You are on page 1of 10

Pictorial Essay

Ang Paaralan ay isang lugar kung saan nag-aaral ang isang mag aaral
hanggang matapos niya ang kailangan mga baiting upang makapag tapos sa
pag aaral at makapag hanap ng trabaho. Ang paaralan din ang isa sa mga
pinagkukunan ng mga bagong kaalaman lalo na ng mga kabataan.

Ang silid-aralan ay isang lugar sa loob ng paaralan kung saan tayo


natututo sa mga bagay-bagay. Ang classroom din ay isang lugar sa
paaralan na kung saan dito tayo kumukuha ng mga bagong kaalaman na
hindi tayo na nagagambala ng mga tao sa labas. At ang classroom din ay isa
sa mga lugar sa paaralan na hinding hindi makakalimutan ng mga
estudyante dahil ito na ang kanilang pangalawang bahay.

Sa silid-aralan din makikila ang punong guro. Ang punong guro din
siyang tumatayong pangalawang magulang ng mga studyante na siyang
taga payo sa mga studyanteng nahihirapan na dahil sa kanilang katayuan sa
buhay. Sila din ang may pinaka importanteng papel bilang isang guro ng
mga studyante dahil sila din ang nag bibigay suporta kanilang mga
studyante.
Sa silid-aralan din mo makikilala ang mga taong mag papasaya sayo
at mag bibigay ng mga magagandang alaala mo habang ikaw ay nag aaral.
Ang kaibigan ay ang mga taong maari mong hilingan ng tulong sa oras ng
pangangailangan at sila ay palaging nakaagapay sayo. Kabaligtaran ito ng
isang kaway.

Ang bawat mag kakaibigan ay isa lang naman ang hinahangad sa


buhay, ang sabay-sabay maka pag-tapos ng pag-aaral. Ang graduation ay
isa itong seremonya na kung saan dito mo makukuha ang diploma o
akademikong degree na siyang magagamit mo sa pag hahanap ng trabaho.
Ang petsa ng graduation ay madalas na tinatawag na araw ng pagtatapos
ngunit para sa amin, ang araw na ito ay siyang unang hakbang patungo sa
pagtupad mo sa mga pangarap mo sa buhay.
Lakbay Sanasay
Unahan sa Pag-akyat
Nakabibighani,nakakaloka, at
nakakaginhawa sa pakiramdam ang mga punong
naglalakihan, mga nagluluntiang kulay ng
kabukiran, mga ibong nagliliparan, at halimuyak
ng hangin sa umaga. Ganun kasarap sa
pakiramdam kapag ikaw ay nasa probinsya.

Nasa bukirin kami ng lola ko sa


Bunawan di naman kalayuan sa bahay na aming
tintirhan. Kami ng mga pinsan ko ay mahilig
mag jogging tuwing umaga kaya naisipan
naming puntahan nalamang ang tinitirhan ng
aming lola upang doon mag jogging at mabisita
narin. Dinalhan namin ng sariwang isda at
mainit na tinapay ang lola sa pagpunta namin.

Ilang minuto lang sa pagtakbo ay


nakarating din kami at inabot ang dala-dalang
pasalubong. Laking gulat namin at ang lahat ng
tao roo'y dilat na't kakasikatpalang ng araw di
tulad sa urban na aming tinitirhan.May mga
nagpapakain ng manok,mga kambing sa pastulan,
mga baboy at iba pang hayop. Nang dumating
ang tiyuhin galing sa pinagtataniman ng saging
sakay ng kanyang kalabaw,kami ay galak na
galak at umaasang makakasakay din sa ibabaw ng
kalabaw.Nagtawanan kami't sabing tiyuhin ay di
panga raw nagbubunga ang kanilang saging ay
inu-unggoy na raw namin. Matapos masubukan
ang tapang namingsa pagsakay ng kalabaw ay
naisipan naming puntahan ang sinasabing sakahan.
Nagpaalam kami sa lola at sa mga tiyu'ttiyahin.
Ang sabi pa nila'y magdala rin daw kami ng sisidlan ng maaaring madalang prutas o kung ano-ano pa.

