You are on page 1of 18

Edukasyon sa Pagpapakatao 09: Mudyol 1

Layunin ng Lipunan:
Kabutihang Panlahat
MOST ESSENTIAL LEARNING COMPETENCIES
▪ Natutukoy ang mga elemento ng kabutihang panlahat.
▪ Nakapagsusuri ng mga halimbawa ng pagsasaalang-alang sa
kabutihang panlahat sa pamilya, paaralan, pamayanan o lipunan.
▪ Napangangatwiranan na ang pagsisikap ng bawat tao na makamit at
mapanatili ang kabutihang panlahat sa pamamagitan ng
pagsasabuhay ng moral na pagpapahalaga ay mga puwersang
magpapatatag sa lipunan
▪ Naisasagawa ang isang proyekto na makatutulong sa isang
pamayanan o sektor sa pangangailangang pangkabuhayan,
pangkultural, at pangkapayapaan.
PANIMULA
▪ ”Walang sinumang tao ang maaaring mabuhay para sa
kaniyang sarili lamang”.
▪ Kinakailangan ng taong makibahagi at mamuhay sa LIPUNAN.
▪ Ang buhay ng tao ay panlipunan (Manuel Dy Jr, 1994).
▪ Ang ating pagiging kasamang-kapwa ay isang pagpapahalaga na
nagbibigay ng tunay na kaganapan sa ating pagkatao.
Ano ang LIPUNAN?

▪ Nagmula sa salitang ugat na “lipon” na nangangahulugang


pangkat.
▪ Ang mga tao ay mayoong kinabibilangang pangkat na mayroong
iisang tunguhin o layunin.
▪ Kolektibo ang pagtingin sa bawat kasapi nito
ngunit hindi naman nito binubura ang
indibidwalidad o pagiging katang-tangi ng
mga kasapi.
Ano ang KOMUNIDAD?

▪ Ang salitang komunidad ay galing sa salitang Latin na


communis na nangangahulugang common o nagkakapareho.
▪ Ang isang komunidad ay binubuo ng mga
indibidwal na nagkakapareho ng mga
interes, ugali o pagpapahalaga na bahagi
ng isang partikular na lugar.
Bakit likas sa TAO ang mamuhay sa LIPUNAN?

▪ dahil sa katotohanang ang TAO ay nilikhang


hindi perpekto at likas para sa kanya ang
magbahagi sa kaniyang kapwa ng kaalaman
at pagmamahal

Jacques Maritain: The Person and


the Common Good (1966)
Bakit likas sa TAO ang mamuhay sa LIPUNAN?

▪ dahil sa ating pangangailangan o kakulangan


mula sa materyal na kalikasan
Hindi makakamit ng tao ang kanyang
kaganapan kung hindi matutugunan ng
lipunan ang kaniyang mga pangangailangan.

Jacques Maritain: The Person and


the Common Good (1966)
Ayon kay St. Thomas Aquinas…

▪ “Sa pamamagitan lamang ng lipunan makakamit


ng tao ang layunin ng kaniyang pagkakalikha”
▪ Malaki ang magagawa ng lipunan sa paghubog
ng iyong pagkatao. Mayroon itong impluwensiya
sa paraan ng iyong pag-iisip at pagkilos.
▪ Lahat ng iyong iniisip, nararamdaman, sinasabi at
ginagawa ay naiimpluwensiyahan ng lipunan na
iyong kinabibilangan.
Binubuo ng TAO ang LIPUNAN.
Binubuo ng LIPUNAN ang TAO.

▪ Sa lipunan, nagkakaroon ang tao ng pagkakataong


maipakita ang pagmamalasakit, ang tumulong at
matulungan sa panahon ng pangangailangan.
▪ Dahil dito, umuusbong ang pagtitiwala sa kapwa na
siyang dahilan ng sama-samang pagkilos tungo sa
Dr. Manuel Dy Jr.: Propesor ng
Pilisopiya sa Ateneo de Manila
isang mithiin.
Univeristy
Ano ang Kabutihang Panlahat?

▪ Ito ay kabutihan para sa bawat isang indibidwal na nasa lipunan.


▪ Ito ang pangkalahatang kondisyong pantay na ibinabahagi para sa
kapakinabangan ng lahat ng kasapi ng isnag lipunan
▪ Tumutukoy sa kabutihang naaayon sa moralidad ng tao, sa Likas
ng Batas Moral.
Ano ang Kabutihang Panlahat?

▪ Ang tunay na tunguhin ng lipunan ay ang


kabutihan ng komunidad na nararapat na
bumalik sa lahat ng indibidwal na kasapi nito.
▪ Hindi kalayaan o pagkakapantay-pantay ang
nararapat na manaig kundi ang panlipunan at
pagkakapatiran, na palaging nangangailangan
ng katarungan.
Mga Elemento ng Kabutihang Panlahat

1. Ang paggalang sa indibidwal na tao


(Human Rights).

Upang maging makatarungan ang isang lipunan, kailangang


nasisiguro ng namumuno dito na ang karapatan ng bawat indibidwal
ay kinikilala, iginagalang, pinoprotektahan at pinahahalagahan.
Mga Elemento ng Kabutihang Panlahat

2. Ang tawag ng katarungan o kapakanang


panlipunan ng pangkat (Social Justice).

Mahalagang may mamagitan upang masigurong


nakakayanan at nararating ang mga ito ng
bawat isa sa lipunan. Kapag nangyayari ito,
natutugunan ang tawag ng katarungan o
kapakanang panlipunan ng pangkat.
Huwag mong itanong kung ano ang
magagawa ng iyong bansa para sa
iyo, kundi itanong mo kung ano ang
magagawa mo para sa iyong bansa.

-Pres. John F. Kennedy


PAGPAPAHALAGA

Paano ka makakatulong upang makakamit at


mapananatili ang kabutihang lahat? Bakit ba
mahalagang ito ay makamit at mapanatili?
Thank you.

You might also like