You are on page 1of 3

1. Ano ang kahulugan ng talumpati para saiyo?

Ang kahulugan ng talumpati para sa akin ay isang paraan ng


pagpapahayag ng manunulat ng kanyang saloobin, kaisipan, at damdamin na
isinulat tungkol sa paksa. Karaniwang binibigkas ito sa harap ng mga
tagapakinig o kaya sa entablado na may layong manghikayat, tumugon,
mangatwiran, magbigay impormasyon at maglahad ng konsepto at
paniniwala. Ito rin ay itinatanghal na may malalim na pag-iisip.

2. Ano-ano ang mahahalagang salik na dapat bigyang-diin sa pagsulat ng


isang talumpati?

Ang mahahalagang salik na dapat bigyang-diin sa pagsulat ng isang


talumpati ay ang paghahanda, pagpapanatili ng kawilihan ng tagapakinig,
pagpapanatili ng kasukdulan, at ang pagbibigay ng konklusyon sa
tagapakinig.

3. Bakit mahalagang isaalang-alang ang mga tagapakinig sa pagtatalumpati?

Mahalagang isaalang- alang ang mga tagapakinig sa pagtatalumpati


sapagkat sila ang ating hinihikayat at binibigyan ng impormasyon sa
pamamagitan ng pagsasalita. Bilang isang mananalumpati ay kailangan
nating makuha ang kanilang interes para hindi sila mabagot dahil kung hindi
natin sila bibigyan ng pansin ay maaaring hindi nila maunawaan at
mababalewala ang talumpati na magpapasa walang silbi ng pagtatanghal.

4. Anong uri ng talumpati ang binasang teksto?

Ito ay isang isinaulong talumpati. Ang ganitong uri ng talumpati ay


karaniwang binibigkas sa mga programa at patimpalak na kinakailangan na
meryado o saulado ng tagapagsalita ang pyesa bago ihatid ito sa mga
tagapakinig.

5. Paano masisiguro ng isang mananalumpati na napupukaw niya ang


damdamin ng kanyang mga tagapakinig?

Masisigurado ng isang mananalumpati na napupukaw niya ang


damdamin ng kanyang mga tagapakinig kapag nakapokus ang mga ito sa
kanyang sinasabi at walang ginagawang iba kung hindi makinig at tumingin
lamang. Mapapansin din na buo ang konsentrasyon ng atensyon ang kanilang
binibigay sa tagapagsalita.
Isabuhay Mo Na

Balikan mo ang kabuoang talumpati na iyong binasa. Pagkatapos, punan ng


mga hinihinging detalye ang balangkas sa ibaba. Ilagay ang iyong sagot sa
short bond paper.

Pamagat ng Talumpati: _Bisa ng Kapangyarihan ng Edukasyon_

Mahalagang Paksa:

Walang makakahadlang sa pagkamit ng pangarap hangga’t


naghuhumiyaw ang tinig ng tagumpay sa mga taong nag-aalab ang
determinasyon. Sabi nga nila, kapag may gusto may paraan. Pinapatunayan
ng talumpati na nadadaan sa sikap at tiyaga ang mga mithiin sa buhay. Sa
tulong ng edukasyon ay makakamit ang kaunlaran sa buhay kahit ano pa man
ang estado sa buhay.

Naging damdamin Mo sa Paksa Habang Binabasa o Matapos Basahin ang


Talumpati:

Napagtanto ko kung gaano ako pinagpala ng Diyos. Na kung miinsan ay


nabubulag ako sa mga biyaya at nakakalimutan ko nang pahalagahan ang
mga ito. Hindi pala lahat ng tao ay may pagkakataon at ipinagkaloob
magkaroon; kahit mga pangunahing pangangailangan man lamang ay
nahihirapan silang tugunan. Sa halip na magpasalamat at pagbutihin ang
pag-aaral ay tila binabalewala ko ang silbi nito.

Mahalagang Aral na Natutuhan sa Talumpati:

Kailangan nating pahalagahan ang mga ipinagkaloob sa atin ng Poong


Maykapal sapagkat hindi lahat ng tao ay dumaranas ng maganda at maayos
na buhay. Marami ang nahihirapan na tustusan kahit pa ang pang araw-araw
nilang pangangailangan. Tanging edukasyon na lamang ang nagsisilbing
pag-asa upang maka-ahon sa hirap ng buhay.

Natuklasan sa Sarili Kaugnay sa Aral ng Talumpati:


Natuklasan kong hindi ko gaanong binibyan ng importansya ang mga
bagay na mayroon ako. Sa halip na pahalagahan ang mga ito ay minsan ay
nakukulangan at nagrereklamo pa ako.

Mahalagang Konseptong Nabuo sa Iyong Sarili:

Patuloy na magsipag at magpursigi sa pag-aaral dahil may magandang


patutunguhan ito. Lahat ng pagod at tiyaga ay magiging sulit kapag nakamit
na ang kaunlaran. At higit sa lahat ay kailangang pahalagahan ang mga
biyayang hinandog sa ating ng Diyos.

You might also like