You are on page 1of 2

ni: Khaira Racel Jay A.

Pucot

Naaalala mo pa ba?
Naaalala mo pa ba ang mga sandaling tayo ang magkasama?
Magkasama kahit saan man magpunta.
Magpunta sa kwarto, kusina pati na rin sa sala, naaalala mo pa ba?
Naaalala mo pa ba ang panahon na tayo pa?

Naalala mo pa ba?
Noong mahal na mahal pa natin ang isa’t isa,
At tayo pang dalawa,
At wala pa sya,
At ako lang ang dahilan ng iyong mga pagtawa.

Noon ako’y masaya,


Una: dahil ikaw ang aking kasama,
Pangalawa: pinaramdam mo sa akin na ako lang ang ‘yong prinsesa,
At pangatlo: dahil tayo lang dalawa at walang iba

Pero lahat ay may pagbabago


Ikaw ay parang bula na biglang naglaho
Hinayaan mo akong mabuhay sa isang mundo na akala ko'y totoo at perpekto
Naku! Hindi ko alam kung paano.

1|TULA:
Noon, Nakaraan at Nakalipas | Ni: Khaira Racel Jay A. Pucot
Kasabay ng pagkulo ng tubig ay ang aking dugo
Noong segundong sinabi mo na iba na ang laman ng iyong puso.
May kulang ba sa akin, sa sarili ko o ako?
Saan? Paano?
Mga katanungan na pilit kong hinahanapan ng kasagutan.

Susuko na ba dahil masakit na


O masakit kasi susuko na?
Ano kaya?
Siguro susuko na dahil masakit na.
At bibitaw na sa alaala nating dalawa

Masakit isipin na tayo ay tapos na


Ang magsasama hanggang pagputi ng buhok ay akala ko lang pala
Masakit pero alam kong sa iba mo na ito magagawa
Hindi na siguro ako aasa pa
Na muling babalik ang nakalipas nating dalawa

“Mahal kita” salitang pinanghahawakan ko noong tayo pa


Pero ang bilis ng panahon dahil agad napalitan ng “Paalam na”
Paalam na sa forever nating dalawa
Paalam na dahil kailangan ko nang bitawan ang nakalipas nating nakaraan na.

2|TULA:
Noon, Nakaraan at Nakalipas | Ni: Khaira Racel Jay A. Pucot

You might also like