You are on page 1of 5

Proseso ng Pagsulat/Sintesis

Gawain 2. Magbigay ng limang dahilan kung bakit mahalagang malaman


ang proseso ng pagsulat at kung ano ang maitutulong nito sa iyong kurso.
Pagkatapos ay magbigay ng sariling konsepto tungkol dito. Isulat ito sa short
bond paper.

1. Upang maging tama at tiyak ang gagawing pagsulat.

Kinakailangang matutunan ang proseso ng pagsulat upang


magkaroon ng gabay ang manunulat sa kung ano ang tama at tiyak na
gagawin. Mahalaga ito lalong-lalo na sa mga mag-aaral na napabilang sa
kursong STEM. Bilang isang mag-aaral na tinatahak ang STEM ay may
malaking parte ito sa paglikha ng pananaliksik kung saan ay kinakailangan
para sa aming pagtatapos ng high school.

2. Nakakatulong upang magkaroon ng mataas na kalidad ang sulatin.

Sa pamamagitan ng paggamit ng proseso ng pagsulat ay sigurado na


ang sulatin ay naglalaman ng makabuluhang impormasyon. Nagdudulot din
ito ng maayos na istraktura kung saan hindi nahihirapan ang mga
mambabasa na unawain ang nais na iparating ng may-akda.

3. Upang maging malinaw ang mensahe na gusto nating iparating.

Nagsisilbing gabay ang proseso ng pagsulat sa pamamagitan ng


pagbibigay linaw sa mga ideya, konsepto, at kung ano pang importanteng
impormasyon. Ang maayos na paglalatag ng mga impormasyon ay siyang
nagbibigay daan sa isang diretsahan at hindi komplikadong sulatin na agad
mauunawaan ng mga mambabasa.

4. Upang magamit nang mahusay at epektibo ang oras sa pagsusulat.


Ito ay nakakatulong na mapadali ang pagsulat habang napapanatili
ang mataas na kalidad. Bilang isang mag-aaral ay kritikal ang mahusay at
produktibong pamamahala ng oras sapagkat maaaring igugol sa iba pang
importanteng bagay ang natitirang oras. Sa pamamagitan nito ay
malilinang ang ating ibang kakayahan na maaaring magamit sa hinaharap.

5. Mahalagang malaman ang proseso ng pagsulat dahil madadala


natin ito sa ating paglaki at kinabukasan.
Bilang mag-aaral malaking tulong ang proseso ng pagsulat sa ating
mga sulatin sa loob ng paaralan, ngunit hindi lamang natin ito ginagamit sa
kasalukuyan nating kurso sa pag-aaral kung hindi pati na rin sa ating
hinaharap. Tulad na lamang sa trabaho, na kung saan nangangailangan din
ng kakayahan sa pagsulat. Darating at darating ang panahon na gagamitin
natin ito sa maraming pagkakataon kaya nararapat lamang na kabisaduhin
natin ito.

Ang aking konsepto:


Malaking tulong ang proseso ng pagsulat sa pagpapadali at
pagpapabilis ng pagsulat sapagkat ito ay nagsisilbing gabay upang maging
organisado, makabuluhan, at maayos na mailatag ang mga ideya. Sa
ganitong paraan ay malinaw para sa mambabasa ang gustong ipahiwatig
ng may-akda na kung saan maaaring mapagkukunan ng kaalaman. Bilang
konklusyon, mahalagang malaman at kabisaduhin ang proseso ng pagsulat
dahil nakakatulong ito para maunawaan at maintindihan ng maayos ang
sulatin.

Gawain 3. Ilagay ang iyong kasagutan sa short bond paper.

1. Ipaliwanag ang kaisipang ito: “ Ang pagsulat ay ay umiinog sa paksa,


tema, o mga tanong na bibigyang- kasagutan ng mag-aaral sa
kanyang sulatin depende sa kanyang kapaligiran, interes, at
pananaw.”

Ang pagsulat ay ginagamitan ng malalalim na kaisipan at ito ay may


sinusunod na proseso upang maging maayos ang paglalahad ng
impormasyon, nang sa gayon makuha ang intensyon ng mga mambabasa
na basahin ang ating mga sulatin. Ang pagsulat ay ginagamitan ng
komunikasyon at pag iisip upang mailahad natin kung ano ang nais nating
sabihin sa mga sulating ating isinusulat. Binabase rin ito sa kapaligiran,interes,
at pananaw ng manunulat sapagkat dito kumukuha at pinaghuhugutan ng
inspirasyon. Kung kaya masasabing mahalaga na ang ating pagsulat ay
umiinog sa mga paksa, tema o mga tanong na nabibigyang kasagutan
upang may makalap na impormasyon ang ating mambabasa.

Mahalaga ang naitutulong ng pagsulat sa paglinang ng damdamin


at mithiin tungo sa maayos na pakikipag-ugnayan natin sa ating
mambabasa. Sa pagsulat ng isang sulatin ay kinakailangan ng teknikal na
pag-iisip, pamamaraan sa pagsusuri at pananaliksik, upang mahikayat natin
ang ating mga mambabasa na patuloy na basahin ang ating mga sulatin.
Sa pagsulat ng sulatin ay nararapat na bigyan natin ng atensyon ang ating
paksa upang dito umikot ang ating sinusulat at hindi malihis ang ating mga
impormasyon na sasabihin tungkol sa ating paksang tinatalakay.

2. Bakit sinasabing ang pagbasa at ang pagsulat ay isang resiprokal na


proseso ng pakikipagkomunikasyon at iba pang katulad?

