Saan nga ba sisimulan? Mawalan man tayo ng komunikasyon
Sa pamagat pa lang, sadya ng naguguluhan Maging iba man ang iyong inspirasyon Hindi na babanggitin ang pangalan Dumaan man ang mga taon Alam mo namang Ikaw ang pinatutungkulan Bigyan sana ng isa pang pagkakataon
Hindi akalaing makapagsusulat Ilang beses sinubukang kalkulahin
Tulang para sayo, ngunit walang pamagat Sa dulo ba ay Ikaw at Ako pa rin Iyo sanang pagpasensyahan, sa salita ako’y Ngunit ilang beses mang isipin salat May panahon na kailangan ng palayain Ikaw naman saaki’y sapat
Iyo Mang makalimutan
Hindi na kayang bilangin Ako, sa Buhay mo’y nagdaan Bagay na ginawa para sa akin Anim na taon Hindi madaling bitawan Nakakatawa kung iisipin Ibibigay ko na ang iyong kalayaan Sayo sana’y may hihilingin
Hindi man natin ginustong dalawa
Sa ating nalalapit na paghihiwalay Masaktan ang isa’t isa Tandaan sanang ako’y maghihintay Mahal, ako’y handa na Pangarap mo sana’y magtibay Pinapalaya na kita Sa bawat pagbukang liwayway
Sana’y muling magkita
Iyong abutin, bagay na hangad Nais lamang malaman, pangarap mo’y naabot Tandaang may proseso at Hindi agad-agad na ba Magpatuloy lagi sa paglalakad Kung nagis pulis, anong ranggo na? Wag magpapakatamad Kasalukuyan bang may trabaho ka Ikaw ba ay nakapag-asawa na? Mga anak mo’y kamukha mo ba? Kumusta ka? Ikaw siguro’y napakasaya
Sa pagsasarado ng ating kuwento
Ikaw sana ang maglagay ng pamagat nito Tatanggapin ko kahit na ano Basta’t galing sayo