You are on page 1of 4

1

Aralin 5 Filipino 8-Q3-W5


Suring Pelikula: Masusing Pagrerebyu

Paunang Pagsubok (5pts)

WIKA-rambulan: Basahing mabuti ang lipon ng mga salita. Piliin sa loob ng


kahon ang mabubuong salita sa tulong ng mga gabay. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.

Halimbawa: PEAL-LEAK-COOL-LAW = PELIKULA

1. Linyang binabanggit ng mga tauhan sa kuwento. DIE-YEAH-LOG-GO


= _______________________
2. Pinakapuso ng isang pelikula
THEME-MAH = ________________________
3. Mga karakter na gumaganap sa pelikula.
THE-WHO-HONE = _________________________
4. Nagsisilbi itong panghatak ng pelikula
FUN-MUG-GOAT = ___________________________
5. Mga pangyayari kung saan umiikot ang pelikula
COW-WHEN-TOO = _____________________________

Balik-tanaw (5pts)
Basahin ang bawat pahayag. Piliin sa loob ng kahon kung anong ugnayang lohikal
ang isinasaad ng mga ito. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
Sanhi at Bunga Paraan at Layunin
Kondisyon at Bunga Paraan at Resulta

1. Nagkaroon ng matinding pagbaha kaya marami ang namatay.


2. Sa sandaling makinig ka sa pangaral ng iyong magulang, gaganda ang iyong
kinabukasan.
3. Para makatulong sa nangangailangan, nag-ambag sila ng kaniyang mga
kaibigan.
4. Kung nag-ensayo ka nang mabuti sa pagkanta, sana’y nanalo ka sa paligsahan.
5. Sa masigasig niyang pagtatrabaho, nakamit niya ang kaniyang puwesto.

Mga Gawain (5pts)


Gawain 1 TAMA O MALI. Iguhit mo ang (bituin) kung tama ang kahulugang
ibinigay batay sa pagsusuri ng pelikula at (tatsulok) kung mali ang kahulugan.
Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Itinuturing na sining ang pelikula.


2. Tinatawag na tema kung angkop ang pag-arte ng mga tauhan sa isang pelikula.
3. Sa pamagat matatagpuan ang paksa ng isang pelikula.

Modyul sa Filipino 8
Ikatlong Markahan: Ikalimang Linggo
2

4. Kinakailangang isaalang-alang ang lengguwaheng ginagamit ng mga tauhan sa


diyalogo.
5. Sa tema makikita ang impact ng isang pelikula.
Pangwakas na Pagsusulit (5pts)

Piliin sa Hanay B ang tinutukoy ng Hanay A. Isulat ang LETRA ng


tamang sagot sa iyong sagutang papel.

HANAY A HANAY B
1. Ito ay kilala sa tawag na pinilakang- A. Pamagat
tabing. B. Kuwento
2. Tumutukoy sa istorya ng pelikula. C. Tema
3. Pinakapundasyon ng isang pelikula. D. Tauhan
4. Nagpapakita sa kalinawan ng E. Pelikula karakterisasyon
ng isang gumaganap.
5. Naghahatid ng pinakamensahe ng isang pelikula.

Pagpapakilala ng Aralin
Hindi maikakailang isa sa mga naging daan upang makapaglibang ang tao mula noon
hanggang ngayon ay ang panonood ng pelikula. Kadalasan upang masuri at mabusisi
ang isang pelikula ang ilan ay nanonood pa sa mas malalaking bulwagan o
pinilakang-tabing. Handa silang magbayad ng mahal upang mapanood lamang ni ang
kinagigiliwan nilang pelikula.

Ayon kay Direktor Joel Lamangan, "Ang pelikula ay isang sining, at ang
kaluluwa ng bayan ay ang sining. Ang bayang walang sining, walang kaluluwa."

