You are on page 1of 8

9 Edukasyon sa

Pagpapakatao
Unang Markahan – Modyul 7:
Ikaw, Ako, Tayong Lahat:
Magkaagapay sa Pag-unlad

Alamin
Ang lipunang sibil sa pagitan ng mga tao ay may mas malalim na kahulugan at
dahilan kaysa sa pagpapahayag ng simpleng salita na “paki lang”. Ito ang kinakailangan
mong maunawaan tungkol sa lipunang sibil, nang sa gayo’y maging mapanagutan ka
sa paggamit ng kakayahang ito.

Sa modyul na ito, inaasahang malilinang sa iyo ang mga sumusunod na


kaalaman, kakayahan, at pag-unawa:

a. Natutukoy ang mga halimbawa ng lipunang sibil at ang


ginagampanang papel ng mga ito tungo sa kabutihang panlahat.
EsP9PL-lg-4.1.
b. Nasusuri ang mga adhikaing nagbubunsod sa mga lipunang sibil
upang kumilos tungo sa kabutihang panlahat. EsP9PL-lg-4.2.

Suriin

“Paki Lang”. Ang salitang madalas nating sabihin sa isang tao na malapit sa atin
upang ipagawa ang isang gawain na maaari naming magawa ngunit may dahilan kaya
kailangan na ipagawa sa iba.
Gayundin naman sa pamahalaan, gumagawa at nagpapaunlad ito ng mga batas,
upang matiyak nito na matugunan ang mga pangangailangan natin sa lipunan.
Magkagayon man, may mga pagkakataon na may pagkukulang ang pamahalaan sa
layuning ito dahil sa mga ilang pangyayari dulot ng katiwaliaan. Dahil kapos ang
kakayahan ng pamahalaan upang ang katiwalaang ito ay mabigyang lunas at lahat tayo
ay nabibigatan sa kalakarang ito. May mga nag-organisa ng kani-kanilang sarili upang
ipahayag ang pagkasuklam sa ganitong sistema. Isa na rito si Ito Rapadas ang
nagpasimuno sa Facebook ng ideyang maramihang pagpapahayag ng pagkadismaya,
at ikinalat ng isa pang nagngangalang Peachy Bretaña ang ideya. Sa pagpapalitan ng
mensahe sa mga gumagamit ng facebook, nabuo ang planong Million People March.
Inendorso ng Catholic Bishops Conference of the Philippines sa Facebook account nito
ang plano, na ginanap sa Luneta noong Agosto 26, 2013, Araw ng mga Bayani.
Sinabayan ito ng ganoon ding gawain sa labing-isa pang mga lunsod sa buong bansa.
Nasundan pa ito noong Oktubre 4, 2013 sa Makati, at tiniyak ng mga nag-oorganisa na
magtuloy-yuloy pa ang ganitong mga pagkilos hanggang hindi naibabasura ang
Sistema ng pork barrel. Ang ganitong kusang loob na pag-oorganisa ng ating sarili
tungo sa sama-samang pagtuwang sa isa’t isa ang tinatawag nating lipunang sibil.
Mga Anyo ng Deskripsyon
Lipunang Sibil
Non-Governmental Hindi ito isinusulong ng mga politikong maaaring may
Organizations pansariling interes. Hindi rin ito isinusulong ng mga
negosyanteng ang interes lamang ay pananatili ng kita. Sa
halip, ito ay bunsod ng pagnanais ng mga mamamayan na
matugunan ang kanilang pangangailanagn na hindi
natutugunan ng pamahalaan at kalakalan. Ang lipunang sibil
ay nagsasagawa ng mga pagtugon na sila mismo ang
nagtataguyod, kung kaya nagkakaroon ng likas-kayang pag-
unlad na hindi tulad ng minadali at pansamantalang solusyon
ng pamahalaan at kalakalan
Media Ang anumang bagay na “nasa pagitan” ng nagpadala at
pinadalhan ay tinatawag sa Latin na medium o media kung
marami. Kung maramihan at sabay-sabay ang paghahatid na
ginagawa natin, tinatawag natin itong mass media. Ang
pangunahing layunin ng media, bilang isang anyo ng lipunang
sibil, ay magsulong ng ikabubuti ng bawat kasapi ng lipunan.
Ito ang dahilan kung bakit tungkulin ng media ang pagsasabi
ng buong katotohanan, at kagyat na pagtutuwid sakali mang
may naipahahatid na maling impormasyon na maaaring
maging batayan ng iba sa pagpapasiya ng ikikilos. Wika nga ni
Papa Juan Pablo II, 1999 “Ang media ay pinaglalagakan
lamang ng mga katotohanang kailngan ng lipunan para sa
ikabubuti ng bawat kasapi nito. Hindi ikabubuti ninuman ang
kasinungalingan bunga ng pagbabawas o pagdaragdag sa
katotohanan. Ang kapangyarihan ng media ay hindi isang
lakas na nananalasa, kundi isang pag-ibig na lumilikha.
Simbahan Sakali mang nakakamit natin ang lahat ng ating
pangunahing pangangailangan, hindi pa rin ito nagbibigay ng
katiyakan na magiging ganap na tayong masaya. Inoorganisa
natin ang ating sarili upang hanapin ang makapupuno sa atin
sa kabila ng kariwasaan. Sa maraming pagkakataon ng iyong
pagkabagot, dito mo napagtatanto ang iyong kababawan kung
kaya nagpapatuwang ka sa mga kasapi ng lipunan na may
kalalilman ang pag-unawa sa buhay. Lumalapit ka sa mga lider
ng moralidad: pari, pastor, ministro, imam, guru, monghe at iba
pa. Sa kababaang-loob ng mga lider sa moralidad, mas
kinikilala nila ang kanilang sarili bilang tagapaglingkod at hindi
bilang nakasasakop. Sa sama-sama nating paghahanap ay
nag-oorganisa natin an gating sarili bilang isa pang anyo ng
lipunang sibil. Isang panrelihiyong institusyon, na tinatawag na
ng marami bilang Simbahan. Sa pamamagitan ng mga lider at
iba pang mga kasapi ng Simbahan, nailalagay natin sa mas
mataas na antas ng kabuluhan ang mga materyal na bagay na
ating tinatamasa.
.