Masasabing ang pagbasa at ang pagsulat ay isang resiprokal na


proseso ng pakikipagkomunikasyon dahil sa pamamagitan ng pagbasa,
nagkakaroon ng kaalaman upang lumawak pa ang isipan at kaalaman ng
manunulat nang sa gayon ay maayos niyang mailahad ang kanyang ideya
na gustong ipahiwatig sa sulatin. Sa pamamagitan naman ng pagsulat ay
maipapakita ang kakayahan ng manunulat na magbasa. Isang halimbawa
nito ang paggawa ng akademikong sulatin. Upang maka pagsulat ay
nangangailangan magsagawa ang manunulat ng wastong pangangalap
ng impormasyon at malikhaing ulat upang suportahan ang kanyang sulatin .

3. Paano maituturing ng sukatan ng katalinuhan ng isang tao ang


pagsulat?

Ang pagsulat ay sumasalamin ng antas ng kakayahang manaliksik at


magbasa ng isang tao na siyang nagpapamalas ng mga natutunan at
pinag-aralan. Makikita ito sa kalidad ng sulatin ng manunulat. Masasabing
itinuturing ang pagsulat bilang sukatan ng katalinuhan ng isang tao dahil
ang sulatin ang siyang patunay ng abilidad ng isang tao na ipahiwatig ang
kaalaman.

4. Bakit mahalagang mabatid ang mga proseso ng pagsulat?

Mahalagang mabatid ang mga proseso ng pagsulat dahil ito ay


nagsisilbing gabay sa paggawa ng ating sulatin. Sa pamamagitan ng mga
alituntuning kinakailangan ay mas mapapadali ang pag-organisa ng mga
ideya at impormasyon. Importanteng bigyan ng pansin ang proseso ng
pagsulat upang mapataas ang kabuuang kalidad ng sulatin nang sa gayon
ay maunawaan ng maayos ang gustong ipahiwatig ng may-akda.
Gawain 4. Isulat ang iyong kasagutan sa short bond paper. Pagsunod-sunurin
ang mga mahahalagang pangyayari sa pamamagitan ng paglalagay ng
bilang 1 hanggang 10. Pagkatapos, ipaliwanag ang kahalagahan ng
gawaing ito sa pagsulat ng buod.

_4_ Walang sawang lumangoy at naglaro ang mag-ina sa dagat.


_3_ Pagkadating sa resort ay agad na nagyaya ang kanyang anak na
maligo sa dagat.
_1_Bilang pagbawi sa tatlong taong hindi nila pagkikita ng kanyang anak ay
naipangako niyang dadalhin niya ito sa isang mamahaling resort, ang
amanpulo.
_5_Masayang-masaya ang mag-ina sa ganoong sitwasyon nang bigla na
lamang silang napahinto sa biglang pagdilim ng kapaligiran.
_2_Maagang gumising ang ina upang mag-empake ng kanilang mga damit
na dadalhin.
_9_Niyakap ng mahigpit ng ina ang kanyang anak.
_6_Tumingin siya sa itaas at nakita niya ang malaking ipo-ipong pababa sa
gitna ng dagat.
_7_Nakikita nilang lumalaki ang alon kaya mabilis silang umahon sa
dalampasigan.

_8_Bagama’t sila ay nakaahon sa dalampasigan, biglang rumagasa ang


higanteng alon at sila ay siinaklot at tinangay.
_10_Matapos ang pangyayari, kasama sila sa mga biktima ng trahedya na
laman ng balita.

BUOD:
Mahalaga ang pagsulat ng buod dahil hinahasa nito ang ating
kakayahang umunawa ng mga pangyayari at punto. Sa pamamagitan nito
ay natutulungan ang mga mambabasa na makasunod sa daloy ng kwento
at hindi makalimutan ang mga importanteng detalye ng paksa.

Gawain 5. Isulat ang iyong kasagutan sa short bond paper.


1. Ano ang buod o sintesis?

Ang sintesis o buod ay ang paglalahad ng anumang kaisipan at


natutunang impormasyong nakuha mula sa tekstong binasa sa
pagkakasunod sunod na pangyayari. Ito ang pinakamahalagang kaisipan
ng anumang teksto. Marapat lamang na maging malinaw sa
pagpapahayag. Ang sintesis ay bahagi ng metodong diyaletikal kaugnay ng
pagbuo ng katwiran.

2. Bakit kailangan matutuhan ang paraan ng pagbubuod?

Kinakailangang matutuhan at pag-aralan ang paraan ng pagbubuod


upang mas mapadali ang pag-unawa, paggawa, at pagsulat nito.
Nakakatulong din ito upang malinaw para sa mga mambabasa ang daloy
ng pahayag. Sa pamamagitan nito ay napapayabong at nasusubok ang
kaalaman tungkol sa paksa.

3. Paano nagagamit ang tatlong uri ng pagsusunod-sunod ng mga


detalye sa pagbubuod?

Nagagamit ang tatlong uri ng pagsusunod- sunod ng mga detalye sa


pagbubuod upang magkaroon ng organisadong pagsulat ng sintesis. Para
sa sekwensyal na uri ay nagagamit ito upang mapagsunod- sunod ang mga
magkaugnay na pangyayari na siyang pinaka paksa ng sulatin. Ito ay
gumagamit ng mga panandang naghuhudyat tulad ng una, ikalawa,
pagkatapos, at iba pa. Sa kronolohikal naman ay nagagamit upang
mapagsunod- sunod ang mga mahahalagang pangyayari ayon sa petsa o
‘timeline’ nito. Ang prosidyural naman ay nagagamit upang
mapagsunod-sunod ang serye o hakbang sa pagbuo ng isang gawain
upang matamo ang inaasam.

You might also like