You are on page 1of 6

Online Distance Learning Guide for Learners using

Moodle LMS
FEBRUARY 19, 2024 (Week 4)

1. Reminder/Announcement: (Paalala)

Malugod na pagtanggap sa Filipino-Ikalimang Baitang ONLINE DISTANCE


LEARNING ukol sa Paggawa ng isang timeline batay sa nabasang kasaysayan!

HANDA NA BA KAYO?

You may now access What YOU Need to Learn below to start.

2. What You Need to Learn (Ano-ano ang Kailangan Mong Matutuhan?

1.Nalalaman ang mga kasaysayang pangyayari sa ating bansa.

2. Naisasadula ang bahagi ng nabasang kasaysayan

3.Nakagagawa ng isang timeline batay sa nabasang kasaysayan

4. Napahahalagahan ang mga makasaysayang pangyayari

Access "Let's Have a Review" to be energized.

3. Let's Have a Review (Magbalik Aral Tayo)

Embed Learning Resource/video/presentation/H5P

Isulat ang titik A kung ang salitang may salungguhit ay Pang-abay na Pamanahon,

B kung Pang-abay na Panlunan at C kung Pang-abay na Pamaraan.

_____ 1. Maglalagay ako ng duyan sa ilalim ng punong mangga.

_____ 2. Totoong mabagal maglakad ang pagong.

_____ 3. Naliligo ang bata araw-araw.

_____ 4. Pumunta ang tatay sa ilog upang mamingwit ng isda.


_____ 5. Mahusay magtalumpati si Gng.Santos.

Let’s Study and Analyze (Pag-aralan at Suriin Natin Ito)

Basahin at unawaing mabuti ang kasaysayan

Ekspedisyon ni Magellan

Agosto 10, 1519 - Lunes ng umaga nagsimula ng paglalayag mula sa Espanya

Marso 17, 1521- Napadpad sila sa pulo ng Homonhon sa bukana ng golpo ng Leyte,
nagpahinga at nangalap ng mga pagkain. Ipinagpatuloy nila ang paglalayag at nakarating sila
sa Limasawa.

Marso 28, 1521 - Matapos magpahinga at mangalap ng pagkain sa Homonhon si Magellan


at ang kanyang mga tauhan, nagtungo sila sa Limasawa.

Marso 31, 1521-- Sa pamumuno ng paring kasama nila, nagdaos sila ng kauna-unahang misa
sa tabing dagat. Nagtirik sila ng malaking krus sa itaas ng isang gulod na malapit sa dagat.
Nakipagkaibigan sila kina Raha Kulambu at Raha Siagu. Naganap ang isang sanduguan.

Abril 8, 1521 - Kinulang ng pagkain sila Magellan sa Limasawa kaya lumipat sila sa Cebu.
Nakarating sila sa Cebu sa tulong ni Raha Kulambu na mabalitaan ni Magellan na may mas
masaganang pulo. Nakipagkaibigan sila kay Raha Humabon na pinuno ng Cebu at
nakipagsanduguan tanda ng pakikipagkaibigan.

Abril 15, 1521- Nagdaos sila ng misa at nagtirik ng krus. Hinikayat ang mga katutubong
maging Kristyano. May 800 ang nagpabinyag kasama si Raha Humabon at ang kanyang
maybahay na pinangalanang Juana bilang parangal sa ina ng hari na si Reyna Juana.
Binigyan din ni Magellan ang reyna ng imahe ng Sto. Nino.
Mga tanong:

1. Tungkol saan ang kasaysayan? __________________________________

2. Bakit sila napadpad sa pulo ng Homonhon? ________________________

3. Ano ang pagdaraos na kanilang isinagawa sa huling bahayi ng kasaysayan?

____________________________________________________________

4. Paano ang pagkakasulat ng kasaysayan ayon sa pagkakasunod-sunod?

_____________________________________________________________

5. Bilang mag-aaral, paano mo pahahalagahan ang kasaysayan ng ating

bansa? _______________________________________________________

3.Let’s Learn (Alamin Natin)

Mahalaga na nauunawaan ang napakinggan / binasang teksto upang magawang

mapagsunod-sunod ang mga pangyayari o kronolohikal na pagkakasusunod-sunod

ng pangyayari sa kuwento o teksto.


Pagsasanay 1

_____ Linggo, inilaan niya para sa kanyang pamilya at sa pagsisimba.

_____ Lunes, namimili siya ng kanyang mga paninda sa Divisoria.

_____ Huwebes hanggang Sabado muli siyang nagtitinda sa palengke.

_____ Si Aling Larah ay nagtitinda sa palengke.

_____ Miyerkules, nagtutungo siya sa Baclaran para magsimba.

Sa binasang kasaysayan, ang tawag dito ay timeline. Ang timeline ay ang

pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari. Malalaman ito sa pamamagitan ng


paggamit ng mga salitang nauukol sa panahon o sa paglalahad ng petsa.

