You are on page 1of 3

Modyul 1: Layunin ng Lipunan: Kabutihang Panlahat

Ano nga ba ang lipunan? Ang salitang lipunan ay nagmula sa salitang ugat na “lipon” na nangangahulugang
“pangkat”. Ang mga tao ay may kinabibilangang pangkat na iisa ang tunguhin at layunin. (tao mula sa iba’t ibang rehiyon na
may iisang layunin – pagkakaisa at pagbubuklod-buklod). Halimbawa: Mamamahayag, Guro, Doktor at iba pa.
Kolektibo ang pagtingin sa bawat kasapi ngunit hindi naman nito binubura ang indibidwalidad o pagiging katangi-
tangi ng mga kasapi.
Ang lipunan ay binubuo ng mga mamamayan na may iba’t ibang kultura, paniniwala at tradisyon. Ang lipunan ay
isang buhay na organismo kung saan nagaganap ang mga pangyayari at gawain. (kumikilos at nagbabago – hal:
ebolusyong kultural: payak – modernisadong lipunan)
Komunidad – madalas na ginagamit upang tukuyin ang lipunan. Ang salitang komunidad ay galing sa latin na salita
na “communis” na nangangahulugang common o nagkakapareho. (interes, ugali o pagpapahalagang bahagi ng isang
partikular na lugar). Sa isang komunidad, mas nabibigyang-halaga ang natatanging katangian ng mga kasapi o kabahagi.
Naitatag ang komunidad sa pagtayo ng mga tao ng kanilang tirahan sa isang lugar.
Ang komunidad ay hinati sa iba’t ibang aspeto: Urban, Rural, Barangay, Kooperatibang organisasyon at
Relihiyosong organisasyon.
Halimbawa: Mayroong dalawang mag-aaral, si Juan at Pedro. Parehas na may layunin na makapagtapos ng pag-aaral at
maging doctor balang-araw. Ngunit ang dalawa ay walang malalim na ugnayan sa isa’t isa. Isang araw, inanyayahan sina
Juan at Pedro na sumali sa isang Medical Mission kung saan sila ay magbibigay ng tulong sa mga manggagamot. Dahil
dito, naging malapit sila sa isa’t isa, naging magkaibigan at nagkaroon ng isang layunin – ang makatulong sa kanilang
kapwa pagdating ng araw. Sa pagkakataong ito, hindi na lamang bahagi ng isang lipunan ang maitutulad sa dalawa kundi
naging bahagi na ng isang komunidad dahil sa malalim na ugnayan na mayroon sila.
*Anong lipunan ang iyong kinabibilangan? Ano ang inyong nagkakaisang layunin?
*Sino sa iyong kasama sa lipunan ang bahagi rin ng iyong komunidad?
Ayon kay Jacques Maritain, ang manunulat ng aklat na “The Person and the Common Good 1966”, hahanapin
talaga ng taong mamuhay sa lipunan sa dalawang dahilan: (pakikibahagi/pakikisalamuha)
1. Ito ay dahil sa katotohanang hindi siya nilikhang perpekto o ganap at likas sa tao ang magbahagi sa kapuwa ng
kaniyang kaalaman at pagmamahal. Ang kaalaman at pagmamahal ay maibabahagi lamang sa pamamagitan ng
pakikipag-ugnayan sa kapuwa.
2. Ginugusto ng taong mamuhay sa lipunan dahil sa kaniyang pangangailangan o kakulangan mula sa material na
kalikasan. Hindi lamang ito materyal na pangangailangan kundi mas higit ang tulong na maaaring maibigay ng
lipunan upang magamit natin ang ating isip at kilos-loob at mahubog ang mga birtud. (hal: pagmamalasakit sa
panahon ng trahedya; pagbibigay ng relief goods)
Kilos-loob: kakayahang gumawa ng pasya o pumili ng mga bagay na gagawin.
Birtud: mabubuting katangian na nagpapakita ng moral na kahusayan. (pagpapakumbaba, kabaitan, katapatan)
Ayon kay Santo Tomas Aquinas, may akda ng aklat na Summa Theologica, sa pamamagitan lamang ng lipunan
makakamit ng tao ang layunin ng kaniyang pagkakalikha. Malaki ang magagawa ng lipunan sa paghubog ng iyong
pagkatao. Lahat ng iyong iniisip, nararamdaman, sinasabi, at ginagawa ay naiimpluwensiyahan ng lipunan na iyong
kinabibilangan.
