You are on page 1of 5

Mayo, panahon ng mga pistahan.

At tulad ng nakagawian sa Babatnin, abala


na naman ang lahat. Taun-taon, tuwing sasapit ang ika-15 ng naturang
buwan, ipinagdiriwang ang pista ng mga ito. Dahil kung gusto mo daw
mamunini sa mga lamang dagat na sya naming kinasasabikan ng lahat lalo
na ng mga taga-Maynila.
Ngunit iba si Pekto sa lahat ng tao sa babatnin. Gayong ilang araw na
lamang at pista na, hindi sya natitigatig. (nakaupo at nangigisda ng payapa)
bagamat gahol na gahol ang mga kabaryo nya sa samot saring Gawain:
P1: Ang hirap mag linis! *punas noo* (nag iisis ng bahay)
P2: Diyos ko di kaya ako mahulog dito? *tingin sa baba* (nagkakabit ng
banderitas)
P3: Manong Hudas maaari bang manghiram ng pera? *nagmamakaawa*
P4: Manang Conchita? Pwede bang mangutang? *kamot-ulo na natatawa*
Si Pekto ay prenteng prente sa kanyang pag-ugnat. Nakita no Pekto si
Impong Merta na nagtitinda ng karne ng baboy.
IM: Oy. Pekto! (Habang mukhang nagkkwenta) Ilang kilo ang kukuhanin mo?
P: Kilo ho ng ano?
IM: Damuho! Malamang ay karne ng baboy.
P: Eh? Ano naming pong gagawin ko sa mga karne?
IM: Talagang damuho ka, pista malamang! Ikaw na nga ang tinatanong at
baka maubusan kat sisihin mo pa ako. (mataray nitong tugon)
P: Hindi ho ako kukuha! (sabi nito ng paalis na)
IM: abat talagang
Napagpasyahan na lamang ni Pekto umuwi sa kanila ngunit laking gulat nito
ng makita si Mang Uro sa kanilang bahay.
P: Ano kayang kailangan nito?
Tanong nito sa kanyang sarili sapagkat di lingid sa kanya na mainit ang dugo
nito sa kanya. Pumasok sa loob si Pekto at nakitang nagmamasid ang
matanda,

P: Ano hong kailangan nyo tatay?


MU: Nasaan ba ang asawa mo?
C: Narito ho ako itay!
P: May kailangan ho ba kayo?
MU: Ni hindi ata kayo bumili ng bagong kurtina? (ikot na tingin nito)
C: Ho.. k-kasi..
P: Bakit naman ho kailangan pa ng bagong kurtina? (sabat nito sa
natataranta nyang asawa)
MU: natutulog ka ba sa pansitan? Hindi mo ba lam na may pista?
P: Ah.. Yun ho ba?
MU: eh ikaw babae! May pera ka na ba para sa pambili ng ihahanda?
P: Wala ho kaming balak maghanda, tay!
MU: A-ano?! Ang bwisit, bagay sa inyoy sa bundok nakatira! Baka hindi mo
alam, Pektobasing basa na ang papel mo dito sa babatnin. Nuno ka raw ng
kuripot!
P: Hindi naman po mahalaga kung anong iniisip nila sa akin dahil sa huli
alam kong di naman nila ako tutulungang magbayad ng utang. Saka hindi ho
siguro ako mapapahiya kasi wala naman po akong kinumbida.
MU: abay paano ang kahihiyan ko?
P: Ho? Eh pano naman po kayo mapapahiya e kami naman po ang hindi
maghahanda.
MU: abay kinumbida ko ang mga kumpare at kumare kong taga-Maynila.
Laki kong pagmamalaki ang alimango, malalaking hipon at talaba ang handa
mo.
P: Ho? B-bakit nyo Sinabi yon?
Bulong bulong na umalis ang matanda.
C: pano kaya yon Pekto?
P: anong pano?

C: Unti unti na sanang gumagaan ang kalooban ni tatay pero..baka..tuluyan


na tayong di kibuin nun!

