); pakikilahok ng mamamayan, pangangalaga ng
kapaligiran, kapayapaan, pagkakapantay ng kababaihan at kalalakihan (gender equality) at
espiritwalidad.
 Ang Layunin ng Media ay ang pagpapalutang ng katotohanang kailangan ng mga
mamamayan sa pagpapasiya.
 Ang Layunin ng Simbahan ay ang pagbibigay ng mas mataas na antas ng katuturan sa mga
materyal na pangangailangan na tinatamasa ng tao sa tulong ng estado at sariling
pagkukusa.
 Ang pakikisangkot natin sa anumang lipunang sibil ay nakapagsusulong ng ikabubuti ng
kalakhan ng lipunan.

PANGWAKAS NA PAGTATAYA
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag. Bilugan ang titik ng
tamang sagot.
A. 1. Bakit nagkukusa tayong mag-organisa at tugunan ang pangangailangan ng nakararami?
a. Sa ganito natin maipapakita ang ating pagkakaisa.
b. Ang sama-samang pagkilos ay nagpapagaan sa gawain.
c. Walang ibang maaaring gumawa nito para sa atin.
d. Hindi sapat ang kakayahan ng pamahalaan upang tumugon.
2. Tungkulin ng mass media ang pagsasaad ng katotohanan dahil:
a. wala tayong ibang mapagkukunan ng impormasyon.
b. nagpapasya tayo ayon sa hawak nating impormasyon.
c. maaari nating salungatin ang isinasaad nitong impormasyon.
d. ang mass media ay pinaglalagakan lamang ng impormasyon.
3. Ang pananatili nating kaanib ng isang institusyong panrelihiyon ay bunga ng:
a. kawalan ng saysay ng buhay sa gitna ng mga tinatamasa.
b. kalakarang kinamulatan natin sa ating mga magulang.
c. kapangyarihang hawak ng mga lider ng relihiyon.
d. pagkakatantong hindi tayo nag-iisa sa paghahanap ng katuturan ng buhay.
4. May kasinungalingan sa mass media kung mayroong:
a. paglalahad ng mga impormasyong hindi pakikinabangan.
b. pagpapahayag ng sariling kuro-kuro.
c. paglalahad ng isang panig ng usapin.
d. pagbanggit ng maliliit na detalye.
A9
5. Ang pamahalaan ay gumagawa at nagpapatupad ng batas upang matiyak na:
a. ang lahat ay magiging masunurin.
b. matutugunan ang mga pangangailangan ng lahat.
c. bawat mamamayan ay may tungkling dapat gampanan.
d. walang magmamalabis sa lipunan.

B. Panuto: Ibigay ang mga katangian ng iba’t-ibang lipunang sibil. Ilarawan ang bawat isa.

1.

2.

3.

4.

5.

TALASANGGUNIAN
Edukasyon sa Pagpapakatao 9, pahina 50-64 (Learners Manual)
Edukasyon sa Pagpapakatao 9, pahina 29-35 (Teacher’s Guide)

Inihanda ni:

ANA JEAN B. ANDALES


Guro, ESP 9

Sinuri ni:

JESSIE P. DUNGCA
Puno ng Kagawaran I, ESP

Pinagtibay ni:

BENITA P. ESPE
Katuwang ng Punong-Guro II

Binigyang-pansin ni:

ROSALINA G. SANTOS, Ed.D


Punong-Guro IV

A10

You might also like