You are on page 1of 8

Tulang Oda

Para kay Inay

Muli inaasam- asam koang pagkakataon

Gaya no’ng minsan

Isang maliwalas na hapon

Sa ,may dalampasigan

Dahan-dahang humihinahin

Ang iyong kalooban

Tulad ng mga alon

At ako na nasa iyong tabi

Ay tila anak ng dagat

Na nakasisid ng perlas

Nang ika’y mangusap

Pag-ibig sa Kapwa

Ika'y tumunghay at igala ang paningin

Munti mong daigdig sikaping palawakin,

Sa wari hindi mo nadarama man din.

Paghihirap ng kapwa sa paligid natin.

May ibang may tahanan ngang naturingan

Ngunit tinig ay bahaw na sa labis na kagutuman,

Ama't ina'y walang tiyak na pagkukunan

Puso'y nawawasak tuwing bunso'y pinagmamasdan.

Ni minsan ba'y naranasan mo nang mabasa


Maginaw, mamaluktok sa maliit na dampa

O kaya'y maanod habang himbing sa pagtulog

At biglang magising sa labis na pangangatog?

Bagaman sa dugo'y walang relasyon

Sila nama'y kapatid kay Jesus na Panginoon.

Huwag sanang pumikit, mata mo ituon

Maging bukas-palad sa biktima ng pagkakataon

Isa kang bayani, o nilalang na matulungin

Ibayong pagpapala ang iyong tatanggapin,

Trumpeta ng kagalakan sa iyo'y tutugtugin

Diyos na lumikha ikaw ay pupurihin

PAG-IBIG

Sa pagtatagpo ng ating mga mata

Hindi napigilang ako ay humanga

Naslayan ko ang maamo at maputi mong mukha

Hindi na napigilang ako'y humangat natulala.

Sa paglipas ng araw

Damdamin ay lalong napukaw

Ng iyong ugaling nakakahumaling

At ng iyong maayos, magandang dating

Bakit ganito ako pag ikaw ay nakikita

Para kang musika, nagbibigay ng ligaya

Sa aking paghinga Binibigyang pag-asa

Bakit kaya sa mga grupo tayo'y pinagtagpo


Minsan pakiramdam ko, ako ay nahihilo

Dahil sa iyong mga tingin na nakapanloloko

Pero ayos lang kahit na ako'y ganito

Tunay na pag-ibig di alam kung saan galing

Pag-ibig kung hindi nag-isip ng magaling

Maaaring maging makasarili mapag-imbot

Siyang dahilan, baka pangarap di maabot.

Pag-ibig dulot ay samahan

Mga taong pinaglayo man,

Sa pag-ibig matatagpuan

Tunay na kayamanan, kabutihan at Kaligayahan....

Elehiya para sayo, sinta

Tandang tanda ko pa

Ang unang araw ng ating pagkakakilala

Kung saan nagsimula ang mga alaala

Na ngayo'y wala na dahil tayo'y tapos na

Naalala ko pa

Yung araw na una kitang sinuyo at hinarana

Pansing nahihiya kang tignan ang aking mata

Pero dama ang kilig sa iyong mukha

Naalala ko pa

Yung mga masasaya nating alaala

Mga araw na tayo'y magkasama

Mga pagkakataong nayakap kita


Mga pagkakataong, nahalikan ang isa't isa

Paalam na, mahal na mahal kita

Aking babaunin itong mga alaala

Mangangarap na sana hindi ka nalang nawala

Dahil ang sakit makita

Na ang dating aking sinta

May kasama ng iba

Elehiya para kay Lola

Ilang taon na nga ba ang nakakaraan?

Nang huling masilayan ng sandaigdigan

Isang anghel na ipinagkaloob ng kalangitan,

Matamis nitong ngiting walang bahid ng karumihan,

Mga matang tila nangungusap

Na laging nakadarama ng sakit at hirap,

Busilak na kaloobang handang tumulong sa iba

Handang ibigay ang lahat kahit sa sarili'y wala nang itira.