Ang timeline ay madalas gamitin sa paglalahad ng mga kasaysayan dahil mas

mabilis na nauunawaan ang paglalahad ng pagkakaunod-sunod ng mga pangyayari.

3. Let’s Practice (Subukan Natin Ito)


Pagsasanay 1
Panuto: Gumawa ng timeline ng mahahalagang pangyayaring naganap sa bansa
mula noong 1898-1905. Isulat ang titik ng tamang sagot sa bahagi ng palaso ayon
sa pagkakasunod-sunod. Ang unang bahagi ay ginawa na para sa iyo.

A. Pasinaya ng Unang Republika (Enero 23, 1899)


B. Labanan ng Look ng Maynila (Mayo 1, 1898)
C. Pagpapahayag ng Kasarilnan ng Pilipinas (Hunyo 12, 1898)
D. Pagkabihag kay Emilio Aguinaldo (Enero 22, 1901)
E. Kasunduan sa Paris (Disyembre 10,1898)
Pagsasanay 2
Panuto: Ang mga sumusunod ay mga pangyayaring naganap sa Pilipinas sa
Panahon ng Bagong Republika. Gawin ang timeline. Isulat ang pangyayaring
naganap sa tapat ng kinauukulang bilang. Titik lamang ang isulat.

A. Malagim na pagkamatay ni Ninoy Aquino. Agosto 21, 1983


B. Pinasinayaan ang Ikaapat na Republika. Hunyo 30,1981
C. Biglaang halalang pampanguluhan. Pebrero 07,1986
D. Panunumpa ni Gng. Aquino bilang pangulo. Pebrero 25, 1986
E. Nagdaraos ng plebesito para sa pagpapatibay ng susog sa Konstitusyon ng
1973. Abril 17, 1981
4. Let’s Remember (Tandaan Natin)

Ano ang Timeline?

Ang timeline ay ang

pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari. Malalaman ito sa pamamagitan ng

paggamit ng mga salitang nauukol sa panahon o sa paglalahad ng petsa.

Ang timeline ay madalas gamitin sa paglalahad ng mga kasaysayan dahil mas

mabilis na nauunawaan ang paglalahad ng pagkakaunod-sunod ng mga pangyayari.

Embed Learning Resources

Now, are you ready for the final activity? You can now proceed to the next part. Let's See What
You have Learned

5.Let’s See What You Have Learned (Alamin Natin ang Iyong mga Natutuhan)

Panuto: Punan ang patlang ng tamang sagot. Piliin ang salita sa loob ng kahon.

Isulat sa patlang ang titik ng tamang sagot.

A. pangyayari B. kailan C. panahon D. nagbago E. timeline

Natutuhan ko sa aralin na ang (1) _______ ay tumutukoy sa pagkakasunod-

sunod ng mga pangyayari ayon sa paglipas ng (2) ________. Ipinapakita nito kung

(3) ______ naganap ang mga pangyayari. Mahalaga na malaman din natin ang mga

bagay na (4) _______ sa paglipas ng mga panahon. Inilalahad nito ang tiyak na

petsa ng mga (5) __________ ayon sa kasaysayan


5. Additional Activity (Iba pang Gawain)

Panuto: Gumawa ng timeline batay sa mga datos na nakatala. Isulat ang inyong

sagot sa loob ng kahon. Titik lamang ang isulat.

Pakikidigma sa mga Muslim

Narito ang ilang mga Muslim ng Mindanao na namuno sa pagtatanggol ng

kanilang kalayaan at relihiyong Islam laban sa mga mananakop ng Espanyol.

A. Sultan Kudarat ng Maguindanao- ang tinaguriang pinakamagiting na

mandirigma ng Mindanao,ipinagtanggol ang Lamitan laban sa Espanyol

noong 1619 hanggang 1671.

B. Sultan Muwallil Wasit – ipinagtanggol ang Jolo laban sa Espanyol noong

1631.

C. Datu Dimasankay – ipinagtanggol ang Maguindanao laban sa mananakop na

Espanyol noong 1579.

D. Datu Malinug – namuno sa pagtatanggol ng Maguindanao laban sa pag-atake

ng mga Espanyol noong 1734.

E. Rajah Sirongan, Rajah of Buayan – namuno sa pagtatanggol ng Buayan ,

Cotabato noong 1596.

You might also like