Pinaghandaan naming magpinsan ang pagpunta roon.


Ang sabi pa nila'y unahan daw kami sa pagtakbo papunta kaya
nagsitakbuhan kami patungo ron. Pero ng may madaan kaming
mga prutas, kami ay tumigil pumitas at naglakad nalang.
Naisipan kasi naming mas maganda sigurong pagmasdan nang
matagal ang kagandahan ng bukirin.
Dumaan kami sa ilog na may balon at
uminom. Tubig nakasing sarap ng mineral
waterna bininenta. Gusto sana naming maligo muna kaso nakasanayan kasi roon at pati narin sa aminna
bawal maligo pag napawisan na kasi baka maparalisa. Kaya tinuloy namin ang paglalakad. Medyo
kinakabahan sa pagdaan sa ilalim ng malalaking puno baka may biglang lumitaw na ahas o di kaya'y may
malignong lilitaw. Nagtawanan nalang kami dahil mali naman at tyaka tirik na tirik na ang araw para kami
ay malignuhin.

Sa wakas ay nakita
narin namin ang sakahan
sa di kalayuan. Nasa
ibabaw pala ng bundok
ang pinagtaniman. Nag-
unahan na naman kami
sa pag-akyat sa sobrang
excited.Nasa gitna
palang ay napagod na
ako. Naninigas na ang
mga hita at paa, abot-
abot narin ang aking
hininga. Napag-iwanan
na ako ng aking mga
pinsan palibhasa'y buto't
balat ang mga katawan.

Nang
makatuntong narin sa
wakas sa pinakatuktokn
ng bundok ako ay
manghang-mangha sa
nakita. Tila nawala ang
lahat ng pagod ko. Ang
akala koy sakahan lang
ng saging ang aming
makikita pero di pala.
Nasaksihan ko ang asul
na asul na hugis tatsulok
ng sinasabi nilang ang
Mt. Apo pero di naman
talaga. Pero yun ang
kauna unahan kong
makakita ng bundok may
kalayuan nga lang.
Saklaw din ng mga mata
namin ang iba't ibang
tanawing makikita mula
sa itaas.

Ngunit sa kabilang banda ay may nakita kaming


nakakalbong lupain at pinuputol narin lahat ng puno. Ito'y aming
pinuntahan at nalaman naming dahil pala ito sa isang
kompanyang kumukuha ng puting lupa o limestone upang ihalo
sa gagawing semento. Kay lalim ng mga hukay na
nakakapanginig ng tuhod kapag tignan ng malapitan.

Nalulungkot kami na baka ang kasunod na paghukayan ay


ang lupain ng aming lola. Kaya agad kaming umuwi sa bahay ng
lola matapos makakuha ng saging. Itinanong narin namin ang
tungkol sa lupa. At di kami nagkamali sa aming inaakala, ilang
taon nalang siguro ay bibilhin na ang lupa at pagkunan ng
limestone ang sabi niya. Pero wla pa naman talagang
nakatakdang oras kung kalian.

Wala naman daw paraan para


mapigilan ang pagbebenta dahil
kapag gobyerno ay wala kanang
magagawa. Pero sabi rin niya ay
wag daw kaming mag-alala dahil
matapos mapagkunan ng lupa, ito'y
muling tatambakan at babalik na
raw sa dati. Pero sa tingin ko'y ang
kayamanang makikita sa isang
birheng bukirin ay di na maibabalik
pa sa dati. Paano na lang ang lupang
sinilangan, kinagisnan, pinaglakhan
ng aming mga ninuno lalong lalo na
ng aking ama? Nakakalungkot mang
isipin pero ganun talaga. Masaya
din naman ako sa kabilang banda na
maibenta narin ang lupa ng lola
upang di narin mapagod kakakayud
sa bukirin at upang
Lakbay Sanasay

