You are on page 1of 7

PATNUBAY NG GURO SA FILIPINO 5

ISINULAT NI: MARY JOEY B. NOYA


ORMOC CITY CENTRAL SCHOOL
ORMOC CITY DISTRICT 1
ORMOC CITY DIVISION

Unang Markahan

Ikalawang Linggo (Ikalimang Araw)

I. Layunin : Nasasagot ang mga tanong tungkol sa pinanood.

F5PD-Ib-10

Pagpapahalaga: Naipamalas ang paggalang sa ideya, damdamin at kultura ng

may akda ng tekstong napanood, napakinggan o nabasa.

II. Paksang Aralin

Paksa: Panonood

Sanggunian: CG F5PD-Ib-10, “Alamat ng Pinya” (Official)- You Tube,

https://www.youtube/watch?v=nVHKuZ7HEK, video clip ng “Alamat ng

Sampalok” (You Tube)

Kagamitan: TV,DVD, larawan

III. Yugto ng Pagkatuto

1. Pagganyak

Itanong: Ano ang paborito mong palabas sa telebisyon?

Bakit mo ito paborito?

Ano ang napanood mong pelikula?

(Tumawag ng ilang mag-aaral upang magpahagi ng kanilang sagot)


2. Pagtiyak sa Layunin sa Panonood

Ipaskil sa pisara ang pamagat ng pelikulang panonoorin.

(www.webcrawler.com)

(www.webcrawler.com)
Pag-usapan ang larawan.

Itanong:

 Ano ang pamagat ng pelikula?

 Ano ang mga nasa larawan?

 Ano ang ipinahihiwatig nito?

 Ano ano ang hula ninyong mangyayari sa kwento?

 Ano ano ang tanong na nais ninyong masagot ng pelikulang

panonoorin?

Ipagamit ang prediction chart.

Tanong Hulang Kasagutan Tunay na Sagot

Sabihin sa mga mag-aaral na sagutan ang tsart habang pinanonod ang

inihandang pelikula.

Panonood ng pelikula. (Gabayan ang mga bata sa paggawa ng tanong).


3. Gawin Natin

Itanong:

 Sino sino ang gumanap sa pelikula?

 Paano inumpisahan ang pelikula?

 Anong bahagi ng pelikula ang nagustuhan mo?

 Bakit?

 Anong bahagi ng pelikula ang nakaantig ng damdamin mo?

 Sa kabuuan, nagustuhan mo ba ang pelikula?

 Bakit?

 Nagustuhan mo ba ang wakas ng pelikula?

 Bakit?

 Ano ang naging suliranin sa pelikula?

Magkaroon ng talakayan batay sa sagot ng mga bata.

Itanong: Paano mo maipapakita ang paggalang sa ideya o damdamin ng

may akda ng inyong napanood na pelikula?


4. Gawin Ninyo

Humanap ng apat na kaklase at pag-usapan ang natapos na prediction chart.

5. Gawin Mo

Sabihin: Sagutin ang mga tanong sa pamamagitan ng pagsulat ng tatlong

pangungusap.

 Irerekomenda mo ba itong panonoorin ng ibang bata? Bakit?

6. Pagsasapuso

Palagyan ng rating ang napanood na pelikula.

(Limang bituin bilang pinakamataas at isang bituin bilang pinakamababa).

7. Paglalahat

 Ano ang natutuhan mo sa kuwento?

 Paano mo nasasagot ang mga tanong sa pinanonood?

 Anong mabuting aral ang natutunan mo sa panonood ng “ALAMAT NG

PINYA”.

8. Paglalapat

Ilarawan o iguhit ang mga tauhan sa “Alamat ng Pinya”.


IV. Pagtataya

Panoorin ang video clip ng “Alamat ng Sampalok,” at sagutin ang mga sumusunod na

tanong sa inyong sagutang papel.

1) Sino sino ang tatlong prinsipe?

2) Sino ang kanilang sinaktan at sinampal?

3) Paano naging sampalok ang magkakaibigan?

4) Saan galing ang salitang sampalok?

5) Anong magandang aral ang napulot natin sa maikling kuwentong napanood?

V. Takdang Aralin

Sa isang bond paper, iguhit ang sampalok at lagyan ng kulay.

Prepared by:
MARY JOEY B. NOYA

You might also like