You are on page 1of 2

Iwag, Niña Shanen Y.

ASBIO1A Ika-29 ng Abril, 2019

METRO MANILA ni SEAN ELLIS

1. Paano ipinakilala ang karakter?

Ipinakilala ang karakter sa pamamagitan ng pagpapakita na kahit ano man ang kanyang
kalagayan sa buhay, pinagpapala pa rin ang may mabuting puso at ang ginagawa ng isang
desperadong tao sa isang desperadong sitwasyon ay ang kumapit sa patalim.

Si Oscar “Oka” Ramirez ay isang butihing ama sa dalawang anak at kabiyak sa kanyang
misis na si Mai. Siya ay nagtrabaho noon sa Philippine Army at tumigil pagkatapos ng isang tour.
Pagkatapos niyang naging sundalo ay nagtrabaho siya sa isang pagawaan ng tela na kung saan ay
pinatay ang may-ari ng hinding nakilalang tao at kalaunan ay naging isang magsasaka sa kanilang
lugar sa probinsya ng Banaue.

Dahil hindi kuntento sa kanilang pamumuhay sa probinsya, lumuwas siya ng Maynila


kasama ang pamilya sa hangad na magiging maganda ang kalagayan ng kanyang buhay. Pahirapan
man ang paghahanap ng trabaho, nakapasok siya bilang drayber ng isang armoured truck sa
Manila Armoured Transport na isang kumpanyang naghahatid ng mga mahahalagang bagay gaya
ng pera habang si Mai ay nakapasok bilang Guest Relation Officer (GRO) sa isang bar.

Naging inspirasyon niya ang kwento ni Alfred Santos, anak ng may-ari ng pagawaan na
nanghijack ng isang eroplano matapos mapasara ang kanilang pagawaan na ipinakitang na ang
ginagawa ng isang desperadong tao sa isang desperadong sitwasyon ay ang kumapit sa patalim.

2. Paano inilarawan ang Maynila?

Inilarawan ang Maynila bilang isang lugar na makahanap ng maraming oportunidad ngunit
masalimuot na pinaglagakan ng iba’t ibang uri ng tao sa lipunan. Ibang-iba sa kung anumang
sitwasyon ang mayroon sa isang probinsya– hindi payak, maraming kakumpitensya at
masasamang loob. Mahirap mang makipagsapalaran sa Maynila, sa kahuli-hulihan, nandoon pa
rin ang pag-asang makaahon sa buhay.

Sa pelikula, ipinakitang hindi naging madali ang pamumuhay nina Oscar at Mai sa
Maynila. Naloko sila sa paghahanap ng isang tirahan na ikinabagsak nila sa Tondo. Hindi rin
naging madali ang paghahanap ng trabaho ni Oscar dahil marami naghahanap ng oportunidad gaya
ni Oscar sa Maynila. Hanggang sa nakapasok siya bilang drayber at nakilala ang partner niyang
si Ong na siyang nagturo sa kanya ng mga pasikot-sikot sa Maynila at sa kanyang trabaho. Sa
paghahanap ng trabaho ng kanyang misis, nakapasok siya sa isang bar na talamak ang prostitusyon.

3. Paano siya nagdesisyon at bakit iyon ginawa ng pangunahing tauhan?

Dahil kinsenas o kada ika-labinlima na araw ang pagbibigay ng sweldo, hindi agad-agad
na nakakuha ng pera si Oscar, pumasok si Mai bilang GRO. Kaya naman tinulungan siya ni Ong
na makahanap ng disenteng tirahan. Dahil kapag nalaman ng kanilang boss na nakatira siya sa
Tondo ay isisibak siya sa kanyang trabaho. Sa kadahilanang ang Tondo ay pugad ng mga
magnanakaw at pwede siyang gawing daan upang makapagnakaw ng pera sa kanilang kumpanya
kapalit ng buhay ng kanyang pamilya.

Lingid sa kanyang kaalaman ay tinulungan siya ni Ong upang mapilit siyang mapasama sa
kanyang planong pagnakaw ng susi sa isa sa mga lalagyan ng pera na napuslit ni Ong nang
tinangkang nakawan si Ong na nagdulot ng pagkamatay ng kanyang kasama na itinago ni Ong sa
apartment na kanyang binigay kay Oscar.
Dumating na ang araw ng pagsasagawa ng kanilang plano. Nakipagsabwatan na si Ong sa
mga “holdaper” ng mga perang ihahatid nila sa bangko. Ngunit may isang tao na sumulpot na
akala niya ay kasama ng mga ito. Pinatay nito si Ong at tinangay ang isang container ng pera na
ihahatid ni Ong sa kangyang kasabwatan. Dahil sa nangyari, dinala si Oscar sa Processing Center
na kung saan isinasagawa ang debriefing sa mga drayber na nakawan ng pera sa gitna ng kanilang
trabaho at sinuspende ang pagbibigay sa kanyang sweldo na ibibigay na sana sa susunod na
dalawang araw mula ng nangyari ang insidente.

Kaya naman nawalan ng pag-asa si Oscar na makatatanggap pa ng pera upang pambili na


pagkain para sa kanyang pamilya. At gamit ang kwento ng kanyang inspirasyon na si Alfred Torres
at sa pagkadawit ng kanyang asawa sa prostitusyon upang may pangkain sa araw-araw, nagsagawa
siya ng plano upang makuha ang susi upang mabuksan ang container ng pera.

Sa tangkang pagpuslit ng susi ay nahuli si Oscar na naging dahilan ng kanyang


pagkamatay. Ngunit ipinakita sa kahuli-hulihan na nakuha niya ang imprint ng susi na nakapaloob
sa kuwintas na ibinigay sa kanyang misis. At gamit ang liham, napag-alaman ni Mai ang plano ni
Oscar upang makaalis Maynila na nagdulot ng pagsira sa kanilang mga pangarap at ipinagawa ang
susi gamit ang imprint na nakuha ni Oscar. Dala ang kanyang mga anak, ginamit ni Mai ang perang
pinaghirapan ni Oscar upang umalis sa Metro Manila.

You might also like