You are on page 1of 20

Filipino 9 - ika-2 markahan Aralin 2.

ANG PUTING TIGRE


PABULA NG KOREA
ANG PUTING TIGRE

pabula
Pagpapalalim na Gawain:
Sa araling ito, ikaw ay
magtatanghal ng isang monologo
kung saan ang papel mo ay isang
hayop na iyong napili upang
magparating ng magandang aral sa
mga manonood.
Mahahalagang tanong:
1. Bakit hindi dapat sumuko sa isang
mabuting hangarin kahit maraming
humahadlang dito?
2. Ano-ano ang mga pagpapahalagang
maaaring maging susi ng tagumpay?
3. Paano ka magiging instrumento sa
pagbabago ng isang nalilihis ng landas.
Panimula
Ang Korea tulad ng ilang bansa sa Asya ay ilang
beses ding sinakop ng mga dayuhan. Nakikita sa
kanilang pamumuhay ang impluwensiya ng Tsina at
Hapon, ang ilan sa mga bansang sumakop sa
kanila. Sa likod nito ay mahigpit pa rin nilang
napananatili ang pagpapahalaga sa kanilang kultura,
tradisyon, kasaysayan, edukasyon, at pamilya.
ALAM MO BA?
Ang bansang Korea ay dating tinatawag na 
CHOSON na ang ibig sabihin ay "Lupain ng Mapayapang
Umaga".
Pinapahalagahan ng bansa ang pamilya - kapakanan ng
bawat kasapi ng mag-anak ang pinakamahalaga higit sa ano
pa mang mga bagay
Hindi karaniwang makikita ang mga diwata, prinsesa,
mga witch, o mahika sa kanilang sinaunang panitikan kundi
mga hayop, lalo na ang tigre.
-Pambansang hayop ng Timog Korea ang tigre.
ANG PUTING TIGRE
TAGPUAN: 
kabundukan ng Kumgang sa Korea
PANGUNAHING TAUHAN: isang binata
-Lumaking ulila sa ama ang binata simula noong siya ay sanggol pa
lamang.
Nagsanay siya nang mahusay at pinag-igihan ang pagsasanay sa pagbaril.
Labinlimang taon (15) ang binata nang una siyang magpaalam sa ina
upang hanapin ang puting tigre.
Puting tigre – malaki at mabagsik; may alalay na isang uwak 
Habang lumalaki ang batang lalaki ay may dinadala siyang matinding
galit sa tigre.
Hindi na nakabalik ang kanyang amang mangangaso nang
pumunta ito sa kabundukan ng Kumgang upang hanapin at patayin
ang puting tigre.
Ipinangako niya sa kanyang sarili na siya ang papatay sa tigre
upang maipaghiganti niya ang kanyang ama.
Hindi pumayag ang ina – naramdaman muli ng ina ang takot noong
nagpaalam sa kanya ang ama ng binata.
*sa layo ng isang milya ay babarilin niya ang hawakan ng bangang
nakalagay sa ulo ng kanyang ina
-hindi nagtagumpay ang anak kaya ipinagpaliban ang kanyang balak
na umakyat sa kabundukan at tatlong taon (3) siyang nagsanay sa
paghawak ng baril
-pagkatapos ng tatlong taon ay nagtagumpay rin ang binata sa pagtama sa
hawakan ng banga
-pero hindi pa rin siya makaaalis hanggang hindi niya nagagawa ang isa
pang pagsubok
*tamaan ang butas ng karayom (needle) sa layo ng isang milya
-nabigo ang binata kaya nagsanay siyang muli sa loob ng tatlong taon 
-habang nagsasanay ang binata ay patuloy naman sa pananalasa ang puting
tigre
-kahit ang leon na hari ng kagubatan ay walang maitulong dahil hindi niya
kayang disiplinahin ang puting tigre
-nang tumuntong ang binata sa ika-21 taong gulang ay sinubukan niya muli
ang pagbaril sa butas ng karayom at siya ay nagtagumpay
-walang nagawa ang ina upang pigilin pa ang pag-alis ng anak kahit
ang lahat ng pinagawa niyang pagsubok ay pawang kasinungalingan
lamang
-umalis ang binata at sa paanan ng bundok, sa isang bahay na
nagpapatuloy sa mga manlalakbay, nakilala niya ang isang matandang
babae
-sa kabundukan ay parang nararamdaman ng puting tigre ang
pagdating ng binata
-naalala ng matandang babae ang ama ng binata at ang kakayahan
nito
*tamaan nang patalikod ang pinakamataas na dahon ng isang puno
Nang nagtagumpay siya sa pagbaril nang patalikod ay bumalik
siya sa matandang babae.
Namangha ang matandang babae at sinabing hindi dahil
nakaya niya yun ay kaya na niyang talunin ang puting tigre.
Kinuwento niya na kaya ng kanyang ama na barilin ang isang
langgam sa bingit ng isang bangin. Napatigil ang binata at
napag-isipang magsanay muli ng 3 taon. Habang siya ay
nagsasanay, nagpatuloy ang pananalasa ng puting tigre.
Sinubukang muli ng binata at siya ay nagtagumpay. Lingid sa
kaalaman ng binata ay gawa gawa lamang ang mga tinuro ng
babae upang mapigilan itong umakyat sa kabundukan ngunit
