You are on page 1of 7

7

Learning Activity Sheet


sa FILIPINO
Kuwarter 1- Linggo 4 - MELC 5 & 6
Pagsusuri ng Isang Dokyu-Film at
Pagsasalaysay ng Pagkasunod-sunod ng mga
Pangyayari sa Ilang Akdang Pampanitikan

REHIYON VI – KANLURANG VISAYAS


FILIPINO 7
Learning Activity Sheet (LAS) Week 4 MELC 5 & 6
PAGSUSURI NG ISANG DOKYU- FILM AT PAGSUNOD-SUNOD NG MGA
PANGYAYARI SA ILANG AKDANG PAMPANITIKAN

Inilimbag sa Pilipinas
ng Kagawaran ng Edukasyon,
Rehiyon 6 – Kanlurang Visayas
Duran St., Iloilo City

Isinasaad ng Batas Republika 8293, seksiyon 176 na “Hindi maaaring magkaroon ng


karapatang-ari (sipi) sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng gawain kung
ito’y pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.”

Ang Filipino 7 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay inilimbag upang magamit
ng mga Paaralan sa Rehiyon 6 .- Kanlurang Visayas,

Walang bahagi ng aklat na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang porma
nang walang pahintulot sa Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyon 6 – Kanlurang Visayas.

Bumuo sa Pagsusulat ng Learning Activity Sheet – Filipino 7

Mga Manunulat: Ma. Dolores B. De la Cruz


Editor: Geryl The A. Jaena
Tagasuri: Grace J. Fuentes, Rona F. de la Torre
Tagaguhit:
Tagalapat: Charmly C. Ahunin, Mara Jamaica B. Floreno

Division of CADIZ CITY Management Team:


Ma. Lorlinie M. Ortillo
May P. Pascual
Geryl The A. Jaena
Rona F. de la Torre

Regional Management Team:


Ramir B. Uytico
Pedro T. Escobarte, Jr.
Elena P. Gonzaga
Donald T. Genine
Celestino S. Dalumpines IV
Pambungad na Mensahe

MABUHAY!

Ang Filipino 7 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay nabuo sa pamamagitan ng


sama-samang pagtutulungan ng Dibisyon ng Lungsod Cadiz at ng Kagawaran ng Edukasyon,
Region 6 – Kanlurang Visayas sa pakikipag-ugnayan ng Curriculum and Learning Division
(CLMD). Inihanda ito upang maging gabay ng learning facilitator, na matulungan ang ating
mga mag-aaral na makamtan ang mga inaasahang kompetensi na inilaan ng Kurikulum ng K
to 12.
Layunin ng LAS na ito na gabayan ang ating mga mag-aaral na mapagtagumpayan
nilang masagot ang mga nakahanay na mga gawain ayon sa kani-kanilang kakayahan at laang
oras. Ito ay naglalayon ding makalinang ng isang buo at ganap na Filipino na may kapaki-
pakinabang na literasi habang isinasaalang-alang ang kani-kanilang pangangailangan at
sitwasyon.

Para sa mga learning facilitator:

Ang Filipino 7 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay binuo upang matugunan
ang pangangailangan ng ating mga mag-aaral sa larang ng edukasyon, na patuloy ang
kanilang pagkatuto kahit na sila ay nasa kani-kanilang mga tahanan o saan mang bahagi ng
learning center sa kanilang komunidad.
Bilang mga learning facilitator, siguraduhing naging malinaw ang mga panuto sa mga
gawaing iniatas sa kanila. Inaasahan din na patuloy nating masubaybayan ang pag-unlad ng
mga mag-aaral (learner’s progress).

Para sa mga mag-aaral:

Ang Filipino 7 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay binuo upang matulungan
ka, na mapatuloy ang iyong pagkatuto kahit na wala ka ngayon sa iyong paaralan.
Pangunahing layunin ng LAS na ito na mabigyan ka ng makahulugan at makabuluhang mga
gawain. Bilang aktibong mag-aaral, unawain nang mabuti ang mga panuto ng bawat gawain.

i
Kuwarter 1, Linggo 4

Learning Activity Sheet Blg.5

Pangalan ng Mag-aaral: __________________________________________________


Taon at Pangkat: _______________________________ Petsa: ___________________

FILIPINO 7 ACTIVITY SHEET

PAGSUSURI NG ISANG DOKYU- FILM

I. KASANAYANG PAMPAGKATUTO AT KODA


Nasusuri ang isang dokyu-film batay sa ibinigay na mga pamantayan. F7PD-ld-e-4

Naisalaysay nang maayos at wasto ang buod, pagkasunod-sunod ng mga pangyayari sa


kuwento, mito, alamat, at kuwentong-bayan. F7PS-ld-e-4

II. PANIMULA (SUSING KONSEPTO)

Mga Elemento ng Dokyu-Film

1. Sequence Script – Tumutukoy sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari ng kuwento sa


dokyu-film. Dito makikita ang layunin ng kuwento.

2. Sinematograpiya – Paraan ng pagkuha ng wastong anggulo upang maipakita sa mga


manonood ang pangyayari sa bisa ng ilaw at lente ng camera.