Pagyamanin

Malayang Gawain 1

Malaking hamon ang ating kinahakarap ngayong panahon ng pandemiya. Ikaw


ay inaatasang manood ng telebisyon o making ng radyo upang kumalap ng mga balita
at sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat sa sagutang papel ang iyong mga
sagot.

Malayang Pagtatasa 1

1. May mga programa o pagtulong ba na naisagawa ang mga non-government


organizations, media o simbahan? Ipaliwanag.

2. Bakit nararapat na magsagawa ng mga ganyang gawain ang mga non-


government organizations, media o simbahan? Ipaliwanag

Malayang Gawain 2
Panuto: Punan ang talahanayan sa ibaba ng mga kahalintulad na pagkilos na iyong
nabalitaan.
Usaping Ipinoprotesta Pangalan o Uri ng Petsa o Taon
Organisasyon
Halimbawa Bayan Muna Partylist Setyembre 11, 2020
Pagsasabatas ng
Ferdinand E. Marcos Day
sa ika-11 ng Setyembre sa
lalawigan ng Ilocos

Malayang Pagtatasa 2

Panuto: Sagutin ang mga tanong at isulat sa sagutang papel.

1. Batay sa naging kasagutan mo sa Malayang Gawain 2, Ano ang kanilang


ipinaglalaban kung kaya sila nagpoprotesta?

2. Ano ang nagtutulak sa kanila upang iprotesta ang mga ganitong usapin?

Isaisip

Panuto: Pumili ng angkop na salita sa ibaba upang mabuo ang mahalagang konsepto
ng aralin. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Non-Governmenty Organizations media tao


Lipunang Sibil simbahan

Sa ang ang mga

ay mga anyo ng lipunang sibil tungo sa sama-samang pagtuwang sa isa’t isa tungo sa
likas-kayang pag-unlad.

Isagawa
Panuto: Pumili ng isa sa mga sumusunod na maaaring pangangailangan ng
iyong pamayanan. Anong lipunang sibil ang maaari mong itatag upang matugunan ito?
(10 puntos). Isulat ang kasagutan sa sagutang papel.

