You are on page 1of 20

Suring

Pelikula
Sa Filipino
Miyembro:
Christal Clarish S. Dayoc
Rhea Liza G. Muyano
Arnel Aron B. Moral

Gng. Macaria L. Perdiguerra


Guro sa Filipino
I. Pamagat

Ang Pulubi At Ang Prinsesa (1997)

May akda:
Mari Mariano

Si Mari L. Mariano ay isa sa mga haligi ng industriya ng pelikula. Siya ay isang


manunulat at nakapagsulat ng ibat ibang pelikula (Cedie 1996, Paano ang puso ko 1997, Flames
the movie, Dahil mahal na mahal na kita, Kay tagal kitang hinintay 1998, Tunay na tunay: Gets
mo? Gets ko! 2000).

Siya rin ang sumulat ng Kokey noong 1997 kung saan ito ay sumikat at nasundan ng
iba’t ibang shows ( Kokey 2007). Bukod dito siya rin ang sumulat ng Ang Pulubi at Ang
Prinsesa na pinagbidahan ni Angelica Panganiban at Camille Prats.

Genre: comedy, drama

II. Buod

Si Rosalie ay isang batang nangungulila sa kanyang ina. Ninais niyang sumama sa Maynila
upang magbaka sakaling mahanap ang nawawalang ina ngunit sa kasamaang palad napunta siya
sa masamang kamay ng sindikato. Dito niya nakilala ang mayaman at maarteng si Nikka na
kinidnap ng mga sindikato na siyang dumukot rin sa kanya. Dahil sa kabutihang loob ni Rosalie,
niligtas niya ito. Ngunit nagdulot ito ng kapahamakan ng nabaril siya ng isa sa mga humabol sa
kanila. Bilang pasasalamat sa katapangang ipinakita ni Rosalie, kinupkop siya mga magulang ni
Nikka. Imbes na magpasalamat si Nikka sa pagligtas sa kaniya pinakitunguhan niya ng masama.
Dahil sa pagtataboy ni Nikka kay Rosalie, napilitan siyang umalis at bumalik sa mga batang
kalye na siyang naging kasama niya noong dinukot siya.

Bumalik sa normal ang buhay ni Nikka hanggang sa nagpakasal ang kanyang ina sa bago nitong
kinakasama, dahil sa kanyang pagseselos sinira niya ang kasal na nagdulot ng pagkagalit
kanyang ina sa kanya. Ang kaganapan iyon ay humantong sa paglayas ni Nikka sa kanilang
tahanan, nagbabakasakali na makuha ang atensyon na ninanais niya kung sakaling siya'y umalis.

Pinuntahan niya ang tirahan ng taong tinaboy niya, ang tirahan ni Rosalie. Ninais niyang tumira
doon dahil alam niyang napakabuti ni Rosalie at alam niya rin na mahal siya nito. Imbes na
kaawaan siya ni Rosalie ginawa itong katulong at pinagawa ng ibat ibang gawain na sa tingin ng
ibay para lamang sa matatanda at mamalakas. Nais ni Rosalie na mapabago ang ugali ni Nikka
ang pagalila at pagpapahirap nito sa kaibigan ay isang paraan upang malaman ni Nikka ang
pagpapahirap kay Rosalie noon at makita na mali ang kanyang ginawa.

Nagbunga ang plano ni Rosalie sa kaibigan kitang kita na nga ang pagbabago ni Nikka hindi lang
sa ugali kundi na rin sa pagkikilos. Mas naging responsable siya sa lahat ng bagay, naging
masipag na rin ito. Nang naranasan niya ang kahirapan, natutunan niyang maging makuntento,
alam na rin niyang ang lahat ng bagay ay hindi basta basta makukuha ng mabilis kailangan niya
muna itong paghirapan. Napagtanto rin niya ang lahat ng ginawa niya kay Rosalie at naisip niya
ang mga mabubuting bagay na ipinakita ng kaibigan sa kanya.

Maayos na sana ang lahat ngunit dumating ang isang masamang balita. Nalaman ni Rosalie na
pumanaw na ang kanyang Ina na syang ikinaiba ng kanyang paguugali. Dahil dito laging
malungkot at wala sa sarili ang bata labis siyang naapektuhan sa kanyang nalaman. Lumipas ang
ilang araw na ganun si Rosalie, nakaramdam na din sya ng pagseselos dahil kay Nikka na akala
nito'y inaagaw ang kanyang pamilyang nakasanayan. Nang dahil din sa nangyare ay naulit muli
ang pagkidnap kay Nikka pati na rin si Malunggay.

Napagisip isip ni Rosalie na dahil sa kanyang ginawa, napahamak ang buhay ni Nikki pati na rin
ang kanyang tinuring na nanay. Sa huli'y napatawad ni Nikka si Rosalie, nanaig pa rin ang
kanilang pagkakaibigan.
III. Paksa
Ang paksa ng pelikula, na napapaloob din sa pamagat nito,

IV. Bisa

Bisa sa damdamin

Ang pelikulang ang pulubi at ang prinsesa ay nagiwan ng bisa sa damdamin bilang isang
manonood ay halu-halong emosyon mula sa umpisa ng kwento hanggang sa wakas nito. Sa
umpisa palang ay malulungkot ka na ng malaman mo ang mahirap na naging sitwasyon ni
Rosalie sa Cavite hanggang sa Maynila, at maiinis ka din sa masamang paguugali na ipinakita ni
Nikka sa mga taong nagmamahal sakanya. Sa kalagitnaan ng kwento unti unting nakita ni Nikka
ang mga ginawa nyang pagkakamali sa mga taong nagmamahal sa kanya ng maranasan niya ang
parehas na sitwasyon na dinanas ng mga taong nakapaligid sakanya. Sa wakas ng kwento ay
maantig ang iyong damdamin dahil sa pagkakaroon ng matibay at masayang pagkakaibigan ni
Nikka at Rosalie.
Bisa sa isip

“ Kung lahat ng nagmamahal sayo tinataboy mo, hindi ka magiging masaya.”

Rosalie, Ang Pulubi at ang Prinsesa

Ang mensaheng nais ipabatid ng pelikulang "Ang Pulubi at ang Prinsesa" na hindi nasusukat sa
antas ng pamumuhay ang pagkakaroon ng isang mabuting kaibigan,mahirap man o mayaman.
Hindi natin kailangan maging katulad nila upang magkaroon ng tunay na kaibigan gaya ng
ipinadama ni Rosalie at Nikka,mahal niya ito hindi dahil sa mayaman ito kung di dahil sa nais
lang maging totoong kaibigan kay Nikka.

V. Mensahe
VI. Teoryang Ginamit

Realismo

ESP 10
Arnel Aron B. Moral

X- Rizal
Gng. Jonalyn Castro

You might also like