Panunungkulan
Si Rodrigo "Rody" Roa Duterte o kilala rin sa kanyang
Bansag na Digong. Siya ay pinanganak sa Maasin, Leyte noong
Marso 28, 1945. Pero sa Davao na lumaki at doon siya ay
dalawampung taong nanilbihan bilang alkalde Isa siya sa
pinaka matagal na nanilbihang alkaldw sa Pilipinas. Nagsilbi rin
siyang Vice Mayor ng Davao mula 2010 hanggang 2013. Ang
ilan sa mga kilalang ordinansang ipinatupad sa ilalim ng
kanyang pamamahala ay ang , Firecracker ban, Liquor ban,
(pagtitinda atpagkonsumo ng alak mula 10PM hanggang 8 AM
sa mga pampublikong lugar, anti smoking ordinance, family
planning. Kamakailan lang aynagbitiw dahil nagpasyang
tumakbo sa pagka presidente ng Pilipinas.

Maraming beses hinamok si Duterte na tumakbo sa


pagkapangulo ngunit tinanggihan ito sapagkat aniya, ang
government system ng Pilipinas ay may lamat, siya'y matanda
na at hindi sang-ayon sa kanyang pagtakbo ang kaniyang pamilya. Noong Nobyembre 27, 2015 nang siyay
pormal na naghain ng certificate of candidacy.

Noong Mayo 30, 2016, hinalal ng ika -16 na


kongreso ng Pilipinas si Duterte bilang President-elect
ng Pilipinas matapos nitong manalo sa bilangan ng mga
boto. Si digong ang kauna-unahang Mindanaoan
presidente ng bansa. Bagama't inulan siya ng kaliwa't
kanang batikos, kesyo babaero, palamura at bastos
ganunpaman, ang mga ito ay hindi naging hadlang para
magampanan ang kanyang tungkulin. Si Rodrigo ay
isang abogado, naging piskal at prosekyutor sa Davao at
matagal siyang namuno. Nasabi ito raw ay
pinamumugaran ng mga rebelde at ngayoy tahimik na
ito. Sa ilalim ng pamamahala niya sa Davao, ang antas
ng krimen ay sukdulang bumaba. At binansagang " The
Punisher" ng Time Magazine dahil maaaring ipahayag
na ang lungsod ang pinakamapayapa sa Timog-
silangang Asya.

At ngayon ay patuloy na nanungkulan bilang


pangulo ng Pilipinas. Marami narin siyang pinalutang
na mga katiwalian at mga problemang nasolusyunan.
Karapat dapat lang na maging pangulo ng bansa.

Posisyong Papel

“No permit, no exam”

Ang mga paaralan ay maraming mga polisiya o patakaran para sa


ikakaunlad ng kanilang I paaralan. Ito ang isang paraan upang madisiplina ang
bawat mag-aaral sa kanilang paaralam. Sa isang institusyon ay may nakatalagang
polisiya na dapat talagang sundin ng upang saganon ay maobserbahan at
disiplinahin ang isang estudyante.

Kaya naman sang-ayon kami sa no permit, no exam na patakaran ng isang


institusyon dahil isa rin itong paraan upang madisiplina ang isang estudyante.
Dahil mayroong sitwasyon, na ang isabg estudyante kapag binigyan ng kanyang
magulang ng pera pambayad sa kaniyang exam ay hindi nya ito ibabayad kapag
pinahintulotan sya makapag exam kahit walang permit. Ito rin kadalasan ang
problema ng mga magulang dahil kapag sila na mismo ang magbabayad ng
tuition para sa kanilang anak ay nagtataka sila kung bakit ang laki parin ng
kanilang babayaran, dahi posible palang na hinmdi binayad ng kanilang anak
ang pera pambayad ng unang exam.

Para maiwasan ang ganitong sitwasyondapat nang ipatupad ang no permit,


no exam sa bawat institusyon upang wala ng estudyante irresponsable. Dahil
nakakaawa aang mga magulang na nagsusumikap upang makahanap ng pera
pambayad sa tuition ng kanilang anak. Tapos wala silang ka muwang-muwang
na ang kanilang anak ay iwinawaldas ang pera sa walang kuwentang bagay tulad
ng paglalaro ng kompyuter games.

You might also like