Allowance para sa mag-aaral Programa para sa pagkakakitaan

Libreng pabahay sa mga nangungupahan Pagbibigay puhunan sa


nagnenegosyo

Libreng sakay sa mga taga-baryo Libreng pataba sa magsasaka

Libreng punla sa mga magsasaka Libreng gamut sa nagkakasakit

Allowance para sa nasa hospital libreng gadget sa pag-aaral

Tayahin

I. Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Isulat ang salitang TAMA
kung ang sinasaad ay tama at isulat ang salitang MALI kung sa palagay mo
ay mali. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. Ang “namamagitan” sa nagpadala at pinadalhan ay tinatawag sa Latin na
medium o media kung marami.
2. Kung maramihan at sabay-sabay ang paghahatid na ginagawa ang tawag ay
mass media.
3. Ang pamahalaan ay gumagawa at nagpapatupad ng mga batas upang
matugunan ang mga pangangailangan natin sa lipunan.
4. Ang kusang-loob na pag-oorganisa ng ating mga sarili tungo sa sama-
samang
pagtuwang sa isa’t isa ay tinatawag na lipunang sibil.
5. Sa pamamagitan ng mga lider at iba pang mga kasapi ng Simbahan, hindi
nabibigyan ng kabuluhan ang buhay ng tao.
6. Tungkulin ng media ang pagsasabi ng buong katotohanan at kagyat na
pagtutuwid sakali mang may naipahatid na maling impormasyon.
7. Natutugunan lahat ng pamahalaan ang pangangailangan natin sa lipunan.
8. Ang mga lider ng moralidad ay matutukoy na pari, pastor, ministro, imam o
guru.
9. Sakali mang makamit ang lahat ng ating pangunahing pangangailangan, tayo
ay tiyak na masaya.
10. Ang media ay maaaring maging bias sa kanilang ipinahahayag.
II. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong at piliin ang TITIK ng
tamang sagot. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Alin sa mga sumusunod ang dahilan kung bakit gumagawa at nagpapatupad ng


batas ang pamahalaan?
A. Ang lahat ay magiging masunurin.
B. Matutugunan ang pangangailanagan ng lahat.
C. Bawat mamamayan ay may tungkuling dapat gampanan.
D. Walang magmalabis sa lipunan.

2. Ano ang kahulugan ng mass media?


A. Impormasyong hawak ng marami.
B. Isahan ngunit maramihang paghahatid ng impormasyon.
C. Impormasyong nagpasalin-salin sa marami.
D. Paghahatid ng maraming impormasyon.

3. Alin sa mga sumusunod ang pangunahing layunin ng lipunang sibil?


A. Pagpaparating ng mga karaingan sa pamahalaan.
B. Pagbibigay-lunas sa suliranin ng karamihan
C. Pagtalakay ng mga suliraning panlipunan.
D. Pagbibigay-pansin sa pagkukulang ng pamahalaan.

4. Bakit nagkukusa tayong mag-organisa at tugunan ang pangangailangan ng


nakararami?
A. Sa ganitoi natin maipapakita ang ating pagkakaisa.
B. Ang sama samang pagkilos ay nagpapagaan sa Gawain.
C. Walang ibang maaaring gumawa nito para sa atin.
D. Hindi sapat ang kakayahan ng pamahalaan upang tumugon.

5. Alin sa mga sumusunod ang pinakamabigat na dahilan kung bakit kailangan


nating magpatulong sa iba?
A. Iba’t iba tayo ng kakayahan.
B. Magkakaroon tayo ng panahon para sa iba pa nating nais gawin.
C. Hindi lahat ng pangangailangan natin ay matatamo ng mag-isa.
D. Mais nating magkaroon ng saysay ang kakayahn ng iba.
Karagdagang Gawain

Panuto: Pagnilayan ang pahayag ni Fr. Eduardo Hontiveros sa isang awit na


“Walang sino man ang nabubuhay para sa sarili lamang”. Magbigay ng tatlong
dahilan bakit kailangang makisangkot sa anumang lipunang sibil. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.

1.

2.

3.

Sanggunian

Edukasyon sa Pagpapakatao 9 Modyul para sa Mag-aaral pahina 50 - 64

You might also like