You are on page 1of 2

FILIPINO 8

IKALAWANG MARKAHAN

Quiz 1

Mga Bahaging bumubuo sa Komiks

1. Kuwadro- naglalaman ng isang tagpo sa kuwento (frame)

2. Kahon ng Salaysay-kinasusulatan ng maikling salaysay tungkol sa tagpo

3. Lobo ng usapan- kinasusulatan ng usapan ng mga tauhan. May iba’t ibang anyo ito batay sa
inilalarawan ng dibuhista.

4. Larawang guhit ng mga tauhan sa kuwento.

5. Pamagat ng kuwento
FILIPINO 8 - IKATLONG MARKAHAN

QUIZ 2

PAGTUTUKOY: Panuto: Tukuyin ang inilalarawan ng mga bugtong sa ibaba. Isulat ang sagot sa patlang.

_______1. Sa isang click lang mundong ito’y mapapasok na para mag-FB, Twitter o magsaliksik pa.

_______2. Musika’t balita ay napapakinggan na. Sa isang galaw lamang ng pihitan, may FM at AM pa!

_______3. Maliit na dyaryong inilalako sa daan; balita, tsismis at iba pa ang laman.

________4. Kuwentong higit na maiksi sa maikling kuwento.

________5. Pabalat nito’y may larawan pa ng sikat na artista. Nilalama’y mga artikulong tumatalakay sa

iba’t ibang paksa.

________6. Kahong puno ng makukulay na larawan at usapan ng mga tauhan. Tunay na

kinagigiliwan ng kabataan!

________7. Kuwadradong elektronikong kagamitan.Tampok ay iba’t ibang palabas na

kinaaaliwan!

________ 8. Isang palabas na maaring maging daan upang maimulat ang mga mamamayan sa

katotohanan ng buhay sa kanyang paligid.

________ 9. Maaaring maghatid ng balita, talakayan at impormasyon sa bayan man

o sa nayon gamit ang mga baterya.

________ 10. Naghahatid ng balita at mga programang nakaaaliw at kawili-wili maging

sa mga mata.

________11. Mga pelikulang gawa ng mga estudyante o mag-aaral na inilalahok sa mga patimpalak.

________12.Elemento ng pelikula kung saan nakapaloob ang mga eksena at dayalogo ng mga tauhan at

artista.

_________13. Isang uri ng pelikula na aktuwal ang pagkuha ng mga pangyayari upang higit itong mas

maging makatotohanan.

14. Isa sa kinikilala at tinitingalang pangalan sa paggawa ng Independent Film ay ang batikang Direktor

na si _______.

15. Si ___________ ay isa sa pinakamahusay na aktor sa kasalukuyan at produkto ng Indie Films.

You might also like