You are on page 1of 34

PAGSULAT NG

LAKBAY-SANAYSAY
Layunin ng Pag-aaral:
1. Nalalaman ang mga mungkahing
gabay sa pagsulat ng lakbay-sanaysay
at nagagamit ito sa isang sulating
bubuoin; at
2. Nakababasa at nakapanonood ng
isang halimbawa ng lakbay-sanaysay
at nasusuri ang katangian nito.
Ang paglalakbay ay kinapapalooban ng
mayayamang karanasan.
#Travelpamore
Baguio
Bolinao Pangasinan
San Juan La Union
Ngunit ang mga alaalang ito ay agad ding
naglalaho kasabay ng pagpanaw ng taong
nakaranas nito, kaya mahalagang matutunang
magkaroon ng paglalakbay na maitatala at
maisusulat upang ito ay manatili at
mapakinabangan ng mga taong makakabasa.
LAKBAY-SANAYSAY
(n). Tinatawag ding travel essay o travelogue.
Ito ay isang uri ng lathalaing ang pangunahing
layunin ay maitala ang mga nagiging karanasan
sa paglalakbay.
Ayon kay Nonon Carandang,
ito ay tinawag niyang
sanaylakbay kung saan ang
terminolohiyang ito ay
binubuo ng tatlong konsepto:
Sanaysay,
Sanay, at
Lakbay.
Naniniwala siyang ang
sanaysay ang
pinakaepektibong pormat ng
sulatin upang maitala ang
mga naranasan sa
paglalakbay.
Mga Dahilan ng Pagsulat ng
Lakbay-Sanaysay
Ayon kay Dr. Lilia Antonio,et al. sa Malikhaing
Sanaysay (2013)

MAYROONG APAT NA PANGUNAHING DAHILAN NG PAGSULAT NG


LAKBAY-SANAYSAY
1. Upang itaguyod ang isang lugar at kumita ng pagsulat.
2.Upang maidokumento ang kasaysayan, kultura at heograpiya ng lugar sa
malikhaing pamamaraan.
3. Upang makalikha ng patnubay para sa mga posibleng manlalakbay.
4.Upang maitala ang pansariling kasanayan sa paglalakbay tulad ng
espiritwalidad, pagpapahilom o kaya'y pagtuklas sa sarili.
UPANG MAITAGUYOD ANG
ISANG LUGAR AT KUMITA
SA PAGSUSULAT

• Mga Travel Blog na itinuturing na


libangan at gayundin ay
maaaring pagkakitaan.
• Ang mga blog na ito ay naglalaman
ng mga pagsasalaysay ng may-akda
ng kanyang paglalakbay.
UPANG MAIDOKUMENTO ANG
KASAYSAYAN, KULTURA AT
HEOGRAPIYA NG LUGAR SA
MALIKHAING PARAAN.

• Magandang halimbawa nito ay ang


ginawa ni Antonio Pigafetta na tumungo
sa Pilipinas kasama ni Magellan. Siya
ang nagtala ng mahahalagang datos na
kanilang nakita sa Pilipinas.
• Mga datos patungkol sa hayop, klima,
heograpiya at kultura ng sinaunang
Pilipino.
UPANG MAIDOKUMENTO
ANG KASAYSAYAN,
KULTURA AT HEOGRAPIYA
NG LUGAR SA MALIKHAING
PARAAN.
• Gayundin ang pagtatalang ginawa ni
Marco Polo sa kanyang librong “The
Travels of Marco”
• Ito aybunga ng kanyang pagtungo sa
Asya at resulta na rin ng kanyang
paninirahan sa Tsina sa loob ng 15 taon.
UPANG MAKALIKHA NG
PATNUBAY PARA SA MGA
POSIBLENG
MANLALAKBAY
• Sabi nga ni Rizal sa kanyang
nobelang Noli Me Tangere,
kung nais mong higit na
makilala ang katangian ng
kultura ng bansang iyong
pupuntahan, mahalagang
alamin mo muna ang taglay
nitong kasaysayan.
UPANG MAITALA ANG
PANSARILING KASAYSAYAN SA
PAGLALAKBAY TULAD NG
ESPIRITWALIDAD,
PAGPAPAHILOM O KAYA'Y
PAGTUKLAS SA SARILI
• Daily Journal o Diary.
• Ginagawa ito upang maitala ang
baging bagay na kanyang
nakita, narinig, naranasan at iba
pa sa kanyang paglalakbay.
• Itinatala sa journal ang kanyang
mga realisasyon at natutunan sa
proseso ng paglalakbay.
Anuman ang dahilan sa paglalakbay, ang
lakbay-sanaysay ay kadalasang naglalaman
ng mga tala ng karanasan ng awtor. Ang
pagtatalang ito ay isang paraan ng
manunulat na maibahagi ang karanasan at
kasiyahan sa paglalakbay.
Mga Dapat Tandaan sa
Pagsulat ng Lakbay-Sanaysay
MAGKAROON NG KAISIPANG
MANLALAKBAY SA HALIP NA
ISANG TURISTA
• Upang makagawa ng isang masining at makabuluhang
lakbay-sanaysay, dapat na isaisip ng taong naglalakbay
na siya tutungo sa isang lugar hindi bilang isang turista
kundi isang manlalakbay.

• Mahalagang malinaw sa kanyang isip ang


kanyang pakay at layunin.
MAGKAROON NG KAISIPANG
MANLALAKBAY SA HALIP NA
ISANG TURISTA
• Ang isang turista ay karaniwang nagtatakda ng
itinerary o talaan ng magagandang pupuntahan.

