You are on page 1of 8

FIL 02: PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA

PANANALIKSIK
SURING PELIKULA

Mga Layunin:
1. Malinang ang maugnaying pag-iisip sa pamamagitan ng pagsusuri ng pelikula
2. Magamit ang wikang Filipino sa pagbuo ng suring pelikula
3. Mapahusay ang kasanayang panggramatika sa pamamagitan ng pagsulat ng suring
pelikula
4. Makasulat ng makabuluhang pagtalakay ng pelikula sa pamamagitan ng pagsulat ng
rebyu
5. Makapagsuri ng pelikula

Rebyung Pampelikula

I. Pamagat

Metro Manila

II. Taon

2013

III. Genre

Dula (Drama)/ Krimen (Thriller)

IV. Direktor

Sean Ellis

V. Mga Artistang Nagsiganap:

Althea Vega Jake Macapagal John Arcilla Ana Abad-Santos

Moises Magisa JM Rodriguez Erin Palilio Miles Canapi

Reuben Uy Miguel Leon Quark Henares James Lomahan

VI. Banghay

Tauhan: Sinu-sino ang mga tauhan at ano ang kanilang katayuan sa buhay? Ano
ang kanilang ambag sa naratibo ng pelikula?
 Mai Ramirez (Althea Vega) – Siya ay isang mahirap na babaeng
magsasaka. Bida sa kwento, siya ay maybahay ni Oscar na napilitang
pumasok bilang pokpok o babaeng sumsayaw sa plaataporma sa isang bar sa
Maynila dala ng kahirapan ng kanyang pamilya.

 Oscar Ramirez (Jake Macapagal) – Bida sa kwento, siya ay isang dating


nagtatrabaho sa isang pabrika ng seda na naging magsasaka sa Banaue at
asawa ni Mai na naging isang gwardiya at drayber ng ‘Manilla Armored
Courier’. Dahil sa kagustuhang maprotektahan ang pamilya, nakagawa siya
ng isang maling bagay na nagresulta sa kanyang kamatayan.

 Douglas Ong (John Arcilla) – Isang dating pulis na may kaya sa buhay at
kabit. Siya ang naging daan ni Oscar upang makapasok sa trabaho bilang
drayber ngunit naging isang daan din upang magsimula ang masmalalalang
problema ni Oscar. Si Ong ay nakapagnakaw ng isang kahong naglalaman
ng maraming pera sa isang holdap at mabubuksan lamang ito sa tulong ni
Oscar.

 Dora Ong (Ana Abad-Santos) – Siya ang asawa ni Ong at may kagustuhang
makuha ang nilalaman ng kahong ninakaw ng kanyang asawa.

 Buddha (Moises Magisa) – Siya ang ‘big boss’ ng pinagtatrababuhan nina


Oscar at Ong na mahilig makinig sa mga biro o patawa kaya’t tinatawag din
siyang ‘laughing buddha’.

 Alfred Santos (JM Rodriguez) – Siya ay isang dating nagtatrabaho sa


pabrika ng seda ng kanyang tatay na pinatay ng kanilang kalaban sa
negosyo kaya ito ay nalugi at nagkabaon-baon sa utang. Siya ay isang
pasahero sa eroplano na sa kadesperaduhan dahil sa kahirapan ng kanyang
pamilya ay nangholdap at inutusan ang mga istuward ng eroplano na kunin
ang lahat ng pera ng mga pasaherong kasama niya. Ang istorya ni Alfred ang
naging halimbawa ni Oscar upang magkaroon ng pangarap hindi ayon sa
panaginip pero ayon sa katotohanang wala nang ibang paraan.

 Angel Ramirez (Erin Palilio) – Siya ang panganay na anak nina Oscar at
Mai.

 Charlie (Miles Canapi) – Siya ay nagmamay-ari ng isang go-go bar kung


saan maraming sumasayaw na babae at kung saan nagtrabaho si Mai.

 J.J. (Reuben Uy) – Siya ang naging kasama ni Oscar sa huling araw ng
kanyang pagtatrabaho at ang naging kartero ng balita ng kamatayan ni
Oscar at mga naiwan niya sa kanyang nabyudang maybahay na si Mai.

 White Eye (Miguel Leon) – Siya ay isang holdaper na pumatay kay Ong at
sa dating kapareha nito sa trabaho.
Tagpuan: Saan naganap ang mga pangyayari?

 Sa Maynila naganap ang mga pangyayari.

Suliranin o Tunggalian: Ano ang mga kinaharap na problema ng mga tauhan sa


pelikula?

 Pamilyang Ramirez – Naranasan nila ang kahirapan sa Banaue na walang


makain, maaning bigas, at kakulangan sa pera. Sa kanilang paglalakbay
patungong Maynila, nasira ang kanilang sinasakyang dyip at kailangan
itong ayusin ng drayber. Nahirapan sila sa paghahanap nila ng matitirhan
sa Maynila at sila ay naloko pa ng taga-renta dahil pagmamay-ari ng
gobyerno ang gusaling iyon. Ang problemang kailangan nilang takasan ang
gulong pinasok nila sa kamay ni Ong dahil na rin sa kahong ninakaw nito.

