You are on page 1of 3

Republika ng Pilipinas

CENTRAL LUZON STATE UNIVERSITY


Lungsod Agham ng Munoz, Nueva Ecija

FILSOS 1115 – SINESOSYEDAD/PELIKULANG PANLIPUNAN

PAANO HININTAY ANG DAPITHAPON:


Isang Pagsusuri
( https://www.youtube.com/watch?v=DCfPCAr2Xt4)

ni

PANGALAN
SEKSYON

Ipinasa kay:

PROP. JOMER A. TANGONAN


Departamento ng Filipino
Kolehiyo ng mga Sining at Agham Panlipunan
Central Luzon State University

OKTUBRE 2022
I. PAMAGAT (10 puntos)
Bakit ito ang pamagat? (Sumipi ng isang pahayag buhat sa pelikula na magpapatunay na
karapat-dapat itong maging pamagat.) Ipaliwanag.

II. AWTOR (5 puntos)


Kuhanin ang talambuhay ng awtor/direktor. (Gawing pasalaysay o paglalahad ang paraan
ng pagpapahayag.)

III. SINOPSIS (10 puntos)


Gawing maikli ngunit komprehensibo ang buod. Kung nahahati sa iba’t ibang tagpo/bahagi
ay gawing isang talataan ang bawat tagpo/bahagi.

IV. PAGSUSURI
A. Sariling Reaksyon
1. Mga Pansin at Puna sa:
a. Mga Tauhan (5 puntos)
Suriin at ilarawan kung anong katangian ang taglay ng tauhan o kung anong uri ng
pagkatao ang taglay nito.

b. Tema o paksa (5 puntos)


Tungkol saan ang pelikula? Ito ba’y makabuluhan, napapanahon, makatotohanan at
mag-aangat o tutugon sa sensibilidad ng manonood. Ipaliwanag nang mabuti at
komprehensibo.

c. Mga isyung tinalakay (15 puntos)


Ano-anong mga isyung panlipunan ang natalakay sa pelikula? (Hal. kahirapan,
kawalan ng hustisya, pagkabaliw sa pag-ibig, pagpapaasa, etc.) Patunayan ito gamit
ang akda. Sumipi sa mismong teksto. Ipaliwanag.

d. Personal na pagpuna sa kalakasan at kahinaan ng binasa (5 puntos)


Ano ang mga napuna o nakita mong kalakasan ng pelikula? Bakit mo ito nasabi? Ano
naman ang kahinaan ng pelikula? Paano mo ito mapalalakas?

e. Kabisaan ng akda (5 puntos)


Angkop ba ang pelikula upang masolusyunan ang mga isyung panlipunan na
nakabatay sa realidad? Makatutulong ba ito upang maging bukas at malawak ang
isipan ng mga manonood kaugnay ng isyung tinalakay?Ipaliwanag.

2. Bisang Pampanitikan
a. Bisa sa Isip (10 puntos)
Anong napagtanto mo matapos mong mapanood ang pelikula? Anong bahagi ng
pelikula ang pumukaw ng iyong interes at nakapagpabago sa iyong pananaw?

b. Bisa sa Damdamin (10 puntos)


Anong bahagi ng pelikula ang pumukaw sa iyong damdamin o nagbigay ng kurot sa
iyo bilang manonood? Ano ang posible mong maramdaman habang pinapanood ang
pelikula? Anong bahagi nito ang nakaantig sa iyong damdamin?

c. Bisa sa Kaasalan (10 puntos)


Anong bahagi ng akda ang nagpapakita ng positibo at mga negatibong kaasalan na
posibleng makita sa pelikula? Ano ang posibleng makapagpabago sa gawi ng isang
tao batay rito? Ano ang naging epekto nito sa etikal na aspeto?
3. Paglalapat ng mga Teoryang Pampanitikan (10 puntos)
Sa paglalapat ng teoryang pampanitikan, pumili lamang ng isang teorya na sa tingin mo
ay angkop gamitin sa iyong napanood (malaya kang mamili ng alinman sa mga teoryang
napag-aralan). Ipaliwanag kung bakit ito ang teoryang ginamit mo at anong katangiang
taglay ng teoryang iyong napili na naaangkop sa napanood. Patotohanan ang iyong
sagot sa pamamagitan ng 10 patotoo mula sa pelikulang napanood. Isulat ang bahaging
nagpapatotoo sa iyong teorya.

FORMAT
 Arial –Font Style (Maliban sa front page)
 12 – Font Size (Maliban sa front page)
 1.5 – Spacing
 1.5 Left at 1 sa iba pang sides
 I-justify ang teksto
 Size: Short Bond Paper (8.5x11)

IBA PANG PAALALA:


1. Isang pelikula lamang ang susuriin Tiyaking sariling pagsusuri ang ipapasa upang makapasa.
Ang magpapasa ng awtput na mapatutunayang kinopya ay HINDI BIBIGYAN NG PUNTOS..
2. Ang ipapasang gawain ay kailangang naka-PDF format o Image format.
3. Sundin lamang ang mga sumusunod para sa file name: APELYIDO_PANGALAN_SEKSYON

You might also like