sa kakaibang gilas ng binata ay hindi na ito napigilan ng
matandang babae.
Kaya't pinayuhan siya ng matanda na maging maliksi at
mapagmasid. Sinabi niya na kailangan niya itong barilin
habang ang nakikita pa lamang ay isang maliit na puting
tuldok at kailangan ay hindi ito magmintis sapagkat
masasayang lamang ang mga taong inilaan upang
mapaghandaan ito.
Nagpatuloy ang binata sa paglalayag. Nakaramdam
naman ang puting tigre na mayroon siyang kalaban.
Isang araw habang nag-aabang ang tigre ay
nakaaninag ang binata ng puting tuldok. Ipinutok agad
ng binata ang kanyang baril. Agad namang pumunta
ang binata sa kinalalagyan ng binaril niya.
Namangha ang binata nang makita niya ang
tigre na nakahandusay. Nakita niya ang
malaking bibig ng tigre at kaniya itong
tinahak. Ilan pang sandali ay nakita niya sa
isang sulok ang isang dalagang walang
malay.Pinainom ng binata ang dalaga ng tubig
na kanyang baon. Nagulat ang dalaga at
pinasalamatan niya ang binata at ikinuwento
niya kung paano siya napunta roon.
Sa gitna ng kanilang kwentuhan ay may narinig
silang anas ng isang tao. Sinundan nila ang
pinagmulan ng tinig at nagulat sila nang may
matagpuan silang matandang lalaki sa isang
sulok. Lalong nagulat ang lalaki nang malaman
niyang iyon pala ang nawawala niyang ama. Ubod
ng galak ang binata at pinasalamatan niya ang
Panginoon. Sa pagitan ng paghikbi niya ay nasabi
niya na tunay ngang kapag may ninais ka at
pinagsikapan mo ito, makakamtan mo ito nang
higit pa sa inaasahan mo.
Nang lilisanin na nila ang kabundukan ng Kumgang ay
nagdiwang ang mga hayop sa kabundukan, sumisigaw at
sinasabi, "Mabuhay ang binata! Mabuhay ang pinakamahusay
na mangangaso!"
Hindi naglaon ay napaibig na ng binata ang dalaga. Ikinasal
silang dalawa at naging saksi ang kanilang mga magulang.
Nagkapamilya at itinuro nila sa kanilang supling ang isang
bagay na kanilang natutuhan mula sa karanasan nila sa puting
tigre. “Anak, making kang mabuti. Kapag ikaw ay may isang
mabuting hangarin, walang anumang balakid ang maaaring
humadlang dito. Madapa man nang ilang beses ay maaaring
bumangon muli at ipagpatuloy ang sinimulan,’ ang palaging
wika ng magulang sa kanilang mga anak.
BUOIN NATIN
A. Naisusulat ang Bahagi ng Pabula sa Paraang Babaguhin
ang Karakter ng Isa sa mga Tauhan Nito
Maaaring napakasimple ng pabulang ito pero katulad ng
ibang pabula, naghahatid ito sa atin ng mga aral na
magagamit natin sa pang-araw-araw na buhay.
Pagkakataon mo nang palalimin ang pabulang ito sa
pamamagitan ng pagbabago sa mga katangian ng tauhan
at iba pang mahalagang bahagi ng pabula.
Isulat ang tauhang napili mong baguhin ang mga katangian
at ipaliwanag kung bakit ganoon ang gusto mong mangyari.
Ilahad din ang pangyayaring nais mong baguhin at sabihin
din kung bakit ganoon ang gusto mong mangyari.
Tauhan:_____________________________________________
Katangian ng Tauhang Nais mong Baguhin:_________________
Paliwanag:___________________________________________
____________________________________________________
Pangyayaring Nais kong Baguhin:_________________________
Ang Nais Kong Mangyari:_______________________________
Paliwanag:___________________________________________
B. Naipakikita ang Transpormasyon sa Tauhan batay sa
Pagbabagong Pisikal, Emosyonal, o Intelektuwal
Isipin mong ikaw ay isa kina Aesop at iba pang manunulat
ng pabula. Balikan mong muli ang pabulang nagmula sa Korea.
Pagkatapos ay bigyan ng bagong wakas ang kuwento na
nagpapakita ng transpormasyong naganap sa tigre, binata, at
sa ama nito.
Ang wakas ng aking pabula:
__________________________________________
__________________________________________
__________________________________________
Transpormasyong Naganap sa Tauhan
Tauhan ng Pisikal Emosyonal Intelektuwal
Pabula
Tigre
Binata
Ama
C. Magsaliksik ng iba pang pabula mula sa iba pang bansa
sa Asya. Suriin at alamin kung ano-ano ang pagkakatulad
at pagkakaiba nila sa pabulang Koreanong iyong nabasa.
Gamitin ang graphic organizer sa ibaba upang itala ang
iyong pagkokompara.
Bansang Pamagat ng Pagkakatulad Pagkakaiba sa
Pinagmulan ng Pabula sa Pabulang Pabulang
Pabula Binasa Binasa

You might also like