LIHAM PANAWAGAN
Minamahal naming Pangulong Rodrigo R. Duterte,
Batid ko po ang unti-unting pagbabago sa ating bansa. Marahil sa iba ay walabg saysay at hindi marapat
pagtuunan ng pansin ang aking opinyon kahit na bigyan ko ng hustong husay ang paglalahad ng aking
sentimiyento dahil sa ako kabataan lamang sa mata ng lipunan maging sa mata ng mga mamamayan
nito. Gayunpaman, nais ko pong humingi ng kahit ilang minuto man lang sa inyong iras kahit na alam
kong sadyang marami kayong dapat unahin ng nga bagay-bagay dahil sa nakaatang sa inyong tungkulin.
Inyo po sanang masalat ng mga mata yaring liham kong ipinadala.
Ilang taon pa po kasi ang bibilangin bago ako tumuntuntong sa hustong edad upang makapagpahayag ng
saloobin na hindi lamang pakikinggan bagkis ay uunawain rin. Kung hihintayin ko pa po yun ay baka
magsisi lang ako sa huli dahil nanatili akong ngimi sa pagbabago at manhid na walang kibo. Mabasa niyo
ho sana ito at isantabi ang aking gulabg at tingnan ako bilang isang Pilipino, bilang isang taong umaasa sa
inyong pamumuno.
Nananawagan,
Ej Bhern Taller