 Mai Ramirez – Ang problemang walang makain at maitustos sa


pangangailangan ng pamilya kaya’t pumasok sa bar kahit pa ayaw niya itong
gawin. Kailangan niya ring harapin ang katotohanang namatay ang kanyang
asawa at wala nang makakatulong pa upang makaraos ang kanilang pamilya
kung hindi siya na lamang.

 Oscar Ramirez – Naranasan niya ang kahirapan sa Banaue bilang isang


trabahador na walang maitulong sa mga may-ari ng pabrika ng seda at
bilang isang magsasaka na walang maani at pambili ng mga binhi. Sa
Maynila, nahirapan siyang maghanap ng trabaho at inakala pang ang una
niyang pinasukan ay magpapasweldo ng pera at hindi pagkain. Inakala niya
ring hinoldap sila ni Ong pero planado pala ito. Naipit siya sa mga plano ni
Ong. Hinarap niya rin ang kapalaran na maging isang kartero upang
magbalita ng kamatayan ng kanyang kasama sa kanyang asawa kahit pa
mahirap ito. At pang huli, ang pagiging desperado niya upang mailigtas ang
pamilya sa pamamagitan ng pagnakaw ng susi na uuwi sa kanyang
kamatayan.

 Douglas Ong – Ang mga problemang hinarap niya ay ang kamatayan ng


kanyang dating kasama kaya siya naging kartero, ang pagtatago ng lihim
niyang may kabit siya, at ang pagpaplano niyang pagnanakaw ng susi upang
mabuksan ang kahon na naglalaman ng napakalaking halaga ng pera ngunit
hindi natuloy dahil siya ay namatay.

 Dora Ong – Siya ay namatayan ng asawa at namroblema dahil hindi niya


alam kung nasaan ang kahong pinakatatago ng kanyang asawa.

 Buddha – Dahil siya ang ‘big boss’, kinailangan niyang lutasin at


pangunahan ang mga problemang ikinahaharap nila tulad ng pagnakawan
sila o kaya ay pagholdapan sila o ang kanyang mga empleyado.

 Alfred Santos – Naranasan niyang mawalan ng ama at ang araw-araw na


Makita ang pumatay dito. Siya ay naging desperado dahil gusto niyang
umahon sa kahirapan.
 Angel Ramirez – Siya ay nagutom at sumakit ang kanyang ngipin.

 Charlie – Siya ay namroblema sa pagtanggap kay Mai dahil may anak ito at
buntis.

 J.J. – Kinailangan niyang maging kartero ng balita tungkol sa kamatayan ni


Oscar at mga naiwan niya sa kanyang pamilya.

 Mga Pasahero ng Eroplano kabilang ang piloto at mga istuward nito


– Naranasan nila ang problemang ginawa ni Alfred na magkaroon ng holdap
habang nakasakay sa eroplano. Kasama nito ang takot na barilin sila nito at
ikamatay nila ang pagbagsak ng eroplano.

Diyalogo: Gaano kaepektibo ang gamit ng wika sa pananalita ng mga tauhan?

 Naging epektibo ang pananalitang kanilang ginamit dahil ito ang


pambansang wika ng Pilipinas o ang Filipino lalo na kung mga
Pilipino ang manunuod ng pelikula.

VII. Pagsusuri

1. Ano ang buod ng kuwento?

Sa paghahanap ng magandang kinabukasan sa Maynila, ang


pamilyang Ramirez ay iniwan ang pagsasaka sa Banaue dahil sila ay
nalugi. Sa Maynila, sila ay naloko kaya ang maliit na halaga nang perang
hawak nila ay nawala at dinala sila sa estero.

Nakahanap si Oscar ng trabaho bilang drayber ng nakabaluting


sasakyan sa tulong ni Ong. Si Mai naman ay nagtrabaho bilang babaeng
mananayaw sa isang bar.

Pero may iba pa palang sikretong rason si Ong sa pagkuha at


pagtulong kay Oscar upang makahanap ng trabaho. Naipit si Oscar sa
mga plano ni Ong sa pagnanakaw ng susi sa kanilang pinagtatrabahuhan
upang mabuksan ang kahong ninakaw dati ng Ong na nagresulta sa
kamatayan ni Ong at hindi kalaunan ni Oscar.

Nagtagumpay si Oscar sa kanyang plano para magkaroon ang


kanyang pamilya ng kopya ng susi at mabuksan ang kahong hawak nila
na naglalaman ng malaking halaga ng pera.