• Ngunit, para sa manlalakbay ay pangalawa


nalamang ito. Sinisikap niyang maunawaan ang
kultura, kasaysayan, heograpiya,
hanapbuhay,pagkain at maging uri ng pang-araw-
araw na pamumuhay ng mga tao.
1
SUMULAT SA UNANG PANAUHANG
PUNTO DE-BISTA
• Ang karamihan sa nilalaman ng sanaysay ay
mula sa mga nakita, narinig, naunawaan at
naranasan ng manunulat. Kadalasang
napakapersonal ng tinig ng lakbay-sanaysay.

• Ayon kay Antonio (2013), ang susi sa mainam


na pagsulat ay ang erudisyon o ang
pagtataglay ng sapat na kaalaman at pagkatuto
2 sa paglalakbay.
SUMULAT SA UNANG PANAUHANG
PUNTO DE-BISTA
• Bukod sa matamang obserbasyon, mahalagang
maranasan din ng manlalakbay ang mga bagay- bagay
upang lubos na maunawwan at mabigyang kahulugan
ang pangyayari.

• Sikaping maisali ang sarili sa bawat bahagi ito ng


imersiyon sa paligid. Subukin ang iba’t ibang
karanasan at hamon na maaaring gawin sa lugar.
2
TUKUYIN ANG POKUS NG SUSULATING
LAKBAY-SANAYSAY

• Mahalagang matukoy ang pokus ng sulatin batay sa


human interest.

• Tandaang iba iba-iba ang kinahihiligang paksang


maaaring itampok sa paglalakbay at maging pagsulat ng
lakbay-sanaysay.

3
TUKUYIN ANG POKUS NG SUSULATING
LAKBAY-SANAYSAY

• Ito ay maaaring ibatay sa layunin o dahilan ng


paglalakbay.

• Ito ay maaaring tungkol sa espiritwal na


paglalakabay.

• Maaari ring gawing paksa ang tunkol sa hayop,


halaman, kakatwa, libangan, kultura, pagkain at iba
3 pa.
MAGTALA NG MAHAHALAGANG DETALYE
AT KUMUHA NG MGA LARAWAN
• Ang pangunahing gamit na dapat dala ng taong susulat
ng lakbay-sanaysay ay ang panulat, kwaderno o
dyornal at kamera.

• Mahalagang maitala ang pangalan ng mahahalagang lugar,


kalye, restoran, gusali at iba pa.

• Ang wastong detalye ay nagbibigday ng kredibilidad sa


4 sanaysay.
MAGTALA NG MAHAHALAGANG DETALYE
AT KUMUHA NG MGA LARAWAN
• Makakatulong rin maglagay ng litrato o larawan.
Mahalaga ito para sa wastong dokumentasyon ng
sanaysay.

• Para sa mgalarawan, mahalagang maglagay ng mga


impormasyon para sa mambabasa. (Eksaktong
lokasyon, maikling deskripsyon o kaya naman
maikling kasaysayan).
4
ILAHAD ANG MGA REALISASYON O MGA
NATUTUNAN SA GINAWANG PAGLALAKBAY

• Mahalaga ring maisama ang mga bagay na


natutuhan habang isnasagawa ang paglalakbay.
• Ito ang magsisilbing pinakapuso ng sanaysay kung saan
dito ibabahagi ang gintong aral mula sa paglalakbay.
• Maaaring talakayin kung paano nagbago ang buhay o
pananaw, paano umunlad ang kanyang pagkatao mula sa
karanasan at ano ang mga karagdagang kaalaman na
nakuha.
5
GAMITIN ANG KASANAYAN SA PAGSULAT
NG SANAYSAY
• Mahalagang taglayin ng magy-akda ang sapat na kasanayan
sa paggamit ng wika. Sikaping ang susulating sanaysay ay
malinaw, organisasdo , lohikal at malaman.

• Maaari ring gumamit ng mga tayutay, idyoma o


matatalinhagang salita upang mas maging masining ang
pagkakasulat nito.

6
GAMITIN ANG KASANAYAN SA PAGSULAT
NG SANAYSAY
• Sa pangkalahatan, maging obhetibo sa paglalatag ng
mga impormasyon. Sikaping mailahad ang
katotohanan sa pamamagitan ng paglalahad ng
posetibo at negatibon karanasan at maging ang
kondisyon ng lugar na pinuntahan.

• Sikaping hindi nakatuon sa sarili ang mga larawan,


kung hindi sa mahahalagang larawang kailangan upang
6 mapagtibay ang sanaysay.
GAMITIN ANG KASANAYAN SA PAGSULAT
NG SANAYSAY
• Sa pagsulat, laging baunin sa isipan ang depenisyong
ibinigay ni Nonon Carandang na ang lakbay-sanaysay
ay laging kinapapalooban ng tatlong mahalagang
konsepto:
SANAYSAY
SANAY LAKBAY,

6
Narito ang halimbawa
ng isang mahusay na lakbay-
sanaysay na ginawa nina
Gng. Teresita.
Buensuceso at G. Ariel
Marasigan.
Ito ay nakabase sa balangkas na makikita sa loob
ng kahon.
• Uri ng kaisipan ng sumulat.
• Panauhang ginamit sa pagsulat.
• Pokus ng lakbay-sanaysay.
• Mga realisasyon o mga natutuhan sa ginawang paglalakbay.
• Teknikal na pagkakasulat ng sanaysay (kaisahan, kalinawan,
kawastuhan, kaangkupan).
Maraming salamat sa
pagsama sa aking
paglalakbay!!!

You might also like