You are on page 1of 2

Pangalan: Bai Shieka Camsa Baitang at Pangkat: 12- Evolution

METRO MANILA (2013)

Sa panunulat at Direksyon ni Sean Ellis

Sinopsis

Si Oscar Ramirez at ang kanyang asawa na si Mai ay pawang mga magsasaka na


nakatira sa probinsya ng Banaue. Sila ay may dalawang anak na sina Angel at Baby.
Dahil sa kasalatan ay napagpasyahan nilang lumuwas ng probinsya at dumako ng
Maynila upang maghanap ng hanapbuhay. Kung saan inaasahan nilang Maynila ang
magdudulot ng kaginhawaan sakanilang maalat na buhay. Ngunit nang makatapak sa
kanilang tinitingalang lugar ay naloko sila, dahil sa panlilinlang ng isang di kilalang
lalake naubos ang kanilang natatanging perang dala. Dahil dito, sila ay nagpalaboy-
laboy sa isang madilim, marumi, at mapanganib na kalsada habang patuloy na
naghahanap ng trabaho at matutuluyan. Sa mabuting palad ay nakakita sila ng kanilang
matutuluyan sa isang bakante na bahay sa Tondo. Subalit dahil sa kawalan ng pera at
pagkain, ang mag asawa ay napilitang pumasok sa isang delikadong trabaho kung
saan sinambit ni Mai “alam mo, minsan kailangan din nating kumapit sa patalim para
mabuhay”.

Si Mai ay pumasok sa prostitusyon sa tulong ni Charlie sa isang nightclub sa Makati, at


dito nya nalaman na buntis pala siya sa ikatatlong anak nila ni Oscar. Samantalang si
Oscar ay nakapasok bilang isang courier driver ng isang armoured van company, at dito
nya nakilala si Ong na kasama niya sa trabaho. Si Ong ang tumulong kay Oscar upang
makapasok sa trabaho at magkaroon ng mas maayos na matutuluyan ang kaniyang
pamilya. Ngunit, di inaasahan ni Oscar na ang lahat ng tulong ni Ong ay may kapalit.
Isinama siya ni Ong sa kanyang planong pagnanakaw o paggawa ng imprenta ng susi
ng isang kahon ng pera at bina-blackmail nya ito nang di siya sumangayon, walang
nagawa si Oscar kundi sumunod. Sa araw ng pagnanakaw ay nakaharap ni Ong ang
kaniyang dating kalaban kung saan siya ay binaril at natamay. Dahil nasa bahay na
ibinigay ni Ong ang kahon ng pera, ay naisip ni Oscar na isagawa parin ang planong
pagimprenta ng susi nito kahit na alam niyang delikado ito. Sa kasamaang palad ay
namatay si Oscar habang isinasagawa ang plano, ngunit dahil alam na ni Oscar ang
mangyayari sa kanya ay pinaghandaan nya pala ito bago sya mamatay. Nagnakaw siya
ng isang locket sa isang tindahan at linagyan ito ng putik, kung saan dito nya inimprenta
ang susi ng kahon, dahil alam niyang maibabalik kay Mai ang kaniyang mga gamit.
Pagkatapos ay sumulat siya ng isang sulat para kay Mai na naglalaman ng kanyang
huling salita at tagubilin kung ano ang gagawin ni Mai kapag makuha na niya ang laman
ng kahon. Nang makuha ni Mai ang replika ng susi ay lumuwas sila Mai, Angel, at Baby
sa lungsod dala-dala ang limpak limpak na pera at umuwi sa probinsya upang lumayo
at magpatuloy sa kanilang buhay.

You might also like