1. INSTITUSYON O SEKTOR NG LIPUNAN: Organisadong Sistema
*Pamilya – pinakamaliit na yunit ng lipunan. (pundasyon – paghubog ng ating pagkatao)
*Paaralan – institusyon kung saan nililinang ang kaisipang moral, pisikal, at ispiritwal ng mga mag-aaral
*Kalakalan – tumutulong upang mapa-unlad ang ating ekonomiya sa tulong ng ating mga mangangalakal
*Pamahalaan – institusyon kung saan binubuo ang Sistema ng pamamalakad.
*Simbahan – institusyong gumagabay tungo sa matibay na pananampalataya.
Ang lipunang may malakas at malusog na ugnayan ay nagpapabuti sa kalidad ng buhay ng mga mamamayan
kung gagampanan ng maayos ang kani-kanilang tungkulin o responsibilidad na inaasahan sa kanila.
2. Social Group: dalawa o higit pang taong magkakatulad na katangian na nagkakaroon ng ugnayan sa bawat isa.
Primary: malapit at impormal (kaibigan at kamag-anak)
Secondary: binubuo ng mga indibidwal na may pormal na ugnayan (ikaw at ang iyong kaklase; manggagawa at
employer)
3. Social Status: posisyong kinabibilangan ng isang indibidwal sa lipunan
Ascribed: nakatalaga simula ng ikaw ay ipinanganak
Achieved: bisa ng kaniyang pagsisikap
4. Gampanin: Karapatan, obligasyon at mga inaasahan na nakaakibat na posisyon ng indibidwal
KABUTIHANG PANLAHAT – Kabutihan para sa bawat isang indibidwal na nasa lipunan.
- May pagkakaiba ang kabutihan ng nakararami sa kabutihang panlahat.
- Hindi magkahiwalay ang personal na kabutihan sa kabutihang panlahat. Nangangahulugan ito ng pagiging tugma
ng personal na kabutihan sa kabutihang panlahat.
*Naharap ka na ba sa isang sitwasyon kung saan mas nanaig ang kabutihan ng nakararami kaysa sa kabutihang panlahat?
*Nakasaksi ka na ba ng pagkakataon na may nagsakripisyong iilang tao para lamang mapagbigyan ang mas nakararami?
Ayon kay John Rawls, ang kabutihang panlahat ay ang pangkalahatang kondisyon pantay na ibinabahagi para sa
kapakinabangan ng lahat ng kasapi ng isang lipunan. Hindi ito isang mabilis na proseso at hindi agarang makikita ang
katuparan. Binibigyang -linaw din na ang kabutihang panlahat ay tumutukoy sa kabutihang naaayon sa moralidad ng tao, sa
likas na Batas Moral/ethical na prinsipyo.
Hal: Kalayaan – mayroon kabutihan at masamang dulot sa bawat tao.
Mga Elemento ng Kabutihang Panlahat
1. Paggalang sa indibidwal na tao – sa dignidad nakakabit ang iba’t ibang karapatang kailangang igalang at
dapat matamasa ng lahat ng tao sa lipunan. Upang maging makatarungan ang isang lipunan, kailangang
nasisiguro ng namumuno dito na ang Karapatan ng bawat indibidwal ay kinikilala, iginagalang,
prinoprotektahan at pinahahalagahan.
2. Tawag ng katarungan o kapakananang panlipunan ng pangkat. – ang pag-unlad ang kabuuang pokus ng
panlipunang tungkuling kailangang maibigay sa mga tao. (hal: Pampublikong Sistema ng pangangalaga sa
kalusugan “Philhealth”; pampublikong pangkaligtasan at seguridad; kapayapaang namamagitan sa bawat
bansa sa mundo; makatarungang sistemang legal at pampolitika; malinis na kapaligiran at umuunlad na
sistemang pang-ekonomiya)
3. Kapayapaan – pagkakaroon ng katahimikan, kapanatagan o kawalan ng kaguluhan sa lahat ng aspekto ng
buhay.