Tunay ngang malayo na ang nalakbay

Bago tuluyang sa ami'y humiwalay

Ngunit kay dami pa ring pag-aalinlangang naiwan

Mga pagsisising 'di na mababalikan pa

Kahit sa huling sandali sana'y nasilayan

Sana'y nahagkan at nagkapatawaran

Ano pang saysay ng pagdaralita

Kung ang lahat ay nakalipas na


Masasayang sandaling ipinagpapasalamat

Natatanging biyayang 'di-malilimutan,

Hangad lamang ay kabutihan ng lahat

Taglay ang mga dakilang pangarap,

Kalakip ng pag-asa sa gitna ng sigwa

Hindi para sa sarili, kundi sa iba

Sa matagal na panahong naramdaman ang pagmamahal

Yumakap na sa puso't isip ng karamihan

Pagkaraan ng mga sakit na tiniis

Nagtagpo rin ang kapaguran at kahinaan

Tuluyang linisan ang mundong ginagalawan

Labing-isang anak man ang nawalan,

'Di-mabilang na mga apo ang nag-iyakan,

Isang asawang napuno ng hinagpis

Pilit tinatanggap ang kinahinatnan

Ipinagdarasal ang kapayapaan magpakailanman.

ELIHIYA PARA SA KAIBIGAN

Naalala mo pa ang noon?

Simula elementarya hanggang matapos

Puro laro't tawa ang ginagawa

Alam na alam ang gusto ng isa't isa.

Kahit madala na tayo ay nag-aaway

Nagkakabati rin naman

Ikaw yung taong lagging nadyan


Kahit nasa kagipitan

Tama nga sila Mas malapit pa sila sa kapatid

Alam mo bang mahirap makakita ng kaibigan?

At ngayon lang ako nakahanap ng kagaya mo.

Kagaya mong masay kasama

Kagaya mo lagi akong pinapatawad

Kagaya mong lagi akong sinusuportahan

At kagaya mong hindi nang iiwan.

Ngunit ako'y natatakot Natatakot sa mangyayari

Hindi ko mapigilan

Gusto kong lumuha.

Ngayong matatapos na tayo ng high school

Wag mo sana akong iwan

Nandito ako at nandoon ka sa malayo

Lagi mong isipin ang pagpapatawa

Naalala mo pa ba nong tayo ay magkasama

Ikaw yung kaibigang mananakit pa pag tatawa

Ang sarap balikan ang lahat lahat

Ngunit bukas liliban ka na.

Huwag mo akong iiwan o aking kaibigan

Ngayong sa pag-alis mo

Wag mo akong kalimutan

At lagi mong isipin

Tayo pa rin ang tunay na magkaibigan.

Simpleng buhay / TULA by:@athenabree08


athenabree08 (57)in #filipino-poetry • 6 years ago (edited)

Nais kong balikan ang kahapon

Isang payak ang pamumuhay noon

Doon sa aming nayon

Na malayong-malayo sa polusyon

Bahay kubo ang tirahan

Na napapalibutan ng mga halaman

Sariwang gulay at prutas sa kapaligiran

Akin itong kinagigiliwan

Mga huni ng ibon at insekto

Musika sa pandinig ko

Na sinasayawan naman ng mga puno

Sa ugoy ng hangin napakapresko

Sa malagong puno'y sumilong ako

Tinatanaw at ninanamnam ko

Ganda ng kalikasan parang paraiso

Biyayang handog ng Diyos sa tao

Sa simpleng buhay masaya na ako

Payapa at tahimik walang gulo

Kuntento at maligaya ang buhay ko

Sa tinitirhan kong bahay kubo.


Pagbabago?

Taon na puno ng mga hamon at delubyo Pagulo na pagulo, ang kaligtasan Nang bawat isa ay na di
sigurado Mga opisyal, nasaan na ang pangako

Kasabay ng pag-unlad ng ating bayan Ang mahihirap ay lalong binabaon Nasaan na ang pangakong
binitawan Na ang kahirapan ay sosolusyonan

Maraming matalino ngunit bakit purol Ang kanilang damdamin ay tila masahol Bakit ang isang dukha ay
binabaliwala Ang isang dakot ng kanin sa pawis nagmula

Ikaw! na kabataan manating bukas Ang Isipan at tenga upang mabago Ang bulok na sistema na tinutuloy
Ika'y manging matapang para sa bayan

COVID 19

Katha ni: Bobby Ortega

Ang tinamaan ng magaling Pag ikaw pahatsing hatsing At may ubo pang pahalinghing Sigurado PUI kung
ika'y tawagin

Sa siyudad ng Wuhan duon nag umpisa Di natapos ang araw ay may nahawa Kumalat sa Europe,
Fransiya at amerika Dinala sa Russia, Italia at mga bansa saAsia

Kung ang virus na ito ay kumakalat Di pupuwede kahit si pepeng agimat Sa lalawigan man sa siyudad o
sa lahat Paksang ipababatid sa atin ay mag-ingat

Covid 19 ito ang naging dahilan Libo libong Tao ang nakaramdam Marami na rin ang buhay binawian At
walang marangal na naging lamayan

Covid 19 din ang naging kasangkapan

You might also like