2. I-ugnay ang kuwento ng pelikula sa ating kasalukuyang ginagalawang lipunan.

Ang kwento ay makatotohanan lalo na sa panahon natin ngayong


talamak ang kahirapan pati narin ang krimen. Dito sa Pilipinas,
maraming mga mahihirap ang umaasang magkakaroon ng magandang
kinabukasan sa Maynila dahil maraming trabaho ang maaaring pasukan
pero hindi iyon ganon kadali, Makikita ito sa kwento ng pelikula. Dala
narin ng kahirapan, maraming tao ang nagiging desperado kaya
nakakagawa sila ng krimen pati narin sa kagustuhang masgumanda ang
estado ng kanilang buhay.

3. Ano ang iyong reaksyon sa pelikulang iyong napanood?

Sa pagsisimula ng pelikula hanggang sa matapos ito ay naiwan ang


aking mga matang nakatutok dito. Ako ay napapaisip kung ano ang
mangyayari sa pamilyang Ramirez, kung sila ba ay makakaahon sa hirap
o kaya ay maiiwan na lang na nakalugmok dito. Talagang naging
interesado ako kung ano ang mga mangyayari. Noong natapos ko na ang
pelikula, ako ay nalungkot dahil sa katotohanang ipinahayag sa kwento.
Ang katotohanang nangyayari ang kahirapan at krimen sa ating lipunan
at sa mundong ating ginagalawan.

4. Ano ang pinakatumatak sa iyong isipan sa napanood na pelikula?

Kailangang mag-aral ng mabuti upang hindi matulad sa mga taong


nasa kwento. Ang mga taong ito ay naghirap dahil narin sa kakulangan
ng edukasyon at kaalaman na maraming mga bagay ang maaaring gawin
upang maiahon ang sarili at pamilya sa kahirapan, at matutong
makuntento kung maganda na ang estado ng buhay. Hindi masama ang
mangarap pero maaaring maging masama ang mga hakbang na gagawin
upang makuha ang pangarap na inaasam-asam.

Lagyan ng tsek ang hanay ayon sa ginawang pagsusuri. Magbigay ng sapat na patunay
para sa ibinigay na puntos.

PAMANTAYAN 4 3 2 1 PATUNAY
NAPAKAHUSAY MAHUSAY MAHUSAY- NANGANGAILANGAN
HUSAY NG PAG-UNLAD
1. Ang pelikula Ang pelikula ay
ay bunga ng ibinatay sa mga
matiyagang totoong
pananaliksik. pangyayari sa
Maynila kaya
naman masasabi
kong
napakahusay
ang matiyagang
pananaliksik na
ginawa upang
mabuo ang
kwentong
napapaloob dito.
2. Ang Orihinal ang
screenplay ay pelikula at ang
orihinal. mga naganap sa
kwento nito.
Hindi makikita
ang screenplay
sa ibang pelikula
at hindi ito
basta-basta
kinopya na
lamang.
3. Ang mga Angkop ang mga
artista ay artistang
angkop sa gumanap sa
kanilang papel bawat karakter
na ginampanan. nila. Makikita
ang
kinakailangang
karakter na
kanilang
ginagampanan
kaya naging
masnakakaantig
sa damdamin
ang pelikula.
4. Kapani- Kapanipaniwala
paniwala ang ang mga tauhan
mga tauhan. dahil nangyayari
ang kanilang
mga katauhan o
ang kanilang
mga sinisimbulo
sa reyalidad o
totoong buhay.
5. Ang tagpuan Sa Maynila ang
ay kapani- naging tagpuan
paniwala. ng pelikula kaya
naging kapani-
paniwala ito
dahil ang mga
pangyayari sa
pelikula o
kwento ay
nangyayari
talaga sa
Maynila at hindi
nab ago doon.
6. Ang mga Ang mga
kasuotan at kasuotan tulad
mga ng mga
kagamitang maruruming
ginamit ay damit at mga
angkop sa kagamitan ay
tagpuan. angkop sa
tagpuan na
Maynila. Para
akong nanunuod
ng totoong buhay
ng pamilyang
Ramirez.
7. Ang tema ng Kitang kita na
pelikula ay ang pelikula ay
lantad. tungkol sa dula
ng isang pamilya
at mga krimen
na nababalot sa
kanilang
paglalakbay s
Maynila upang
makaahon sa
hirap.
8. Angkop ang Ang musikang
musikang ginamit ay
ginamit. naglalahad at
nagbibigay ng
angkop na
damdamin sa
mga manunuod
na akmang
akma sa mga
pangyayari sa
pelikula.
9. Epektibo ang Epektibo ang
sinematograpiya sinematograpiya
ng pelikula dahil
naipakita ng
pelikula ang
pagbukang
liwayway ng
araw pati narin
ang paggabi pati
narin ang
kasiyahan,
kalungkutan o
takot sa liwnag o
dilim na
pinapakita ng
sinematograpiya.
Ang paggalaw ng
kamera ay
nagpapakita ng
mga
importanteng
detalye na dapat
tutukan sa
pelikula.
10. Maayos Maayos ang
na nagamit paggamit sa
ang kamera. kamera kaya
naman nagbigay
ito ng malinaw
na mga detalye
sa pelikula para
sa mga
manunuod.

You might also like