“Upang makamit at mapanatili ang kabutihang panlahat, nangangailangan ng sama-samang pagkilos ng mga tao,
hindi ng iilan lamang kundi ng lahat”.
Ayon kay Manuel Dy, binubuo ng lipunan ang tao at binubuo naman ng tao ang lipunan.
Hamon ng dating Pangulo ng Amerika na si John F. Kennedy, “huwag mong itanong kung ano ang mgagawa ng
iyong bansa para s aiyo, kundi itanong mo kung ano ang magagawa mo para sa iyong bansa”.
MGA HADLANG SA PAGKAMIT NG KABUTIHANG PANLAHAT
1. Nakikinabang lamang sa benepisyong hatid ng kabutihang panlahat, subalit tinatanggihan ang bahaging dapat
gampanan upang mag-ambag sa pagkamit nito.
(hal: Sa panahon ng kalamidad, ang pagkain o relief goods ang pangunahing tugon ng mga nasalanta. Upang makamit
ang kabutihang panlahat, kinakailangan na sapat ang suplay ng pagkain na maibibigay sa mga nasalanta. Nagiging
hadlang lamang an halimbawa na ito, kung mayroong pagkukulang o pagmamalabis na pangyayari.)
2. Ang indibidwalismo o ang paggawa ng tao ng kaniyang personal na naisin. Nais ng taong maging Malaya sa pagkamit
ng pansariling tunguhin nang walang ibang nanghihimasok o nakikialam sa kaniya.
(hal: Mahirap na makumbinse ang taong isakripisyo ang kaniyang kaunting Kalayaan, personal na hangari at
pansariling interes para sa kapakanan ng kabutihang panlahat. May mga taong ayaw nang manood ng balita at
makialam sa mga nangyayari sa paligid dahil sa marami siyang suliranin sa kaniyang personal na buhay na kailangang
isaayos.)
3. Ang pakiramdam na siya ay nalalamangan o mas malaki ang naiaambag niya kaysa sa nagagawa ng iba.
(hal: Upang kayanin ng mga mahihirap ang pagbili ng produkto, kailangang tanggapin ng mga negosyante ang
mababang tubo o kita mula sa mga produkto – ang tingin ng ilan sa ganitong sitwasyon ay hindi makatarungan)
“Ayon kay Karl Max, ang lipunan ay kakikitaan ng tungalian ng kapangyarihan. Ito ay nabubuo dahil sap ag-
aagawan ng mga tao sa limitadong pinagkukunan ng yaman upang matugunan ang kaniyang pangangailangan.
MGA KONDISYON SA PAGKAMIT NG KABUTIHANG PANLAHAT
1. Ang lahat ng tao ay dapat na mabigyan ng pagkakataong makakilos nang malaya na ginagabayan ng diyalogo,
pagmamahal at katarungan – mahalaga ang diyalogo upang maibahagi sa bawat isa ang kanilang saloobin,
damdamin, at pananaw. Madalas na ang sanhi ng hindi pagkakaunawaan ng mga tao ay ang kakulangan ng pag-
uusap.
2. Ang pangunahing karapatang pantao ay nararapat na mapangalagaan. Ang Karapatan ang nangangalaga sa
dignidad ng tao at nagtataguyod ng pagkakapantay-pantay. Hangga’t nananaig ang diskriminasyon sa lipunan,
nagpapahiwatig itong hindi pa ganap ang pagsasaalang-alang ng mga tao sa kabutihang panlahat
3. Ang bawat indibidwal ay nararapat na mapaunlad patungo sa kaniyang kaganapan. Ang lipunan ang dapat na
maging isang instrument upang makamit ng tao ang kaniyang kaganapan bilang tao. Kung walang nagagawa ang
lipunang kaniyang ginagalawan upang siya ay umunlad bilang tao, masasabing hindi pa tunay na patungo ang
lipunan sa tunay nitong layunin – ang kabutihang panlahat.
Mahalagang matiyak na ang integridad at katatagan ng pamilya ay mapangalagaan dahil ang pamilya ang pangunahing
yunit sa paghubog ng mapanagutang mamamayang mulat sa tunay na kahulugan ng kabutihang panlahat.

You might also like