---flashback--Hindi naman talaga dating tutol si Mang Uro kay Pekto at kadalasan ngay
mukha itong boto sa kanya noong itoy nanliligaw pa lamang sapagkat ito
ang gumagawa ng paraan para makapagsarilihan ang anak at si Pekto.
C:Wala pala tayong problema! Botong boto sayo ang tatay ko kayat
papuntahin mo na rito ang tatay at nanay mo.
P: yun nga ang problema.
C: anon gang problema dun?
P: yung nais ng tatay mo..yung pamamanhikan. Alam mo naman ang
kaugalian ditto.
Ang sinasabi nito ay ang kaugalian na sa pamamanhikan ay kinukumbida
ang lahat ng tagabaryo.
P: ok lang sana kung isang araw kaso bisperas pa lang puputaktihin ka na.
C: pero sabi mo paghahandaan mo na ang kasal natin?
P: oo nga pero ang paghahandaan ko ay ang panimulang buhay natin at
hindi ang ihahanda sa kasal, at kung maghahanda ay pang atin lang.
C: ano na ngayon ang plano mo?
*kibit balikat* P: magtanan tayo?
C: *takot* Naku hindi mo pa talaga kilala ang tatay ko! Gusto ka naman ni
tatay, siguro..kung mamamanhikan papaya yun ng walaan.
P: *iling* walaan din yung kasal ni Edong diba! Ilang beer ang naubos?
C: labing walo. (nakatungo)
P: ilang manong ang kinatay? 35! At para lang pagsaluhan ng dalawang
pamilya.

Parehas silang hindi na kumibo kayat naghiwalay sila na lumabo ang


relasyon nila. At dun nagsimulang makarinig ng panunungit si Pekto sa
matanda.
MU: damuho. Ibig mag may-ari ng hiyas. Ayaw bumili! Gustong mangisda at
makahuli, pero ayaw magpain.
P1: pero masipag naman to si ahm..Pekto.
P2: Mang Uro masipag naman ho iyon at walang pinipiling trabaho kaya
masasandal sa pader ang anak niyo.
MU: aling pader? Baka kamo maging kawawa ang anak ko. San naman kasi
galing ang sobrang kakuriputan nun e.
Sa ganung pagkakataon ay pinipili na lamang nyang umiwas. Kayat
nabuntis si Chedeng at saka lamang nakakuha ng sapilitang basbas ang mga
ito sa tulong ng kapitan.
C: maghanda na lang kaya tayo.
P: Meron naman tayong ilang manok dyan eh.
Araw nga ng pista, panauhin nila Pekto si Mang Uro at ilang taga-Maynila.
Nang makaalis ang mga ito..
MU: hindi ko akalaing ipapahiya niyo ako!
P: ho? Bakit ho? May handa naman po tayo.
MU: handa ba iyan? Hindi mo kilala ang bisita ko, mayaman yon at sawa na
sa mga ganyang pagkain. Pinagmamalaki ko pa namang lamang dagat ang
handa mo!
C: pasensya na ho tay! Alam nyo naman hong nacesarian ako.
MU: damuho! May mahalaga pa naman akong iniimporta doon!
C: ano ho?
MU: ipinapakiusap ko na kahit janitor ay maipasok ang kapatid mo, damuho!
Tuluyan na itong umalis sa tahanan ng mag asawa.
P: ang sinasabi ni tatay ang dahilan kung bakit ayoko sa maluhong handaan.
C: anong ibig mong sabihin?

P: ang sinasabi koy ibang bagay ang dapat nating paghandaan, si Junior
(ngiti)
C: ang kinabukasan ni Junior.
P: tama, para hindi na kailangang ipakiusap pa ang pagiging Janitor!
C: tara na ngang magligpit..*N: Tama si Pekto, sa lahat ng magarbo at
magandang paghandaan yun ay ang kinabukasan ng kanilang anak..

You might also like