Batay sa Wikipedia, ang Pelikula na kilala din bilang sine at pinilakang tabing,
ay isang larangan na sinasakop ang mga gumagalaw na larawan bilang isang anyo ng
sining o bilang bahagi ng industriya ng gumagalaw na larawan ang letratong pelikula
sa kasaysayan, kadalasang tinutukoy ang larangang ito ng akademya bilang ang
pagaaral ng pelikula. Ang mga pelikula ay sining may ilusyong optikal para sa mga
manonood.

Isang anyo ito ng sining, at tanyag na anyo ng mga libangan, at negosyo.


Nililikha ang pelikula sa pamamagitan ng pagrekord ng "totoong" tao at bagay
(kabilang ang inarte na pantasya at mga peke) sa kamera, at/o sa pamamagitan ng
cartoon.

Ang sumusunod na mga Elemento ay dapat isaalang-alang sa pagsusuri ng


pelikula:

1. Kuwento – tumutukoy ito sa istorya o sa mga pangyayari kung saan umiikot


ang pelikula. o Bago o luma ba ang kuwento?
o Nakapupukaw ba ito ng interes?
2. Tema – ito ang paksa ng pelikula. Ito ang diwa, kaisipan at maituturing na
pinakapundasyon sa pagsusuri ng isang pelikula. o Napapanahon ba ang
paksa?
o Akma ba ang tema sa panahon?

Modyul sa Filipino 8
Ikatlong Markahan: Ikalimang Linggo
3

3. Pamagat – ito ang naghahatid ng pinakamensahe nito. Ito rin ang nagsisilbing
panghatak sa pelikula. o Nakatatawag ba ito ng pansin?
o Mayroon ba itong ipinahihiwatig o simbolo?

4. Tauhan – ang mga karakter na gumaganap ng iba’t ibang katauhan sa


pelikula.
o Makatotohanan ba ang mga ito?
o Angkop ba ang kanilang pagganap?

5. Diyalogo – ito ang linyang binabanggit ng mga tauhan sa kuwento.


o Angkop ba sa edad ng target na manonood ng pelikula ang diyalogong
ginamit?
Naisaalang-alang ba ang lengguwaheng ginamit ng mga tauhan sa kuwento?

Tandaan
Matapos mong pag-aralan ang mga dapat isaalang-alang sa pagsusuri ng
pelikula, narito ang mga dapat mong tandaan.

1. Ang pagrerebyu o pagsusuri ng isang pelikula ay isang paraan ng


pagpapahalaga sa sining ng pelikula.
2. Ang pagsusuri ay tumutukoy hindi lamang sa kahinaan at kakulangan kundi
gayundin sa mabubuting bagay na dapat isaalang-alang sa pagpapaganda ng
pelikula.

FILIPINO 8 MGA BAHAGI NA SASAGUTAN


PAUNANG BALIK- GAWAIN 1
PAGSUBOK TANAW
1. 1. 1.
2. 2. 2.
3. 3. 3.
4. 4. 4.
5. 5. 5.
PANGWAKAS NA
PAGSUSULIT
1.
2.
3.
4.
5.

PERFORMANCE TASK 3 POINTS BAWAT


KAHON NG SAGOT (15PTS)

Modyul sa Filipino 8
Ikatlong Markahan: Ikalimang Linggo
4

Pag-alam sa mga Natutuhan (Isulat sa isang buong papel)

Bilang pag-uugnay sa aral na iyong nakuha mula sa ating tinalakay,


magisip ka ng isang pelikula na iyo nang napanood. Gamit ang graphic organizer
sa ibaba, suriin ang napiling pelikula batay sa mga impormasyong dapat tandaan
sa pagsusuri ng isang pelikula.

Mga Pamantayan:

1. Ang pagsusuri ay binubuo ng maayos at magkakaugnay ng mga detalye


2. Naaayon at angkop ito sa nilalaman ng pelikula
3. Ang bawat pamantayan ay may kalakip na puntos batay sa mga sumusunod
3 - Napakahusay
2 - Katamtamang husay
1 - Dapat pang paunlarin

3 - Napakahusay 2 - katamtamang husay 1- dapat pang paunlarin

Modyul sa Filipino 8
Ikatlong Markahan: Ikalimang Linggo

You might also like