You are on page 1of 11

BIYAHE NI DREW: THE PICTURE PERFECT CORON, PALAWAN

LAKBAY-SANAYSAY
Inihanda ni: LEVY P. CORONEL
Anong mga lugar ang nais n’yong puntahan?
Ano nga ba ang ibig sabihin ng
salitang paglalakbay?
Ito ay laging kinapapalooban ng
mayayamang karanasan. Ito ay
kadalasang punum-puno ng
masasayang pangyayari, pagkamangha,
o paghanga sa magagandang lugar na
unang napuntahan, mga alaalang
magiging bahagi ng buhay ng isang tao.
Ano ang Lakbay-Sanaysay?

Ito’y tinatawag ding travel essay o travelogue.


Ito’y itinuturing na isang uri ng lathalaing ang
pangunahing layunin ay maitala ang mga naging
karanasan sa paglalakbay.
Ayon kay Nonon Carandang, ito ay tinawag
niyang sanaylakbay kung saan ang
terminolohiyang ito ay binubuo ng tatlong
konsepto: sanaysay, sanay, at lakbay.
Naniniwala siyang ang sanaysay ang
pinakaepektibong pormat ng sulatin upang
maitala ang mga naranasan sa paglalakbay.
Mga Dahilan ng Pagsulat ng Lakbay-Sanaysay

1. Upang itaguyod ang isang lugar at kumita sa pagsusulat.


2. Upang makalikha ng patnubay para sa mga posibleng
manlalakbay
3. Upang itala ang pansariling kasaysayan sa paglalakbay
tulad ng pag-unlad ng espiritwalidad, pagpapahilom, o
kay’y pagtuklas sa sarili
4. Upang idokumento ang kasaysayan, kultura, at
heograpiya ng l,ugar sa malikhaing pamamaraan.
Pagsulat ng lakbay-sanaysay:
• Ang pagsulat sa anyong ito ay nangangailangan ng galing, pamamaraan,
at kaalaman ng isang manlalakbay.
• Tandaang ang ginamit na termino rito ay manlalakbay, hindi isang turista.
Malaki ang pagkakaiba ng dalwang ito. Ang manlalakbay ay may
kaalaman talaga sa paglalakbay bilang pagkilala sa lugar at pagtuklas ng
bagong daigdig; samantalang ang turista ay naglalakbay sa mga piling
lugar lamang at madalas ay upang aliwin ang sarili sa limitadong bilang ng
araw. Ang manlalakbay ay interesado sa kasaysayan, topograpiya ng
lugar, pagkain, pang-araw araw na pamumuhay, panitikan, politika, wika,
at relihiyon ng isang lugar. Para sa turista sekondaryo lamang ang mga
ito.
MGA DAPAT TANDAAN SA PAGSULAT NG LAKBAY-SANAYSAY

1. Gamitin ang kapangyarihan ng paglalarawan sa pagsulat ng lakbay-


sanaysay.
2. Pumili ng anggulong isusulat. Tinatawag itong delimitasyon sa pagsulat ng
pananaliksik.
3. magsagawa ng pang-unang pananaliksik sa lugar bago pa man ito
puntahan.
4. Isulat ang isang lugar na lubos nakilala. Hindi katanggap tanggap na
makasulat ng lakbay-sanaysay ng Hongkong sa loob lamang ng dalawang
araw na pananatili dito bilang turista.
5. Huwag maglakbay bilang turista. Maglakbay bilang manlalakbay o lokal ng
isang partikular na lugar upang ganap na makilala ang isang lugar.
MGA DAPAT TANDAAN SA PAGSULAT NG LAKBAY-SANAYSAY

6. Makatutulong sa sanysay ang sipi buhat sa panayam o paglalangkap ng


mga anekdota upang maging buhay. Magbahagi ng mga katawatawa o
kaya’y nakaiinis na karanasan sa isang lugar.
7. Tukuyin sa mambabasa ang mga layunin sa paglalakbay.
8. Alamin ang tema ng sanysay. Ito ang magsisilbing diwa ng akda. Ito ba ay
tungkol sa pagpapalaya sa sarili? Pagtuklas sa limot na tradisyon o
pagkilala sa arkitektura ng bayan? Ito ba ay paghahanap sa sarili, ng
kabuluhan sa mundo, o ng natatanging pag-ibig?
9. Magtala ng mga makikita, maririnig, at maamoy sa isang bagong lugar.
Itala agad ang mga obserbasyon at pagmumuni sa paglalakbay. Habang
sariwa, isulat na agad.
MGA DAPAT TANDAAN SA PAGSULAT NG LAKBAY-SANAYSAY

10. Iwasang magsulat ng mga impormasyon tulad ng mababasa


sa ensayklopedia o sa aklat ng kasaysayan. Piliin ang mga
impormasyong mahalaga sa tema ng isusulat na sanaysay.
11. Makatutulong kung may kaalaman sa potograpiya. Ang
pagkuha ng mga larawan ay isang uri ng dokumentasyon sa
isasagawang sanaysay.
12. Kailangang maibuod ng huling talata ang tema ng lakbay-
sanaysay. Ito ang magsisilbing kongklusyon. Isulat ito sa
kawili wiling paraan.

You might also like