3. Tunog at musika- pagpapalutang ng bawat tagpo at pagpapasidhi ng ugnayan ng tunog at


linya ng mga diyalogo. Pinupukaw ang interes at damdamin ng mga manonood.
Ang isang dokumentaryo o dokyu-film ay isang likhang sining na sumusubaybay sa
totoong pangyayari sa buhay ng isang tao, isang kaganapan, o mga pangyayari na sumusunod
sa mga maiinit na isyu.

Bilang isang dokyu-film, may layunin ito na ibigay ang katotohanan sa mga manonood galing
mismo sa mga taong nasa sentro ng sine. Walang mga script na sinusunod ang mga taong
nasa dokyu-film at natural lamang ang mga pangyayari.

Mga Elemento ng Maikling Kuwento

Ang Maikling Kuwento ay anyo ng panitikan na may layuning magsalaysay ng mga


pangyayari sa buhay ng pangunahing tauhan at mag-iwan ng kakintalan sa mga mambabasa.
Kailangan ng isang maikling kuwento ay ang mga elemento na siyang magsasabi sa
ikagaganda nito tulad ng:

1.Tauhan – siyang gumaganap


2.Tagpuan – pinangyarihan ng kilos ng mga tauhan.
3.Banghay – ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari
 Simula – pagpapakilala ng mga tauhan.
 Tunggalian/Madulang Pangyayari – pataas na aksiyon na bahagi
pakikipaglaban ng mga tauhan
 Kasukdulan – naglalaman ng pinakamatinding galaw o pangyayari

1
 Kakalasan – pagbaba ng kuwento tungo sa wakas
 Wakas – kinahinatnan ng kuwento at maaaring masaya o malungkot

III. SANGGUNIAN
https://philnews.ph/2020/11/03/elemento-ng-dokyu-film-kahulugan-at-paliwanag-nito/
https://grade7.modyul.online/filipino-7-modyul-5-pagsusuri-ng-isang-dokyu-film/#gallery-
page-5

IV. MGA GAWAIN

GAWAIN 1
Panuto: Basahin at tukuyin kung ano ang inilalarawan ng mga pangugusap sa bawat bilang.
Piliin ang titik ng tamang sagot.

____ 1. Ang ___ ay isang uri ng pelikula na naglalayong maipalabas ang mga natatnging
katangian ng isang tao, bagay, lunan at pangyayari na naglalayong maikintal sa diwa ng mga
manonood ang mga kabutihan na mapupulot mula rito.

A. dokyu-film
B. maikling kuwento
C. pabula
D. alamat

____ 2. Nakaayos ayon sa pagkakasunod-sunod ang mga pangyayari, ito ay tinaguriang?

A. sinematograpiya
B. banghay
C. diyalogo
D. special effects

____ 3. Ano ang akdang pampanitikan na naglalaman ng maiksing salaysay tungkol sa


mahalagang pangyayari?

a.tula b. maiking kuwento c. nobela d. alamat

____ 4. Pinapaganda nito ang pelikula upang mahatak ang mga manonood.

a. sinematograpiya
b. banghay
c. diyalogo
d. special effects

_____ 5. Ano ang bahagi ng kuwento na naglalaman ng pinakamatinding galaw o


pangyayari?

a. kasukdulan b. kakalasan c. tagpuan d. tauhan

2
GAWAIN 2

Panuto: Gumawa ng isang pagsusuri tungkol sa isang dokyu-film na iyong napanood o


maaari ring isang freeze story na iyong nabasa. Suriin mo ang elemento nito gamit ang
kasunod na format sa ibaba. Isulat mo ang iyong sagot sa sagutang papel.

Paano nakapagdaragdag ang mga elemento sa


kabuoan ng pelikula?

VISUAL (Sinematograpiya/Mga
Eksena):
Pagkakabuo, pagkuha ng mga
anggulo sa camera, kulay, pag-
iilaw lokasyon, costumes,
props. Ilagay ang klase ng shots
at kabuoang paninging biswal
ng pelikula.

VISUALS (Paraan ng
Pagkukuwento/ Paglalahad ng
Impormasyon): Paanong
inilahad ng tagapagsalaysay
ang buong kuwento? May
ipinakita bang aktuwal na kuha
na kuha, larawan, dojumento,
interbyu o mga pagsasadula?

TUNOG AT MUSIKA: Musika,


sound effects, diyalogo,
intensidad, tema, awitin, atbp.

3
GAWAIN 3
Panuto: Ibuod sa dalawa hanggang tatlong pangungusap ang pagsisimula, kalagitnaan at
pagwawakas ng dokyu-film na iyong nabasa o napanood.

V. REPLEKSIYON
Natutuhan ko sa araling ito na:
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

VI. SUSI SA PAGWAWASTO:

Gawain 1

1. A 2. B 3. B 4. D 5. A

Gawain 2

Ang ibibigay na puntos ay batay sa sagot ng mag- aaral.

Gawain 3

Ang ibibigay na puntos ay batay sa sagot ng mag- aaral.

You might also like