napanood na maikling pelikula o kwento. Nasasagot nang wasto ang mga tanong tungkol sa napanood na pelikula o kwento. MGA PAMANTAYAN SA KLASE 1.Maupo ng maayos. 2.Makinig nang mabuti sa guro at sa kaklase na nagsasalita. 3.Maging alerto lagi sa klase. 4.Lumahok sa mga gawain at talakayan sa klase. 5.Iwasan ang sabayang pagsagot. 6.Itaas ang kamay kung gusting sumagot. 7.Hintayin ang sariling pagkakataon. 8.Iwasang pagtawanan ang sinumang nagkakamali sa pagsagot. Balik-aral 1. Ano ang timeline? 2. Ano ano ang mga dapat tandaan sa pagsulat ng timeline na isang kwento o kasaysayan? Paghawan ng Balakid Ibigay ang kahulugan ng salitang may salungguhit. 1. Maganda ang napanood kong pelikula. 2. Maraming artista ang tumutulong sa mga mahihirap na bata. 3. May mga tauhan sa pelikula na ang ganap ay kontrabida. Pagganyak Ano ang nasa larawan? Anong masasabi ninyo sa larawan? Pangganyak na tanong Nakapanood ka na ba ng pelikula? Ano ang dapat tandaan kapag nanonood ng pelikula? Pagsagot sa mga tanong 1. Ano ang pamagat ng pelikulang inyong napanood? 2. Ilan ang mga tauhan sa kwento? Sino-sino ang mga ito? Ibigay ang katangian ng bawat isa. 3. Ilan ang tagpuan na nakita sa kwento? Ilarawan ang mga ito tagpuan. 4. Ano ang pangyayaring naibigan mo sa pelikula? Ipaliwanag kung bakit mo ito naibigan. 5. Alin naman ang hindi mo naibigan? Bakit? 6. Ano ang aral na nais ipahatid ng pelikula? Pangkatang Gawain Panoorin ang mga bata ng pelikula, gawin ang sumusunod na pagsasanay. Pangkat 1- Itala ang pangalan ng bawat tauhan at katangian ng bawat isa Pangkat 2- Ilarawan ang tagpuan ng pelikulang napanood Pangkat 4- Itala ang di kanais-nais na pangyayari sa pelikulang napanood at ipaliwanag kung bakit Pangkat 5 - Itala ang magandang pag- uugaling natutunan sa napanood. Ano ang nararamdaman ninyo habang pinanonood ang pelikula? Bakit ganoon ang naramdaman ninyo? Kung kayo ang batang gamu gamo ano ang gagawin ninyo? Ano ang dapat suriin sa panonood ng pelikula? 1. Makinig nang tahimik upang mapakinggang mabuti ang nilalaman ng kuwento. 2. Tandaan ang mahahalagang pangyayari o detalye. 3. Unawaing mabuti ang nais ipahayag ng pakikinggang kuwento. Gawaing Bahay Manood ng maikling pelikula, ilarawan ang tauhan at tagpuan nito.